"Mag-iingat ka roon, Eros." sabi ko habang tinutulungan siyang mag-impake ng damit.Kanina niya lang sinabi sa aking pupunta siyang Manila dahil may aasikasuhin daw siya. Bukas pa ang alis niya pero tinutulungan ko na siyang mag-impake ngayon para hindi na hassle bukas. Sasama si Luke at Yuro sa kaniya. Maiiwan naman kasama ko sina Andrei at Keo. "Ayaw mo talagang sumama?" paniniguro nito. Umiling ako. Kapag sumama ako sa kaniya, hindi imposibleng hindi ko makikita si Brian doon. Ayoko makita pagmumukha niya! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko't mapatulan 'yon. Confident naman akong hindi na ako guguluhin nila mommy pero ewan ko kay Brian. "Hindi na, Eros. Dito na lang ako." tipid siyang tumango. "I'll wait for you."Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "I'll be back once my business there is done. I love you."Napakagat ako sa labi ko. Hindi na talaga siya nahihiyang sabihin ang nararamdaman niya sa akin harap-harapan. Nataranta ako sa isiping iyon. Ano ba dapat ang sasabih
Maayos ang naging buhay ko sa loob ng isang linggo. Magluluto ng agahan para kanila Andrei, tapos papasok na sa trabaho sa bayan. Nakauwi na rin ang may-ari ng flower shop kaya minsan ay binibisita niya ang shop para i-check. "Maayos ba ang sales iha?""Yes po! Ubos na rin po pala iyong red roses at pink tulips," saad ko habang pinupunasan ang mesa. "Bentang-benta talaga ang mga bulaklak na iyon, ate."Sumenyas siyang lalabas muna para sagutin ang tawag kaya tumango ako. Pinagpatuloy ko ang ginagawa. Napatigil lamang nang may pumasok na customer. Agad akong ngumiti sa binata na nakatitig sa akin. "Magandang umaga, sir."Tumango ito saka tumingin sa mga bulaklak. "Wala na bang pulang rosas, miss?"Nilapitan ko siya at tinuro ang mga rosas na puti. "Iyan na lang po ang kulay na narito, sir. Naubos kahapon lang ang pula."Tumango ito at kumuha ng dalawa. Tinulungan ko siyang ibalot ang mga iyon. "Here." kinuha ko ang inabot niyang pera at inilagay iyon sa lalagyan. "Sukl—""Keep the
Hindi ko alam na may magbabago pala. Hindi ko alam na kahit pala ang mga taong tinuring mo ng pahinga, mag-iiba. Hindi ko alam kung bakit siya nagbago. Kung bakit nagbago ang pakikitungo niya sa akin. He said that Xaira is just a friend. Hindi ko siya dapat pagselosan dahil magkaibigan lang sila. He said they're friends yet they don't act like one. They acted like they were lovers. Idiots! "Eros." I called him. Nakaakbay ito kay Xaira habang nakaupo sila sa sofa. Nilingon ako nito ng nakakunot ang noo. I know that my eyes were swollen but I don't care. "Pwede ba tayong mag-usap?""Yeah. What is it?" tanong nito habang nakataas ang kilay. Parang kinurot ang puso ko sa malamig niyang tugon. "Say it."Napatingin ako kay Xaira na nakatitig sa akin. "Sa labas sana,"Napipilitan itong tumayo. Nginitian niya muna si Xaira bago magpaumunang maglakad sa labas. Napatingin ako kay Keo at Andrei na nakakunot ang noong pinapanood kami. "Ano 'yon?" walang ganang tanong nito nang makarating kami
I woke up, feeling weak. Kahit medyo nahihilo ay bumaba ako. Kailangan ko pang magluto ng breakfast. I should do my work instead of resting. Medyo ayos na rin naman ako, it's just that, I'm a little bit dizzy.Pagbaba ko, wala pang tao sa sala. Siguro ay natutulog pa. Hindi ko alam kung umuwi ba si Xaira sa kanila. Baka dito na rin iyon natulog... sa tabi ni Eros.Kinagat ko ang labi at winaksi ang naiisip. Hindi dapat ako mag-isip ng kung ano-ano, baka mas lalo akong mahilo at sumakit pa ang ulo ko. Kailangan ko pa namang pumasok ngayon sa flower shop dahil walang katulong si ate Wena.Nagsaing ako ng kanin bago naupo sa silya. Hinilot-hilot ko ang sintido ko. Ano ba 'to? Bakit mas lalo akong nahihilo?"Ayos ka lang?" narinig ko ang boses ni Keo. Nag-angat ako ng tingin at tipid na ngumiti. "Okay lang ako." Naglakad ito patungo sa ref at uminom ng tubig. Nakatingin lang ako sa kaniya nang lumapit ito sa akin. Nanlaki ang mata ko nang hipuin nito ang aking noo."Mabuti naman at buma
The first thing I did when we arrived at Eros' house was to pack my things. Since, wala naman akong masyadong damit, magaan lang ang itim na backpack ko. Nagpaalam na ako kay ate Wena kahapon. She hugged me and even gave my salary. I'm relieved she understands me. Kinuha ko ang wedding gown ko na sira-sira na. I stared at it for a moment. When I get back, I know the wedding will continue. Hindi ko alam kung handa ba ako o ano. Wala na akong pakealam kung anong mangyari pagkarating ko roon. As in, wala na akong maramdamang kahit ano. Ni hindi ko man lang naisip ang magiging reaksyon ng mga magulang ko. I felt numb. Maayos kong tinupi ang wedding gown ko at pinasok sa bag kasama iyong boots na suot ko no'n. Pagkatapos, humiga ako sa kama. Bukas na bukas din, aalis na ako. "Good morning, Aza." Andrei greeted me with his usual smile. He's preparing food. "Maupo ka. Kaunti na lang, matatapos na 'to."Sinunod ko ang utos niya. "Bakit ikaw ang nagluluto?""Tulog pa si Keo e. Gutom na 'k
I kept on looking at Brian with my annoyed face. We have a dinner at our house together with our parents. I can't even hit him in the face because my father is here. Nakakainis lang ang mga ngisi niya! He keeps on teasing me with those smirks! So annoying! Masama ang pinukol kong tingin sa kaniya na nasa harapan ko ngayon. "Stop messing with me," I mouthed. Ang ngisi niya ay napalitan ng isang matamis na ngiti. Doon ako tuluyang napatigil. Wait! May kamukha siya! Kumunot ang noo ko at bahagyang natigilan para mag-isip. Saan ko nga ba nakita ang mga ngiting iyon? It looks familiar. Mas lalo siyang napangiti kaya nawala ang mata niya. Even his eyes were familiar. Singkit! At may biloy rin siya sa pisnge! Wait. Nakikita ko ba si Eros sa kaniya? Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling-iling. No! It can't be! Magkaiba sila! Mahal ko 'yong isa, tapos siya hindi! Luh? Saan ko nakuha 'yong ganu'n? "How are you, dear?" nabaling sa mama ni Brian ang paningin ko. She's smiling at me sw
.*Eros' Point of View*. "Broken si pare." tinawanan ako ni Yuro. "Paano, iniwan ba naman ni Xaira sa ere." I rolled my eyes on them. "Desisyon namin 'yon. Tumigil kang epal ka," They laughed. Tinulungan pa akong ubusin ang nilalaklak kong tequila. Ang ending, napagalitan kaming lima ni mommy. What do we expect? Inubos ba naman namin ang alak sa island counter ng bahay. "Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~" siniko ko si Andrei. Bigla-bigla ba namang kumanta nang makasalubong namin si Xaira. "Hi, Xai, pwede ba raw comeback sabi ni Eros." Xaira laughed. "Sawa na 'ko sa kaniya, Drei. Hard pass." I raised my left brow. "Excuse me?" Nakakunot na ang noo ko rito pero si Andrei nagawa pang humalakhak. Sinapak ko tuloy nang makaalis ang babae. "Andrei! Eros! Hali na kayo! Hinahanap na kayo ni coach." Luke yelled. Practice na naman. Intramurals is coming
"Dad, how many times do I have to tell you that I would never marry that guy named Brian and will never be!?" my voice raised. Hindi pa ako nag-taas ng boses sa mga magulang ko pero ngayon, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Paano ba naman kasi, i-arrange marriage ba daw ako sa Brian na 'yon dahil may utang na loob sila sa pamilyang iyon? How dare them for forcing me to marry Brian for the sake of their 'utang na loob?' Just wow! Sinali pa talaga ako! "Lower your voice, Azara! Don't make me mad!" my father's voice roared making me roll my eyes. "How dare you for doing this! How dare you for deciding whom I'll marry! And lastly, how dare you for controlling my whole life!" I shouted at the top of my lungs. I clenched my fists while looking at my parents. "Alam niyo ba kung ano ang pakiramdam ng kino-control ng sariling mga magulang? Alam niyo ba kung ano ang pakiramdam ng hindi maka-gawa ng sariling desisyon? Para akong ibon na nakakulong sa isang hawla! Gustong-gusto kong makala