Share

Chapter 5

Tinanghali na ako ng gising. Kaya nang makababa ako ay hindi na nagtaka nang makitang may pagkain ng nakahain sa mesa pero walang Eros.

Hindi ko alam kung nasaan ang masungit na 'yun basta ang alam ko lang ay nilantakan ko na ang pagkain. Habang kumakain ay may narinig akong mga yabag palapit.

Nakita ko si Eros na madungis. Para siyang bata na katatapos lang mag-laro. Psh.

"Dugyot mo!" agad na komento ko ngunit inirapan niya ako bago dumeretso sa may lababo para maghugas ng kamay. "Sa'n ka ba galing?"

"Outside."

"Ginawa mo do'n at ang dungis mo?" tinapos niya muna ang paghuhugas ng kamay bago ako harapin.

"Nagbungkal ng lupa," sagot niya at naglakad palabas ng kusina. "Maliligo na muna ako." paalam niya na ikinakunot ng aking noo.

Kailan pa siya natutong magpaalam? Bago 'yun ah! Nag-improve na ang masungit na 'yon. Buti naman!

Matapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinggan. Binuksan ko pa ang bintana para pumasok ang preskong hangin galing sa labas. Napatigil ako nang makitang may parang pool sa baba pero gawa siya sa bato. Ang linis din ng tubig na kitang-kita ang ilalim nito. Hindi siya kalakihan pero sakto na 'yon sa iilang tao.

Gague! Ang ganda pala dito sa teritoryo ni Eros e! Hindi ako nagkamali nang nilapitan para ampunin ako.

Dali-dali kong tinapos ang paghuhugas bago excited na nagtatakbo palabas ng kusina. Sakto ring nasa tapat na 'ko ng pinto ng banyo ay lumabas si Eros na bagong ligo. Buti na nga lang at naka-bihis na siya kun'di baka makita ko na naman ang flat tummy niya with abs.

Mahina kong kinurot ang sarili ko. Pinag-iisip mo na naman, Azara? Parang tanga!

"Where are you going?" kunot noong tanong nito kaya nginitian ko siya.

"Maliligo!" excited na sabi ko.

"Sakto tapos na 'ko, you can—"

"Hindi naman ako diyan maliligo e! Doon sa parang pool na gawa sa bato!" pumalakpak ako. "Pwede ba do'n, Eros?"

"Hindi." automatic na nawala ang ngiti ko sa narinig.

"Gano'n." napakamot ako sa batok at astang maglalakad na papuntang hagdan nang pigilan ako nito.

"Kidding. Pwede kang maligo do'n. Just be careful, matatalas ang bato," dahil sa sinabi niya ay masaya akong napatakbo palabas.

Halos madapa na'ko kakatakbo pababa ng hagdan pero I don't give a damn! Excited na kaya ako! Mukha kasing maganda sa pool nila.

Mabilis pa kay flash akong tumakbo papunta sa likod ng bahay niya at doon nakita ang malinis na tubig. May batong hagdan pa sa gilid nito. Lumapit ako at umupo doon. Pinalubog ko ang paa ko sa tubig.

"Ang ganda!" I said, amazed.

Kung ako ang magdedesisyon, dito na 'ko titira habang buhay pero hindi natin maiiwasan ang mga mangyayari. Baka isang araw mahanap ako ng mga magulang ko at sapilitang i-balik sa Manila para magpakasal kay Brian. Ayaw ko man na mangyari ang naiisip ko, but I can't do anything if destiny will find a way for me to ends up with Brian.

"Ah!" napatili ako nang may tumulak sa akin dahilan para mahulog ako sa tubig. Nang makaahon ako ay sinamaan ko ng tingin si Eros na nakangisi sa akin. "Gago ka ba?"

"Nagdadrama ka pa kasi kaya tinulak na kita, baka umiyak ka pa e!"

Inismiran ko siya bago inabot ang kamay. "Tulungan mo 'ko!"

The moment he hold my hand, I pulled him unexpectedly dahilan para mahulog siya sa tubig kasama ko.

Masama ang tingin nito sa akin nang makaahon galing ilalim kaya tumawa ako.

"Peace!"

"Humanda ka!" napalangoy ako palayo nang magsimula niya akong habulin.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay nahila na niya ang kamay ko at sabay kaming lumubog. Napahawak ako sa balikat niya dahil doon. Hindi ako handa, potakte!

"Gago! Muntik na 'ko mamatay!" naghihisterekal na saad ko nang makaahon. Ganu'n pa din ang posisyon namin. Nakahawak ang dalawang kamay ko sa balikat niya habang nakagapos naman sa bewang ko ang kaniya.

Imbes na sumagot ay tinawanan niya lamang ako. "Peace."

"What a scene." sabay kami ni Eros na napalingon sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko nang makitang may mga pamilyar na lalaki akong nakitang nakatayo sa gilid.

'Yong isa ay may hawak na cellphone habang nakatutok sa amin. P*****a! Nagvi-video ata 'to e!

"Hey, love birds! Kaway naman kayo sa vlog!" humagikhik 'yong lalaking may hawak na cellphone.

"Sana lahat may ka-ganyan!"

"Mygoodness, naiinggit ako!"

Mga komento ng mga lalaki.

Doon ko napagtanto ang posisyon namin kaya agad akong bumitaw at lumayo kay Eros. Gague! Nakakahiya!

"What are you doing here?" parang wala lang na tanong ni Eros bago umahon na sa tubig. Lumapit siya doon sa apat na lalaki bago nag-cross arms. "Andrei, stop filming." ma-awtridad na utos nito kaya binaba  no'ng nagngangalang Andrie ang cellphone at tinago sa bulsa niya.

"Babakasyon kami hihi." Eros' eyebrows raised.

"You didn't tell me about this." seryoso nitong turan bago bumaling sa akin. Nilahad niya ang kamay sa akin kaya nangunot ang noo ko. "Come on, Aza. Let's get inside." wala akong nagawa kun'di hawakan ang kamay niya para makaahon.

Nang makapasok sa loob ay dumeretso ako sa banyo para maligo. Doon ko lang na-realize no'ng natapos na 'ko  na wala pala akong dalang damit. May towel naman dito pero awkward naman no'n kung ito lang ang takip sa katawan ko kung lalabas ako. Nasa sala pa naman ang mga kaibigan ni Eros.

Nagulat ako nang may biglang kumatok. Nag-tapis muna ako ng tuwalya bago buksan ng kaunti ang pinto. Nilabas ko ang ulo ko at nakita si Eros na bihis na.

"Bakit?"

"Your clothes." inabot niya sa akin ang nakatuping damit kaya kinuha ko iyon.

"Salamat." awkward akong ngumiti sa kaniya.

"You're welcome." sabay talikod nito.

Sinara ko ang pinto at dali-daling nagbihis. Ibang Eros ata nakakaharap ko sa araw na 'to e! Ang bait-bait tapos gentleman samantalang masungit at walang pakealam naman sa akin ang Eros na nakilala ko.

'No 'yon magic?

Lumabas ako nang matapos na. I was about to stepped at the stairway when Eros suddenly called me.

"Come here. Let me introduce you to my friends." umiling ako para sana tumutol ngunit tinaasan niya ako ng kilay. Nakanguso tuloy akong lumapit. "This is Aza." pagpapakilala niya sa akin. The four boys nodded while grinning. Eh?

"Hi, Aza. I'm Keo." the guy introduced himself. I just smiled.

"Aza my friend, I'm Luke."

"Wala akong maipapa-utang." tumawa sila sa naging sagot ko habang si Luke ay napanguso.

"Yuro." pakilala no'ng isa.

"Ms. Aza, hello. I'm Andrei. By the way, ganda mo!" namamanghang wika nito kaya kinindatan ko siya.

"Pabida," rinig kong bulong ni Eros kaya siniko ko siya ng mahina.

"You look familiar, I just don't know where and when did I meet y'all." I said, confused.

Ngumiti lang sila sa akin bago nagpatuloy kumain ng fries. Napalingon ako kay Eros nang may i-abot siya sa akin.

"Fries?"

"Thanks." hinablot ko  iyon sa kamay niya bago nilantakan. "Sarap."

"As always, matakaw." inikutan ko lang siya ng mata bilang sagot.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status