Share

002

Penulis: Totoy
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-04 04:19:53

HALOS hindi na makita ni Naomi ang paligid niya dahil sa walang tigil ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. Sa halos isang taong pagsasama nila ni Owen, palagi nilang kasama si Ivy dahil tinuring na niyang kapatid ang babae. Akala niya'y totoo ito sa kaniya, yon pala'y inaahas na nito ang asawa niya. Kailan pa? Matagal na ba siyang niloloku ng mga ito?

Pinahid niya ang kaniyang luha. Nanghihina ang mga tuhod niya habang palabas siya ng kompanya ng kaniyang asawa. 

"Let's get divorce!" 

Paulit-ulit na naririnig niya iyon sa kaniyang isip habang mas nadudurog siya sa lahat ng nalaman niya.

Napakapit siya sa handrail ng hagdan palabas ng kompanya ng makaramdam siya ng pagkahilo. Dahil ba sa labis niyang pag-iyak o dahil sa matinding sama ng loob? Dahan-dahan siyang humakbang habang humihikbi. Wala na siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya kahit para siyang pinagtakluban ng tadhana sa histura niya. Gulo-gulo ang buhok at tila wala sa sarili habang umiiyak.

"Miss tabi!" 

Bago pa man siya makaiwas, nabangga na siya ng lalaking nagmamadali. Wala siyang pakialam, dire-diretso lang siya ng lakad at hindi namalayang nasa kalsada na siya.

"Hoy! Magpapakamatay ka ba?" sigaw ng lalaking sakay ng kotse. Nasa gitna na siya kalsada pero ang isip niya, ukupado ng pagtataksil ni Owen.

"Baliw ba 'yon?"

"Tabi!"

"Kung magpapakamatay ka, huwag ka nang mangdamay!"

Nakakabinging mga bosena at sigaw pero parang wala siyang naririnig.

Tuluyan na siyang nawala sa sarili. Hindi niya mapagana ang isip niya dahil sa matinding epekto ng pagtataksil ni Owen at ng kabigan nila sa kaniya. 

Dumidilim na rin ang pakiramdam niya. Nahihilo at sumasakit ang kaniyang ulo. Nawawalan na rin siya ng lakas para humakbang. Kailangan niya ng makakpitan pero wala siyang mahawakan.

"Miss!" Malakas na bosena ang huling narinig niya bago siya tuluyang bumagsak sa gitna ng kalsada. Halo-halong emosyon. Sakit at pagtataksil. 

"Miss are you ok? Miss!" boses ng lalaking nilapitan agad siya. Nagkagulo na ang lahat.

NAPANGIWI si Naomi nang imulat niya ang kaniyang mga mata dahil sa naramdaman niyang pagkirot ng kaniyang ulo at bahagyang pagkahilo. Kumurap-kurap siya hanggang sa makita niya kung nasaan siya.

"Naomi, you're awake." Agad siyang dinaluhan ni Luna Galvez, ang kaibigan niya simula pa noong nag-aaral siya. "K-kumusta ang pakiramdam mo?"

"A-anong nangyari? Bakit nandito ako?" nagtatakang tanong niya. Napaisip siya at biglang natulala nang maalala ang nangyari bago siya mawalan ng malay.

"Naomi! Naomi, ok ka lang ba?"

Hindi na naman niya napigilan ang sariling umiyak. Bumalik ang imaheng nakita niya sa opisina ni Owen. Para siyang sinasaksak paulit-ulit. Napahagulhol na lang siya sa sobrang sakit.

"Naomi! B-bakit ka umiiyak? Ano bang nangyari?" Habang inaalo siya ng kaibigan na nag-aalala sa kaniya. "May nangyari ba kay Nonoy? Nag-away ba kayo ni Owen? Bakit?" Si Nonoy ay ang nakababata niyang kapatid na mayroon karamdaman sa puso at hindi normal ang paglaki nito.

Hindi siya umimik. Sinubsob niya ang sarili sa kaibigan niya habang humahagulhol dahil iyon ang kailangan niya.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal humagulhol hanggang sa maubos ang luha sa kaniyang mga mata pero ang sakit at sugat, nandoon pa rin.

Hinarap siya ni Luna. "Now, tell me what happened, Naomi."

"L-Luna..." Magsasalita pa lang siya pero hindi niya magawa dahil pakiramdam niya'y bubuhos na naman ang luha sa kaniyang mga mata. "S-si Owen..."

"Si Owen? Bakit?"

Magsasalita pa sana ulit siya nang biglang dumating ang doctor at isang nurse sa silid.

"Gising na po pala kayo, Misis kumusta po ang pakiramdam ninyo?" bungad ng doctor.

"M-medyo ok na po, doc," sagot niya.

"Wala ka bang ibang nararamdaman bukod sa pagkahilo? Sakit ng ulo at pagsusuka?"

Umiling siya. "Ok na po ako, doc." Pilit pa siyang ngumiti.

Ngumiti ang doctor na parang masaya pa ito para sa kaniya. Praning ba 'to? Durog na durog na nga siya.

"May I know, Misis, where's your husband?"

Napatingin siya kay Luna.

"Oo nga, nasaan ba si Owen? Kailangan mo siya pero bakit wala pa siya? Sabi pa ng doctor, tinawagan daw nila ang numero niya pero hindi raw ito makakapunta dahil busy sa trabaho kaya ako ang tinawagan ng hospital," nagtatakang ani Luna.

Hinawakan niya ang kaibigan sa braso na nagsisimula nang magtaka at magduda.

"Busy po kasi sa trabaho ang asawa ko kaya hindi po makakapunta rito," pagsisinungalin niya. Muntik pang mabasag ang boses niya.

"Ah ganoon ba? Hindi ba 'yong lalaking nagdala sa iyo ang asawa mo?" nagtatakang tanong ng doctor.

"Lalaking nagdala sa akin? May lalaking nagdala sa akin dito?" gulat na tanong niya. Maging si Luna ay gulat din.

"Sino po ang lalaking iyon?" ani Luna

"I don't know pero hindi niya binigay ang pangalan o number niya. Siya rin ang nagbigay ng mga gamit mo sa nurse. Umalis din agad siya at sinabing siya na ang magbabayad ng bills mo."

Mas nagulat silang dalawa. Si Owen ba iyon? Imposible dahil alam niyang wala nang pakialam sa kaniya ang lalaki.

"Well, since wala ang husband mo, sasabihin ko na ang good news."

Kumunot ang noo niya at nagkatinginan sila ni Luna. Good news? May good news pa ba para sa kaniya 'pagkatapos siyang pagtaksilan ng asawa niya?

"Good news? Anong good news, doc?" tanong ni Luna.

Masayang ngumiti ang doctor. "I'm Happy to announce that you're three weeks pregnant, Misis. Kaya ka nahilo at nawalan ng malay dahil iyon sa iyong pagdadalang tao. Kaya for now, you need to take care of yourself dahil malaking epekto sa pagbubuntis mo ang mental and physical health mo."

Hindi niya alam ang mararamdaman sa narinig. Matutuwa ba siya o mas lalong malulungkot.

"Let's get divorce!"

May magbabago pa ba?

DAHAN-DAHANG bumaba ng taxi si Naomi sa tapat ng bahay nila ni Owen. Nang payagan siyang ma-discharge ng doctor, agad siyang umuwi mag-isa. Sa tatlong araw niya sa hospital, hindi man lang siya nagawang puntahan ni Owen doon. Hindi rin nito sinasagot ang tawag niya. Ganoon na ba siya kawalang halaga sa asawa niya?

"M-Ma'am!" gulat na sabi ng katulong nila. "Bakit ngayon lang po kayo umuwi? Iyak nang iyak po si Nonoy dahil hinahanap kayo."

"Yaya, nandiyan ba si Owen?"

"Si Sir po? Kakauwi lang po kagabi, kasama po si Ma'am Ivy." 

Hindi na siya nagulat pero panibagong sakit ang dulot niyon sa kaniya.

"Sige, 'Ya. Si Nonoy kumusta?" Umakto siyang normal ang lahat.

"Kakatulog lang po. Iyak pa rin iyak at hinahanap kayo. Ipaghahain ko po—"

"Hindi na, 'Ya magpapahinga na muna ako." Dumeretso siya sa silid nila ni Owen. Nabalot agad siya ng kaba at takot sa pwede niyang makita. Pumikit siya ng mariin bago pinihit ang pinto.

Pagpasok niya, agad tumambad sa kaniya si Owen at Ivy na parehong walang saplot. Tanging kumot lang ang nakabalot sa kanilang mga katawan. Nakayakap pa si Ivy sa asawa niya. 

Para siyang naestatwa. Pumikit siya ng mariin. Nanginginig na naman ang katawan niya sa galit. Ganoon na ba kakapal ang mukha nila? Ginawa pa ng mga ito ang kababuyan nila sa sarili nilang kamang mag-asawa.

Bumuntong-hininga siya. Paulit-ulit na pinipiga ni Owen ang puso niya. Bakit? Anong maling nagawa niya.

Lumabas muli siya ng silid at pumunta ng kusina. Kumuha siya ng malamig na tubig sa refrigerator at nilagay iyon sa maliit na palanggana, saka bumalik sa kanilang silid.

Walang pasabing sinabuyan niya ng malamig na tubig ang dalawang taksil na nakahiga sa kama niya.

Kapwa sila nagulat at napabangon sa kama sa ginawa niya at mas nagulat pa sila nang makita siyang walang emosyong nakatingin lang sa kanila. Napasigaw pa si Ivy.

"Naomi!"

"How dare you, Naomi!" ani Ivy.

"Masarap ba? Masarap bang magtaksil sa sarili pa nating silid at kama?" malumanay pero puno ng galit na sabi niya.

"Naomi, can you please stop your damn drama? Hindi ba't nilinaw ko na sa iyo. I just used you. Ginamit lang kita and now that I don't need you, let's divorce."

Ngumisi siya. Hindi man lang ba magpapakita ng konsensiya si Owen? O kahit konting awa sa kaniya?

"Wala ka ba talagang pagsisisi sa ginagawa mo sa akin? Kahit anong sabibin mo, asawa mo pa rin ako at pinagtaksilan niyo akong dalawa. Saan ninyo kinukuha ang kapal ng mukha ninyo?" Suminghap siya. "No! Hindi ako makikipag-divorce sa iyo. Hindi ko ibibigay ang kalayaang gusto ninyong dalawa."

"Hindi ka makikipag-divorce? Sige, panoorin mo na lang kung paano kita pagtataksilan araw-araw."

"Hindi ka naawa sa sarili mo, Naomi? Pinagtaksilan ka na ni Owen and yet you're still holding on to your marriage with him? Nakakaawa ka!"

"Bakit ako maaawa sa sarili ko? Ikaw ang dapat maawa sa sarili mo dahil hanggat hindi kami legally divorce ni Owen, isa ka pa ring kabit. Kereda."

"How dare you!"

"Bakit masakit ba ang katotohanan? Mananatili kang kabit, Ivy!"

Nilapitan siya ni Ivy at agad hinawakan ang kaniyang buhok. Napangiwi siya sa sakit. Hinawakan niya ang braso nito.

"Kabit? Ok, fine I'm the mistress pero sinong mahal? Ako, Naomi! Ikaw? Ginamit ka lang. Inubos ka lang at ngayon na wala ka na, para ka na lang basura na itatapon ni Owen." 

"Ivy, nasasaktan ako!" daing niya.

Tinulak siya ni Ivy kaya napaupo siya sa sahig. Saka niya naalala ang pagbubuntis niya. Nasapo niya ang kaniyang tiyan at nabahala.

Tiningnan niya si Owen. "Owen, papanoorin mo lang bang sinasaktan kami ng kabit mo?"

Kumunot ang noo ni Owen. "Kayo? W-what do you mean kayo?"

"I-I'm pregnant, Owen. Buntis ako kaya ako na-hospital," pag-amin niya.

"B-buntis? Buntis ka?" Biglang umamo ang mukha ni Owen. Nagbago bigla ang expression ng mukha nito.

Lalapit na sana ito sa kaniya pero pinigilan ito ni Ivy. "Talaga bang naniniwala ka diyan? Niloloku ka lang niyan para maawa ka sa kaniya at balikan mo siya." 

Tila nalito agad si Owen sa kung sinong paniwalaan nito. Napangisi siya sa sobrang pagkadismaya. Hindi pa rin pala siya nito pipiliin kahit na sinabi niyang buntis siya.

"Ma'am! Sir! Si Nonoy!"

Agad siyang nabahala nang marinig ang sigaw ng katulong. Kahit nahihirapan, tumayo siya at mabilis na lumabas ng silid.

"N-Nonoy! Anong nangyari kay Nonoy?!"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
ang kapal tlga ng mga kerida kakagigil pag sa akin un tatagain ko tlga un hahaha
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • After Divorce: I Married A Stranger    193

    "NGAYON NA pinirmahan na ni Owen ang almost billion deal na ipinain natin sa kaniya, madali na nating mapapabagsak ang kompanya nila at sisiguraduhin nating hindi na sila muling makakaahon pa," masayang sabi ni Martin kay Noami habang naglalakad sila sa ground floor ng Phantom building."Hindi na ako makapaghintay na makita ang pagbagsak ni Owen, Martin. Hindi tayo titigil hangga't hindi sila tuluyang bumabagsak sa lupa," aniya."Kapag nabaon sa utang ang kompanya ni Owen, wala na silang choice kung 'di ibenta ang natitirang assets nila at bitawana ang kompanya," anito pa.Mayamaya'y napatigil sila sa gitna nang ground floor nang makita niya si Ivy na parang leon na handang manlapa ng tao. Mabilis itong naglalakad papunta sa direksyon niya. Napakunot ang noo niya."Naomi!" galit na banggit nito sa pangalan niya at nagulat siya nang ibato nito ang isang bagay. Kapagkuwa'y napangiti siya nang makita ang USB na pinadala niya rito. "Alam kong ikaw ang nagpadala sa akin niyan at kung sa ti

  • After Divorce: I Married A Stranger    192

    "NAKUHA ng kompanya ang isang almost billion deal na siguradong magbibigay ng malaking benefits sa kompanya, ate," masayang balita ni Owen sa kapatid nito."Talaga, Owen? That's good news for the company," nakangiti ani Levie, kita ang saya sa mukha nito. "Tuluyan na nating maiaahon ang kompanya at mas mapapalago pa ito, Owen.""Sabi ko naman sa iyo, ate Levie, eh may tiwala ako kay Owen at alam kong kaya niyang makuha ang isang ganoong kalaking deal. Look he did it," puri naman ni Ivy hahang nakakapit sa braso ni Owen. Nasa sala sila ng mansyon. "Ito na ang simula para mas lumago pa ang negosyo ng pamilya ninyo."Tiningnan ni Owen si Ivy at ngumiti ito. "No, it's not just for me kung bakit nakuha ko ang deal, dahil din iyon sa tulong mo, Ivy," balik nito.Inihilig pa ni Ivy ang katawan nito sa nobyo. "Hindi ba't sinabi ko naman sa iyo na tutulungan kita.""Thank you, hon for your help." Hinalikan ni Owen si Ivy sa pisngi at kinilig naman ito.Napangiti na lang si Levie at napailing p

  • After Divorce: I Married A Stranger    191

    "HI, OWEN!" mapang-akit na bati ni Tricia kay Owen habang palapit siya rito, suot ang kulay pula at napaka-sexy na dress na kahit sinong lalaki sa loob ng bar ay mapapatingin sa kaniya. Kumunot ang noo ni Owen nang tingnan nito si Tricia mula ulo hanggang paa pero sa huli'y napakagat labi ito dahil sa suot niya habang hawak nito ang baso na may alak. Ininom nito iyon habang may pagnanasang nakatingin sa kaniya. "Have you missed me, Owen?" malumanay niyang tanong nang tuluyan siyang makalapit dito. Umupo siya sa tabi nito habang ang mga palad niya'y hinihimas ang balikat nito pababa sa braso. "Ilang araw ka ring hindi pumunta dito kaya akala ko hindi ka na babalik," patuloy nito sa pang-aakit dito. Ngumiti ito. "I'm stressed, Tricia kaya kailangan kong libangin ang sarili ko at alam kong nandito ka para gawin iyon," sabi nito at inakbayan siya. "Are you sure, Owen? Hindi ba malalaman ng fiance mo na nandito ka kapag stress ka at hinahanap sa ibang babae ang init ng katawan?" "No, s

  • After Divorce: I Married A Stranger    190

    "PAANO MO itatago kay Grayson ang pinagbubuntis mo, Naomi? Habang tumatagal nahahalata na ang paglobo ng tiyan mo at hindi mo na maitatago pa yan sa kaniya," nag-aalalang tanong ni Luna sa kaniya habang nasa sala sila ng mansyon ng mga Phantom."Kung gusto mo, pwede muna tayong manirahan sa America habang hindi mo pa ipinanganganak ang bata," suhestiyon ni Martin."Sigurado ka bang itatago mo kay Grayson ang tungkol sa anak niya? Dahil habang nandito ka sa Pilipinas malalaman at malalaman ni Grayson ang tungkol sa batang dinadala mo," segunda naman ni Jack habang nakatingin sa kaniya. "Tama si Martin, habang hindi ka pa nanganganak pwede ka munang manatili sa America."Hindi agad siya nakasagot. Lalayo ba muna siya para ipanganak ang kaniyang anak? Paano ang paghihiganti niya sa mga Alcantara, isasantabi ba muna niya iyon? Tiningnan niya ang kaniyang tiyan na lumulubo na at sa mga susunod pang araw hindi na niya iyon maitatago pa."P-pero paano ang lahat ng plano natin para pabagsakin

  • After Divorce: I Married A Stranger    189

    LAHAT ay naghihintay at kinakabahan sa magiging hatol ng korte kay Naomi. Base sa mga arguments at ebedensiyang hawak nila, malakas ang laban nila pero hindi pa rin niya maiwasang kabahan dahil alam niya ang kakayahan at impluwensiya nila Levie, na kaya nilang baliktarin ang totoo at iyon ang kinatatakot niya. Naramdaman niyang hinawakan ni Martin ang kamay niya at marahan iyong pinisil habang nakatayo silang lahat at naghihintay sa magiging hatol sa kaniya. Tiningnan niya ito. Ngumiti ito at tumango. "Mananalo ang katotohanan, Naomi," mahinang sabi nito sa kaniya. Hindi siya umimik dahil pakiramdam niya'y bumibilis ang tibok ng puso niya. Tiningnan din niya si Jack at Luna na kapwa tango lang din ang binalik sa kaniya na parang sinasabi nilang mananalo sila. Kapagkuwa'y binalingan niya si Grayson, na saktong nakatingin sa kaniya. Seryoso lang ang mukha nito at hindi niya mabasa kung anong iniisip nito. Ramdam naman niya ang matatalim na tingin nila Levie sa kaniya at parang confide

  • After Divorce: I Married A Stranger    188

    GANOON NA lang ang gulat ni Naomi at ni Martin nang tawagin ng attorney ng mga Alcantara ang bagong witness nila laban sa kaniya. Natigilan siya ng pumasok ang tinawag nitong babae. Nagkatinginan silang dalawa ni Martin at kapwa hindi makapaniwala. "W-what?" gulat na reaction ni Luna. "I-I can't believe this," naguguluhang aniya. "Anong ginagawa ni Crystal dito? Why does she become the witness of this case?" hindi makapaniwalang sabi naman ni Martin. "Kilala mo ba ang nasasakdal?" Alangang tumingin si Crystal sa mga tao pero dahan-dahan din itong tumango. "Now, Miss Crystal, sabihin ninyo sa harap ng korte ang nalalaman ninyo tungkol kay Mrs. Naomi Alcantara," tanong ng lawyer nila Grayson. Naalala niya ang huling pag-uusap nila ni Crystal at inamin nito ang lahat ng alam nitong kasamaan na ginawa ni Ivy kaya bakit ngayon ay nasa harap nila ito para maging witness laban sa kaniya? Saglit siyang tiningnan ni Crystal pero agad din itong umiwas. Bahagya itong yumuko at kita niya an

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status