"ARE YOU into him already?"Napatingin si Naomi sa naging tanong ni Luna habang naglalakad sila sa dalampasigan at pinagmamasdan ang palubog na araw na nagre-reflect sa malinaw na tubig ng dagat.Hindi siya nakasagot kaya napangiti si Luna. "Silent means yes, so in love ka na nga kay Grayson? Well, hindi naman kita masisisi dahil halos lahat ng babaeng nakakakilala o kahit nga makita lang si Grayson ay magugustuhan ito. He's a good person at hindi natin maikakaila iyon, hindi lang sa iyo, pati kay Nonoy. Hindi ba't iyon naman ang isa sa katangiang hinahanap mo, ang kayang tanggapin at mahalin si Nonoy and Grayson really care and love your brother."Bumuntong-hininga siya. "I've tried to not feel anything for him dahil alam kong ang namamagitan lang sa amin ay isang kontrata at wala ng iba. Binayaran niya ako para iligtas siya sa isang force marriage at iyon lang ang papel ko sa buhay niya pero habang tumatagal na nakakasama ko si Grayson, mas nakilala ko ang pagkatao niya, ang mabutin
"NONOY, I'm sorry, huh hindi ka nabantayan ng ate," ani Naomi habang hinihimas ang buhok nito. Inayos niya ang buhok na humarang sa kaniyang mukha dahil sa ihip ng hangin. Nakaupo sila sa upuang duyan sa isa sa mga villa house sa resort kung saan nakatapat iyon sa magandang dagat. "O-ok na si Nonoy, magaling na siya," sabi nito habang hinihimas ang laruang robot na binili pa ni Grayson para rito. Ngumiti ito. "Mahal na mahal ka ng ate kaya huwag mong iisiping pinababayaan kita, huh? P-pero nagi-guilty pa rin ako dahil napabayaan kita at muntik ka ng mawala sa akin. I'm sorry, Nonoy. I'm scared, takot na takot akong mawala ka at pinangako ko sa sarili ko, kay Mama na hinding-hindi kita pababayaan at kahit anong mangyari, hinding-hindi tayo maghihiwalay." Tumulo ang luha sa mga mata niya dahil sa halo-halong emosyon. Iniisip pa lang niya na hindi niya kasama si Nonoy, nahihirapan na siya. Nang mawala ang kanilang ina, hinabilin nito sa kaniya ang kapatid at pinangako niyang hinding-hi
KINAUMAGAHAN, nagising si Naomi na wala na sa tabi niya si Grayson. Hindi rin niya alam kung anong oras na pero base sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang balat mula sa nakabukas na bintana, tanghali na. Uminat siya at humikab. Kapagkuwa'y napangiti siya at ramdam pa rin niya ang ligaya at sayang pinagsaluhan nila ni Grayson nang nagdaang gabi. Totoo ngang kaya nito ang magdamag na pagniniig at siya na nga lang ang sumuko. Masaya siya at ayaw na niyang matapos ang nararamdaman niya.Nakasuot siya ng short at white na long sleeve. Baka nasa labas na si Grayson kaya bumaba na rin siya ng kama at lumabas ng silid pagkatapos niyang maghilamos ng mukha.Pupunta na sana siya sa lobby ng hotel para sana tingnan kung nasa main hall sila Grayson pero nakita niya si Ivy na kalalabas lang ng silid nito. Kumunot ang noo nito at kapagkuwa'y ngumisi."Ow! You're awake my dear Princess," sabi nito habang palapit sa kaniya. Humalukipkip ito. "Nakatulog ka pa ng maayos after what happened to Nonoy?
DAHAN-DAHANG INIHIGA ni Grayson si Naomi sa malambot na kama ng kanilang silid habang patuloy nilang pinagsasaluhan ang mainit at puno ng ligayang halik na iyon. Kanina lang ay nasa dalampasigan sila at namalayan na lang nila ang sariling nasa silid na at kapwa mas pinaiinit ang gabi. Wala silang ibang gusto kung 'di pagsaluhan ang init na nararamdaman nila.Sumasabay sa malamig na hangin ang init na bumabalot sa kanila at ang hampas ng alon sa dalampasigan at ng kanilang mga halik na puno ng suyo at pagnanasa."I-I love you, Grayson," aniya habang nakangiti at sapo ang pisngi nito.Ngumiti ito at imbis na sumagot ay hinalikan siya nito. Gusto niyang marinig sa lalaki ang mga salitang katulad ng sinabi niya pero mukhang hindi pa iyon kayang sabihin ni Grayson. Hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot pero binalewala na lang niya iyon dahil ayaw niyang masira ang masayang gabi nilang dalawa."I-I want you, Naomi," kapagkuwa'y sabi nito. Hindi niya alam pero pakiramdam niya'y sinabi l
PINAHID NI Naomi ang luhang lumandas sa kaniyang mga pisngi habang yakap niya ang sarili at hinahayaang hampasin ng malamig na hangin ang kaniyang balat. Hanggang ngayon, sinisisi pa rin niya ang kaniyang sarili dahil sa nangyari kay Nonoy. Takot na takot siya at hindi niya alam kung paano niya kakayanin sakali mang may nangyari sa kapatid niya. Hindi niya kayang mag-isa. Bumuntong-hininga siya at bahagyang tumingala. Kita niya ang maliwanag na buwan na nagre-reflect sa malinaw na tubig ng dagat. Kahit pa paano'y nakakatulong sa nararamdaman niya ang magandang tanawin at ang ambiance ng dalampasigan. "Naomi, why are you still here?" Lumingon siya at nakita niya si Grayson na palapit sa kaniya. Hindi lingid sa kaalaman niya na lalapitan din sana siya ni Martin pero hindi na nito nagawa nang lumapit na si Grayson sa kaniya. Hinubad nito ang suot na long sleeve at nilagay sa kaniyang likod. "It's cold here," sabi nito na dama ang concern doon. Umiwas siya ng tingin dahil alam niyan
"I-I'M SORRY, ate Naomi," paghingi ng paumanhin ni Champagne sa kaniya habang nasa silid sila. Kakatulog lang ni Nonoy. Nakaupo siya sa gilid ng kama nito habang hawak niya ang palad nito. "Hindi mo kasalanan, Champagne dahil hindi mo naman ginusto ang nangyari," aniya at pilit ngumiti. "Marahil tama si Ivy, responsibilidad ko si Nonoy dahil kapatid ko siya at ako ang may pagkukulang kaya nangyari sa kaniya iyon." Bakas ang lungkot at guilt sa kaniyang mukha. Nilapitan siya ni Grayson. "Naomi, wala kang kasalanan sa nangyari kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. Aksidente iyon at walang may gustong mangyari iyon," anito. "Tama si Grayson, hija hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan kaya huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Ang mahalaga ngayon, ligtas na si Nonoy,' segunda ni lola Marina at ngumiti para i-comfort siya. "Hindi mo kasalanan dahil alam ng Diyos kung gaano mo kamahal ang kapatid mo, Naomi," ani Luna na halata ang simpatiya sa kaniya. "Naomi, pasensiya ka na
PARANG si Naomi at Grayson lang ang nasa dagat dahil pakiramdam niya'y solo nila ang lugar. Nagtatawanan sila habang nagsasabuyan ng tubig."G-Grayson, stop," aniya na halos hindi na makamulat dahil sa maalat na tubig na tumatama sa kaniyang mukha. "I-I surrender." Huminto siya sa pagsaboy ng tubig pero nagulat siya nang lumapit ito sa kaniya, hinapit nito ang baywang niya at kapagkuwa'y binuhat siya."Got yah!" nakangiti ani Grayson at naglakad ito papunta sa mas malalim na bahagi ng dagat. Nagulat siya at agad napahawak sa batok nito."A-anong gagawin mo?" natatakot na sabi niya. "Hindi ako marunong maglangoy, Grayson," agad na sabi niya dahil baka ibaba siya nito sa malalim.Natawa ito. "Hindi ka marunong maglangoy?" Umiling siya. "Kaya huwag mong subukang dalhin ako sa malalim," banta niya. "Lagot ka sa akin kapag dinala mo ako doon.""Well, that's exciting."Nanlaki ang mga mata niya. "G-Grayson!" "Why? Are you scared?""I can't swim, Grayson.""And? I'm here, I can teach you h
"HUH? GUSTO mong isuot ko iyan?" gulat na sabi ni Naomi ng ipakita sa kaniya ni Luna ang manipis at kapirasong tela. "Sapat ba iyan para takpan ang katawan ko?" Napangiwi siya sa gustong mangyari ni Luna.Maliligo kasi sila sa dagat.Bumuntong-hininga si Luna at inirapan siya. "You need to wear this, Naomi dahil sayang naman 'yong magandang dagat kung hindi mo ipakikita 'yang maganda mong katawan. Papayag ka bang si Ivy lang ang rarampa at magpapakita ng katawan?""P-pero alam mong hindi ako nagsusuot ng kapirasong tela," aniya.Matalim siya nitong tinitigan. "Kapirasong tela? Swimsuit ito, Naomi." Binuka niya iyon at mas napangiwi siya. Two-piece swimsuit, Halter bikinis iyon kaya naman siguradong lalabas ang kaluluwa niya roon. "Ang arte, huh!""Halos makita na ang kaluluwa ko riyan, Luna. N-no hindi ko kayang suotin iyan," giit niya."At magpapatalo ka na lang kay Ivy? Look, you're beautiful, maganda ang katawan mo at may malaki kang hinaharap kaya hindi dapat iyan ikinahihiya," pa
NADATNAN NI Naomi na nakahain na ang pagkain sa dalampasigan, sa mahabang lamesa. May mga seafood, gulay, karne at kung ano-ano pang pagkain ang nakalatag sa hapag. May bonfire sa gitna ng puting buhangin na patuloy na nag-aapoy at kahit pa paano'y nagbibigay ng init sa malamig na simoy ng hangin. Nandoon na rin ang lahat at mukhang siya na nga lang ang hinihintay. "Oh! Naomi, mabuti naman at nandito ka na, ipatatawag na sana kita kay Grayson," ani lola Marina. Ngumiti ito sa kaniya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" "Opo, lola." Tiningnan niya si Grayson, lumapit ito sa kaniya. "Ok na ba ang pakiramdam mo? Kaya mo na?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya. Ngumiti at tumango siya. "Ok na ako, Grayson hindi mo na kailangang mag-alala." Kita niya sa gilid ng kaniyang mga mata ang matatalim na tingin ni Ivy habang seryoso lang ang tingin ni Owen sa kaniya na para bang may gusto itong sabihin sa kaniya. "Oh! Martin, you're here," masayang sabi ni Christopher. Napalingon siya at nakita