Salamat sa suporta ninyo sa kwentong ito. Alam kong maraming naiinis na at nagagalit pero huwag sana kayong bibitaw dahil marami pang rebelasyong magaganap. enjoy po. nakakatuwang magbasa ng mga comments ninyooo. salamat. ingat po kayo palagi.
"SIR GRAYSON, nandito na po si Joan," ani Vincent nang makapasok ito sa opisina ni Grayson kasama si Joan. Ipinasundo niya ito kay Vincent para personal itong makausap tungkol sa nangyari kay Lola Marina. Nagsisimula na ang imbestigasyon sa nangyari pero gusto niyang personal na makausap si Joan. Nakausap na rin niya si Divine at titingnan niya kung pareho sila ng sasabihin. Bahagya yumuko si Joan. "Magandang araw po, sir Grayson," bati ni Joan. "Pasensiya na po kayo kung hindi pa ako makakabalik sa mansyon dahil nagpapagaling pa ang aking ina at kailangan ko po siyang alagaan," paumanhin nito. "Naiintindihan ko, Joan at kapag makakabalik ka na, just text me para mapasundo kita," aniya. "Well, pinatawag kita dahil gusto kong malaman ang nakita mo ng araw na mahulog si lola sa hagdan. Ikaw ang isa pang tinuturo ni Ivy na nakarinig sa pagtatalo ni lola at Naomi at gusto kong marinig mula sa iyo ang nasaksihan mo. Maari mo bang ikwento sa akin?" seryoso niyang tanong. Natigilan saglit
"SALAMAT, Vincent sa pagtulong, huh?" ani Naomi nang makarating sila sa Hospital kung nasaan si lola Marina. Simula nang dalhin ito roon, ni hindi siya nakadalaw man lang dito dahil hindi siya pinahintulutan ni Grayson o kahit sino sa kanila."Basta bilisan mo lang habang wala pa si Grayson at tito Christopher," ani Vincent.Sa pamamagitan ni Luna, humingi siya ng tulong kay Vincent para makapasok sa hospital at madalaw si lola Marina dahil hindi niya kayang makakapasok roon kung walang tutulong sa kaniya.Masaya siya dahil nalaman niyang naniniwala sa kaniya si Vincent. Kahit malapit ito kay Grayson, siya pa rin ang pinaniwalaan nito.Natutuwa siya dahil mukhang naging malapit na si Vincent at Luna sa isa't isa dahil nararamdaman niyang comfortable na sila sa bawat isa."Kami ng bahala rito sa labas, kapag parating na sila, pupuntahan ka ni Vincent sa loob," segunda naman ni Luna.Ngumiti siya. "Salamat sa inyong dalawa, huh." Naiiyak siya sa kabutihang pinakikita nila sa kaniya. Mas
DAHAN-DAHAN bumaba ng Taxi si Naomi nang huminto iyon sa harap ng mansyon. Kasama niya si Luna. "Sigurado ka talaga na babalik ka pa sa bahay na ito? Kailangan mong alagaan at ingatan ang sarili mo at hindi mo iyon magagawa kung mananatili ka rito." Hinarap niya si Luna at pilit siyang ngumiti. "Hindi ko pwedeng iwan si Grayson, Luna dahil nag-aalala ako para sa kaniya. Napapalibutan siya ng taong may masamang intensyon at ambisyon at habang nandito ako, kahit pa paano mapuprotektahan ko siya." Bumuntong-hininga si Luna at napakamot sa noo. Alam nitong wala na itong magagawa para baguhin ang isip niya. "Sarili mo ang dapat mong isipin, hindi si Grayson na tinalikuran ka na. He abandoned you and yet you still care for him? Grabi ka, Naomi! Ikaw na ang may hawak ng award para sa pinaka-martyr na asawa sa earth," anito na halata ang pagkadismaya. "Kaya ko, Luna. Huwag kang mag-alala sa akin dahil kaya ko. Alam ko ang ginagawa ko at hindi ko ipapahamak ang sarili ko at ang anak namin
"A-ATE!" Mabilis na tumakbo si Nonoy palapit kay Naomi at niyakap siya, nakasuot pa ito ng uniform na malamang ay galing pa ito sa school. "N-nag-aalala po si Nonoy sa inyo," malungkot nitong sabi.Napatingin siya kay Luna na nagtataka dahil paano nakarating doon si Nonoy at paano nito nalaman na nasa hospital siya? Pero mukhang wala ring alam si Luna kaya nagkibit-balikat lang ito."S-sinong nagdala sa iyo rito?" nagtatakang tanong niya habang yakap ito.Tiningnan siya Nonoy. "S-si ate Champagne po," sagot nito.Napatingin ulit siya kay Luna na seryoso lang ang mukha. Sa loob niya'y masaya siya dahil kahit pa paano'y alam niyang may nagmamalasakit pa rin sa kaniya at kay Nonoy.Mapait siyang ngumiti at hinimas ang ulo ng kapatid. "K-kumusta ka sa mansyon? Hindi ka ba nahihirapan kapag wala ang ate? Natatakot ka ba sa kanila?" nag-aalalang tanong niya dahil alam niyang kapag hindi siya kasama ni Nonoy, maaring mapahamak ito. "I'm sorry, Nonoy kung hindi ka nababantayan ng ate. Kapag n
"SIGURADO KA na ba, Grayson sa gusto mong mangyari? Baka nakakalimutan mo kung sino si Naomi sa buhay mo, she's your wife, ang babaeng sinabi mong mahalaga sa iyo at mahal mo," ani Vincent nang malaman nitong hindi siya tumutol sa kagustuhan ni Christopher na sampahan ng kaso si Naomi. "W-wala na akong magagawa, Vincent and let us the court judge her. Isa pa, hindi dapat matakot si Naomi kung wala siyang ginagawa. Patunayan niya ang sarili niya na inosente siya sa harap ng korte. Ebedensiya ang magsasabi ng totoo." Napasinghap si Vincent. Hindi pa rin ito makapaniwala na nagmula lahat iyon sa kaniya. "Naniniwala ka ba talaga na kayang gawin ni Naomi ang binibintang ninyo sa kaniya?" seryosong tanong nito dahil hindi ito naniniwala na magagawa ni Naomi kay Lola Marina ang bagay na iyon. Seryoso niyang tiningnan si Vincent. "At anong gusto mong paniwalaan ko, Vincent? May witness na nagsasabi na siya ang gumawa niyon. Si lola Marina ang sinaktan niya, ang taong walang ibang ginawa k
HANGGANG SA makaalis si Martin, hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga sinabi nito. Hindi niya kayang iwanan si Grayson lalo't alam niyang napapaligiran ito ng mga taong may masamang intensyon dito. Paano kapag iniwan niya ito at tuluyang magtagumpay sila Levie sa masamang plano nila sa pamilya ni Grayson? Hindi siya pwedeng umalis dahil mas mabuting malapit siya kila Levie dahil kahit pa paano, mababantayan niya ang bawat galaw nila. "Hi, my dear best friend." Napalingon siya habang nasa terrace siya ng mansyon at nakatitig sa kawalan. Nakita niya ang nakangiting si Ivy na nagdiriwang sa tagumpay nito. Lumungkot ang mukha nito. "Aw! Why you look so pale? Napapabayaan mo na rin ang sarili mo, look how miserable you are? Nakakaawa ka naman, no one's whats to defend you, Naomi. Wala ka ng kakampi at ang taong sinasabi mong kakampi mo at mahal ka, tinalikuran ka na rin." Kunyari itong nag-isip. "Alam mo ba na nitong mga nakaraang araw mas nagiging malapit ang asawa mo kay Ashley? Si