Share

141

Penulis: Totoy
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-10 10:44:31
"S-SALAMAT, Martin," nahihiyang sabi ni Naomi habang nakatayo ito sa harap niya, nakapamaywang at kita niya ang galit sa mga mata nito. Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata.

"A-ate inaway po ba kayo ni t-tita Levie?" tanong ni Nonoy na nag-aalala para sa kaniya. Nakaupo ito sa tabi niya at nakatingin lang sa kaniya. "I-isumbong po natin siya kay k-kuya Grayson," sabi pa nito na kung alam lang nito ang totoo, hindi na nito masasabi pa ang bagay na iyon.

Binalingan niya si Nonoy at ngumiti kahit mahirap para sa kaniyang gawin iyon. Ayaw niyang mag-alala pa sa kaniya si Nonoy.

"O-ok na ang ate, Nonoy huwag ka ng mag-alala," aniya at marahang hinimas ang ulo nito.

Bumuntong-hininga si Martin. "Hindi na tama ang ginagawa nila sa iyo, Naomi at hindi mo pwedeng hayaang gawin nila iyon sa iyo," inis na sabi nito.

Seryoso niyang tiningnan si Martin at binalingan si Moning. "Moning, dalhin mo muna sa labas si Nonoy," utos niya dahil ayaw niyang marinig nito ang pag-uusapan nila ni Ma
Totoy

Happy birthday ate Bhie. enjoy your day and more blessings pa po sa inyoo. enjoy. God bless poo! ingat palagi

| 8
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Carmelita Ilagan
ang bobo mo pano na so nonoy baliw ka sa pag ibig d baleng masaktan ang Kapatid Basta jan ka lng sa tabi ni Grayson na Tanga din daming pera Hindi marunong mag imbistiga hay Tanga kayo pareho
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
salamat author sa greetings
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
hayyysstt jusko nman Naomi makinig ka kay Martin, wag mong pairalin ung awa at pagmamahal mo kay Grayson dahil bulag na sa katotohanan c Grayson, umalis na kayo ni Nonoy jan sa mga Alcantara parang awa mo na...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • After Divorce: I Married A Stranger    224

    "NAOMI."Napakurap siya nang marinig niya ang boses ni Grayson habang kanina pa niyang pinagmamasdan si lola Marina na mahimbing na natutulog. Pasimple niyang pinahid ang luha sa kaniyang mga mata. Nasasaktan siya sa mga nangyayari.Hindi siya humarap. Nanatili siyang nakatingin kay lola Marina habang hawak niya ang kamay at braso nito. Gusto niyang maramdaman nitong nasa tabi lang siya nito."P-pwede ba tayong mag-usap?" mahinahong tanong nito. "Alam kong hanggang ngayon galit ka pa rin sa akin at ayaw mo akong makita pero baka this time, pwede mo akong bigyan ng pagkakataong makausap ka," pakiusap nito.Bumuntong-hininga siya at bahagyang yumuko. Dahan-dahang niyang binitawan ang kamay ni lola Marina at tumayo mula sa pagkakaupo. Hinarap niya ito pero walang boses na lumabas mula sa bibig niya bago naglakad palabas ng silid.Niyakap niya ang sarili nang umihip ang malamig na hangin habang nasa dulong bahagi sila ng hallway ng hospital kung saan walang tao. Nakatingin siya sa labas a

  • After Divorce: I Married A Stranger    223

    "HINDI na ako makapaghintay na makita at makausap si lola Marina, Martin," masayang sabi ni Naomi habang lulan siya ng sasakyan nito. Nang malaman nila mula kay Vincent na gising na raw si Lola Marina, agad silang bumyahe papunta sa hospital. Masaya siya at natutuwa sa nalaman. Mas binilisan pa ni Martin ang pagmamaneho sa sasakyan nito. "Ngayong gising na si lola Marina, mapapatunayan na natin ang lahat ng ginawa ni Levie at Ivy sa kaniya at mas madali natin silang masisingil sa lahat ng kasalanan nila," ani Martin. Ngumiti siya. Hindi na siya makapaghintay na makitang nasa kulungan ang mga taong gumawa ng masama laban sa kaniya at kay lola Marina. Ilang sandali pa at nakarating na sila sa hospital. Agad silang bumaba ng sasakyan at pumasok sa gusali. Nasapo niya ang umbok na niyang tiyan dahil pakiramdam niya'y bumibigat na iyon. Nakakaramdam din siya ng sakit ng balakang at pagkapagod dahil sa paglalakad. Kapagkuwa'y naramdaman niyang hinawakan ni Martin ang braso niya para

  • After Divorce: I Married A Stranger    222

    "ANONG balak mong gawin kay, Kalus?" tanong ni Martin kay Naomi habang sakay sila ng sasakyan nito patungo kay Kalus. Habang nasa backseat si Yuan, abala sa paglalaro sa cellphone nito. "Sa tingin ko hindi na natin magagamit si Kalus laban sa kanila lalo't wala na sa panig nila si Grayson at tito Christopher." "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong nito. "Sa tingin mo ba may pakinabang pa sa kanila si Kalus at Ashley gayong hindi na nila kailangang magpanggap sa harap ng mga Alcantara? Sigurado ako ngayong nakuha na nila Ivy ang posisyon ni Grayson, hindi na rin nila kailangan si Kalus at Ashley. Katulad ni Gino, itatapon na lang din nila ang mag-ina na parang basura pagkatapos nilang gamitin." Napaisip si Martin at kapagkuwa'y tumingin sa kaniya. "Kung ganoon ibabalik na natin kila Grayson ang bata?" Umiling siya. "Kapag lumabas na ang DNA results ni Kalus at napatunayan kong anak siya ni Grayson, ibabalik ko siya sa kaniya pero kapag hindi siya anak ni Grayson, hahayaan k

  • After Divorce: I Married A Stranger    221

    "BABALIKAN natin ang anak mo, Naomi," ani Martin habang lulan sila ng sasakyan pauwi. Kanina pa siya walang kibong dahil gustong-gusto na niyang makita ang anak na nawalay sa kaniya. Hindi na siya makapaghintay na mayakap at makasama ito.Gusto sana niyang makita ang umiiyak na bata sa bahay ng mga umampon dito pero pinigilan siya ni Martin dahil baka raw malaman ng mga katulong kung anong totoong pakay nila roon at kapag nangyari iyon, baka ilayo ng mag-asawa ang kaniyang anak."Hindi nila pwedeng malaman na alam na natin ang tungkol sa batang inampon nila dahil sigurado akong hindi nila basta ibibigay sa atin ang bata lalo't mahigit isang taon na rin nilang inalagaan ang anak mo." Saglit siya nitong tiningnan at hinawakan ang kaniyang kamay at marahan iyong pinisil. "Pero huwag kang mag-alala dahil sigurado akong wala silang matibay na panghahawakan para angkinin ang bata. Kapag napatunayan nating siya ang anak mo at hindi nila ibinigay sa atin, dadaanin natin sa legal na proseso."

  • After Divorce: I Married A Stranger    220

    "NGAYON na nakuha na ni Owen at Levie ang posisyon ni Grayson sa kompanya, sa tingin mo ba may panahon pa si Ivy para balikan ka rito at tuparin ang pangako niya sa iyo? Kung wala kang pera at kapangyirihan kagaya ni Owen, hindi ka niya mamahalin. You're useless to her! Isa ka lang niyang kasangkapan, gagamitin sa sarili niyang benepisyo. Ilang beses ka ba niyang dinadalaw dito? Did she tell you that she loves you? Anong pinanghahawakan mo para sabihin mong ikaw ang pipiliin niya?" Ngumisi pa si Naomi dahil alam niyang alam ni Gino na totoo ang lahat ng sinabi niya.Hindi ito nakaimik at bahagyang yumuko, kita ang sakit at pait ng katotohanan."Papayag ka bang ikaw ang nakakulong habang malayang nagmamahalan si Owen at Ivy?" segunda naman ni Martin. Kapwa batid nila na ginagamit lang ni Ivy si Gino para sa sarili nitong kapakanan at paraan nilang saktan ito at ipamukha ang masakit na katotohanan para malaman nito ang totoong intensyon ni Ivy sa rito."Kaya kung ako sa iyo, hindi ako p

  • After Divorce: I Married A Stranger    219

    "WHAT ARE you doing here?" gulat na tanong ni Grayson nang pumasok si Rovert sa opisina niya, kasama si Owen, Ivy at Levie na nakahawak pa sa braso nito. Nakaguhit ang masasayang ngiti sa kanilang mga labi dahil tuluyan nilang nakuha ang posisyon niya. Naikuyom niya ang kaniyang kamao.Kapag nakikita niya ang mga ito, gusto na niyang gumanti para sa lahat ng ginawa nito kay Naomi at lola Marina. Galit na galit siya kapag naiisip niya ang lahat ng kasamaan ng mga ito."Masyado ba kitang nagulat, Grayson? Hindi mo ba inaasahan na makikita mo ako sa dating teritoryo mo?" Ngumisi ito. "Now, that you're no longer a CEO of this company, malaya na akong makakapasok dito because maybe soon magiging miyembro na ako ng board hanggang tuluyan kong makuha ang kompanyang pinaghirapan ninyo ni Christopher." Tiningnan nito ang ama niya na nasa tabi niya.Masama ang naging tingin ni Christopher dito. "No! Hindi ako papayag na maging parte ka ng board! Hindi mo makukuha ang kompanya na pinaghirapan ko

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status