Share

241

Author: Totoy
last update Last Updated: 2025-10-15 21:44:21

"PERO TEKA NGA, wala ka bang balak sabihin kay Owen ang tungkol sa anak ninyo?" biglang tanong ni Luna habang nagmamaneho ito ng sasakyan. Tinawagan kasi niya ito para ihatid sila pauwi dahil simula ng umamin si Martin sa kaniya, hindi na ulit sila nag-usap. Tila ba umiiwas ito sa kaniya. Katabi ito ni Naomi habang abala naman sa paglalaro si Nanoy sa backseat. Pauwi na sila galing sa hospital pagkatapos niyang isauli si Kalus kay Ashley. Nalungkot pa nga si Yuan nang umalis si Kalus dahil naging magkaibigan na silang dalawa at palaging magkalaro. Pero sana hindi roon matapos ang nabuo friendship nilang dalawa dahil alam niyang naging mabuting influence si Yuan kay Kalus. Umaasa rin siya na magiging mabuti at huwarang ina na si Ashley para sa anak.

Suminghap siya at saglit na tiningnan ng kaibigan. Dapat pa bang malaman ni Owen ang tungkol sa anak nila? "H-hindi ko alam, Luna. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kaniya ang ginawa ni Ivy sa anak namin. Dapat pa ba niyang mal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Mar IA
hayyys nakakaawa Naman SI martin sana bigyan ni author ng ka couple Niya para maging Masaya Naman siya
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
may napansin lng ako author bakit biglang mommy ang tawag ni Nonoy kay Naomi
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
sna hnd NLNG nakilala noon n noime c Grayson pra cla n Martin ang ngkatulyan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • After Divorce: I Married A Stranger    241

    "PERO TEKA NGA, wala ka bang balak sabihin kay Owen ang tungkol sa anak ninyo?" biglang tanong ni Luna habang nagmamaneho ito ng sasakyan. Tinawagan kasi niya ito para ihatid sila pauwi dahil simula ng umamin si Martin sa kaniya, hindi na ulit sila nag-usap. Tila ba umiiwas ito sa kaniya. Katabi ito ni Naomi habang abala naman sa paglalaro si Nanoy sa backseat. Pauwi na sila galing sa hospital pagkatapos niyang isauli si Kalus kay Ashley. Nalungkot pa nga si Yuan nang umalis si Kalus dahil naging magkaibigan na silang dalawa at palaging magkalaro. Pero sana hindi roon matapos ang nabuo friendship nilang dalawa dahil alam niyang naging mabuting influence si Yuan kay Kalus. Umaasa rin siya na magiging mabuti at huwarang ina na si Ashley para sa anak.Suminghap siya at saglit na tiningnan ng kaibigan. Dapat pa bang malaman ni Owen ang tungkol sa anak nila? "H-hindi ko alam, Luna. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kaniya ang ginawa ni Ivy sa anak namin. Dapat pa ba niyang mal

  • After Divorce: I Married A Stranger    240

    DAHAN-DAHANG IMINULAT ni Grayson ang mga mata niya pero agad siyang napangiwi at nasapo ang tagiliran ng maramdaman niya ang kirot mula roon. "Grayson!" Agad siyang nilapitan ni Ashley kasunod si Christopher na bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha. Dinaluhan siya ni Ashley. "Don't move, Grayson baka bumuka ang sugat sa tagiliran mo at dumugo," paalala nito. Binalingan niya ang tagiliran. Inalis niya ang kumot na nakapatong sa kaniyang katawan at tumambad ang benda sa kaniyang tagiliran. Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil may nararamdaman pa rin siyang sakit at kirot dulot ng sugat. Pumikit siya at bumuga ng hangin. Pinilit niyang hindi gumalaw dahil mas sumasakit iyon. Kapagkuwa'y nagmulat siya at tiningnan ang dalawa. Luminga siya at may hinahanap sa paligid. "S-si Nonoy? K-kumusta si Nonoy? Ok lang ba siya? Hindi ba siya nasaktan?" sunod-sunod at nag-aalalang tanong niya. "Gusto ko siyang makita." Tuluyan niyang inalis ang kumot sa katawan at bumangon sa pagkakahiga

  • After Divorce: I Married A Stranger    239

    "HEY ARE YOU OK?" Bahagyang napapitlag si Naomi nang maramdaman niyang may umuga sa kaniyang braso. Kanina pa siyang malalim ang iniisip. Hindi mawala sa isip niya ang naging pag-amin ni Martin sa kaniya. Iyon ang kinakatakot niyang mangyari noon pa dahil alam niyang hindi niya kayang suklian ang pagmamahal nito para sa kaniya dahil hanggang ngayon si Grayson pa rin ang tinitibok ng kaniyang puso. Natatakot din siya na pagkatapos ng pag-amin nito, magbago ang lahat sa kanila at iyon ang ayaw niyang mangyari. Napakamot siya sa kaniyang noo at bahagyang yumuko. "P-pasensiya na, Luna may iniisip lang ako," aniya. Nasa carpet ng silid si Nonoy at abal ito sa paglalaro, obvious na na-miss nito ang mga laruan nito at ang pakiramdam na binibigay ng paglalaro. Ngumuso si Luna at humalukipkip. "Kanina pa akong nagsasalita dito, eh hindi ka naman pala nakikinig," nagtatampong sabi nito. "Kanina ka pang tahimik at wala sa sarili, ano bang iniisip mo, huh? Tungkol ba kay Grayson? Nag-aalala ka

  • After Divorce: I Married A Stranger    238

    Suminghap si Martin at pasimplebg pinahid ang luha sa gilid ng mga mata. Ngumiti ito. "No, don't say sorry dahil wala kang kasalanan. It was my choice to try kahit alam kong masasaktan ako at the end." Pinagdikit nito ang mga labi at ngumiti. "Alam mo bang the moment I saw you on the street, alam kong may kakaiba sa iyo." Nagtaka siya at napakunot ang noo. "Nahimatay ka noon sa gitna ng kalsada at ako ang driver ng sasakyang muntik ng makabangga sa iyo. Dinala kita sa hospital at nalaman kong buntis ka. Nang dumating si Luna, narinig ko ang nangyari sa iyo. Naawa ako sa iyo noon at gusto kitang i-comfort. There's something in you that I get intrigued about. Until we met again at the rooftop, alam kong nahihirapan ka at nabibigatan sa kung anumang pinagdadaanan mo noon so I thought you were gonna jump from the rooftop." Natigilan siya, kasunod ng mga alaalang nagbalik sa ispan niya. So, si Martin pala ang lalaking nagdala sa kaniya sa hospital ng mawalan siya ng malay sa kalsada dahil

  • After Divorce: I Married A Stranger    237

    "SA SUSUNOD na linggo, gaganapin ang malaking announcement ni Owen sa lahat bilang bagong CEO ng kompanya ni Grayson at kasama ang celebration ng kompanya nila ni Levie dahil sa deal na nakuha nila. Malaking celebration ang nakahanda kung saan dadalo ang mga press at ang lahat ng mga kilalang business tycoon na naging katrabaho nila at maging ni Rovert kaya kailangan nating paghandaan iyon," mahabang sabi ni Martin na hanggang ngayon ay may sugat pa rin sa mukha at sa ibang bahagi ng katawan. Kanina pa itong tahimik at ngayon lang umimik. Hindu rin siya nito tinatapunan ng tingin. Kadarating lang nila galing sa hospital dahil ayaw nitong mag-stay at magpagaling doon. Nauna na sa loob si Jack kasama si Nonoy.Dahan-dahan siyang lumapit kay Martin at hinawakan ito sa kamay. "Saka na natin pag-usapan ang magiging plano natin sa kanila, Martin ang kailangan mo ngayon, magpahinga at magpagaling. Tingnan mo nga 'yang sarili mo, puro sugat at galos." Tiningnan niya ito sa mukha at saktong n

  • After Divorce: I Married A Stranger    236

    DAHAN-DAHANG humakbang si Naomi papasok sa silid kung saan nandoon si Grayson na wala pa ring malay. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil naguguluhan siya sa kung anong dapat niyang maramdaman sa mga nangyari. Sapat na ba ang ginawa nitong pagligtas kay Nonoy at pagsasakripisyo ng buhay nito para patawarin niya sa lahat ng ginawa nito sa kaniya? Suminghap siya at tumigil sa paghakbang ng tuluyan siyang makapasok sa silid. Nakahiga si Grayson sa kama habang wala itong malay. Sa hindi niya alam na dahilan, kusang bumagsak ang luha sa kaniyang mga mata. Bahagya siyang kumiling at agad pinahid iyon. Hindi siya magiging ipokrita para pilit itanggi na hindi na niya mahal ang asawa at hini ito pinananabikan. Hindi rin siya ganoon katigas para hindi lumambot sa ginawa nitong pagligtas kay Nonoy at hindi siya masama para hindi maging thankful doon.Dahan-dahan siyang humakbang palapit dito. Pinagmasdan niya ang gwapo nitong mukha na mahimbing na natutulog. Maraming beses na gusto niyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status