LOGINMula sa pagitan ng kurtina ng kwarto ay bahagyang sumilip ang sinag ng araw. Nakasanayan na ng katawan ni Aera na magising ng ganitong oras, hindi pa man masyadong dilat ang kanyang mga mata.Bigla niyang naalala ang mga nangyari, at napasinghap siya.Isa-isang bumalik ang mga nangyari kagabi ang paos na boses ni Ethan sa tabi ng tenga niya…Agad namula ang mukha ni Aera.Dahan-dahan siyang lumingon para tingnan kung gising na ba ang lalaki sa tabi niya pero sinalubong siya ng isang pares ng matang may ngiti.Hindi niya namalayan na gising na pala ito. Nakahiga ito sa gilid, nakasandal sa isang kamay, at matagal na pala siyang pinagmamasdan.Tinamaan ng liwanag ng umaga ang mukha nito, parang biglang may gintong bumalot sa paligid ng mukha nito. Ang dati nitong maayos na buhok ay bahagyang magulo ngayon, kaya mas mukhang mas bata at mas… nakakaakit.“Good morning,” sabi niya, paos pa ang boses dahil kakagising lang sobrang nakaka-distract.Biglang napasigaw sa gulat si Aera at agad hi
Tanging dilaw na katamtamang ilaw lang ang nag bibigay liwanag sa kwarto.Ang init mula sa hot spring ay hindi pa tuluyang nawawala sa kanyang balat. Nang ihiga ni Ethan si Aera sa malambot na kama, pakiramdam niya ay para siyang nababalot ng mainit na singaw ng tubig, at kahit ang paghinga niya ay parang basa at matamis.Nasa baywang niya pa rin ang kamay ng lalaki, at ramdam niya ang init nito kahit may manipis na bathrobe sa pagitan nila.Yumuko siya kay Aera, at sa dilim, mas lalong naging malalim ang mga mata niya. May emosyon doon na hindi lubos maintindihan ng babae, pero nagbibigay iyon sa kanya ng kakaibang kapanatagan.“Ethan,” mahina niyang tawag, may bahagyang panginginig sa boses niya.“Hm?” sagot nito, habang marahang inaalis ang basang buhok sa gilid ng mukha niya.Kinagat ni Aera ang ibabang labi niya. Ang tanong na matagal ng bumabagabag sa kanya ay hindi na niya napigilan.“Yung pinaka mahal mo… ngayon, ako na ‘yon, di ba?”Mahina niya itong tinanong, parang takot na
Sa biyahe pabalik sa isang bahay, niyaya ni Ethan ang asawa na magbabad sa hot spring.Paminsan-minsan ay tumitingin siya kay Aera habang nagmamaneho, at may bahagyang ngiti sa labi niya.In-on niya ang sound system ng sasakyan, at may tumugtog na mahinang piano music na medyo nakapagpagaan sa kakaibang tahimik na atmosphere sa loob.“Pagod ka na nitong mga nakaraang araw. Dapat makapagpahinga ka nang maayos,” malumanay niyang sabi sa gitna ng musika.“Kalilinis lang ng hot spring sa likod ng villa. Galing sa bundok ang tubig, diretso at sariwa.”Tumango si Aera, habang hindi niya namamalayang pinaglalaruan ng mga daliri ang isa’t isa.Pumasok ang sasakyan sa villa area at umakyat sa paikot na daan sa bundok. Ang villa na ito sa tuktok ay pribadong pag-aari ni Ethan. Bihira silang pumunta roon, at ginagamit lang iyon kapag gusto niyang umiwas sa lahat ng gulo sa labas.Maganda ang mga bituin sa gabing iyon. Sa labas ng bintana, kita ang napakaraming ilaw ng Hong Kong.Pagkaparada ng s
Sa gabing iyon, nag rent si Ethan ng napagandang lugar na may napakagandang view. Sa The Barn, pinasara niya ang buong lugar para lang sakanila.Dahil sa panalo ni Aera sa global design show, napakalaki at napakataas ng level ng celebration na inihanda ni Ethan. Dahil doon, naging usap-usapan ito sa business at design circles ng Baguio.Sa entrada ng hall, naka-display ang award-winning na “Tracing the Light” series ni Aera. Sa magkabilang dingding naman, naka-project ang mga pinaka magagandang larawan mula sa Paris show.Pero ang pinakaagaw-pansin ay ang malaking curved screen sa gitna, na paulit-ulit na pinapakita ang video ng runway show noong gabing iyon.Paulit-ulit na lumalabas sa screen ang sandaling umakyat si Ethan sa runway.Iyong pag-ikot niya, ang linis at ganda ng galaw, at ang pigil pero malalim na emosyon sa mga mata niya sa bawat replay, napapahanga ulit ang mga tao.“Grabe, sobrang delikado talaga noon. Biglang umatras ang professional model, akala namin tapos na ang
Sa malamig na gabi sa Paris, halos tatlong oras nang naghihintay si Zach sa labas ng venue. Halos manhid na ang mga binti niya sa sobrang lamig.Sunod-sunod ang mga taong lumalabas sa main entrance mga fashion editor na maayos ang bihis, mga designer na masayang nagkukwentuhan, at mga reporter na may dalang professional camera.Lahat sila ay excited na pinag-uusapan ang tagumpay ng gabing iyon, at paulit-ulit na lumalabas ang pangalan ni Aera , kasama ng mga salitang tulad ng “genius” at “top designer.”Mahigpit na tinitingnan ng lalaki ang bawat lumalabas na tao. Pilit niyang hinahanap sa gitna ng mga ito ang pamilyar na mukha.Nang halos huling grupo na ng staff ang palabas, lumapit ang isang security guard sa main gate at medyo naiinis na nagsalita:“Sir, tapos na talaga ang event. Umalis na ang lahat. Baka sa ibang exit dumaan ang taong hinihintay ninyo.”Biglang napatingin si Zach.“Ibang exit?”Nagkibit-balikat ang guard.“Karaniwan namang may iba’t ibang exit ang ganitong kalak
Habang tumitindi ang saya sa celebration, biglang umilaw ang malaking screen sa gitna ng hall at nagsimulang ulit-ulitin ang pinakamagagandang eksena ng show.Nang lumabas ang “Tracing the Light” series, napuno ng paghanga ang buong venue.Lalong pinabagal ang eksena ng unang paglabas ni Ethan sa runway ang pag-ikot niya, ang kurba ng coat sa hangin, at ang eksaktong timpla ng lamig at lambing sa mga mata niya. Bawat frame ay parang isang obra.Pagkatapos, lumabas naman sa screen ang awarding moment si Aera habang tinatanggap ang trophy mula sa judges, bakas sa mukha ang hindi makapaniwalang saya.At saka malinaw na ipinahayag muli ng host.“Muli nating binabati si Ms. Aera Dela Cruz mula sa Baguio City, Philippines, bilang Gold Award winner ng global design show ngayong taon, at isa sa mga top global designers of the year!”Muling umalingawngaw ang matinding palakpakan sa buong hall.Napapalibutan si Aera ng kanyang team, may sumisirit na bula ng champagne, at sunod-sunod ang tawanan
Sa paligid niya, puro tawanan ng mga bata at saya ng mga pamilyang namamasyal. Pero siya, mag-isa sa gitna ng gulo parang iniwan na lang, parang katawa-tawang tao.“Mom, bakit umalis na naman si Dad?” hila ni Cedric sa damit niya, umiiyak at puno ng sama ng loob.“Pangako niya sasama siya sakin man
Kasabay nito, sa Tuazon’s Group sa Manila, hinarap ni Serene ang pinakamalaking pagsubok mula nang pumasok siya sa kumpanya.Halos hindi siya makahinga sa dami ng papeles sa opisina. Ito lahat yung iniwan na trabaho ni Aera. Ang daming reports at plano, parang bundok na bumabagsak sa kanya.Mas lal
Huminga siya ng malalim, halatang may pagsisisi sa mukha, tapos sabi niya:“Sa totoo lang, si Aera… mas okay pa siya kaysa kay Serene. Marunong siyang makisama, alam niya ang mga gusto ko, malaki ang kaya niyang gawin para sa kumpanya and loyal siya sayo. Kung ako ang papipiliin ayaw ko siya pakawa
Kinabukasan ng umaga, ginising si Zach ng anak niya.Pumasok ang liwanag ng araw sa mga siwang ng bintana.Kinuskos ni Zach ang sentido niyang masakit. Yung sandamakmak na work emails sa phone niya, halos hindi siya makahinga.Yung kapos na pera ng kumpanya, mga kliyente ng umaalis, tambak na papel







