تسجيل الدخولSa kabilang panig, nang magising si Zach, ang unang naramdaman niya ay ang matinding sakit sa kanyang lalamunan, na para bang napunit ito mula sa loob.Sinubukan niyang igalaw ang kanyang kamay, ngunit pakiramdam niya ay kasimbigat ng tingga ang kanyang mga braso at binti. Parang nakadikit ang kanyang mga talukap sa pandikit, at kinailangan niyang gamitin ang lahat ng lakas niya para mabuksan ang mga ito kahit kaunti lamang.Madilim ang ilaw. Bahagyang umaalog ang mga dingding ng kabina. Sa hangin ay naghahalo ang amoy ng maalat na simoy-dagat at disinfectant.“Gising ka na?”May boses na narinig mula sa tabi.Mahirap na inikot ni Zach ang kanyang mga mata.Naka upo si Chang sa sofa ilang hakbang ang layo. Hawak nito ang isang hindi pa sinisindihang sigarilyo habang nakatingin sa kanya.Walang emosyon ang mukha nito, ngunit ang tingin nito ay parang isang agilang sinusuri ang kanyang magiging biktima.Sinubukan ng lalaki na magsalita, ngunit pira-pirasong tunog lamang ang lumabas mula
Matapos ang tatlong araw mula ng nag meeting sila ay bumalik si Shawn sa kumpanya ng mga Almeda. Dala-dala nito ang isang makapal na envelope na naglalaman ng mahalagang dokumento.Inilapag niya ito sa lamesa ni Ethan bago marahang nagsalita.“Hindi totoong patay na si Zach Tuazon, nakakuha ako ng ebidensya.” seryosong sambit nito.Si Ethan ay kasalukuyang nagre-review ng public relations plan ng Dela Cruz Atelier. Nang marinig iyon, agad siyang tumingala.“Simulan mo sa umpisa,” sabi niya.Umupo si Shawn sa harap niya at inayos ang kurbata.“Tatlong araw na ang nakalipas, natuklasan namin ang isang kakaibang detalye,” sabi ni Shawn.“Isang linggo bago mamatay si Zach, ang medical unit ng kulungan ay naglabas ng tatlong malalakas na sedative.”Ipinasa niya ang kopya ng record.“Ang rason nila gamot daw sa preso na may matinding psychological instability. Pero sa panahong iyon, walang ibang preso na kailangang bigyan ng ganoong gamot.”“Ang gamot na ito,” dagdag niya, “ay ginagamit par
Kinabukasan, alas nuwebe ng umaga, sa conference room ng building ng Almeda Group.Sa isang bahagi ng mahabang mesa ay nakaupo si Ethan. Sa kaliwa niya naman ay nakaupo ang kanyang asawa, at sa kanan naman ay ang kaibigan nilang abogadong si Shawn.Sa sandaling iyon, mabilis niyang binabasa ang isang tumpok ng mga dokumento, paminsan-minsan ay inaayos ang salamin sa kanyang ilong.“Tinapos kong suriin lahat ng patent files ng Villareal Design kagabi,” malinaw at kalmadong sabi niya.“Sa legal na pananaw, mukhang kumpleto ang kanilang ebidensya pero mukhang may isa lang silang pagkakamali.”Inihagis niya ang isang dokumento sa harap ni Ethan.“Sa ilalim ng Patent Law at Copyright Law, para mapatunayan ang originality, kailangan ang kumpletong record ng proseso ng paggawa nito. Ang ibinigay nila ay mga scanned sketches na may timestamps, pero lahat ng sketches ay parang sabay-sabay lang ginawa. Sa totoong proseso ng paggawa ng design, halos imposible iyon.”Sumandal si Aera.“Ibig mong
Pagliko ng sasakyan, dumaan muna si Ethan sa kumpanya ng asawa upang sunduin si Aera at sabay silang umuwi.Habang nasa biyahe, sumandal ang babae sa balikat ng asawa.Halos makatulog na siya sa sobrang pagod.Ngunit pilit niyang nilabanan ang antok.May mga bagay siyang nais sabihin ngayon.“Ethan,” mahina niyang tawag.“Mm?” sagot nito mula sa itaas ng kanyang ulo.Malalim at banayad ang tinig nito.“Tungkol kay Zach... nakita mo ang katawan niya, hindi ba?”Hindi niya iminulat ang mga mata habang nagsasalita.“Pumunta ka sa funeral home ngayong hapon.”Narinig niyang bahagyang tumigas ang katawan ni Ethan.“Paano mo nalaman?” tanong nito.“Kilala kita.”Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at tumingala rito.“Kapag nakatanggap ka ng ganoong tawag, imposibleng hindi mo alamin ang katotohanan. Lalo na kung pinaghihinalaan mong may kakaiba sa pagkamatay ni Zach.”Madilim ang loob ng sasakyan.Tanging mahinang ilaw mula sa dashboard ang nagbibigay-liwanag sa mukha ni Ethan at nagpa
Gabi na nang tuluyan silang umalis sa kumpanya.Natanggap ni Ethan ang tawag na iyon habang nasa kalagitnaan ng board meeting noong Martes.Sa conference room, mainit na pinagtatalunan ng ilang directors ang direksyon ng investments para sa susunod na quarter.Minsan ay tumataas ang mga boses, minsan naman ay pinipigilan nila ang kanilang emosyon.Naupo si Ethan sa pinakagitnang upuan.Pinapaikot niya ang isang mamahaling fountain pen sa kanyang mga daliri.Nakatutok ang kanyang mga mata sa financial report sa harap niya, ngunit malinaw na wala roon ang kanyang isip.Sa nakalipas na pitumpu’t dalawang oras, ginamit niya ang lahat ng intelligence resources ng kumpanya upang matunton ang pinagmulan ng mapanuksong text message.Ngunit bigo pa rin sila.Hindi bababa sa limang layer ng encryption ang ginamit sa numero.Nang mag-report ang head ng technical department kaninang umaga, pawis na pawis ito.“Sir Ethan, propesyonal ang anti-tracking methods ng kalaban. Posible pang ganitong klas
“Ipagpatuloy ninyo ang imbestigasyon,” sabi ni Aera.“Hindi maaaring huminto ang trabaho ng design department. Roan, bumuo ka ng isang team at gamitin ninyo ang inyong mga personal na laptop para ipagpatuloy ang mga design para sa susunod na season. Huwag ikonekta sa internet, huwag ipakalat sa iba, at lahat ng files ay mano-manong i-backup.”“Opo, Miss Aera.”“Marketing department, muling suriin ang magiging epekto ng insidenteng ito sa brand. Gusto ko ng report bago mag tanghali bukas.”“Naiintindihan po.”“Public relations department, bantayan ninyo ang lahat ng balita at galaw sa social media. Kapag may bagong ulat, ipaalam agad sa akin.”Nagpatuloy pa ang meeting nang kalahating oras.Maayos at sistematikong namahagi ng mga gawain si Aera.Pinatatag niya ang loob ng kanyang mga tauhan.Kahit siya mismo ay puno ng pag-aalala, bilang pinuno ay kailangan niyang manatiling matatag.Sa wakas, alas-diyes ng gabi, natapos ang meeting.Isa-isang umalis ang mga department heads hanggang s
Pagtapos makipag bati ni Zach kay Serene, medyo gumaan ang loob niya habang pabalik sa bahay nila. Pero pagkapasok pa lang niya, narinig na niya agad ang iyak ng anak niyang si Cedric sobrang lakas at parang nasasaktan.May kasabay pang matinding pagsigaw ng Mommy niya.Biglang sumikip ang dibdib n
Maganda ang mga neon lights tuwing gabi sa Baguio.Maganda ang naging ayos ni Aera, simple pero professional ang dating. Isa itong magandang pink skirt, samantalang si Ethan naman ay naka suot ng isang simple suit pero ang lakas ng maka sosyal. Sabay silang pumasok sa loob ng isang high-end bar. N
“Zach, pasok tayo sa kwarto at doon tayo mag-usap.” bahagyang umangat ang sulok ng labi niya.Agad naintindihan ni Zach ang ibig sabihin. “Sige.”Yumakap si Serene sa bewang niya, pumikit, at tumingkayad para halikan siya. Sa sobrang lambing nito, pumikit din si Zach at bumigat ang paghinga niya.P
Umuwi si Zach na pagod na pagod, pero wala si Aera sa bahay para salubungin siya.Birthday niya ngayon. Akala niya hihintayin siya nito para sabay silang mag-dinner, pero hanggang ngayon, hindi pa rin umuuwi ang babae.Tiningnan niya ang cellphone pero wala pa ring reply si Aera.Nakunot ang noo ni







