Share

Chapter 11

CALLUM'S POV

Pumasok kami sa isang pinto. Pagbukas nito ay agad mong mapapansin ang puting pisara na may mga litrato. Hindi ko kilala ang mga iyon pero may mga namumukhaan ako. Konektado ang mga litrato dahil sa pulang lubid nito. Nakakatakot kung tignan pero malalaman ko rin kung ano ang ibig-sabihin ng mga ito.

Hindi ko aakalaing ginawa ito ni Rayne. Nilibot ko ang paningin ko at napagtantong napakalawak pala ng kwartong ito. Sa gilid lang ng pinto ay makikita mo ang lamesa ni Rayne. Umupo sa roon at hiniga ang ulo sa upuan niya. Kunot nuo ko siyang tinignan ngunit hindi ako nilingon.

"Is this your office?" Kyuryosong tanong ko. Umayos siya ng upo at diretsang tumungin ito sa mata ko.

"Oo. May problema ba?" Mapaklang tanong nito. Humanap muna ako ng mauupuan at nahagip ko ang sofa roon. Agad akong umupo at binalik ang paningin kay Rayne.

"Bakit dito?" Usal ko at sumandal sa sofa.

"Saan?" Pagmamaang-maang nito. Suminghal ako.

"Bakit dito? Bakit sa simbahan." Iritableng sagot ko.

"Hindi nila ako pag-sususpetchahan kung sa simbahan ang tungo ko. Mas lalo silang magtataka kung saang lugar ako pupunta." Paliwanang nito. Nakuha ko ang punto niya. Sa ugaling niyang 'yan, kailangan alam ng lahat ang kilos niya. Napakamautak. Tumango tango ako bilang tugon.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko at umayos ng upo.

"Gusto kong ipaalam sa'yo kung sino-sino ang mga taong pinagsusupetchahan ko." Agad siyang tumayo at pumunta sa puting pisara. "Halika." Tumayo ako at lumapit sakanya. "Pamilyar ba ang taong 'to sayo?" Diretsang tanong niya. Tinignan kong mabuti ang litratong tinuro niya. CCTV footage nakuha ang litratong iyon kaya medyo malabo ang mukha nung lalaki, pero pamilyar ang katawan nito.

"Parang nakita ko na, pero hindi ko matandaan." Hindi parin ako sigurado kung saan ko siya unang nakita. Umiling ako at kunot nuo siyang tinignan. "Saan mo nakuha 'to?" Kunot nuong tanong ko. Yumuko siya at bumalik sa mesa niya.

"Hindi na importante kung saan ko nakuha ang litratong 'yan. Mas mahalagang malaman mo kung sino ang taong 'yan." Seryosong tugon nito.

"P-paano?" Utal kong sabi.

"Malalaman mo kay Atterson."

"A-alam niya din?!" Akala ko ba kami lang dalawa ang nakakaalam nito.

"Oo. Hindi natin kakayanin kung dadalawa lang tayo kaya minabuti kong ipaalam rin sakanya."

"May tiwala ka ba sakanya? Masyado siyang bata para rito Rayne."

"Menor de edad ka rin naman diba?"

"P-pero, malapit narin naman akong magdese-otso--"

"Kahit na. Pabayaan mo na lang ako sa gagawin ko. May tiwala ako sa kapatid mo, baka ikaw ang wala."

"H-hindi naman sa g-ganon--"

"Kaya nga. Hayaan mo na. Alam ko namang kaya niya ang pinapagawa ko." Sumadal siya sa swivel chair niya at pinatong ang paa sa desk. Naiwan akong barado ang lalamunan. Wala akong maiganting sagot sakanya. Gusto kong pigilan ang plano niya pero ako itong hindi makagawa. Bumuntong hininga ako at yumuko. "Kamusta yung pinapagawa ko sa'yo?" Bigla siyang nagsalita. Umangat ako ng tingin at nahagip kong nakapikit pala ang mga mata.

"H-ha?" Pagmamaang-maang ko.

"Bingin ka?" Seryosong tugon niya.

"A-ah, hindi ko pa kasi siya nakakausap dahil hindi ko siya naabutan sa bahay niya."

"Bakit?"

"Umalis daw kasi sabi ng kasambahay niya."

"Saan pumunta?"

"L.A." Dire-diretcha ang tanong niya kaya nag-aalinlangan akong sumagot. Nakakatok kasi, parang ako ang suspect dito. Umayos siya ng upo at tumingin diretcho sa mata ko.

"Sundan mo." Agad na kumunot ang nuo ko sa sinabi niya.

'Nababaliw na ba siya?!'

"Ano?!" Pasigaw kong sabi at suminghal siya. "Rayne, hindi pwede. Lalo na't kakamatay lang ni lolo ngayon." Paliwanag ko at bumuntong hininga siya.

"Alam ko, pero, para lang din naman sa lolo mo 'to diba?"

"O-oo nga, p-pero paano si mommy?! Hindi niya alam ang ginagawa natin. At mas lalong magdududa 'yon kapag umalis ako ng bansa na kakamatay lang ni lolo."

"Ipaalam nalang natin--"

"No! 'Yan ang huwag mong gagawin, Rayne--"

"Ano bang gusto mong gawin?!" Biglaang sigaw nito. Napatalon ako sa lakas ng sigaw niya. "Mas lalong nagpapatunay na siya ang may sala dahil umalis ng bansa!" Tumayo siya at umupo sa mesa. "Hindi pwedeng tutunga tayo dito habang nagpapakasaya yung taong 'yon."

"Rayne, alam ko. Pero, meron pa namang ibang suspect diba? Sila muna ang uunahin natin habang na sa ibang bansa siya diba?--"

"Nag-iisip ka ba?! Mas lalong mapapatagal ang imbestigasiyonn."

"Rayne, kumalma ka nga muna hindi tayo makakapag usap ng maayos dahil sigaw ka ng sigaw."

"Ano na ng gagawin mo?" Kalmadong usal nito. Bumuntong hininga akon at nakapamewang ng yumuko.

"Hindi ko pa alam kung sa anong paraan ko siya kakausapin." Dinig ko ang dismayadong buntong hininga niya. Alam kong mas lalo kaming matatagalan dahil dito at galit siya saakin ngayon.

"Sige lang. May oras pa naman para diyan. Wag mo lang masyadong patagalin kasi mas lalo nila tayong pagdududahan." Mahinang tugon nito. Tumango lang ako at umupo ulit. Sandaling katahimikan ang bumalot sa loob ng silid. Tila bang nag-iisip kami sa susunod na mangyayari.

'Susundan ko ba talaga siya?'

Nalilito ako sa susunod kong gagawin. Nalilito ako sa mga pangyayari. Lalo na ngayon na kakamatay nga lang ni lolo hindi ko pa ma samahan si mommy sa burol niya. Nasasaktan ako, pero mas mangingibabaw ang kagustohan kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni lolo. Kailangan kong labanan ang nararamdaman ko. Agad akong umiling at hinilig ang ulo ko sa upuan.

"Sige na. Malalim na ang gabi. Umuwi ka na." Napabalikwas akong tumayo at kunot nuo ko siyang tinignan.

"Ako lang ba ang uuwi Rayne?" Kunot nuong tanong ko.

"Dito na ako magpapalipas ng gabi. Sige na, unuwi ka na." Usal nito at bumuntong hininga.

Tumango nalang ako at sumang-ayon. Hindi nalang ako dagil alam kong galit siya nngayon. Baka mas lalong magalit dahil kinulit ko pang umuwi. Inihatid niya ako sa labas hanggang sa nakapasok na ako sa kotse.

"Mag-iingat ka." Pagpapaalam niya.

"Sigurado kang ayos ka lang dito?" Nag-aalinalangan akong itanong 'to sakanya niya. Tumango siya at akmang tatalikod pero tinawag ko siya. "Rayne!" Mahinang tawag ko at lumingon siya ulit.

"Bakit?" Walang ganang tugon niya.

"P-pwede b-bang dito n-na l-lang a-ako?--"

"Hindi." Diretsang sagot nito. Alam ko talagang ito ang magiging sagot niya. "Hindi gaanong nagtitiwala ang mga magulang mo saakin, kaya sige na, umuwi ka na." Tugon niya at agad na umalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na itong makapasok sa simbahan. Ilang minuto pa ang inantay ko doon. Iniisip kung sasabihin ko ba ang plano namin ni Rayne sa mga magulang ko. Gaya ng sabi niya, hindi gaanong nagtitiwala ang parents ko sa kanya kaya, hindi nila pinapaubaya ang responsibilidad lahat kay Rayne kapag magakasama kami. Palaging may gwardya sa tabi ko, o nasa hindi kalayuan na tumatanaw saakin.

Kapag sasabihin ko sa mga magulang ko ang tungkol dito, mas lalo nila akong ilalayo kay Rayne. At baka hindi na talaga ako palapitin. Naguiguilty ako dahil hindi ako nagsasabi ng totoo sa mga pinupuntahan ko, pero natatakot din akong malaman nila ang totoo. Napabuntong hininga ako.

'Yan palang ay nalilito na ako. May isa pang suspect na nakaalis pa ng bansa. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Lalo pa't nalaman kong alam rin pala ito ni Atterson. Napahilamos ako sa mukha ko't bumuntong hininga. Hindi na ako nag-antay pa at agad na pinaandar ang sasakyan. Mabilis ko itong pinaharurot pabalik sa bahay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status