Share

Mine- Chapter 40

"Action na lang kasi panoorin natin! Dami mo pang alam eh." Tinapunan ko ng masamang tingin si Keir ng bigla itong magsalita. May hawak itong beer can at kanina pa siya nag-iinom. Nakaka-apat na siyang beer at ako naman ay juice lang at snacks. Hindi kasi ako mahilig uminom, kapag may okasyon lang.

"Manahimik ka na lang diyan at itong Fallen ang panonoorin natin." Sabi ko sa kanya.

"Bakit kayong mga babae ang hihilig sa romance? Tapos iiyak-iyak kapag nasaktan. Sus, aarte n'yo." Walang sabi-sabi ko siyang binatukan ng pagkalakas-lakas.

Bwisit toh!

"Kung hindi mo itatahimik 'yang bibig mo, ipapalunok ko sa'yo 'yang beer mo. Nakakaapat ka pa lang pero lasing ka na? At ano ang karapatan mong sabihan kaming maaarte? Palibhasa puro pasarap ka lang sa buhay! Sipain kita diyan eh." Sabi ko sa kanya sabay irap.

"Ang ingay-ingay mo! Halikan kita diyan makikita mo." Sabi niya sa akin. Tinignan ko naman siya, walang siyang suot na pang-itaas at tanging boxer shorts na naman ang suot-suot niya,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status