Mag-log inHabang hinihintay ko si Youtan, napagdisisyunan kong lumapit sa bintana. Nakita ko ang magagandang bituin at ang napakagandang buwan. Hindi magbabago, gusto ko talagang pagmasdan ito gabi-gabi. Nagiging maganda ang pakiramdam ko at gumagaan kapag nakikita ko ito. Nakangiti kong kinakausap ito.
"Ang ganda, ikaw ang liwanag sa madilim na kalangitan. Liwanag na nagbibigay ng pag-asa kahit na dumating sa puntong walang-wala na." Nasasabik akong gumawa ng tula. Ito ang ginagawa ko sa tuwing naiisip ko kung ano ang pakiramdam ng may pamilya at sa tuwing nalulungkot ako. Ngayon, magkakapamilya na rin ako. Magagawa ko rin ang paggawa ng tula nang masaya ang pakiramdam ko. "Salamat sa biyayang, biyayang hindi matutumbasa, Ang magkaroon ng asawa at mga anak, Na lubos kong ikinagagalak, Sana'y hindi ito mawasak." Napansin kong papasok na si Youtan kaya napahinto ako sa pagtutula. Pumasok ang hangin sa bintana dahilan na bigla akong nakaramdam ng lamig. "Hatsing!" "Baby, anong ginagawa mo diyan?" Inilagay niya ang dala niyang pagkain sa mesa. Lumapit siya sa 'kin at isinara ang bintana. Tinitigan niya ako ng seryoso kaya napa-isip ako na pagagalitan niya ako. Pero, nagtungo siya sa gilid at may kinuhang jacket, pagkatapos, bumalik siya sa 'kin ulit. "Baby, hindi pwedeng magkasakit ka, makakasama sa mga babies natin," malambing na boses niya. Inilagay niya ang jacket sa likuran ko. Hinalikan niya rin ako sa noo ko habang hinahawakan niya ang kamay ko. Maya-maya ay inilagay niya ang isang kamay niya sa bewang ko at inalalayan niya ako pabalik sa kama. Kinuha niya ang pagkain at inilapit niya ito sa 'kin. "Baby, you need to eat. Ubusin mo ang lahat ng ito, healthy ito sa kalusugan mo." Ngumiti siya sa 'kin at hinalikan niya ulit ako sa noo. Hindi na ako nagdalawang isip na kumain dahil nagugutom na rin naman ako. Unang subo ko pa lang ang sarap-sarap na. Healthy nga talaga ito dahil vegetables ito. Sa kalagitnaan ay biglang tumunog ang cellphone ko, kaya napalingon ako saan iyon napaparoon. Kukunin ko sana ito pero inunahan ako ni Youtan. "Ahmm, sino tumatawag?" mahinhin kong tanong pero hindi manlang umimik si Youtan, bagkus sinagot niya ito. Hindi ko marinig kung ano ang sinasabi ng kabilang linya, kasi masyadong inilayo ito ni Youtan sa 'kin. "My wife, is not free," malamig niyang sabi sabay off ng tawag. "This night, I will not allow you to use your cellphone. You need to take a rest." Napalunok laway na lang ako dahil na rin sa malamig niyang paningin. Parang bigla siyang nagalit. Hindi tuloy ako mapalagay kung sino ang tumawag. "Ahmm, love, sino ba ang tumawag?" "No more questions, baby. Finished your food." Tumayo siya at nagtungo sa kabinet. Inilagay niya room ang cellphone ko. Pagkatapos, lumabas siya sa kwarto. Napatingin ako sa kabinet at napa-isip na kunin ang cellphone ko. Subalit, nagdadalawang isip ako, kaya huwag na lang baka mamaya mas magalit pa lalo si Youtan. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko, upang makapagpahinga agad ako muli. YOUTAN POV. "Who's Dave?" I asked on my mind while drinking wine. "Hello, Zinnia free ka ba ngayon? Lumabas naman tayo para makapagkwentuhan," sambit ng Dave na 'yon kanina sa cellphone. Biglang uminit ang ulo ko nang makarinig nang boses ng lalaki. Gusto niyang lumabas kasama si Zinnia sa ganitong oras. "Sh*t! Who are you!" Bigla na lang ako napasigaw dito sa kusina. Mahigpit kong hinawakan ang baso na may wine kulang na lang mababasag na ito. I don't know why, I feel triggers because of him. "Walang pwedeng mang agaw ng pagmamay-ari ko. Zinnia is mine!" gigil kong saad sa utak ko. Iinom pa sana ako pero bigla kong marinig ang boses ni Zinnia galing sa may hagdan. "Love, umiinom ka?" Napalingon siya sa hawak kong baso na may wine kaya agad ko ito inilagay sa mesa. Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa 'kin. Nakita ko ang dala-dala niyang pinagkainan niya. Agad kong itinabi ang wine at pagkatapos lumapit ako sa kanya. "Baby, bakit bumaba ka pa? Dapat hinintay mo na lang ako sa 'taas." "Kaya ko naman ehh, tsyaka baka may ginagawa ka, ayaw kong maka-istorbo sayo, love." "Hindi ka naman storbo sa 'kin baby, never mangyayari 'yon, okay?" Tumango siya sa 'kin. Kinuha ko ang dala-dala niya. Inalalayan ko siya pababa ng hagdan at tumungo sa kusina. Napansin kong nakatingin siya sa ininom kong wine. Napalunok laway na lamang ako dahil tinitigan niya ako ng masama. "Baby, why? Is-is something wrong?" kinakabahan kong tanong. Hindi siya nagsalita, bagkus lumapit siya sa 'kin. Napaatras naman ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. Inamoy-amoy niya ako at mas lalong tinitigan ako ng masama. Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa bewang niya. "Love, ayaw kitang makatabi!" sigaw niya sa 'kin. "Wha - what??? No!....."ZINNIA POINT OF VIEW F A S T F O R W A R D MAKALIPAS ANG ILANG ARAW Muli akong nakabalik sa pamilya ko. Unti-unti ko rin naaalala ang masasayang ala-ala namin noon. Tinanggap ako ng buo ng pamilya ko. Kaya labis ko itong pinapasalamat. Matapos rin ang mga pangyayari noon. Naging tahimik na ang pamilya ko. Higit sa lahat nakikita ko ang matatamis na ngiti ng mga anak ko. Samantalang, malambing at masunurin naman sa akin ang asawa ko. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. "Mahal ko, ang sarap naman ng niluluto mo," paglalambing na bungad sa akin ng asawa ko. Oo nandito ako sa kusina at masaya kong naghahanda ng pagkain para sa kanila. "Syempre naman, luto ito ng pinakamamahal mong asawa. At ang luto ko na 'to ay May halong pagmamahal galing sa puso ko," nakangiting sagot ko sa kaniya. Niyakap niya ako habang nakatalikod ako sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang pagmamahal. "Ang swerte ko talaga sa asawa ko. Ang ganda ganda na nga ang sarap pang magluto." Bulong niya it
Malungkot man ang lahat ngayong naliwanagan na ako, handa na akong bumalik sa pamilya kom Ramdam ko rin naman na mahal na mahal nila ako. Sana nga mapatawad nila ako sa mga sinabi ko kanina. Nag-aalala lang talaga ako sa anak ko. Kaya sobra akong nagalit sa kanila. Dahil sobra din akong naguluhan.Kasama ko ngayon si Josh sa pagbalik ko sa hospital. Wala pa rin nagbago, naka-upo pa rin si Youtan sa labas ng pintuan ng kwarto ng anak namin. Ngunit, nang makita niya kami ay agad siyang napatayo at humarap ng maayos sa amin. Walang alinlangan akong lumapit sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko na lamang siyang niyakap nang mahigpit. At ang pakiramdam na ito ay sobrang pananabik. "Sinabi ko na sa kaniya ang lahat. Patawarin mo ako bro, dahil hindi ko siya agad binalik sa inyo. Tapos, nakipag-away pa ako sa 'yo. Para sa akin kasi mahalaga na rin sila sa akin. Kaso lang mali pala ako. Kaya ibinabalik ko na sa 'yo ang pamilya mo." Sincere ang pagkakasabi nito ni Josh. Niyakap ak
ZINNIA POINT OF VIEW Sa ngayon iniisip ko pa rin ang mga nangyayari. Tanging si Josh lamang ang makakasagot sa mga katanungan ko. Kaya naman kahit na anong gawin niya o palusot niya kailangan ko pa rin marinig ang totoo sa mismong bibig niya. Wala akong ibang pagpipilian kundi ang hanapin siya at komprontahin. Nakikita ko na maayos naman ang lagay ng anak ko. Kaso nga lang nandito pa rin si Youtan sa labas ng pintuan ng kwarto ng anak ko. Gayunpaman ay hahayaan ko na muna siya diyan. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko upang matawagan si Josh. Agad naman itong sumagot ng walang alinlangan. "Gusto kitang maka-usap. Pwede ba tayong magkita?" mahinahon kong aniya. Umalis kasi siya kanina kaya wala siya dito sa hospital. "Sure. Dito na lang sa bahay para maayos ang pag-uusapan natin," maayos ang kaniyang pagkakasabi. I agree. Pagkatapos nito ay lumakad na muna ako. Mabuti na lamang ay hindi ako pinigilan ni Youtan. Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating ako sa bahay. N
I don't really know what to do. Sa mga sinabi ni Josh, ramdam ko na may kasalanan ako. Kaya, wala akong karapatan na bigla ko na lang siya sugurin ngayon. Sa mga nakita ko, naging malapit din sila sa isa't isa nang asawa ko. Pero, hindi ibig sabihin nito palalampasin ko na lang si Josh sa ginawa niya. Kailangan pa niyang ipaliwanag sa akin ang lahat nang mas malinaw. Halos hindi ko nga alam, kung bakit nangyayari ang lahat nang ito. Nabuhay ako sa loob taon na inakala kong patay ang asawa ko at ang anak ko."Bro, pagod ka na. Pwede ka naman umuwi muna sa ngayon. Isa pa, kailngan mong magpahinga para may makuha kang lakas. Kami na lang muna ni Prince ang bahala dito. Titiyakin namin na hindi mawala sa paingin namin si Zinnia," wika pa ni Alexander. Pero, mas wala akong lakas para magpahinga. Kailangan ako ngayon ng asawa ko. Kailangan ako nang anak ko. Kaya, kahit anong galit pa ni Zinnia sa akin ngayon. Hindi ko siya pababayaan.I didin't say anything. Nakatuon pa rin ang mga mata ko
"Hindi ko alam. Hindi ko na alma kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kung paniwalaan. Siguro nga nagkamali ako. Pero, hindi ko kasalanan ang lahat ng 'to. Gusto ko lang maging masaya. Gusto kong makasama nang matagal ang anak ko at ang pamilya ko. Pero sa mga nalaman ko, sa mga narinig ko. Parang pakiramdam ko ngayon wala akong pamilya. Dahil puso panloloko ang nangyari ehh. Bakit ganun bakit parang ang daya ng lahat. Steve, kilala kita dahil sikat ka, pero hindi ko inaasahan na sasabihin niyo na asawa kita. Hindi ko alam na lubos at sobra sobra pa pala ang lahat." Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Dapat hindi ako umiiyak sa harap ng anak ko. Kailangan kong maging malakas, ngunit paano ko gagawin. Kung sa puntong 'to tila'y may mga punyal ang tumarak sa puso ko. Halos madurog at maguho na ang mundo ko."I'm sorry, it's all my fault. Still Zinnia, kailanman hindi kita sinisi at hindi kita sisisihin. Nawala ako sa tabi mo. Malaki ang naging pagkukulang at kas
JOYCE or ZINNIA POV.Hindi ko lubos maintindihan kung ano ang nangyayari. By the way, nandito ako ngayon sa tapat ng anak ko. Balot na balot ang buong katawan ko, dahil hindi maaaring hindi. Sobrang nasasaktan ang damdamin ko habang pinagmamasdan na walang lakas ang anak ko. Kahit ako ay unti-unting nang hihina. Lalo na hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon. I'm just hoping na maging maayos lang ang pamilya ko, na maging masaya lang kami. Pero, nang dumating sina Youtan, tila'y nagbago ang lahat. Bakit kasi, pinipilit nila ang sarili nila sa akin, kahit hindi ko naman sila lubos na nakikilala. Gusto kong sumigaw, pero hindi ko magawa. Ang aking mga luha, ay hindi man lang tumitigil sa pagbuhos. Pakiramdam ko, walang wala na ako. Kung alam ko lang na ganito lang din ang mangyayari sa ana ko, hiniling ko na lang sana . Na sana ay ako na lang ang tinutukoy nilang namatay na at kailan man hindi na babalik pa. "Anak, hindi ko maintindihan kung bakit ginawa sa atin ng dad mo ito. Si daddy
Narito na kami ngayon sa hospital. Kung ano ang napag-usapan namin ni Ruan ay hindi namin pwedeng ipaalam kay Zinnia. Dahil hindi namin pwedeng dagdagan ang iniisip ni Zinnia. Kanina pa siyang tulala at walang imik. Nais ko siyang kausapin pero hindi ko magawa. Hindi ko mapigilan ang pagmasdan siya
"Malaki ka na rin pala," sabay hawak sa buhok ko."Tita Miona, I'm happy that your alive," sabay ngiti ko."Ruan?" "Yes, it's me.""I'm sorry, hindi ko kasama kapatid mo.""It's ok, basta ibalik mo na siya sa amin."Nalungkot ang puso ko, sa totoo lang gusto ko pang makasama si Zinnia at ang mga a
Maraming naging gawain ngayon. Na e-stress na ako ang daming pumapasok sa isip ko. SOMEONE POV."How's my daughter and son?" I said with a smooth tone. "Ayos lang ang mga bata, Melanie. Don't worry." "Good. Ingatan mo sila." "I will. But, kailan ka uuwi? Hinahanap ka na lagi ng mga anak mo." "
"Okay, doc. Thank you."Then, umalis ang doctor. I'm watching these three kids. Kahit nasaktan na sila, naglalaro pa rin. Ang titibay din. I hope we will meet soon. Gusto kong makilala ang mga magulang ng batang 'to. I know she's alive."Babies, let's go. Busy pa si Daddy ngayon. "No, Dad I want







