LOGINHindi maintindihan ni Issa kung bakit sa dinami-rami ng p’wedeng mapansin ng boss niyang si Santiago ay siya pa talaga ang napagdiskitahan nito. Si Issa, na isang hamak ng intern. Average girl, certified overthinker at professional delulu. Ang problema? Hindi niya ito gusto. Kasi, gustung-gusto niya ito! Pero oy, hindi naman ibig sabihin no’n na paniniwalaan na agad niya na seryoso si Santi sa kanya. Kasi diba, bakit nga siya? At nagtanong pa raw siya, eh siya nga ‘tong sumakay sa mga pa-cute ng boss at sinabayan ang kalandian nito. Pero malay ba naman ni Issa na more than landian pala ang gustong mangyari ni Daddy Santi? Si Santiago Cortez kasi ang klase ng lalaking dapat ay pang-boss lang. Arogante, topakin, pero sobrang guwapo. Also, kayang-kayang bumili ng isang building o higit pa - at siguro na pati kaluluwa niya, kung afford nito. Oo nga pala, babaero itong numero uno. At si Issa? Tipikal na intern na dapat nagta-trabaho lang at hindi nagpapantasya sa boss. Away. Bati. Flirt. Takbo. Habol. Repeat. Pero hindi naniniwala si Issa sa forever, lalo na sa lalaking gaya ni Santiago. Kaya ang tanong - kapag isang guwapo at possessive na bilyonaryong tulad ni Santiago ang na-in love sa isang intern na delulu pero may commitment issues tulad ni Issa, aasa ba sila sa happy ending o ang mas kailangan nila ay magpa-book ng couple’s therapy?
View MorePUMASOK ako sa M&C Holdings para sa internship. Pero nag-stay ako dahil sa boss. Literal. Wala pa akong ten minutes dito pero ayoko nang umuwi, girl. Hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa...kanya - kay Mr. Jose Santiago Cortéz. Ang bago kong boss na parang palaging bagong ligo, na parang tumalon mula sa perfume ad sa billboard sa EDSA.
At ako? Well, natapunan ko lang naman siya ng umuusok na kape - sa unang araw ko sa trabaho.
“Hala, Sir! I-I'm so sorry!" sigaw ko habang hawak ang paper cup na wala nang laman.
Tiningnan niya ang slacks niya na basang-basa na ng kape, at pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin, dahan-dahan. Nakakunot ang noo, matalim ang tingin. Pero ang labi? May slight na pagngiti, girl.
“‘Yung pantalon ko talaga ang target mo, intern?” tanong niya sa mababa niyang boses. Malalim, mapang-asar, na parang alam na alam niya ang epekto niya sa sistema ko na malapit nang mag-crash.
O baka ako lang talaga ang praning? Pero swear, may kung ano sa paraan ng pagtingin niya sa akin na lalong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
“N-naku, Sir, hindi po! Sorry! Ang bilis n’yo kasing maglakad! Ginulat n’yo ako tsaka…”
“Sinasabi mo bang kasalanan ko pa na nabuhusan mo ako ng kumukulong kape?”
“H-hindi naman po sa gano’n, Sir…kaya lang kasi…”
At sa halip na sermon ay isang matamis na ngiti ang natanggap ko mula sa aking bagong boss. At ayun na nga, first day pa lang, sigurado na ako sa dalawang bagay: Una, in love na yata ako. Pangalawa, hindi na ako uli hahawak ng mainit na kape.
Unless galing kay boss, na may kasamang kiss…
Pagkasarado ng elevator, napatili na lang ang utak ko at napabuntung-hininga. "Girl," bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang sarili sa salamin. "Hindi lang siya gwapo, girl. He's... biblical!"
As in part-the-Red-Sea levels, As in ruin-me-Daddy levels. As in kung magkakaroon ng marketing campaign ang salitang tall, dark, and dangerously magnetic, si Jose Santiago Cortéz ang magiging mukha nito.
At bininyagan ko lang naman siya ng kumukulong kape!
Nang mag-vibrate ang cellphone ko ay tiningnan ko agad ‘yon - text galing kay Sachi, ang best friend kong self-proclaimed life coach at full-time pasimuno ng gulo sa buhay ko.
SACHI: Ano, first day mo pa lang, sinabotahe mo na agad ang career mo?
ME: Sach, gusto ko nang umuwi, ngayon na!
SACHI: Kasi naman, ano ba ang nangyari at nabuhusan mo siya ng kape? Teka, kailangan mo na ba ng pang-piyansa?
ME: Bes, sobrang gwapo niya kasi, hindi ko kinaya! Nag-panic ako! Tapos ayun. Hindi ko na rin alam kung anong nangyari!
SACHI: Jusko ka. Kailangan ko ng pictures!
ME: Ng alin? Ng pantalon niya?
SACHI: OO!
Muntik ko nang maihulog ang cellphone ko katatawa. Classic Sachi. Pero nawala rin ang ngiti ko nang maalala ko 'yung boses ni Sir - malalim, masarap sa tainga, masarap…
Napabuntung-hininga uli ako at marahang iniuntog ang noo sa dingding ng elevator. Magfocus ka nga, Issa!
Hay. Ang gusto ko lang naman sa buhay ay gawin ang trabaho ko at matapos ang internship na ito nang walang gulo. Walang scandal. Walang disaster. At lalong walang distraction na nakamamahaling suit at may mga matang parang nababasa na ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa buhay.
Pero pagbukas ng elevator, alam n'yo kung sino ang muntik ko na namang mabunggo? Yep. Siya na naman. Nakatayo si Boss sa labas, may kausap from HR. Nakatupi na ang manggas ng polo niya, na para bang hindi pa sapat na gwapo siya sa suit n’ya. Kailangan talagang ipakita ang muscles, Sir?
At ako? Nakatayo lang na parang fangirl na malapit nang maiyak sa sobrang kilig.
Napalingon sa akin si Jose Santiago Cortéz. Bahagya siyang ngumiti na para bang alam niyang malapit na ‘kong malusaw.
“Intern,” sabi niya sa kalmadong boses. “Subukan mong huwag na akong pasuin next time. Nakatingin ang HR.”
Binuka ko ang bibig ko. Isinara. Binuka ulit. “Okay lang naman kayo, Sir,” mahina kong sabi. “Yung pantalon n'yo naman ang mas napuruhan.”
Diyos ko. Bakit ko sinabi 'yon?
Tiningnan ako ng taga-HR na parang handa na siyang gumagawa ng termination memo para sa akin.
“Let's hope the rest of the week is less... wet,” sabi ni Santiago.
Napakurap ako. Sir?
Hay, sigurado akong sisigaw na naman si Sachi kapag ikinuwento ko ito sa kanya mamaya.
At sa pagkakataong iyon, gusto ko na lang maglaho. O kaya mag-resign. Ah basta, kahit alin sa dalawa.
~~
PAGPASOK ko sa breakroom-slash-hiding-spot, naupo agad ako na para bang kagagaling lang sa marathon. Nag-dial ako - isang ring. Dalawa. Tatlo.
"Hello?" Halos mabasag ang eardrum ko sa lakas ng boses ni Sachi. "So, tuloy na ang kuwento, girl!"
"Ayun na nga, aksidente lang, natisod ako, lumipad ang kape, it hit the target."
"Ano ang target?"
"Eh di ‘yung ano n’ya."
Dinig na dinig ko ang sigaw ni Sachi na halos mapunit na ang eardrum ko sa lakas. "Oh my God. Nagalit ba?"
"Ayun na nga, hindi! Pero mas malala. Aba, parang natuwa pa nga ang loko! Like natawa pa siya. Na para bang bigla, ang tingin niya sa akin, komedyante! Nag-blush pa ako, tapos siya - ayun, nginitian lang ako, Sachi! Alam mo ‘yung effect ng smile ni Pedro Pascal na parang alam niya na pinagpapantasyahan mo siya tuwing madaling-araw? Gano’ng-gano’n!”
“Eh gano’n ka naman talaga, diba?”
“Oo na, oo na, pero naman!”
“Issa, naiintindihan mo ba ang nangyayari? Ang boss mo, ka-aura ni Pedro Pascal! Pangarap ‘yan ng lahat ng babae, girl!”
“Diyos ko, hindi ko na yata kaya, besh! He’s too much! Sobrang guwapo, sobrang mabango, ang boses, Sach, parang ang…sarap! At may pa-ugat, besh!”
"Ugat? B*tch, teka lang!"
“At ito pa, may pahabol pa siya na, 'Let's hope the rest of the week is less wet.' Emphasis sa WET! Muntik na yata akong mag-black out kanina!"
Napasigaw uli si Sachi. "Hoy, tigilan mo na nga! Sobrang kinikilig na ‘ko dito!"
"Pinagpapawisan na nga ako, hindi pa man ako nagsisimula ng actual work! Paano kung tanggalin n’ya ako dahil sa kalandian kong ito?"
“Oh, at least, natanggal ka with honor. Aba, kung ako, mawalan ng trabaho dahil sinabihan ako ng hot CEO boss ko na huwag ko siyang landiin, ipapa-print ko ‘yan sa T-shirt, besh!”
"Sachi. Hindi totoo ang lalaking ‘yon, I swear. Parang galing lang sa panaginip ko, eh."
"Tapos ikaw, ayan, parang flirty intern ang atake. Para kang nasa romcom novel, besh! Ay wait, revise natin - para kang nasa steamy novel, girl."
“Hoy, sinasabi ko sa ‘yo, ang kilig ko, parang abot na hanggang next week!”
“Basta ang advice ko sa ‘yo, bes? Kailangan mo ng bagong lip gloss at bagong undies. Dapat lagi kang handa!”
“YOU still don’t have any idea what you do to me, do you?” Hindi ko na alam kung paano kami nakarating sa may powder room. Basta naramdaman ko na lang na kinabig niya ang baywang ko hanggang sa magkadikit kami. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya, at ang tigas ng malapad niyang dibdib. “Pero sa tingin ko, gusto mo ‘to, right? Whatever this is between us…you like it, yes?” At nakita ko na naman ang nakakaloko niyang ngiti, na parang alam na alam niya ang epekto no’n sa akin. Napalunok ako. Para akong nalulunod na hindi ko maintindihan. His presence is so commanding, so overwhelming. Ako ang tipo ng babae na laging may control sa kung ano man ang nararamdaman pero ngayon? Hindi ko na alam.“Issa, tell me,” muli niyang bulong, habang marahang dinadampian ng maliliit na halik ang aking leeg. “Do you want this? Do you want me to take you, right here, right now?”Nanlaki ang mga mata ko at halos mapanganga. Bigla ring nanlambot ang mga tuhod ko at sumakit ang tiyan na alam ko ku
DUMATING ako sa event na sobrang prepared - a little silk slip black dress na pang-villain sa isang soap opera nag dating. Sabi nga ni Sachi - “Slay for revenge. Paiyakin mo sa bathroom, beh!”So, mission accepted. Nando’n ako, sipping wine, trying to look unbothered nang dumating siya - in all black na parang ready na sa libing ng katinuan ko. And then, he saw me. Pero lumapit ba siya? Hindi. Nag-stay lang siya do’n sa kabilang bahagi ng ballroom, busy sa pakikipag-usap sa executives, with his usual CEO vibe, na parang walang pakialam sa beauty ko.Wow, he’s good. Kaya tumawa ako. ‘Yung malakas, making sure na maririnig niya. I flipped my hair more. Nakipag-usap pa nga ako kay Jordan because,w ell, ano pa ba ang gagawin ko kung I’m trying to get over a man na hindi naman naging kami?At ilang sandali pa, naramdaman ko na, girl. ‘Yung titig. Mula sa kabilang dulo ng hall. ‘Yung nanunuot sa buto, ganyan, possessive ang dating. At nang lumingon ako, ayun na nga, nakatitig siya na paran
PAGKABASA ko ng handwritten note from ‘teh’ boss, tatlong oras ko ‘yong pinag-isipan. Kung para saan ‘yon, kung paraan ba niya ‘yon ng pag-invite sa akin na mag-dateOo na girl, gano’n ako ka delulu!At pagkaraan pa ng ilang oras, nakapagdesisyon na ako na harapin ko ang may-sala. Of course, for professional reasons. “Okay,” bulong ko sa sarili. “Okay lang ‘to.” Pero ang totoo, hindi ito okay. Dahil pag-angat ko ng tingin, nakita ko agad si Santi, nakatayo sa may hallway, nakapamulsa. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya pero isa lang ang sigurado ako - nakatingin siya sa akin - and my heart did that stupid little thump. Kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko yata kaya, girl.Kaya wala rin akong nagawa, in-organize ko na lang ang folders sa mesa ko at nagkunwaring nagche-check ng email. Nagbukas siya ng spreadsheet pero isinara rin niya uli dahil -“Miss Balmaceda.”Natigilan ako at dahan-dahang nagtaas ng tingin. Nagulat pa ako nang mapansing nakatayo na pala siya s
OKAY, okay. Sabi ko sa sarili ko, tama na. Tapos, na, ayoko na. At hindi ko hahayaan na masira ang buong buhay ko nang dahil lang sa iang elevator moment na ‘yon with my boss - na ipinanganak yata para lumandi sa mga intern at magsalita ng mga salitang nakakapanlambot ng tuhod. NO WAY!Kailangan kong magpaka-mature. Of course, I am mature. I am professional, I am cold - kasing lamig ng tirang Adobo na galing sa freezer. Tama. Dapat, this time, Ice Queen levels. Elsa who? Kaya ginawa ko ang dapat ginagawa ng isang strong, independent, dangerously- horny woman - in-initiate ko ang Ghost Protocol.Meetings? Aba, nagkunwari akong nasa ibang floor. Or nasa kabilang buhay, kung ano man ang p’wede. Coffee? Nag-decaf ako, girl. Para lang hindi ko siya makasalubong sa pantry. Emails? Cordial, robotic. Hanggang ‘noted, sir’, ‘will do, sir’ lang ang drama ko. Walang smiley, walang kahit na ano. Ultimo fashion sense ko nga, iniba ko rin kahit magmukha akong madre. Turtlenecks in Manila heat? Yes.












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews