Share

Chapter Sixteen

'KUNG napapasaya lang kita dahil sa sex, okay lang. Walang problema kahit hindi ako ang nasa puso mo. Ang importante lang sa akin, nandito ka sa tabi ko. Hanggang sa hindi ka pa nagsasawa sa akin, hindi kita iiwanan.' Malalim na buntunghininga ang pinawalan ni Katrina habang sinasabi ang mga salitang iyon. Kaya nga lang, hindi niya maibulalas. Tama na sa kanyang sinasabi iyon sa kanyang isipan.

"Anong oras na?" tanong ni Jeremy na kahit na nakapikit pa ay parang alam na alam na nakadilat siya at pinagmamasdan ito.

May kaba tuloy siyang naramdaman. Alam naman siguro ni Jeremy na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya ito. Siguro naman ay hindi ito ganoon kamanhid para hindi maramdaman iyon. Kahit pa nga palagi niyang sinasabi na iba ang mahal niya.

"Oras na para bumangon tayo," wika niya. Pinilit niyang pasiglahin ang kanyang boses.

"Hindi ka ba napagod sa ginawa natin?" nanunudyong tanong nito. "Naka ilang rounds din tayo."

Kahit na asawa na niya si Jeremy ay nag-iinit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status