Share

Chapter Twenty Nine

KAHIT na sa ospital ng mga Samonte dinala ang ama ni Ysabelle ay pinalis pa rin ni Katrina sa kanyang isipan ang takot. Ewan niya kung bakit para siyang nakaramdam ng panganib ng mga sandaling iyon, bigla tuloy siyang napahamak sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay kailangan niyang protektahan ang kanyang dinadala. 

Nang ibaling niya ang tingin kay Jeremy ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya. Hindi nga lang niya magawang basahin ang emosyon nito. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang may ideya na ito kung anong kaugnayan ng hospital na iyon kay Flaviano. 

"Hindi ko alam na dito dadalhin si Tito. Okay lang ba kung bababa tayo?" nag-aalanganing tanong niya. 

"Bakit naman hindi?"

Kahit na medyo may kalamigan ang boses nito ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Paano ba naman kasi, hinagilap nito ang kanyang palad saka pinisil. Pakiwari niya ay nangangako ito sa kanya na kahit na anong mangyari ay hindi siya pababayaan. 

"Ospita

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status