I told Apollo to stop his car even before we entered the vicinity of District Five. I saw Justin do the same thing.
Sa kotse ni Apollo ako sumakay samantalang kay Justin naman si Alexander. “I won’t go with a prejudice brother,” giit ni Alexander kanina na sinang-ayunan ko rin dahil kahit ako, hindi gugustuhin mapag-isa kasama ang nakatatanda kong kapatid.
Xander called me before we drove to our destination. Kasama niya si Veronica na naghihintay sa wooded area ng Singko at nagmamasid sa mga nangyayari mula roon. Somehow he managed to implant spy cameras sa loob ng headquarters which they used to observe what was happening inside.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko at nakita ko sa screen ang pangalan ni Dominic. I answered the call.
“What?” bungad ko.
“Papunta na kami sa location na binigay mo. I have with me a dozen police and another will be coming later. Naka-off ang sirena ng mga sasakyan nam
I was dragged to who-knows-where. May itim na telang nakatabing sa mga mata ko at nakatali sa aking likuran ang aking mga kamay. Ganundin marahil ang ginawa nila kay Apollo. Pero hindi ko sigurado dahil kinaladkad na nila ako palayo sa kanya at kay Michael Villanueva bago ko pa maisipang maglaban.Kinumpiska rin nila ang mga dala kong armas kaya’t sa kalagayan ko, isa na lang ang maasahan ko.I concentrated my mind until I felt myself passed out to a trance.My mind drifted away to a close, wide room. Walang ilaw sa kwartong iyon, pero hindi mahirap makita ang kabuuan niyon dala ng liwanag na nagmumula sa mga malalaking brass na ataul. Yeah. Brass coffins. Seven brass coffins actually.Bumalik din agad ako sa huwisyo. Nagising ako na nakahalik ang pisngi sa malamig na sahig. Nakagapos pa rin ang aking mga kamay at natatabingan pa rin ng itim na tela ang aking mga mata, subalit ramdam kong nasa hindi kalakihang kwarto ako at base sa amoy na nal
Michael brought me in another room. Pero this time, hindi na mga lumang papel ang makakasama ko.Hindi na ako ginapos ni Michael. Tutal hindi ko rin naman kakayanin na labanan siya.“Now, here’s the star of the night.”Hindi tulad ng kabuuan ng District Five, naiilawan ang silid na iyon ng mga malamlam na emergency lights sa bawat sulok. At base sa mga nakikita kong computers, bookshelves at samu’t-saring charts sa dingding, alam kong nasa Kryptos kami, ang silid kung saan namumugad ang mga Cryptographer ng distrito. Pero hindi ang mga ‘yon ang umagaw sa pansin ko kundi ang mga painting na nakahanay sa isang bahagi ng silid—mga painting ng yumao kong ama.Bukod sa amin nina Michael at ng traydor na Senior Agent 7, may dalawang tao pa sa loob—another two supposedly missing corpses.Ang isa ay ang babaeng natagpuang patay noon sa damuhan. Balingkinitan ang katawan niya, may mahaba at alun-alon na buhok
I went inside a grim-looking wooden house.The smell of something burning welcomed me upon entering. I looked around. The house was empty aside from the painting lying on the floor. I walked towards the painting and stopped when I could see it clearly.The Woman’s Tear. It was the painting’s title. It portrayed the face of a woman whose eyes were close but whose thin lips were curved in a knowing smile. Its left eye glistened with unshed tears. Beneath the woman’s face was the crude shape of a diamond. The letter XW was written in the right bottom corner of the painting like a signature. But if you understand it like I do, it was really the Roman number XIII written in a cursive manner.Then I heard a gunshot and the scream of a woman. I turned around and saw Ninong Raphael. He was pointing a gun at me.“She had a concussion, but she’s okay now.” Ninong Raphael said. His voice was of a woman. I g
Naputol ang pag-uusap namin ni Agent Zero nang may kumatok sa pintuan. Bumukas ito at pumasok si Justin.“Agent 3 called saying, ‘the meeting’s over’,” aniyang idinirekta ang mensahe kay Agent Zero.Tumango naman ito at muling ibinalik ang pansin sa akin. “I have to go back to Olympus. The Blacksmith will report to me there. Justin will escort you to District One where the new group is camped. Sila na ang magdaragdag ng impormasyong kailangan mo pang malaman.” The stern look slipped back to her face. “As of now, you are the most valuable piece in this case. Only you could tell where the possible location of the diamond is.”I was taken aback. “How did you know about the diamond?”"Your whole conversation was recorded. I wanted to know what it is that they need to go this far just to look for it.”She was curious and she wanted to satisfy her curiosity by using me.
Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko habang bumabyahe kami ni Justin patungo sa District One tulad na lang halimbawa ng:“Nasaan nga pala ‘yung motor ko?”Ngumisi muna si Justin bago ako sinagot. “Your personal belongings are at the District One now.”Haayy. Buti naman. At least naka-survive ‘yung mga gamit ko.Hindi naman katagalan ang naging byahe naming dalawa. Mula sa ospital ay dumiretso kami sa airport kung saan kami sinundo ng private plane ng PUGITA.While flying, Justin told me the things that happened the night we raided District Five.Aniya, natagpuan daw siya noon ni Alexander na binubuksan ang mga walang lamang ataul sa loob ng isang silid—ang silid na nakita ko sa pamamagitan ng remote viewing. Kasunod daw noon, dumating sina Xander at Veronica na may mga kasamang agents mula sa District Zero. Hinanap daw ni Veronica si Apollo at natagpuan itong nagmumukmok sa sulok ng isang
The next morning, nagpatawag muli ng meeting si Agent 3 para sa kapakanan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga nalaman ko kaya hindi maganda ang gising ko basta ang alam ko, ang bilis kong mapikon sa mga pang-aasar ni Justin.Kagabi bago ako matulog, (hindi tulad sa District Five, walang mansyon na maaaring tulugan ng mga agents, pero may inilaan silang dalawang malalaking silid-tulugan) tinawagan ko si Aaron para humingi ng paumanhin na hindi ako nagparamdam sa kanila ng ilang araw. Bagaman masakit i-assume na may kinalaman sa pagkamatay ng totoo kong mga magulang ang mga taong nagpalaki sa akin, hindi ko rin naman matiis na hindi sila kamustahin.Buti na lang din hindi pa sinasabi ni Dominic sa kanila na isa akong undercover agent.Pagpasok ng conference room, sinalubong agad ako ng mga pamilyar na mukha.Tumigil sa pagbibiruan sina Agent 29, Patrick Sta. Ana at Agent 50, Marion Buenviaje pati na rin ang kasama nilang dalawa pang lalaking agent
Pabalibag na isinara ni Justin ang pinto ng opisina. Napagsarhan si Xander na ang sama ng tingin sa amin pagpasok.“I can’t understand why you have to stoop down the level of Agent 32,” aniyang nakapamewang sa harapan namin.“That Ulfric is a bastard,” nag-iinit pa ring sabi ni Justin. Madali talaga siyang mapikon kay Agustin. May bad history yata sa pagitan nilang dalawa.Kinuha ko ang helmet ko sa cabinet. “Kaya nga hindi ko na lang pinapatulan, eh. Mas gago ‘yon sa’yo.” I took my Browning from the drawer under the table. I already put the knife on my back earlier before I went to the meeting.“Where are you going?” tanong ni Justin.“There are things…” I strapped a small square-shaped bag on my right thigh. The size was only right for four magazines of ammo for the Browning, two with lead bullets and two with silver. “…I have to do.” I p
Hindi madali ang bumyahe nang naka-motor lang lalo na’t higit na malayo ang District One mula sa District Zero kumpara sa District Five. Makailang beses akong nag-stop over para magpa-full tank ng motor ko at magpahinga na rin. Kung maaari, tuluy-tuloy lang ang pagbyahe ko dahil mahirap nang ma-ambush. Hindi pa man din ako mapalagay at tila may sumusunod sa akin. Sinusubukan kong hanapin kung sino ‘yon tuwing humihinto ako, pero wala akong matyempuhan.Alas nwebe na ng gabi, nasa kalsada pa ako. Dalawang siyudad na lang sana ay nasa St. Joseph Hospital na ako, pero nagpasya na akong huminto at mag-check in sa isang inn. Hindi ko na kasi matiis ang pagod dala ng mahabang byahe. Nakakaramdam na rin ako ng pananakit ng ulo dala pa rin marahil ng nakaraang insidente.Hindi naman kalakihan ang inn na pinag-check in-an ko. Tama lang sa apat na palapag na building, parking space at maliit na garden sa likuran ng building.Pagpasok ng silid, agad kong