Share

CHAPTER 151: SHE CAN'T BE

"DAME, how do you feel now? Nandito na si mama, I'm sorry if we are late..." Nag-aalalang dinaluhan ni Blythe si Dame sa hospital bed ng school clinic. "Kumusta kana?"

"I'm okay, mama." Ipinakita nito ang braso niyang may ilang benda. "Maliit na sugat lang naman—"

"Maliit? Ang dami mong galos na bata ka," giit ng kaniyang Mama Celia. Bahagyang tumaas ang tinig nito na para bang mayroon itong ipinupunto. "Nasaan ka ba nagpunta, Blythe? Bakit ang tagal mong dumating?"

Pumasok sa may pinto si Venedict kaya naman lumipad ang mga mata nila rito. Na-agaw ng mama ni Blythe ang atensyon niya nang marahas nitong ibuga ang kaniyang hininga, umirap ito nang matalim sa kawalan.

"Daddy!" Sabik na sabik na bumangon si Dame mula sa kaniyang kama, nagliwanag ang mukha nito nang matagpuan nito si Venedict. "Daddy, dumating ka rin."

"Of course, I heard that my son was hurt," anito pagkalapit kay Dame. Ginulo nito ang buhok ng bata bago bumaling sa noo'y wala na naman sa timplang mama ni Blythe. "G
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status