Share

Kabanata 13

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko't ikikilos sapagkat hindi ko rin naman alam ng nangyari sa pagitan nila ng totoong Avery.

Nagulat kaming dalawa ng may kumakatok sa pinto ng kuwarto “Anak bakit ka sumisigaw? Ayos ka lamang ba r'yan? Buksan mo ang iyong pinto.”

Baka kung anong ang sabihin nila sa akin kapag nakita nila itong si Danilo.

Agad naman akong umubo para bitawan nya ang kamay ko, “Danilo doon ka muna magtago sa aking kabinet.”

Nagulat siya sa aking winika. “Ngunit, Allexcia maaaring may makita akong mga bagay ro'n.”

Nagpatuloy pa rin ang pagkatok ni ina kaya’t agad ko s'yang tinulak patungo sa kabinet.

“Mas ikakatakot ko na mahuli tayong dalawa ng aking ina,” dagdag ani sa kanya.

Agad naman nyang hinawakan ang kamay ko na aking ikinagulat. “Hindi ba mas maganda nga iyon, para hindi ka na nila ipakasal kay Aiden na 'yon.”

Ikinagulat ko ang naging turan niya— marahil siya ang Pilipinong lalake na dinala ni Avery para hindi matuloy ang kasal.

“Ano ba ang sinasabi mo r'yan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status