“Basta lumayo ka muna sa kaniya, habang hindi pa natatapos ang gulo mas mabuti ng sumunod ka muna.” May paninindigan na sabi ng Ina nito kay Maria, hindi nito pwede na unahin ang awa sa anak dahil lang nahihirapan ito.
“Pero paano kung sabihin ko po na hindi ko talaga kaya na isantabi ko ang nararamdaman ko, na mahal na mahal ko sya at hindi kayang mawala sya sakin.”Ang mga mata na wari’y nakikiusap ay tumitig sa Ina niya, umaasa na magbabago pa ang isip nito pero umiwas lang ng tingin at Ina at tumayo sa pagkakaupo sa kama at nagsimula ng lumakad palabas ng silid niya.
“Ina, nakikiusap ako sayo kahit ikaw sana maintindihan mo ang nararamdaman ko. Ikaw ang napagsasabihin ko ng lahat at ikaw ang makakaintindi ng lahat. Pareho tayong babae at alam mo kung anong pakiramdam ng magmahal, huwag nyo naman sanang ipagkait sakin yun.”Hinawakan ng dalaga ang kamay
“Kanor,” bulong ng dalaga ng makita ang lalaking kararating lang at hindi maipinta ang mukha sa nakikita, alam nilang lahat na mainit ang dugo nito pagdating sa pamilya nila Pelipe.“Anong ibig sabihin nito? Bakit andito sya, tinalikuran nyo na ba ang pagtulong sa Ama ko kaya nakikipagkasundo na kayo ka lalakeng yan?” Iyon ang salitang unang lumabas sa bibig ng binata ng makita niya ang mukha ng panganay na anak ng mga taong tumagging tulungan ang Ama niya. “Nagkakamali ka ng iniisip, Kanor walang ganon na nagyayari maupo ka rin muna dito at mag-usap tayo.” Mahinahon ang salita ng Ama ni Maria dito at halata ang pag-aalala, kitang-kita naman ni Maria ang inggit sa mga mata ni Pelipe dahil hindi siya ganoon kausapin ng Ama ng dalaga.Nakatingin lang ng masama si Kanor kay pelipe hanggang makaupo dito, hindi tuloy mapigilan
Nang mga oras na iyon ay walang nagawa si Pelipe kung hindi ang umuwi na muna, habang walang ginawa si Maria kung hindi ang umiyak ng umiyak. Kahit ang Ama ng dalaga ay hindi mapigilan na makaramdam ng awa para sa anak. Aminado naman ang mga ito na gusto nilang maranasan ng anak nila ang pakiramdam na magkagusto, pero hindi nila ginusto na maranasan ng dalaga ang masakit na uri ng pagmamahal. Kaya hanggang maaari ay pigilan muna nila ito na mapalapit sa lalake hanggang hindi nagiging maayos ang lahat. “Tumahan ka na riyan, Maria hindi naman porket umalis sila ay hindi na sila babalik. Narinig mo naman ang sinabi ng Ama mo, pag naging maayos na ang lahat para kay Pelipe ay hahayaan na niya iton
“Ina, mahal ko po talaga si Pelipe. Pakiramdam ko ay kaya ko na harapin ang lahat para sa kaniya, kaya kong tiisin ang hirap at kaya ko na maghintay ng matagal hanggang maging maayos ang lahat para samin. Iyong may tamang oras para masabi naming na para talaga kami sa isa’t-isa.” “Minsan kailangan mo talagang maghintay ng tamang oras at pagkakataon para masabi mo sa sarili mon a para sayo sa isa’t-isa, hindi rin naging madali para samin ng Ama mo, noong una ay hindi rin gusto ng mga magulang ko pero naghintay kami, nagsumikap hanggang makuha namin ang basbas nila. Hindi lahat nadadaan sa mabilisan ang proseso kung gusto mo talaga ng magandang resulta dapat marunong kang mag hintay.” Pangangaral ng Ina nito sa dalaga. 
Buong araw hanggang gabi ay hindi umuwi si Maria kung hindi ang bantayan ang Ama niyang nakahilata sa kama, hindi ito makakilos at makakain mag-isa kaya talagang kailangan na hindi nawawalan ng bantay. Hindi naman pwedeng mag lagi ang Ina niya doon dahil nagtuturo ito sa mga bata na hindi kayang magbayad sa mataas na paaralan. Tanging mga nobela lang ang naging libangan ng dalaga sa mga oras na iyon, wala rin naman siyang ibang pwedeng gawin kung hindi ang magbasa. Bumalik na ang matandang babae sa bahay nila para naman mag handa ito ng hapunan niya sa pagamutan.Ilang saglit pa ay bumukas ang pintuan ng silid ng Ama kaya mabilis siyang tumayo sa pag-aakalang ang Ina o ang matandang kasambahay na nila iyon ngunit ang mukha ni Kano rang tumambad sa kaniya.&nbs
Tatapusin na muna ni Maria kung anong meron sa kanila, iyon ang pinangako at sinabi niya sa sarili niya pero ngayon na kaharap na nila ang binata ay hindi na niya maalala kung ano ang mga salitang kinabisado niya para makusapin ito ng hindi nasasaktan at hindi sila nag-aaway. “Kanina kapa tulala diyan, mukhang may malalim ka na iniisip. Kung kailangan mo ng kausap andito naman ako para mapagsabihan mo ng mga problema, huwag mo sabihin na mas gusto at komportable ka pa rin kay Kanor magkwento kaysa sakin?” Malungkot ang tono nito pero halata ng dalaga na nagpapaawa at nag drama lamang ang binata. Ilang araw nga ba niya pinilit ang sarili at kinumbinsi na itigil muna ang relasyon sa binata, pero
“Wala akong pakealam kung makapangyarihan silang pamilya o ano man, hindi na ako natatakot sa kaniya dahil wala naman ng mawawala sakin. Nawala na yung kaisa-isahan ko na pamilya dahil sa kasalanan nila, nananahimik ang Ama ko oo at may illegal kaming hanap-buhay tulad ng pagkakaroon ng illegal na palaruan pero sobra naman ang ginawa nila at ng mga tao sa paligid naming na parang pumatay kami ng tao.” Ang mga salita nito na may sakit at pighati, napakasalimuot ng pangyayari para sa pamilya nila. Gaano nga ba kahirap kumuha ng tiwala ng lahat? Wala nga ba gustong maniwala sa kanila o dahil makapangyarihan lang talaga ang nakalaban nila? Pero kahit ano man doon ang totoo walang magbabago sa lahat ng nangyari, namatay ang Ama ni Kanor ng hindi man lang nito nalilinis a
Lumipas ang mga araw hanggang dumating ang araw na inilibing ang ama ng binata, hindi naging madali para sa mga naiwan nito na tanggapin agad pero kahit paano ay naging maayos naman ang lagay nito dahil hindi naman sila pinabayaan ng pamilya ni Maria. Isa-isa na rin nilang binenta ang mga ari-arian na naiwan, habang si Ramon ay hindi hinayaan na umalis ni Kanor dahil sinama nila ito sa paglipat ng bahay nila Maria.Ang tahimik na bahay at mundo ni Maria ay hindi na ngayon, nadagdagan sila ng kasama sa bahay at para silang buong pamilya talaga, nagkaroon na rin ng kausap ang matandang kasambahay nila simula ng dumating doon si Ramon, ang mga gusto nilang nobela ay talaga namang lagi nilang pinag-uusapan.Habang si Kanor ay tahimik pa rin naman at bihira na ngumiti, hindi na ito tulad ng dati na masayahin pero kahit paano ay wala na dito ang pag-iisip na gumanti sa pamilya ni Pelipe at Don. Vicente. Habang ang dalaga ay hindi pa rin naman nagk
Malamig ang simoy ng hangin habang nakaupo si Maria sa labas ng bahay nila, higit alas sais na rin kasi ng hapon at dumidilim na ang langit dahil sa nagbabadyang ulan ngunit wala pa rin si Kanor, mas kabado na tuloy siya kung nasa maayos na lagay lang ba ang binata kaysa kung natanggap ni Pelipe ang sulat niya. “Halika na dito sa loob, Maria ako na ang bahala na maghintay kay Kanor. Baka magkasakit ka sa lamig ng hangin at mukhang uulan pa, saan ba kasi nagpunta ang batang iyon.” Si Ramon iyon, halata rin na kinakabahan para sa binata pero pilit pinapatatag ang sarili, at tulad niya naghihintay lang din ito na makauwi ng ligtas si Kanor. “Hindi na po, ako