Chartlotte Nagising ako sa mahigpit na yakap ni Alexaiver. Tila kaming dalawa na lamang sa kuwarto at tanghali na. Lumingon ako sa likuran ko tama nga, dahil wala na ang kambal sa aming tabi. “Alexaiver,” kinuhit ko ngunit tulog pa rin siya. Umangat ang tingin ko sa kaniya para silipin kung inaasar lang ako. Bahagya akong napanguso ng tulog pa nga. Nakaunan na pala ako sa braso niya habang nakaharap ako sa dibdib niya. Madaya ito ah. Hindi ko lang naramdaman na humarap ako sa kaniya. Pero mas hula ko, ito ang may kagagawan, kung bakit ako nakaharap na sa kaniya. Impossible, kasi nakatalikod akong natulog kagabi bago mahimbing ang aking tulog. Para naman alam n'yang may nanood sa kaniya dumilat ito nahuli niya akong pinanonood siyang matulog. Ngumiti kami sa isa't isa at yumuko siya at pinatakan ako ng halik sa noo ko. “Good morning, love,” paos ang boses niya. Napangiti ako ng ulit-ulit niya akong halikan sa noo ko. “It's so nice to wake up hugging you and you're the fir
Chartlotte “Daddy, saan po kami matutulog?” nagtanong si Alzen, nang paakyat na kami sa hagdan. Karga ni Alexaiver si Amhella sa kanan, at hawak n'ya naman sa kaliwa n'yang kamay palad ni Alzen. Nasa likuran lang nila ako tamang nakikinig lang sa pag-uusap ng mag-ama. “Sa k'warto ni daddy, gusto mo ba?” “Opo,” sagot nito sa daddy niya. Malaki naman pala ang silid ni Alexaiver. Kalahati lang ang k'warto ko sa Guernsey at k'warto sa bahay nitong k'warto niya. “Wow, ang ganda po ng room mo daddy,” mangha reaksyon nito pagkatapos ay tumakbo na agad sa kama at umakyat. “Anak, careful,” suway ko pa rito dahil pag-akyat na pag-akyat niya tumalon talon sa kama. Nakangiti na lang akong pinagmasdan ito. Nang ilalapag naman ng daddy niya si Amhella, tumigil din naman at umupo na lang sa tabi ng kapatid niya. "Sorry po mommy, tulog pala si Amhella," saad pa nito nakangti. “Alzen, palitan mo muna natin ‘yang damit mo bago humiga,” “Okay po, mommy, I can handle na po," tugon nito
Chartlotte “Alexaiver, gan'yan ang mga bata hayaan mo na mamaya lang bati na ang mga ‘yan,” hinila ko ang braso ni Alexaiver para hindi makapunta kaya Amhella. Hinawakan ko ang hita niya para hindi tuluyang makatayo. Inaalo naman na ni Alzen ang kapatid mukhang okay na tumahan na rin ng iyak. Humalakhak si Ishmael kaya masama ang tingin sa kaniya ni Alexaiver. “Panganay mo ‘yan Ishmael, dapat pagsabihan mo ‘wag awayin ang anak ko. Mas matanda pa ‘yan sa mga anak ko. Hindi ko ‘yan papasukin sa bahay namin,” parang temang ito si Alexaiver. Pinalo ko sa balikat kung anong sinasabi. “Bata Alexaiver, patola ka,” suway ko. Hindi naman siya seneryoso ni Ishmael, tawa pa nga nang tawa lang ang kapatid niya, pati si kuya Atlas niya tuwang-tuwa pa. Pero lihim akong nagtaka ng sabihin ni Alexaiver na mas matanda ang anak ni Ishmael, na kaaway ni Amhella. Kasi ang alam ko kanina sinabi n'yang same age lang ng anak namin ang anak ni Ishmael. Lalong inasar ni Ishmael si Alexaiver sumama
Chartlotte Naunang nakarating ang mga bata sa table nila mommy Brenda. Lahat sila nakatingin sa ‘min maliban sa mga cute na bata nagtatakbuhan na busy sa laro. Napangiti ako dahil malaki nga pala talaga ang pamilya nila Alexaiver. Sa mga bata pa lang maingay na. Si Alzen nga na suplado kaagad ito lumapit ng bumaba si Amhella sa lolo Mattheus nito. Pumunta na ang dalawa sa mga pinsan niya. Lumapit muna kami kina mommy Brenda at dad Mattheus. Katabi rin kasi ang table namin sa kanila kaya hindi talaga maiiwasan na hindi kami dadaan sa table nila mommy at daddy Mattheus. “Chartlotte, hija. Dito kayo umupo,” alok ng mommy Brenda. Tumayo pa talaga siya para lang istimahin ako. Isang table din kami. Para bang may party kasi ilan din itong table na nakikita ko. Tapos sa pinagdugtong na mga tatlong mahabang table naroon ang maraming nakapatong na pagkain. “Salamat po mommy, dad Mattheus,” wika ko bago ako ayain ni Alexaiver sa kapatid ni dad Mattheus. Dinala muna ako ni Alexaiver s
Chartlotte “Daddy! Mommy! So tagal naman po mag-usap. Let's go outside,” Natampal ko ang noo ko kasi nakadungaw pa sa akin si Amhella, ng sabihin niyon. Tumingin ako kay Alexaiver, na nakatawa. “Si daddy mo ang mabagal kumilos,” sumbong ko sa kaniya, kasi salubong na ang kilay nito ng nilingon ko silang magkapatid sa likuran. Bumaba si Alexaiver. Bababa na rin sana ako, ngunit naunahan niya akong buksan ang pinto sa tagiliran ko. Nakangiti siyang nakalahad ang kamay sa akin. "Ready ka na ba, my love?" saad niya. "Okay na ako alam ko naman nand'yan ka lang sa tabi namin ng mga bata," kinilig na wika ko at nagpaubaya na akong magpaalalay sa kaniya. Kumibot kibot ang labi ko sa kilos nito. Akala mo naman kung umasta parang matatapilok ako kung alalayan niya ako pababa sa kotse niya. "Ang g'wapo mo ngayon," pang-aasar ko. "Ngayon lang?" sinakyan nito ang biro ko. "Ngayon ko lang napansin," tugon ko kinalukot ng ilong niya. May Tumawag sa 'min kaya napatingin ako sa likuran
Chartlotte Napakabilis ng araw. Ngayong hapon na ang patungo na kami sa bahay nila Alexaiver, sa magulang niya. Kanina pa ako kinakabahan na excited. Marami kasi akong what if na iniisip. Wala lang, baka mamaya hindi ako tanggap ni ma'am Brenda. Kasi nga nilayo ko sa kanila ang apo nila na mahigpit daw ang mga Martinez, pagdating sa kanilang mga apo. Hindi papayag na hindi sila kilalanin. Ayaw nila hindi sila ipakilala lalo na ang lolo ni Alexaiver na si chairman Rowan Martinez. Sana lang wala ito pero parang malabo ang aking hinihiling. Kapag daw kasi may salo-salo nandoon daw ang lahat ng mga Martinez maging ang mga kabiyak ng mga ito. Hindi gaya sa mga anak ko na tuwang-tuwa pa sa lakad naming ‘to. Tanghali pa gusto ng mga magbihis. E, hapon pa dahil hapunan ang salo-salo sa bahay ng magulang ni Alexaiver. Nasa sala na ang kambal, kasama ni Alexaiver. Inuna ko silang bihisan samantalang ako. Tatlong palit ko na ito ng damit hindi ako mapakali kung anong isusuot ko. Sa huli