Chartlotte Hanggang pagsapit ng oras ng tulugan. Hindi ko pa ganun kinakausap si Alexaiver. Kapag lang sinasali ako ng kambal sa pag-uusap nila ng ama, doon lang ako magsasalita. “Daddy saan ka po pupunta?” Salubong pang kilay ni Amhella ng kunin ni Alexaiver ang unan na binigay ko sa kaniya. Bumangon pa e, nakahiga na ito sila ni Alzen hindi pa nga lang natutulog at panay pa kwentuhan. “Dito ako sa lapag mahihiga anak. Masikip na kayo riyan apat,” sagot ni Alexaiver sa kaniya. “Big naman po bed kasya tayo rito, Daddy,” sagot ni Amhella sa ama. “Daddy, kay kuya Alzen po kayo tabi. Kami naman ni mommy ang magkatabi,” sabi pa niya sa daddy niya. Talaga naman ang galing magplano ng batang ito aba. Ito pa naman ang gusto ng Daddy niya. Pero mabuti naman hindi nito sinabi na tabi kami ng ama niya matulog dahil mahihirapan akong magpalusot. “Ask muna natin sa mommy n'yo mga anak,” sagot ni Alexaiver. Nakangti akong nakatingin sa kaniya alam niya ibig kong sabihin kahit nakangti
Chartlotte “Love, saan ka pupunta?” humabol si Alexaiver. Humalukipkip ako humarap sa kaniya. “Gusto mong malaman? Kung ako lang ang masusunod. Pupunta kami ng mga anak ko sa hindi mo malalaman ang address namin. Nasagot ko na ba ang tanong mo Mr. Martinez?” Nakita kong napalunok ito biglang mayroon gumuhit na takot sa kaniyang mata. “I'm sorry,” bulong niya ngunit mapait akong napangiti. “Okay na Alexaiver. Doon lang ako sa mga bata ‘wag ka ng sumunod doon, ayaw kong masira ang mood ko.” Tumango ito bumalik sa loob ng bahay namin. Humugot ako ng hangin pagkatapos hinanda ko na ang masayang ngiti para sa mga bata. “Mommy!” nakita na ako ni Amhella, hindi pa ako tuluyang nakarating sa pinto ng tindahan ni Inay. Ngumiti ako. Kanina nakasimangot ako ng iwanan ang daddy nila sa bahay. Ngunit mabilis lang nalusaw pagkakita ko sa aking kambal. May dalawa pang bumibili kay Inay kaya umupo muna ako sa tabi ng dalawang bata. Mayroon si Inay mahabang upuan sa loob. Upuan sig
Chartlotte Woah! Bulong ko ng mawala sa paningin ko si Alexaiver. Mabilis akong nagbihis ng maisip ko papalitan ko pa ng sim card ang phone ko para magamit ko. Marami akong kailangan tawagan. Lalo na sina mommy panigurado inaantay ang tawag ko. Baka tumawag na rin ang mga Lolo ko sa Antique, kung naririto na kami ng kambal sa Pinas. Sina Naomi at Jade din. Sigurado naka ilang text at tawag na ang dalawa dahil alam din na ngayon ang dating namin. Si Prince alam ko bukas magtungo iyon dito sa bahay kasi sabado walang pasok sa office niya. Mabilis akong naglakad. Baka rin tumatawag na ang asawa ni ate Jessie. Binigay ko naman address namin dito sa bahay para kunin niya ang padala. Naabutan ko si ate Hilda sa baba kinausap ang kambal. “Ate Hilda….” tili ko pa pagkakita sa kaniya binilisan ang lakad nilapitan siya katabi ni Inay sa sofa. Tumayo si ate Hilda ng nasa tapat na niya ako. “Ate Hilda,” natutuwa kong sabi. Sinugod ko siya ng yakap. Para kaming bata ni ate Hilda. Sumayaw say
Chartlotte Hinawakan ulit ako ni Alexaiver ngunit sa palad ko naman at pinagsalikop niya iyon. Sinamaan ko siya ng tingin kaya natatawang binitiwan ako. "Ang sungit," bulong nito lihim akong napangiti tinalikuran na siya. Alam kong nakasunod sa ‘kin si Alexaiver at pinagmasdan ako sa likuran ko. Kahit hindi ako lumingon sa kaniya ramdam ko kasi ang hagod ng init sa kaniyang mga titig. “Nandiyan na pala sina mommy at daddy!” matinis na na boses ni Amhella kaya lumingon ako kay Alexaiver. Dahl nakikita na kami ng dalawang bata. Nangiti na lang ako sa kaniya. Nang akbayan niya ako hinayaan ko na, kung priceless ang nakikita kong saya sa mata ni Inay at ng nga anak ko. “Mommy ang dami po pagkain ni lola Lian,” pagbibida ni Amhella. Natawa na lang ako. “Saan anak?” “Doon po sa sari-sari store po ni lola,” tugon niya. Tumabi ako ng upo kay Alzen. Gitna kasi nila si Amhella. Si Inay dulo na, kaya sa tabi ni Alzen ako umupo. Ang nangyari, si Alexaiver tumabi rin sa akin. Aba nam
Chartlotte Napalunok ako ng masaksihan paano maging malambing ni Alexaiver sa mga anak niya. Natutuwa rin ako dahil si Alzen. Malapit na rin sa daddy niya. Biniro ni Alexaiver ang dalawang bata parehong kinikiliti sa kili-kili nila napuno ng halakhak nilang tatlo ang buong sulok ng aming k'warto. Maya-maya ng humupa ang harutan nila tila mayroong inutos si Alexaiver kay Amhella. Ewan kong ano basta humagikhik si Amhella at si Alzen nakipag-apir sa daddy niya. Lumingon si Amhella sa akin. “Mommy, payag na po please…. sige na po, pretty please…” pangumbinsi ni Amhella sa ‘kin. Lihim akong napalunok ng magtama ang mata namin ni Alexaiver. Nakangiti tila ako'y hinahamon nito kung hanggang saan ang tapang ko para tikisin ang pakiusap ni Amhella. Damn it! Ang hirap naman nito bakit ba lagi na lang ako nito inilalagay sa alanganin na sitwasyon. Noon at ngayon wala talaga pagbabago Martinez, huh! Ang hirap naman tumanggi lalo na gagamitin niya ang mga bata laban sa akin. Maari nama
Chartlotte “I'm sorry kung naging gago ako noon. Pero maniwala ka, love. Gusto kitang makausap hindi lang kita mahagilap. Kahit anong tanong ko sa Inay Lian. Sa mga kaibigan mo hindi sila nagsabi sa akin kung nasaan ka nagtatago. Lagi akong nagpupunta rito. Para makibalita sa Inay Lian. Ngunit umuuwi ako ng bigo. Hanggang ngayon naman, palagi akong naririto sa bahay n'yo lalo na kung hindi ako makatulog sa penthouse natin.” Inirapan ko bumuntonghininga siya animo nalugi. “Kaya naman pala hindi kita mahanap dahil iba na ang gamit mong surname.” “Of course,” saad ko. Gusto kong i-dugtong na mayaman siya bakit hindi niya ginamit. Nasaan ang yabang niya gagamit ng abogado para makuha ang mga anak ko. Minahal nga ba talaga niya ako o naapakan ko lang ang ego niya. Kaya hinanap niya ako. O nakonsensya sa kawalang hiyaan niya. Alam n'yang nainis ako kay Sarah. Bakit tumuloy pa sila sa movie nila. Mahal daw? Pero hindi niya alam ang salitang mahal. Kahit saan pumunta kasama niya s