Chartlotte “Kailangan ko munang tawagan si Inay,” malumanay at nakangiti kong bulong kay Alexaiver, upang hindi marinig ng kambal. “Daddy, pwede ko po silipin?” “Of course tig-isa kayo ni Amhella,” Nakita ko nga napahanga siya sa paghingi ng permiso ni Alzen sa kaniya. Pinanood ko binuksan ang paper bag. Nagustuhan yata dahil gumuhit ang tuwa sa mata ni Alzen, hindi nga lang inilabas. “Daddy, thank you po sa gift,” pagkatapos makita ang loob ng paper bag. Ginulo ni Alexaiver ang buhok. “You're welcome, little buddy. Tumingin kay Amhella. “How about you, little Amhella?” tanong din sa bunso. “Sa car na lang po para po pwede ko po ikalat,” tugon nito kinatungo ko kasi ang dami talaga alam ng batang ‘to. Mahinang tumawa si Alexaiver. Nahuli niya akong pinanonood sila nagtaas ng kilay. “Amhella ‘wag ka ng magpakaraga sa daddy mo. Baba ka na anak,” “Hindi naman mabigat matagal ko sila hindi nakarga. Walang wala ito ngayon araw lang, Chartlotte,” may galit sa boses. Tipid akong na
Chartlotte Tatlong taon napakabilis ng panahon. Umalis kami noon nila mommy at daddy. Dinadala ko pa sa aking sinapupunan ang aking kambal na anak. Ngayon ay muli akong tatapak sa lupa ng Pilipinas. Malaki na sila at malapit ng mag tatlong taon. Hindi ko mapigilang manginig ang mga kamay ko. Tiningnan ko ang kambal mangha ang nakalarawan sa mata nila sa mga nakikita sa paligid. Ngayon, oras na paghaharap namin ni Alexaiver. Kumusta kaya ngayon ang gagong 'yun. Gago pa rin kaya? G’wapo pa rin kaya. Magbabago ba iyon Chartlotte? Nasa lahi nila magandang lalaki at babae kaya g’wapo pa rin iyan panigurado. Kumuha ako ng pushcart para paglagyan ng mga bagahe namin. Nag-aabang kami tatlo. Mahigpit ang hawak ko sa magkabila kong kamay si Alzen at Amhella. Hindi kami natagalan sa pag-aantay ng aming bagahe. Pansamantala ko sila binitiwan dahil aayusin ko ang mga maleta namin para iyon ay pagkasyahin sa isang pushcarts. Mag-isa lang kasi ako kaya tama na ang isang pushcart. Isa pa ay
Chartlotte Nahilot ko ang aking sentido pagkatapos ko i-off ang phone ko. Ano na ba ang gagawin ko ngayon? Hindi ako makapag-isip ng tama. Wala na talaga dahil ang pinili kong mundo na tahimik malayo kay Alexaiver. Possible ulit maging magulo. Mariin akong pumikit nag-iisip ako ng p'wde kong solusyon para hindi niya ako magulo o mahanap lalo na ang kambal ko. Kung sa ibang bansa kaya kami magtungo. Lumipat kaya kami I'm sure support lang sa ‘kin ang magulang ko. No! Ako rin agad ang tumutol. Hindi ko kasi kaya sa usapan na financial. Ayaw ko naman na humingi pa ng financial support sa magulang ko. Iba na ngayon may dalawa na akong anak buti kung solo pa ako hindi ganun ang gastos. Pero magtrabaho naman ako may ipon naman ako kahit hindi malaki may panimula akong gagamitin. Kaya lang para naman akong magmumukha noon guilty kung lumipat pa kami ng mga anak sa ibang bansa, para doon naman magtago. Mas magagalit pa si Alexaiver. Imbis na kasama ko pa ang dalawa kong anak. Kunin ng
Chartlotte “Mommy opo pauwi na,” nakinig ako sa kabilang linya. Hindi na raw dahil nagluto na siya ng meryenda at katatapos lang din nila kumain ni daddy. Ganun din ang mga bata. Pero hindi pa rin muna ako umuwi dahil maniningil si Amhella ng pagsalubong dapat may dala ako kahit ano lang matutuwa na sila magkakapatid. Dito sa Guernsey. Maraming tindahan ng honesty store. Walang bantay na tindera. Mayroon naman ng nakalagay na price bawat item. Para alam ng bawat customer kung magkano ang ibabayad. Wala rin panukli dahil ihuhulog lang sa parang alkansya ang bayad ko. Kaya kailangan exact ang hawak kong pera dahil wala ng sukli-sukli. Madalas ako rito sa tindahan ng mga laruan. Dahil hindi ganun malayo sa bahay namin. Marami akong naabutan bumili kaya hindi ako makasingit. Dito kasi sa honesty store na ito maganda mga tinda nila at hindi ganun ka pricey. Dahil ilang linggo lang nila ‘yun gusto, dagdag ulit sa abubot nilang lumang laruan. Sabi pa ni Kuya at mommy. Kuripot daw
Chartlotte Woah! Sana h’wag naman kami magkita agad ni Alexaiver. Ang totoo wala pa akong lakas ng loob sa muli naming paghaharap. Kumusta kaya ang gagong 'yun. Kahit nasa ACM Residences pa rin sina Jade at Naomi. Hindi ako nagtatanong tungkol sa office nila kung hindi lang sila mag-kwe-kwento sa 'kin about sa mga kaganapan nila sa trabaho. Buksan ko kaya ang face book ko. Tumingin ako sa pambisig kong relo. Mayroon pa naman akong natitirang ten minutes. Bago sa oras ng aking trabaho. Umupo muna ako sa table para iyo sa mga customer. Wala pa naman gano'n tao. Pwede muna akong umupo. Nakita na ko ang papalitan ko. Sumenyas ako na wait lang. Nag-thumb ups na okay lang kaya bumulong ako sa kaniya ng thank you. Para pa akong shunga tila pasmado palad dahil nanginginig ng i-open ko ang aking face book. Mga friend ko lang dito buong pamilya ko, mga kumare ko at iilan nakilala ko sa Guernsey. Naka locked profile pa ako dahil takot akoa stalk feeling ko lang iyon wala naman bawal mag
Chartlotte "Mommy, parang ang bilis ng panahon ano? Buntis ako ng dalhin niyo po ako rito ni daddy. Ngayon may dalawa ng maingay sa bahay n'yo." Napangiti si mommy tila na-iimagine niya ang sigaw ng dalawa n'yang apo sa akin. Kapag dumagdag pa ang anak ni kuya naku po. Parang trompo si Daddy sa paghahabol sa mga apo niya. Tama nga talaga ang kasabihan. Kapag nagkaroon na ng mga apo ang magulang mo. Tila sila na ang anak. Natawa ako sa sabi ni kuya. Naging ampon na lang kami dahil may pumalit na mga apo. "Hmp sa paraan ng tingin mong gan'yan sa 'kin anak, marami kang sasabihin sa 'kin. Mahal mo pa ano?" Napayuko ako at sa aking kuko nakatingin. "Sus kahit sabihin mo ng paulit-ulit na hindi na. Nakikita pa rin sa iyong mata. Kasi kahit marami naman sa 'yo nanligaw rito at hanggang ngayon. Patuloy kang nililigawan ni Martin. Pero hindi mo sinasagot. Kahit na tanggap pa mga anak mo. Kasi nga nag-aantay ka pa rin sa daddy ng mga bata at hindi siya nawala sa iyong puso." "Sa tin