"SINO iyon?" Hinihingal na tanong ni Matias nang makalapit sa akin. "Anong nangyari?"
"Isa na namang bisita ngayong gabi," tiim bagang kong wika.
"Bisita?"
Sa kaniya ko ibinaling ang matalim kong tingin.
"Simula ngayon ay may magbabantay na tuwing gabi sa ating kuta. Siguraduhin mong hindi na mauulit ang biglaang pagdating ng ating mga bisita," wika ko bago siya talikuran.
Kung kanina pa sana siya nagising ay nahuli namin ang nilalang na iyon. Kung kailan'g hindi na siya kailangan ay ngayon pa siya dumating.
"Hindi lang ba ang nilalang na iyon ang nakalaban mo? Sino ang nagpadala sa kanila?" tanong niya habang nakasunod sa akin.
Inis ko siyang nilingon. "Sino nga ba ang pakay nila, Matias? Hindi naman ito nangyayari noon dahil takot ang mga nilalang na pumunta sa ating kuta. Sino ang maglalakas loob na magpadala ng tauhan dito?" sarkastiko kong tanong.
Napahinto naman siya at agad napagtanto ang mga pangyayari. "Ang mag
NAPAHINTO ako sa pagsalok ng tubig sa batis at napatingin sa mapunong parte ng lugar nang maramdaman ko na may nakatingin sa akin. Ibinaba ko ang hawak na tapayan at naglakad patungo roon. Nangunot ang noo ko nang makita ang isang pamilyar na kabayo. Isang hakbang pa ang ginawa ko bago tuluyang makita ang nilalang na hindi ko inaasahang darating, hawak pa niya ang tali ng kabayo. Nakataas ang isang sulok ng labi niya habang ako ay gulat na nakatingin sa kaniya. Sinipat ko ang kabuuan niya upang makasiguradong siya nga ang kaharap ko. Hindi ko maiwasang humanga sa angkin niyang kaguwapuhan sa pwesto at tindig niya. Agad akong lumapit sa kaniya nang makabawi at bahagyang hinampas ang dibdib niya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Kabado kong inilibot ang paningin ko at agad na nakahinga ng maluwag nang wala akong nakitang ibang nilalang. "Gusto lamang kitang makita. Hindi ka sumipot sa ating tagpuan kahapon," wika niya. Hinawakan niya ang lik
HUMINTO ako sa labas ng palasyo nang makita ko siyang palabas sa matayog na tarangkahan nito. Agad na dumapo ang paningin niya sa akin kaya matamis na ngiti ang ibinati ko sa kaniya. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ako, marahil ay dahil iba ang ayos ko ngayon, mas maganda sa normal kong ayos. Umikot ako upang ipakita ang kabuuan ko. Wala akong suot na balabal at inayos ko rin ang aking buhok, may maliliit na bulaklak ang nakaipit sa likod nito. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, mabilis niyang idinampi ang kaniyang labi sa akin. Tila nag-init ang aking pisngi sa ginawa niya sa harap ng mga nilalang na dumadaan sa paligid. "Napakaganda mo, paumanhin dahil hindi ko mapigilan ang aking sariling halikan ka." Nilapit niya ang mukha sa akin kaya bahagya akong napaatras. "Sevasti!" suway ko sa kaniya. Ngunit hindi siya tumigil sa paglapit kaya pinanliitan ko siya ng mata bilang pagbabanta. "Nais ko lamang ipa
HINDI maalis ang ngiti sa aking labi hanggang sa makabalik ako sa aming kuta. Hindi nagsasawa ang mga mata ko sa panay na pagtingin sa singsing na ibinigay ni Sevasti, napakagandang tingnan niyon sa aking daliri. "Matias," gulat kong wika nang bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Sinundan niya ng tingin ang kamay ko kaya pasimple ko iyong itinago sa likuran ko, madilim na rin ang paligid kaya sigurado akong hindi niya nakita ang bagay na hindi maalis sa mata ko. "Anong kailangan mo?" tipid ang ngiti kong tanong. Matagal siyang tumitig sa akin bago nagsalita. "Bakit nagbago ang iyong plano tungkol sa mga armas?" seryoso niyang tanong. Nabaling ang tingin ko kay Vivi na nakadapo sa malapit na puno, bago ako makipagkita kay Sevasti kanina ay nagbigay ako ng mensahe kay Vivi para sa kaniya tungkol doon. "Naisip ko lamang na baka hindi tayo bigyan ni Dardo ng mga armas kapag nalaman niyang ako ang nais bumili ng mga iyon. Alam mong kalaban natin si
NANG makabalik si Matias ay agad akong lumapit sa kaniya, galing siya mula sa pakikipagkita kay Kahlo para sa mga armas. Kunot-noo ko siyang sinalubong dahil wala siyang mga dalang armas. Kita ko ang inis sa mukha niya nang bumaba siya mula sa kabayo. Agad niyang inabot sa akin ang dalawang supot ng salapi. "Nalaman ni Dardo na tayo ang nais bumili ng mga armas," singhal niya. "Sinaktan niya si Kahlo at pinagbantaan ang buhay nito sa susunod na idaan sa kaniya ang pakikipagtransaksyon natin." Ikinuyom ko ang kamao ko dahil galit. "Ang hangal na Verdantes na iyon!" tiim bagang kong wika. "Paano naman kaya niyang nalaman na ako ang nais bumili ng mga armas? Ito na nga ba ang sinasabi ko." Tama nga ako, hindi ako bibigyan ng mga armas ni Dardo. Salapi na ang usapan ngunit tumatanggi pa siya, kamangha-manghang nilalang. "Maaari namang gumawa si Leep ng mga sandata ngunit maghihintay pa tayo ng ilang araw bago matapos ang mga iyon. Maaari r
MAINGAT kong hinawi ang kurtinang gawa sa maliliit na kristal dahilan upang gumawa ito ng mahinang ingay na hindi naman nakaabala sa mga kalalakihang nanonood sa pagsasayaw ng binibini sa entablado. Narito ako ngayon sa loob ng Subastahan kung saan kasalukuyang nagaganap ang pagtatanghal ng mga binibini bago magsimula ang pagsubasta sa kanila, isa itong malaking silid na gawa sa tolda, nasa gitnang bahagi ito ng Bahay Aliwan. Inayos ko ang buhok ko at bahagyang ngumiti sa ginoong nakatabi, matagal siyang tumitig sa akin tapos ay walang hiyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Bihis maharlika ako katulad niya kaya marahil ay nabighani siya sa angkin kong kagandahan, ngunit itinuon ko lamang ang atensyon ko sa binibining sumasayaw ng sinawali gamit ang dalawang espada. Sa paligid ay puro maharlikang naghihintay sa pagsubasta ng mga naggangandahang binibini. Mayroon din akong ilang nakikitang binibini sa paligid na kasama ng mga ginoo. Ang plano ngayong gabi
"ALIARA!" sigaw ni Matias sa likod ko. Mabilis siyang nagtungo sa harap ko upang sanggain ang pag-atake ang kalaban sa akin. Marahan lamang ako tumingin sa kaniya, tila nawala na ang isip sa nangyayari sa aking paligid. Hindi maganda ito. "Maging listo ka, nasa gitna tayo ng labanan!" singhal niya. Kumurap-kurap ako, inayos ang sarili at muling itinaas ang aking espada upang makipaglaban. Isa muling sulyap kay Sevasti na kasulukuyan ding nakikipagtunggali sa aming mga kalaban. Hinawakan ako ni Matias sa braso at malakas akong hinatak dahil matatamaan ako ng kalaban. Naging bato ang kamao niya bago iyon tumama sa mukha ng kaharap dahilan upang matumba ito. Matapos niyon ay saglit siyang sumulyap kay Sevasti bago muling makipaglaban, na siya ring ginawa ko. "Hindi naman nakapagtatakhang pumupunta ang prinsipe nila rito ngunit bakit nakikipaglaban din siya sa mga tauhan ng Subastahan?" tanong niya ngunit hindi ako makahanap ng sagot. Sini
NAUNA akong sumugod sa kaniya ngunit nanlaki ang mata nang bumagal ang mga galaw ko, unti-unting sumilay ang ngisi sa labi niya. Alam ko ang kapangyarihang ito, kaya niyang manipulahin ang oras ngunit limitado kaya ang pagbagal lamang ng paligid ang kaya niyang gawin. Saglit niya lamang magagawa iyon dahil mauubos ang lakas niya sa paggamit ng kapangyarihan ito kung hindi siya bihasa sa paggamit nito. At sa limitadong oras na paggamit niya ay alam kong ako ang nais niya, ang pinuno ng grupong sumalakay sa kaniyang teritoryo. Siya lamang ang may kakayahang kumilos ng mabilis sa oras na ito. Nangunot ang noo ko nang bumaling siya kay Sevasti at pasugod na lumapit dito, nakatutok ang espada sa ere. Hindi ako nagdalawang-isip na iharang ang sarili ko sa prinsipe. Pilit kong ginamit ang taglay kong bilis upang makasabay sa galaw niya ngunit kapalit niyon ang pagkabawas ng lakas ko. Nakangisi niyang hinampas ang espada sa akin na siya kong nasangga, ang sum
NANG sumapit ang dilim ay nagtungo na kami sa maluwag na parte ng aming kuta kung saan susunugin ang mga labi ng aming mga kasama. Pinagmasdan ko ang pagpipiring nila sa apat na nakahigang katawan sa mga kahoy at dayami, napapaligiran din sila ng mga bulaklak. Ang pagpipiring ay para hindi nila makita ang anumang bagay maliban sa pagtahak sa kabilang buhay, sumisimbolo iyon na hindi na sila maaari pang tumingin pabalik sa kanilang paglisan. Matapos niyon ay tatlong beses kaming yumuko sa lupa upang magbigay galang sa kanila. Blanko lamang ang aking ekspresyon upang hindi ako makitaan ng panghihina ng mga kasama ko, dahil kung manghihina ako ay wala silang pagkukuhanan ng lakas upang muling lumaban at ipagpatuloy ang aming hangarin. Ngunit sa loob ko ay nais ko na ring manghina katulad nang nakikita ko sa kanila, ang ilan ay umiiyak habang ang ilan ay pinipigil ang emosyong nais kumawala. Iniisip ko na lamang ang aking ama, kung narito siya ay ganito a