Share

Kabanata 62

HUMINTO ako mula sa pagtakbo at nagtago sa likod ng malaking puno nang makita ang tatlong nilalang dito sa gitna ng kagubatan, sa itsura ng mga ito ay alam kong kami ang pakay.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila sumusukong paslangin kami. Mga hangal talaga.

"Narito na naman sa Kozania ang hangal na ito," inis kong bulong.

Wala akong panahon para sa kanila ngayon kaya hinintay kong makalampas sila bago ako muling tumakbo patungo kay Matias.

Bumagsak ako sa lupa nang makaramdam ng kirot sa aking kanang binti, naitukod ko ang kanang braso na siyang sumalo ng bigat ko dahilan upang magkasugat ito at tila napilayan pa.

Napapikit ako sa sakit kasabay nang mahina kong pagdaing. Sa pagdilat ay tiningnan ko ang nangyari sa binti ko. Isang palaso lamang naman ang nakatarak sa binti ko!

Muli akong dumaing sa sakit, nag-aalab ang mga mata sa galit.

"Sino ang hangal na gumawa nito?!" galit kong wika. Nilingon ang banda kung saan narinig ko ang y

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status