Share

Kabanata 61

WALANG imik akong naglakad palayo nang makababa mula sa sinakyang kabayo, hinayaan ko na si Matias na ipasok iyon sa kulungan at painumin ng tubig. Tahimik lamang kami buong byahe pag-uwi rito, hindi na siya nagtanong pa ng kahit ano. Marahil ay naramdaman niyang wala ako sa ayos ngayon.

Hindi ko alam kung anong iniisip niya nang makita kaming magkasama ni Sevasti at mukhang nagtatalo. Ayokong isipin niya na may kinalaman si Sevasti sa nangyari kay Adrina ngunit ayoko rin namang magsalita tungkol doon.

Sana lamang ay hindi na siya magtanong pa tungkol doon bukas. Dahil hindi ko alam kung paanong sasagot.

Sa halip na dumiretso sa aking silid ay nagtungo ako sa silid ng magkapatid. Umupo ako sa higaan ni Kera at pinagmasdan si Adrina. Mahimbing ang tulog niya kaya hindi ako gumagawa ng anumang ingay.

Mahina akong bumuntong hininga at ibinaling na lamang ang paningin sa kamay kong nakapatong sa hita ko. Hanggang ngayon ay tila nararamdaman ko pa rin ang init

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status