Share

Kabanata 28

NANLAKI ang mata ko nang biglang pumasok si Sevasti sa loob ng silid ko, puno ng pangungulila ang mga matang ipinukol niya sa akin.

Mabilis siyang lumapit sa akin at sinunggaban ako ng halik, nabitawan ko ang hawak na suklay at nagpatianod sa kaniya. Iniyakap ko ang mga braso ko sa leeg niya, bahagya akong tumalon upang maiyakap ko ang mga binti sa baywang niya. Lumiyad siya upang buhatin ako at marahan naglakad patungo sa malaki kong kama, hindi tinatanggal ang labi sa akin.

Nakasuot lamang ako ng puting bistida na siyang panloob ko, handa na sanang matulog ngunit bigla ay dumating siya. Nang maihiga niya ako ay agad siyang pumatong sa akin, sandaling humiwalay upang tanggalin ang pang-itaas niyang kasuotan. Namumungay ang mga mata kong nakatingin sa kaniya, tila nalalasing, habang siya ay puno na ngayon ng emosyon at pagnanasa ang mga mata.

Muli ko siyang niyakap nang bumalik ang labi niya sa labi ko, mas mapangahas at mapusok ang halik na ibinigay sa akin.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status