HAWAK ang aking espada ay agad akong sumugod kay Henicio nang makita ko siya, suot ko ang damit pandigma upang maprotektahan ang ilang bahagi ng katawan ko sa mga pag-atake niya.
Sigawan at kalansing lamang ng espada ang maririnig sa buong paligid, nasa harap kami ng palasyo kasama ang aming mga sariling kakampi na lumalaban sa isa't-isa para sa kaniya-kaniyang ipinaglalaban.
Matalim ang tinging iginawad ko sa kaniya, habang magkadikit ang talim ng aming espada ay lumapit siya sa akin, tinulak niya palapit sa akin ang armas niya na siya ko namang nilabanan din ng aking lakas.
"Pagbabayaran mo ang pagpaslang mo sa aking ama!" galit kong wika.
Ngumisi siya na lalo lamang nagpadagdag sa aking galit.
"Hindi ba ay ito ang nais mo, Mahal na Prinsesa, ang tigilan ko ang pagpapanggap?" nakangising aniya. "Ngayon ay nakikita mo na ang totoong ako, ibinigay ko na ang gusto mo."
Matapos niyang magsalita ay malakas kong sinipa ang binti niya kaya
NANLAKI ang mata ko nang biglang pumasok si Sevasti sa loob ng silid ko, puno ng pangungulila ang mga matang ipinukol niya sa akin. Mabilis siyang lumapit sa akin at sinunggaban ako ng halik, nabitawan ko ang hawak na suklay at nagpatianod sa kaniya. Iniyakap ko ang mga braso ko sa leeg niya, bahagya akong tumalon upang maiyakap ko ang mga binti sa baywang niya. Lumiyad siya upang buhatin ako at marahan naglakad patungo sa malaki kong kama, hindi tinatanggal ang labi sa akin. Nakasuot lamang ako ng puting bistida na siyang panloob ko, handa na sanang matulog ngunit bigla ay dumating siya. Nang maihiga niya ako ay agad siyang pumatong sa akin, sandaling humiwalay upang tanggalin ang pang-itaas niyang kasuotan. Namumungay ang mga mata kong nakatingin sa kaniya, tila nalalasing, habang siya ay puno na ngayon ng emosyon at pagnanasa ang mga mata. Muli ko siyang niyakap nang bumalik ang labi niya sa labi ko, mas mapangahas at mapusok ang halik na ibinigay sa akin.
MARAHAN kong iminulat ang mga mata ko na tila isang panaginip lamang ang mga nangyari, simula sa unang pagtatagpo namin ni Sevasti hanggang sa pagkatalo namin sa ginawang pagsalakay sa Subastahan. Agad akong tumayo sa kama upang ayusin ang aking sarili, wala na ang magkapatid na siyang lagi kong katabi sa pagtulog. Nang makapagbihis ay lumabas na ako, ang bawat nilalang na madaanan ko ay binabati ako na siyang sinusuklian ko lamang nang ngiti at pagtango. Sa labas ay bumungad sa akin ang mga nagsasanay sa malawak na bahagi ng lugar, pantay-pantay silang nakahilera kaharap ang kahoy na nababalutan ng dayami upang lumambot ito sa tuwing itatama nila ang mga hawak na espadang kahoy. Huminto ako upang pagmasdan sila, ang ilan sa kanila ay mga bata pa ngunit determinadong matuto na siyang isang dapat katangian ng isang mandirigma. At karamihan sa kanila ay mga dalagita at binatilyo na, ang mga noon ay batang sinanay namin limang taon na ang nakakalipas. It
INABOT ko kay Hurisa ang mga supot ng barya dahil siya ang namamahala niyon. Napakunot ang noo niya habang tinitingnan ang laman ng mga ito. "Ito na ang panglabing-isa ngayong linggo. Nagbabalak kang umalis muli?" tanong niya nang bumaling sa akin. Tipid akong ngumiti at tumango. "Bukas ay muli akong magpupunta sa ibang pamilihan upang mas madami pa ang maibigay ko sa iyo." "Saang kaharian ka magtutungo sa pagkakataong ito?" "Sa Widolla, ngunit ilang araw pa iyong mula ngayon." "Kailangan mo pa bang magtungo sa pamilihan bukas? Marami na ito kasama ang iba mo pang ibinigay, sa tingin ko ay aabot na iyon para sa susunod pang buwan. Magtatagal ka ba sa kahariang iyon?" "Hindi ko pa alam, Hurisa. Ngunit mabuti na ang sigurado, mas mapapanatag ang loob ko kung sobra pa ang kakainin ninyo para sa buwang ito kaysa kulang," wika ko, tipid na ngumiti. Ngayon pa lang ay nag-iipon na ako para sa kakainin ng aking mga kasama haban
NAKANGITI kong nilagpasan ang huling maharlikang ninakawan ko, hindi ko na tiningnan pa ang supot dahil alam ko na ang laman nito, basta ko na lang ito nilagay sa supot na nakasabit sa baywang ko. Lumapit ako sa tindahan ng mga kasuotan para bumili, hinawakan ko ang mga malalambot na tela nito at pumili nang madilim na kulay na siyang paborito ko. Babayaran ko sa sana iyon ngunit inilibot ko muna ang paningin sa paligid upang hanapin kung saan nakadapo si Vivi ngunit nahagip nang paningin ko ang isang pamilyar na ginoo. Binitawan ko ang hawak na kasuotan at pinagmasdan siya, ditretso lamang ang paningin niya. Mag-isa siyang naglalakad, nasa likod ang dalawang kamay at suot ang isang marangyang kasuotan. Wala talagang pinagbago, napakaguwapo niya pa rin. Tila kumikinang siya sa parteng iyon ng lugar na lahat ng binibining dumadaan ay napapalingon sa kaniya. Bumuntong hininga ako, hindi ko dapat hayaang magtagpo ang aming landas. Aalis na sana a
SA pagdaong ng bangkang sinasaksayan ko ay agad lumipad paalis si Vivi sa balikat ko upang maglibot sa paligid, pinagmasdan ko lamang siyang malayang lumilipad sa himpapawid. Maganda ang panahon at asul na asul ang kalangitan, ganoon din ang dagat. Napangisi ako nang itapak ang mga paa sa lupain ng Widolla. Hindi lang naman pagnanakaw ang pakay ko sa kahariang ito, nalaman ko na rito ko matatagpuan ang isa sa nilalang na matagal ko nang hinahanap. "Talim ng aking espada ang isasalubong ko sa iyo sa muli nating pagkikita," tiim bagang kong bulong sa hangin. Tahimik kong nilagpasan ang mga abalang nilalang na nakikipagkalakalan sa paligid, dito unang nagaganap ang pakikipagkalakalan dahil sa pagdaong ng mga produkto mula sa ibang kaharian. At habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang mga kamay ko na lumikot upang magnakaw sa mga maharlikang nakakasalubong ko. "Paumanhin ngunit kailangan ko ring mabuhay," nakangisi kong wika nang makakuha ng isang supot ng salapi. Agad ko itong iti
IBINALIK ko ang punyal sa kaha nito at inilagay sa supot na nakasabit sa baywang ko. "Ano pa ang hinihintay mo? Ituro mo na ang daan upang makarating na tayo sa iyong tahanan, Ginoo," kalmado kong wika. Hilaw siyang ngumiti at naglakad ngunit nakaharap sa akin na tila binabantayan ang galaw ko sa pag-aakalang sasaktan ko siya, muntik pa siyang matumba dahil hindi nakatingin sa daan. Tutulungan ko sana siya ngunit mabilis siyang lumayo sa akin, nag-iingat. "Huwag kang mag-alala, hindi kita sasaktan," wika ko. "Talaga?" paninigurado niya, tumingin sa kamay ko. "Pero bakit nakahawak ka sa espada mo?" kabadong aniya. Napatingin din ako sa kamay ko at agad itong inalis sa nakahawak na espada sa baywang ko. Itinaas ko pa ang dalawang kamay ere upang ipakita sa kaniya. "Ayos na ba?" tanong ko. Humakbang ako palapit sa kaniya ngunit muli siyang umatras. "Oo, ayos na!" Tumawa siya upang alisin ang kabang nararamdaman. "Halika na, bago p
AGAD akong napatingin kay Mikhel nang tumakbo siya upang makatakas. Matalim ang tinging ipinukol ko kay Sevasti bago habulin ang nakatakas kong biktima. Ngunit muli akong nagulat nang pigilian ako ni Sevasti, hinawakan niya ang braso ko na lagi niyang ginagawa kapag ginagamit ko ang taglay kong bilis. Oo nga pala, naririnig niya ang mga galaw ko sa hangin. Galit kong hinawi ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Prinsipe?" tiim bagang kong wika. "Bakit mo ako pinipigilan sa nais kong gawin?" Itinulak ko siya. "Wala kang karapatang pigilan ako!" Nilampasan ko siya at hinanap ng paningin ko si Mikhel, ngunit muli na naman niya akong hinarangan. Ano ba ang kailangan ng hangal na ito? Nais niya talagang ipagyabang sa akin na mas malakas ang kapangyarihan niya. "Hindi mo gugustuhing masaksihan ng mga nilalang na ito ang gagawin mo sa ginoong iyon," seryosong aniya. Tinutukoy ang mga nilalang sa paligid. "Kapag gumawa ka ng k
DAHIL sa pagmamadali kong maglakad ay nabangga ko ang isang ginoo, nalaglag ang hawak niyang supot ng salapi, bukas iyon kaya tumapon ang ilang tanso at pilak na barya mula roon. "Paumanhin, Ginoo," wika ko. Inunahan ko siya sa pagpulot ng mga iyon, tinulungan niya rin naman ako kaya mabilis naming nakuha ang mga iyon. Nang makatayo kaming pareho ay nakangiti kong binigay sa kaniya ang mga salapi, bahagya pa siyang natulala nang tumama ang mga mata sa akin. "Aliara," pirming wika ng nilalang sa tabi ko, si Sevasti. Ngunit hindi ko siya pinansin. Ako na ang naglagay ng hawak kong salapi sa supot na hawak ng ginoo dahilan upang bahagyang maglapat ang balat namin. Gusto kong matawa nang makita ang panginginig ng kamay niya sa nangyar