Share

Kabanata 56

"Hangal." Masama akong tumingin sa kaniya at sinalag ang pagsugod niya. Sinipa ko siya sa tiyan upang mapalayo siya sa akin, sa muli niyang pagsugod ay nilampasan ko siya at habang nakatalikod ito ay agad kong itinarak ang espada sa kaniya.

Nang lumingon ako kay Leep ay hawak na siya sa leeg ng kalaban at idinadarang siya sa malaking apoy. Mabilis kong binitawan ang espada kasabay ng pagbagsak ng walang buhay naa kalaban.

"Leep!" tumakbo ako palapit sa kanila ngunit huli na ang lahat.

"Prinsesa!" aniya pa bago tuluyan humagis sa nagliliyab na bahagi ng palasyo. Halos mahawakan ko na ang kamay niya ngunit hindi ako umabot.

Nanlaki ang mata ko, akmang susundan pa siya sa apoy ngunit may matipunong braso ang pumigil sa akin, si Matias.

Ilang beses akong suminghap ng hangin dahil hindi makapaniwala sa nakita. Sobrang lapit ko na ngunit hindi ko pa rin siya nagawang iligtas, halos gahibla na lamang ng buhok iyon ngunit nahuli pa ako. Nahuli ako. Wala na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status