Share

Kabanata 31

NAKANGITI kong nilagpasan ang huling maharlikang ninakawan ko, hindi ko na tiningnan pa ang supot dahil alam ko na ang laman nito, basta ko na lang ito nilagay sa supot na nakasabit sa baywang ko.

Lumapit ako sa tindahan ng mga kasuotan para bumili, hinawakan ko ang mga malalambot na tela nito at pumili nang madilim na kulay na siyang paborito ko. Babayaran ko sa sana iyon ngunit inilibot ko muna ang paningin sa paligid upang hanapin kung saan nakadapo si Vivi ngunit nahagip nang paningin ko ang isang pamilyar na ginoo.

Binitawan ko ang hawak na kasuotan at pinagmasdan siya, ditretso lamang ang paningin niya. Mag-isa siyang naglalakad, nasa likod ang dalawang kamay at suot ang isang marangyang kasuotan.

Wala talagang pinagbago, napakaguwapo niya pa rin. Tila kumikinang siya sa parteng iyon ng lugar na lahat ng binibining dumadaan ay napapalingon sa kaniya.

Bumuntong hininga ako, hindi ko dapat hayaang magtagpo ang aming landas.

Aalis na sana a

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status