Share

Kabanata 55

PINAGMASDAN ko ang bilog na buwan mula rito sa Peredes, ang tawag sa bundok kung nasaan kami ngayon ni Sevasti. Sakop ito ng Farianio ngunit malapit din ito sa lupain ng Kozania. Nasa ilalim kami ng mayabong at mataas na puno, nakaupo siya habang nakasandal dito habang ako ay nahiga at nakaunan ang hita niya sa akin.

Naalala ko tuloy ang pamamasyal namin noon sa Widolla, ganito rin iyon, ang kaibahan nga lang ay gabi ngayon dahil ito lamang ang malayang oras upang magkita kami.

Tumakas lamang ako sa palasyo, may ilang nagbabantay na mga kasamahan ko upang masigurong ligtas ang lahat at kung may kalaban mang darating ay mabilis kaming maaalerto, ngunit nakatakas pa rin ako sa kanila dahil ginamit ko ang taglay kong bilis. Mamaya lamang ay babalik na rin ako bago pa tuluyang lumalim ang gabi upang sumama sa pagbabantay, hindi pa kami gaanong kampante ngayon dahil sa mga bagong kalaban.

"Kay ganda ng kalangitan," aniya. Napangiti ako, tama siya, kaya kay gandang pa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status