Share

Kabanata 60

TUTOK ang paningin ko sa mga sugat ni Adrina, at hindi ko gusto ang nakikita kong iyon. Habang tumatagal ay namumuo ang galit ko at iniisip na kung paano akong gaganti sa hangal na babaeng iyon.

Hindi ako papayag na sa ganito lamang ito matatapos. Hindi ako papayag na magagawa niya kung anong gusto niya sa amin nang hindi kami pumapalag. Hindi basta nagpapaapi ang isang mandirigma.

Siya ang naunang sumugod sa akin kaya nararapat lamang sa kaniya iyon. Wala siyang karapatang gumanti.

Bago pa man matapos si Dana sa paglalapat ng mga halamang gamot sa sugat ni Adrina ay lumabas na ako sa silid. Hindi ako napansing umalis ni Adrina dahil nakapakit ito at tila ilang sandali na lamang ay mawawalan na ng malay.

"Aliara," tawag ni Matias, sumunod sa akin. "Saan ka pupunta?" nagtataka niyang tanong nang makitang hindi ang daan patungo sa aking silid ang tinatahak ko.

Huminto ako at blangkong bumaling sa kaniya. "Bakit mo ako sinundan? Magpahinga ka rin sa i

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status