Share

Kabanata 74

MABILIS niyang hinawakan ang aking damit sa bandang balikat at gigil na inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Hindi ako pumalag, blanko lamang ang tingin sa kaniya.

"Iyon lamang naman ang ginawa mo ngunit kung makapagyabang ka ay parang kaya mo akong talunin ngayon."

"Iyon lamang?" sarkastiko kong wika. Mas lumapit pa sa kaniya upang ipakitang hindi ako nasisindak, sa halip ay naghahamon pa. "Minamaliit mo ang ginawa kong iyon gayong nag-iwan iyon ng marka sa iyong mukha. Bakit? May iba pa bang binibini ang nakagawa niyon sa iyo bukod sa akin?" Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at pabalang iyong inalis sa akin. "At oo, kayang-kaya kitang talunin kahit pa paulit-ulit tayong maglaban."

Mabilis kong sinipa ang hawak na punyal ng isa niyang kasama nang sumugod ito sa akin. Lumipad ito sa ere na siya kong sinalo at umikot ako palayo sa kanila. Muli akong bumaling kay Casias, napahinto siya sa akmang pagsugod sa akin nang ihagis ko sa kaniya ang punyal.

Nap

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status