Khaliyah POVPagkababa ko mula sa van at nakita ko ang mansiyon, lalo akong nalungkot, dapat kasi ay kasama ko nang uuwi ang mga kaibigan ko, pero hindi, ako ang umuwi, sila naman ang pumalit sa ospital.Imbis na masaya, malungkot pa rin. Hindi matigil-tigil sina Amedeo sa paggawa ng masama, walang pahinga, walang palya. Mukhang hindi siya titigil hanggang hindi kami nauubos.Nasa gate pa lang kami nang makita ko si Larkin.Napatigil ako. Nakatayo siya sa may hagdan ng mansiyon, maputla, puno ng band aid sa mukha, may benda din sa noo, at balot ng gauze ang isang braso niya. Pero kahit ganoon ang ayos niya, kahit halatang galing pa siya sa malalang pangyayari, nandoon pa rin ‘yung ngiti sa labi niya. Malamlam na ngiti. Halatang pagod. At mukhang sawang-sawa na rin sa mga problema. Mabuti na lang at pogi siya, kahit pa paano, hindi halatang stress.Napatulo agad ang luha ko paglapit ko sa kaniya. Wala pa akong nasasabi, wala pa akong nagagawa. Basta’t nakita ko lang siya, parang nabun
Khaliyah POVDalawang araw matapos ang operasyon ko, pinayagan na rin akong makauwi. Pero hindi pa ako puwedeng tumayo, kaya’t naka-wheelchair muna ako. Sa totoo lang, hindi pa rin ganap na komportable ang katawan ko, pero hindi ko maipaliwanag ang saya ko nang marinig ko kay Papa na uuwi na ako ngayong araw. Parang gusto ko nang makita ang lahat, marinig ulit ang ingay sa mansiyon, at higit sa lahat, makita si Larkin.Maaga pa lang, dumating na sina Yanna at Beranichi. Si Yanna, may dalang pagkain at may kasama pang rosas. Si Beranichi naman, hindi magkamayaw sa kakuwento tungkol sa inihanda raw na welcome back party nina Ipe, Uda, at Poge sa mansiyon. Pero tila hindi na suprise ang atake na iyon dahil nabanggit na nila.“Sa wakas, makakauwi ka na rin, maalagaan ka na rin namin, gaya ni Larkin,” masayang sabi ni Beranichi habang tinutulungan akong lumipat mula kama papuntang wheelchair.Natawa ako. “Kaya nga, Beranichi, sobrang na-miss ko kayo,” masaya kong sabi sa kaniya habang hind
Khaliyah POVHindi ko alam kung dahil sa gamot o dahil okay na talaga ako. Ang saya, magaan na kasi ang pakiramdam ko nang magising ako. Dagdag na rin na nasa maayos, maganda at tahimik na ospital na ako. Inilipat na ako dahil baka makita raw ako ng mga tauhan ni Amedeo. Mas delikado kapag nangyari ‘yun.Dito, nasa isang private room ako. Mabango ang paligid, hindi amoy ospital na gaya ng dati kong nararanasan. Dito, parang hotel, pero may IV line sa braso ko, at may benda sa binti ko.Saka ko na lang naalala, na-operahan pala ako.Napabuntonghininga ako. Wala na akong nararamdamang sakit. Wala na rin ‘yung pakiramdam ng pamamanhid o kirot. Kung tutuusin, parang ni hindi ako na-operahan.Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse. Maputi, may lahi, at parang beauty queen kung ngumiti.“Good morning, Ma’am Khaliyah! How are you feeling today?”“Okay naman po,” sagot ko agad, pero napangiti rin ako. “Parang wala lang. Ang gaan ng pakiramdam ko.”“That’s good to hear. You h
Larkin POVPagdilat ng mga mata ko, malabo at halos parang naliliyo pa ako. Bumungad agad ang hindi pa magandang pakiramdam ko. Marahil, marami siguro sa dugo ko ang nawala.Tumingin ako sa paligid, wala na sa lugar kung saan ako nawalan ng malay. Kilala ko na ang kuwartong ito. Nasa clinic ako ng manisyon nila Khaliyah.“Gising na siya,” dinig kong sabi ng boses ng lalaki. Hindi ako puwedeng magkamali, si Rafe ‘yun.Tumingin ako sa gilid ko. Doon ko nakita silang dalawa ni Yanna.“Oo, gumalaw na siya, Rafe, gising na nga siya.”Pinilit kong gumalaw. Mabigat pa kasi talaga ang ulo ko. Ang katawan ko, parang lumulutang sa hangin, umaalon ang paningin ko.Dahan-dahan kong iminulat nang buo ang mga mata ko. Pero, kasi nakapikit pa rin ang kaliwa, namamaga siguro. Pero nakita ko si Yanna, nakaupo sa gilid ng kama, habang si Rafe ay nakatayo sa paanan ko, nakasandal sa drawer.“Mabuti at nakatakas ka sa kanila, kundi, maagang mababalo si Khaliyah,” sabi ni Rafe na tila may halong pang-aasa
Larkin POVSa bilis at tagtag ng van na sinasakyan ko, nagising ako bigla. Pero, ramdam ko agad ang pag-ikot ng paningin ko. Basang-basa ang sentido ko at leeg, parang may umaagos na likido. Tama, parang dugo.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko kahit halos zigzag ang tingin ko sa paligid. Doon ko lang naalala ang nangyari kanina sa labas ng ospital. Uuwi na dapat ako, pero biglang sumulpot ang mga hayop na tauhan ni Amedeo. Isa ang humampas sa ulo ko, dahilan para mabilis nila akong madakip.Nakahiga ako. May tali ang mga kamay ko. Ang paa ko, mahigpit na nakatali rin.P*tangina.Ramdam ko pa rin ang kirot ng tama ng makapal at matabang kahoy o parang baseball sa ulo ko, Pumikit ako sandali at huminga nang malalim. Kailangan kong makatakas, kung hindi, patay, hindi na ako sasantuhin ni Amedeo kung makarating pa ako sa kaniya.Kailangan ko talagang kumilos.Naririnig ko ang mga bulungan sa paligid ko. Tatlo sila. Hindi, parang apat silang narito sa loob ng van. Isa sa harap, an
Khaliyah POVNaramdaman kong malamig ang paligid bago ko pa man mabuksan ang mga mata ko. Mabigat ang katawan ko. Parang may pumipigil sa bawat paggalaw ko. Pero may isang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Isang kakaibang paglinaw sa loob ng utak ko. Parang may lumiwanag ba bigla. Parang may tinanggal na tabing sa harap ng mga mata ko.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.Ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame.Naamoy ko rin ang alcohol. Narinig ang tunog ng heart monitor.Doon ko napagtantong nasa isang ospital ako. Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung ilang araw na akong narito. Hindi ko pa rin alam kung ano ang nangyari. Pero ang malinaw sa akin, may kakaiba na para bang bumalik na ang mga kulang sa akin.Maya maya lang, bumukas ang pinto. Isang nurse ang pumasok, kasunod niya ang doctor na naka-white coat. Nagtaka ako—bakit bigla akong nakakakilala?“Good morning, Ms. Khaliyah,” bati ng doctor.Napatingin ako sa kaniya. Napakalinaw ng boses niya. Nakikita