Khaliyah POVKumakain kami ni Larkin ng merienda sa dining area nang mapunta ang usapan namin sa bar—ang bar na matagal na niyang pinangarap. Ngayon, ito na ang pinaka-sikat na bar sa buong Pilipinas. Lagi pang puno, laging trending, at laging pinupuntahan ng mga gustong mag-relax, mag-enjoy, o kahit ng mga curious lang pumasok sa loob para mga mag-picture.“Sabi ni Levi, may bagong celebrity na dumaan kagabi sa bar. Laking tuwa raw ng mga staff mo,” kuwento ko habang hinihimas ang tiyan ko.Si Levi kasi, madalas pumunta rito kapag may inuutos si papa sa kaniya. Dito siya nag-uubos ng oras, dito rin nag-uubos ng pagkain. Oo, inuubos niya palagi ang stock namin. Pero hindi ko naman sinisita, pagkain lang naman ‘yun, saka, malapit siyang kaibigan sa amin. Kapag gagala naman din kasi siya, palagi itong may dalang pagkain. Gaya kanina, pagdating niya ay may dala-dala siyang isang basket ng lansones, request ko rin kasi sa kaniya ‘yun nung nakaraang linggo. Wala pa kasing lansones na tanim
Khaliyah POVDalawang taon na ang lumipas mula noong huling beses kaming sumabak sa labanan. Dalawang taon na rin mula nang tuluyang naglaho sa mundo sina Amedeo at Nolan. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip kung paano namin nalagpasan ang lahat. Pero heto ako ngayon, nakaupo sa malawak na balkonahe ng sarili naming mansiyon ni Larkin, may hawak na tasa ng mainit na tsaa, at himas-himas ang aking anim na buwang baby bump.Payapa ang manisyon. Ang ganda ng sikat ng araw at sobrang hangin sa buong paligid. Umaalingasaw tuloy ang bango ng mga bulaklak na itinanim namin ni Larkin sa paligid nung nakaraang buwam. Dati, hindi ko kayang tumambay ng matagal sa terrace, hindi ko kayang mamili ng matagal sa mga grocery at hindi ko kayang magkape ng matagal sa coffee shop, ngayon naman, nananawa na ako sa kakalabas.“Mahal, okay ka lang diyan?” tanong ni Larkin habang lumabas ng bahay dala ang mainit na pandesal na niluto pa raw mismo ni Levi sa kusina kanina.Napangiti ako habang naka
Khaliyah POVPagbaba ko ng hagdan, sinalubong ako ng dalawang rogue assassin. Alam kong magagaling ang mga ito dahil halata sa mga galaw nila. Ngunit mas mabilis ako at mas magaling ako. Umikot ako sa kanan, tinuhog ko ang unang lalaki sa tagiliran gamit ang blade ko, sabay sipa naman sa mukha ng pangalawang kalaban. Habang nawalan siya ng balanse, sinunggaban ko siya sa leeg at binaril sa sentido. Ayon, bagsak agad ang tanga.Napaisip tuloy ako, kung hindi pala ako agad nagising, baka tuluyan na akong natulog habangbuhay, kasi tiyak na papasukin din ako ng kalaban doon. Baka, habang mahimbing ang tulog ko, may bigla na lang bumaril sa ulo ko.Sa wakas, nakalabas na rin ako ng mansiyon.Pagdating ko roon, amoy na amoy ko ang pulbura sa hangin. Sa bawat sulok nakita kong may bakbakan. Sumabog ang isang granada sa ‘di kalayuan. Yumanig tuloy ang lupa. Ngunit hindi ako natigilan nun para makipaglaban.“Ate Khaliyah!” sigaw ni Yanna habang umiikot ang whip niya sa leeg ng isang kalaban, s
Khaliyah POVMadaling-araw nang magising ako sa ingay na nagaganap sa labas ng manisyon. Nung una ay inakala kong panaginip lang ang lahat. Pero, hindi dahil malakas na ang mga putukan ng baril na naririnig ko. Sunod-sunod. Malalakas. Halos sabay-sabay pa.Napabalikwas na tuloy ako ng bangon. Wala na rin si Larkin sa tabi ko. Nasa labas na siguro siya at nakikipaglaban.Tama ang hinala nila Larkin at Papa Yanu. Gaganti agad si Amedeo dahil pinakamamahal niyang anak ang nawala.“Tangina, hindi ko hahayang maubos kami rito, kailangan ko ring kumilos,” bulong ko habang tumatayo na.Pinipigil kong manginig ang mga kamay ko habang nagmamadaling magsuot ng battle gear, armor suit, combat boots at utility belt. Ikinabit ko ang mga bala sa holster, sinalpak ang handgun sa tagiliran ko, at isinuot ang tactical gloves. Sa bawat pirasong armor na nailalagay ko, parang mas lalo akong tumatapang kasi, alam kong marami akong bala o sandata bago sumabak sa matinding labanan.Nakuha ko na rin ang sho
Khaliyah POVPara akong batang nahuling gumala nang hindi nagpapaalam, ganoon ang pakiramdam ko habang nakaupo sa harap ni Papa Yanu. Matanda na ako, may asawa na rin, pero heto ako ngayon, nakayuko habang pinapagalitan niya ako na parang wala pa ako sa wastong edad.“Oo, maganda naman ang nangyari sa ginawa mong pagsugod nang mag-isa, Khaliyah, pero paano kung may masamang nangyari sa ‘yo? Paano kung nabagok na naman ang ulo mo?”Ang sunod-sunod niyang tanong habang seryosong nakatingin sa akin. Nakakainis pakinggan o kung iisipin ang ginagawa ni papa, pero okay lang. Hindi ako magagalit o magtatamopo.Saka, wala rin naman akong masabi. Hindi ko rin kasi kayang makipagtalo, alam kong mali rin naman ako. Mali na hindi ako nagsabi sa kanila. Mali na nagplano akong mag-isa. Mali na inisip kong kaya ko lahat, pero kinaya ko naman talaga. Sadyang kabado lang sila sa ginawa ko.Alam kong pinapayagan naman niya akong lumaban, pero ‘yung sarili kong diskarte? ‘Yung hindi man lang ako nagsabi
Khaliyah POV“Oh, kumusta pakiramdam sa unang araw ng training?” tanong ko kay Levi matapos ang unang buong araw ng training niya. Kinausap ko rin talaga sina Rafe at Yanna, na kung maaari, pahirapan ng husto si Levi. Huwag kakong baby-hin para hindi masanay na puro madali lang ang gagawin sa training.“Grabe, feeling ko, hindi ako makakalakad ng maayos bukas,” sagot ni Levi na tila latang-lata ngayon. “Kaya, mauna na muna ako sa guest room, gusto kong magpahinga muna, parang mamamatay ako ngayon sa sobrang lata,” sabi pa niya.Natatawa at napapailing na lang sina Rafe at Yanna nang makitang halos hindi na makalakad ng maayos si Levi.Napansin kong parang wala si Khaliyah. Naisip ko na baka nasa kuwarto lang, kaya pumunta ako roon para ma-check kung natutulog ba siya. Pero pagpunta ko roon, wala, kahit sa banyo ay wala. Kinabahan na ako roon, iba kasi ang naiisip ko. Tila sinamantala ni Khaliyah na busy kami, para makaalis siya ng solo.“Mateo,” tawag ko sa isa sa mga security guard h