Share

Kabanata 79

last update Last Updated: 2025-05-19 21:55:18

Larkin POV

Hapong-hapo na ako nang makarating ako sa hotel. Mabigat ang bawat hakbang, para bang bawat kilos ay pinipigilan ng sakit na gumagapang mula batok ko hanggang talampakan. Mas pinili kong huwag munang umuwi. Kung uuwi pa ako ngayon, baka mas lalo lang akong manghina. Nakakahiya nga, nakasakay na ako kanina sa bus, bigla ko na lang naisip na huwag na munang umuwi, para na rin hindi mag-alala si Khaliyah sa makikita niyang itsura ko.

Gusto kong gumaling agad, gusto kong makapasok bukas sa training na sinasabi ng lintik na Nolan na ‘yan. Hindi puwedeng sayangin ang pagkakataong ito.

Pagkapasok ko sa kuwarto, agad kong ibinagsak ang backpack sa gilid. Bumili muna ako ng mga kailangan kong gamot sa sakit ng katawan, paracetamol kung sakaling lagnatin ako, at isang energy drink para lang masigurong may konting lakas pa akong natitira. Tiningnan ko ang sarili sa salamin—may pasa sa pisngi, may hiwa sa labi at bahagyang namamaga ang kanang mata. Tang-ina, sabog na sabog ang labi ko.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 86

    Khaliyah POV“Ang laki na rin talaga nang pinagbago mo, mahal. Ang sarap mo nang magluto talaga,” sabi niya habang naglalagay pa sa plato niya ng menudong baboy. “I love it. And this fish? Grabe, perfect ‘yung pagkakaluto mo.”Kainis, hindi ako sanay na tuma-taglish na itong asawa ko. Iba talaga kapag nakakapag-Manila na. Nasasanay na siyang mag-english palagi. O, hindi na niya maiwasan na may kasamang english kada magsasalita siya.Napangiti ako, siyempre. Sa loob-loob ko, kahit pagod ako buong araw, sulit na sulit ang effort ko basta ganoon ang reaksyon ng asawa ko. Ganoon talaga kapag mahal mo, kahit pagod, kikilos ka pa rin.Tinapos ni Larkin ang pagkain niya na parang hindi siya nauubusan ng gana. Siguro ay bumabawi rin dahil sa pagod na nangyari sa work niya nitong mga nagdaang araw.Nang matapos siya, kinuha niya ang wallet niya sa bag na luma na rin, at iniabot sa akin ang ilang piraso ng perang lilibuhin.“Here. Keep this, halos twenty thousand ‘yan. Hindi siya ganoon kalaki,

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 85

    Khaliyah POVPagkasara ko ng Jam business sa silong, agad kong pinauwi ang mga staff ko dahil okay ang ganap ngayon, maraming benta at marami ulit pa-order bukas.“Good job today, guys. Kita-kits bukas,” sabi ko habang pinapatay ang mga ilaw sa silong.Halata nila na nagmamadali akong magsara dahil gusto kong maagang maghanda ng dinner. Excited ako dahil uuwi na si Larkin ngayong gabi. Dalawang araw na siyang hindi umuuwi kaya talagang miss na miss ko na siya.Pagpasok ko sa loob ng bahay, dumiretso agad ako sa kusina. Kakaibang ulam ang trip kong gawin. Menudong baboy at sarsiadong tilapia. First time kong magluluto ng menudo pero dahil tinuro kanina ni Beranichi kung paano magluto nun, sure kong magiging masarap naman ang luto ko.Habang piniprito ko ang isda, napapangiti ako. Sa wakas, mapapasarap ulit ako mamaya sa kama. Miss na miss ko na rin ang bayuhan namin.Habang nagseset-up ako ng mesa, binuksan ko ang radyo at pinatugtog ang paborito kong kanta. Naisip ko, baka pag-uwi niy

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 84

    Larkin POVPagkarating pa lang namin ni Yanna sa loob ng bakuran ni Nolan, agad kong napansin ang kakaiba sa paligid. Dati-rati, halos kami-kami lang ang nandoon—sina Bak, Bok, ako, at si Yanna, saka na rin ang mga kasambahay at security guards. Pero ngayon, para akong pumasok sa isang military base. May mga lalaking naka-itim na tactical uniform, may headset sa tainga, at ang iba ay naka-backpack na tila punong-puno ng mga sandata.Lahat sila, sabay-sabay na napalingon sa amin. Hindi ko alam kung anong mayroon, may lulusubin ba sila, may labanan bang magaganap. Habang naglalakad kami ni Yanna, pakiramdam ko ay sinusukat nila ako mula ulo hanggang paa. Walang nakangiti. Wala manlang kumakaway. Wala ring tumango. Lahat sila ay seryoso. Lahat matigas ang mukha na akala mo ay mananapak agad.“Stay close,” bulong ni Yanna habang naglakad kami papasok.Tumango lang ako kahit di ko siya matingnan.Maya maya lang ay lumabas si Nolan mula sa loob ng bahay, naka-itim na long-sleeves na may rol

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 83

    Khaliyah POVLinggo ngayon. Tahimik ang buong paligid. Walang ingay ng blender, walang maingay na tawanan mula sa mga staff ko sa silong, at higit sa lahat, walang presensya si Larkin. Pangalawang araw na ‘to na hindi siya umuuwi. Sabado pa lang ng gabi, naramdaman ko na ang pangungulila sa kaniya. Pero ngayong Linggo, ang araw na sana ay para sa pahinga at bonding namin, mas ramdam ko ang bigat ng pagiging lonely.Overtime daw siya palagi. ‘Yan ang palusot niya. Na para bang hindi ko naiintindihan ang hirap ng trabaho niya. Na para bang hindi ko rin naranasan ang bumangon ng maaga, magpuyat sa order ng customer at puwersahin ang sarili mag-smile habang pagod na pagod na ang katawan.Ayaw ko sanang pag-isipan siya ng masama. Siguro nga, gusto lang talaga niyang magpakitang-gilas. Bago pa siya sa trabaho, kaya kailangan niyang galingan. Pero bakit parang may bumubulong sa akin na hindi lang trabaho ang dahilan? Bakit parang may itinatago siya?Wala akong magawa. Naka-upo lang ako sa so

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 82

    Larkin POVHindi ko inaasahan na ganito kalaki ang bahay ni Yanna. Sa labas pa lang ng gate, mukhang private resort na ang vibes.Tahimik dito, puno ng mga halaman at malayo ang pagkakapatong-patong ng mga gusali. Nang makapasok kami, dun ko lang talaga napagtanto kung gaano siya kagaling magtago ng sikreto. Ang alam ko, maliit lang daw ang bahay niya ayon kay Boss Nolan kanina nung marinig kong nag-usap sila saglit. Pero ito? Isa itong villa na sure akong mahal ang pagpapatayo.“Come inside. It’s safe here,” aniya habang pinapasok ako. Malinis, moderno at may aircon sa bawat sulok ng bahay. Pero ang pinaka-hindi ko makakalimutan? ‘Yung underground room na may barilan training area na binanggit niya na pagte-training-an ko mamaya.Pero bago ‘yun, pumunta muna kami sa dining area niya kung saan may naka-ready ang masarap na tanghalian.“Tara, sabayan mo na akong mag-lunch, sayang at marami akong pinaluto,” aya niya kaya hindi na rin ako tumanggi at mukhang masasarap nga ang pagkaing na

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 81

    Larkin POVMainit ang sikat ng araw nang lumabas ako sa likod ng malaking bahay ni Nolan. Naroon ang bakuran na mukhang ginawang training area talaga. Doon ay nakita kong maluwag, may mga punching bag sa gilid, ilang metal bars sa kanan at may matigas na flooring na parang sinadyang hindi komportable. Pagdating ko roon, bumungad agad sina Bok at Bak na parang wala pa ring kapaguran sa katawan.“You! Sit there for now,” utos ni Bok, sabay turo sa isang kahoy na bangko sa tabi. “Yanna goes first.”Yanna? Sino si Yanna?Napatingin ako sa direksyong tinuro ni Bak at doon ko siya nakita. Babae. Mukhang mas bata sa akin ng ilang taon, pero halata sa postura at tikas ng katawan na hindi basta-basta. Matangkad, naka-ponytail ang buhok, may suot na itim na training gear, at ang pinakaunang napansin ko ay ang puro pasa at sugat sa braso’t leeg niya. Mukhang kagagaling lang din niya sa pambubugbog. Grabe, kahit babae pala ay hindi nakakaligtas.Ngumisi si Bak. “She made her own defense. Let’s se

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 80

    Larkin POVPagpasok ko sa loob ng bahay ni Nolan, sinabi ng isang kasambahay na pumunta ako sa dining area. Naupo naman ako, naghintay kung anong mangyayari. Pero nagulat ako nang paghainan nila ako ng pagkain.“A-ano ‘to?” tanong ko sa isang kasambahay.“Ah, bago ka pa nga lang pala. Almusal ‘yan, ganiyan ang lahat ng mga personal bodyguard ni Sir Nolan. Gusto niya, busog at malalakas ang mga tauhan niya para hindi lalampa-lampa,” paliwanag ng kasambahay kaya napatango na lang ako.Kung alam ko lang, hindi na sana ako nag-abalang mag-almusal ng marami kanina. Pero dahil nagutom na rin ako sa nilakad ko, ayos lang, kakain pa rin ako kasi mukhang masasarap ‘yung pagkaing naka-ready sa lamesa.Lutong pang mayaman at lasang pang mayaman ang pagkain. Kahit busog na ako sa kinakain ko, pinilit ko pa ring ubusin dahil ang sarap, e. May fruit juice pa. Kapag ganito, lalakas talaga ang kahit na sinong kakain dito.“Larkin, pinapatawag ka na ni Sir Nolan. Nandoon siya sa kuwarto niya, itaas, ‘

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 79

    Larkin POVHapong-hapo na ako nang makarating ako sa hotel. Mabigat ang bawat hakbang, para bang bawat kilos ay pinipigilan ng sakit na gumagapang mula batok ko hanggang talampakan. Mas pinili kong huwag munang umuwi. Kung uuwi pa ako ngayon, baka mas lalo lang akong manghina. Nakakahiya nga, nakasakay na ako kanina sa bus, bigla ko na lang naisip na huwag na munang umuwi, para na rin hindi mag-alala si Khaliyah sa makikita niyang itsura ko.Gusto kong gumaling agad, gusto kong makapasok bukas sa training na sinasabi ng lintik na Nolan na ‘yan. Hindi puwedeng sayangin ang pagkakataong ito.Pagkapasok ko sa kuwarto, agad kong ibinagsak ang backpack sa gilid. Bumili muna ako ng mga kailangan kong gamot sa sakit ng katawan, paracetamol kung sakaling lagnatin ako, at isang energy drink para lang masigurong may konting lakas pa akong natitira. Tiningnan ko ang sarili sa salamin—may pasa sa pisngi, may hiwa sa labi at bahagyang namamaga ang kanang mata. Tang-ina, sabog na sabog ang labi ko.

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 78

    Khaliyah POVMay mga araw na parang normal lang ang lahat, pero ngayon? Hindi ito ‘yung isa sa mga araw na ‘yon.“Ma’am Khaliyah, ako lang po ang pumasok,” bungad ni Ipe pagkabukas ko ng pinto. Bitbit niya ang delivery bag na parang mas malaki pa sa katawan niya.“Ha? Bakit? Nasaan sina Beranichi, Poge, at Uda?” tanong ko agad habang pinipilit ngumiti kahit na may kutob na akong baka may nangyari sa mga ‘yon.“Si Ate Beranichi po, nilagnat daw kagabi. Sina Kuya Poge at Kuya Uda naman, tinawag sa barangay... nagka-hearing po. Nakaaway daw ‘yung mga taga-kabilang bayan kagabi. Birthday-han daw kasi, mga lasing, ayon, napaaway sila.”Napabuntong-hininga ako at napailing. Hindi ko na pinansin ang detalye. Ayoko na ring malaman kung anong klaseng kagaguhan na naman ang ginawa nila. Basta ngayon, ang mahalaga, kailangan naming ituloy ang trabaho kahit kami lang ni Ipe ang tao ngayon dito sa silong ng bahay namin ni Larkin.“Sige na, pumasok ka na. Kailangan nating matapos ang mga orders nga

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status