Share

Kabanata 80

last update Last Updated: 2025-05-20 11:25:22

Larkin POV

Pagpasok ko sa loob ng bahay ni Nolan, sinabi ng isang kasambahay na pumunta ako sa dining area. Naupo naman ako, naghintay kung anong mangyayari. Pero nagulat ako nang paghainan nila ako ng pagkain.

“A-ano ‘to?” tanong ko sa isang kasambahay.

“Ah, bago ka pa nga lang pala. Almusal ‘yan, ganiyan ang lahat ng mga personal bodyguard ni Sir Nolan. Gusto niya, busog at malalakas ang mga tauhan niya para hindi lalampa-lampa,” paliwanag ng kasambahay kaya napatango na lang ako.

Kung alam ko lang, hindi na sana ako nag-abalang mag-almusal ng marami kanina. Pero dahil nagutom na rin ako sa nilakad ko, ayos lang, kakain pa rin ako kasi mukhang masasarap ‘yung pagkaing naka-ready sa lamesa.

Lutong pang mayaman at lasang pang mayaman ang pagkain. Kahit busog na ako sa kinakain ko, pinilit ko pa ring ubusin dahil ang sarap, e. May fruit juice pa. Kapag ganito, lalakas talaga ang kahit na sinong kakain dito.

“Larkin, pinapatawag ka na ni Sir Nolan. Nandoon siya sa kuwarto niya, itaas, ‘
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
mahrap tlga ang mission mo Larkin, sama pa ang gagamt ka ng iBang babae
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 83

    Khaliyah POVLinggo ngayon. Tahimik ang buong paligid. Walang ingay ng blender, walang maingay na tawanan mula sa mga staff ko sa silong, at higit sa lahat, walang presensya si Larkin. Pangalawang araw na ‘to na hindi siya umuuwi. Sabado pa lang ng gabi, naramdaman ko na ang pangungulila sa kaniya. Pero ngayong Linggo, ang araw na sana ay para sa pahinga at bonding namin, mas ramdam ko ang bigat ng pagiging lonely.Overtime daw siya palagi. ‘Yan ang palusot niya. Na para bang hindi ko naiintindihan ang hirap ng trabaho niya. Na para bang hindi ko rin naranasan ang bumangon ng maaga, magpuyat sa order ng customer at puwersahin ang sarili mag-smile habang pagod na pagod na ang katawan.Ayaw ko sanang pag-isipan siya ng masama. Siguro nga, gusto lang talaga niyang magpakitang-gilas. Bago pa siya sa trabaho, kaya kailangan niyang galingan. Pero bakit parang may bumubulong sa akin na hindi lang trabaho ang dahilan? Bakit parang may itinatago siya?Wala akong magawa. Naka-upo lang ako sa so

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 82

    Larkin POVHindi ko inaasahan na ganito kalaki ang bahay ni Yanna. Sa labas pa lang ng gate, mukhang private resort na ang vibes.Tahimik dito, puno ng mga halaman at malayo ang pagkakapatong-patong ng mga gusali. Nang makapasok kami, dun ko lang talaga napagtanto kung gaano siya kagaling magtago ng sikreto. Ang alam ko, maliit lang daw ang bahay niya ayon kay Boss Nolan kanina nung marinig kong nag-usap sila saglit. Pero ito? Isa itong villa na sure akong mahal ang pagpapatayo.“Come inside. It’s safe here,” aniya habang pinapasok ako. Malinis, moderno at may aircon sa bawat sulok ng bahay. Pero ang pinaka-hindi ko makakalimutan? ‘Yung underground room na may barilan training area na binanggit niya na pagte-training-an ko mamaya.Pero bago ‘yun, pumunta muna kami sa dining area niya kung saan may naka-ready ang masarap na tanghalian.“Tara, sabayan mo na akong mag-lunch, sayang at marami akong pinaluto,” aya niya kaya hindi na rin ako tumanggi at mukhang masasarap nga ang pagkaing na

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 81

    Larkin POVMainit ang sikat ng araw nang lumabas ako sa likod ng malaking bahay ni Nolan. Naroon ang bakuran na mukhang ginawang training area talaga. Doon ay nakita kong maluwag, may mga punching bag sa gilid, ilang metal bars sa kanan at may matigas na flooring na parang sinadyang hindi komportable. Pagdating ko roon, bumungad agad sina Bok at Bak na parang wala pa ring kapaguran sa katawan.“You! Sit there for now,” utos ni Bok, sabay turo sa isang kahoy na bangko sa tabi. “Yanna goes first.”Yanna? Sino si Yanna?Napatingin ako sa direksyong tinuro ni Bak at doon ko siya nakita. Babae. Mukhang mas bata sa akin ng ilang taon, pero halata sa postura at tikas ng katawan na hindi basta-basta. Matangkad, naka-ponytail ang buhok, may suot na itim na training gear, at ang pinakaunang napansin ko ay ang puro pasa at sugat sa braso’t leeg niya. Mukhang kagagaling lang din niya sa pambubugbog. Grabe, kahit babae pala ay hindi nakakaligtas.Ngumisi si Bak. “She made her own defense. Let’s se

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 80

    Larkin POVPagpasok ko sa loob ng bahay ni Nolan, sinabi ng isang kasambahay na pumunta ako sa dining area. Naupo naman ako, naghintay kung anong mangyayari. Pero nagulat ako nang paghainan nila ako ng pagkain.“A-ano ‘to?” tanong ko sa isang kasambahay.“Ah, bago ka pa nga lang pala. Almusal ‘yan, ganiyan ang lahat ng mga personal bodyguard ni Sir Nolan. Gusto niya, busog at malalakas ang mga tauhan niya para hindi lalampa-lampa,” paliwanag ng kasambahay kaya napatango na lang ako.Kung alam ko lang, hindi na sana ako nag-abalang mag-almusal ng marami kanina. Pero dahil nagutom na rin ako sa nilakad ko, ayos lang, kakain pa rin ako kasi mukhang masasarap ‘yung pagkaing naka-ready sa lamesa.Lutong pang mayaman at lasang pang mayaman ang pagkain. Kahit busog na ako sa kinakain ko, pinilit ko pa ring ubusin dahil ang sarap, e. May fruit juice pa. Kapag ganito, lalakas talaga ang kahit na sinong kakain dito.“Larkin, pinapatawag ka na ni Sir Nolan. Nandoon siya sa kuwarto niya, itaas, ‘

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 79

    Larkin POVHapong-hapo na ako nang makarating ako sa hotel. Mabigat ang bawat hakbang, para bang bawat kilos ay pinipigilan ng sakit na gumagapang mula batok ko hanggang talampakan. Mas pinili kong huwag munang umuwi. Kung uuwi pa ako ngayon, baka mas lalo lang akong manghina. Nakakahiya nga, nakasakay na ako kanina sa bus, bigla ko na lang naisip na huwag na munang umuwi, para na rin hindi mag-alala si Khaliyah sa makikita niyang itsura ko.Gusto kong gumaling agad, gusto kong makapasok bukas sa training na sinasabi ng lintik na Nolan na ‘yan. Hindi puwedeng sayangin ang pagkakataong ito.Pagkapasok ko sa kuwarto, agad kong ibinagsak ang backpack sa gilid. Bumili muna ako ng mga kailangan kong gamot sa sakit ng katawan, paracetamol kung sakaling lagnatin ako, at isang energy drink para lang masigurong may konting lakas pa akong natitira. Tiningnan ko ang sarili sa salamin—may pasa sa pisngi, may hiwa sa labi at bahagyang namamaga ang kanang mata. Tang-ina, sabog na sabog ang labi ko.

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 78

    Khaliyah POVMay mga araw na parang normal lang ang lahat, pero ngayon? Hindi ito ‘yung isa sa mga araw na ‘yon.“Ma’am Khaliyah, ako lang po ang pumasok,” bungad ni Ipe pagkabukas ko ng pinto. Bitbit niya ang delivery bag na parang mas malaki pa sa katawan niya.“Ha? Bakit? Nasaan sina Beranichi, Poge, at Uda?” tanong ko agad habang pinipilit ngumiti kahit na may kutob na akong baka may nangyari sa mga ‘yon.“Si Ate Beranichi po, nilagnat daw kagabi. Sina Kuya Poge at Kuya Uda naman, tinawag sa barangay... nagka-hearing po. Nakaaway daw ‘yung mga taga-kabilang bayan kagabi. Birthday-han daw kasi, mga lasing, ayon, napaaway sila.”Napabuntong-hininga ako at napailing. Hindi ko na pinansin ang detalye. Ayoko na ring malaman kung anong klaseng kagaguhan na naman ang ginawa nila. Basta ngayon, ang mahalaga, kailangan naming ituloy ang trabaho kahit kami lang ni Ipe ang tao ngayon dito sa silong ng bahay namin ni Larkin.“Sige na, pumasok ka na. Kailangan nating matapos ang mga orders nga

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 77

    Larkin POVPagkapasok ko sa loob ng malaking bahay ni Nolan, agad akong sinalubong ng dalawang babae na mukhang kasambahay. Pareho silang naka-itim na uniporme, pormal ang kilos at parang alam na nila ang dapat gawin. Agad nila akong inalalayan, hawak ako sa braso nang dahan-dahan at saka pinaupo sa isang malambot na sofa sa isang eleganteng sala.Ang amoy ng mamahaling pabango at leather ang unang tumama sa ilong ko. Tahimik sa paligid at tanging ang tunog ng hanging lumalabas mula sa aircon ang maririnig. Nawala bigla si Nolan, parang pumasok sa isang kuwarto.Tinignan ko ang buong paligid. Naisip ko, kung natuloy ang pagpapakasal nila Nolan at Khaliyah, ito ang magiging bahay niya. Ang laki at tila magmumukha siyang reyna.Napakalinaw ng pagkakaayos ng lugar, bawat gamit mamahalin, bawat detalye parang planado. Pero hindi iyon ang iniisip ko ngayon—mas nangingibabaw ang hapdi ng katawan ko. Para akong sinagasaan ng dalawang trak na rumaragasa.Maya maya, may pumasok na babae na nak

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 76

    Larkin POVNgayon na ang unang araw ko ng training bilang personal bodyguard ni Nolan. Excited [a ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang naglalakad ako papuntang villa ni Nolan dito sa Maynila. Malapit na kasi ako.Sa isip ko, konting tiyaga lang, magiging bihasa rin ako sa pakikipaglaban, at higit sa lahat, matututo na akong gumamit ng baril. ‘Yun ang pinaka-inasam kong parte ng lahat. Ang pagsasanay na ito ay paghahanda ko na rin kapag naging kaaway ko balang-araw si Nolan. Wala siyang kaalam-alam na magpapalakas siya ng magiging kaaway niya balang-araw.Sa ngayon, sasamantalahin ko na muna habang wala pa siyang alam. Ang saya lang kasi malaki na ang sahod ko, lalakas pa ako.Pagdating ko sa may gate ng villa ni Nolan, tumambad sa akin ang dalawang lalaking parang bato-bato ang katawan. Pareho silang naka-topless, may mga tribal tattoo sa dibdib at braso. Kung titignan, parang ang hirap nilang labanan. Parang mahirap silang patumbahin sa mga itsura nila.Nagkatitigan kami. Pareho

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 75

    Khaliyah POVHapon na nang marinig ko ang pagbukas ng gate. Sakto naman na kakasarado lang ng silong at kakauwi lang ng mga staff ko sa jam business.Mabilis akong sumilip sa bintana para tingnan kung si Larkin na nga ‘yon. At hindi nga ako nagkamali dahil siya nga at tila marami itong bitbit na supot. Lumabas tuloy ako ng bahay para salubungin siya kasi mukhang hirap na siya sa dami ng bibit niyang mga supot.Akala mo ay nanalo siya sa lotto sa dami ng bitbit na hindi ko alam kung mga gamit o pagkain.Pagtingin ko sa mga supot, grocery pala. Tumingin ako sa kaniya nang nakakunot ang noo. “Anong meron? Bakit ang dami mong bitbit na ganiyan?”Ngumiti si Larkin habang pawis na pawis. Pero pansin ko na tila hindi siya halatang pagod ngayon. Kinuha ko na ang ilang supot na bitbit niya para matulungan ko na siya.Pagdating namin sa loob, inilapag niya ang mga supot sa lamesa. “Malaki ang bigay ng tip sa bar na iyon, mas malaki pa sa sahod,” sabi niya habang nakangiti.“Tip? Gamit ang bigay

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status