Share

CHAPTER 3

NAPAPAILING si Kiara habang nakasakay sa taxi at nagbabaliktanaw. Kadarating pa pa lamang n'ya, pero naka-encounter kaagad siya nang taong para sa kanya ay masyadong presko.

'Sayang, ang gwapo pa naman, kung hindi lang mayabang,' ismid na bulong niya sa sarili. Magmula nang matuklasan niya na niloko siya ng ex niya, may anim na taon na ang nakararaan. Nawalan na rin siya ng interes sa mga lalaki. 

Namalagi siya sa Amerika upang makalimot. Mas nakatulong sa kanya ang nangyari na maging mas matatag pa. Isa na siyang licensed nurse sa isang malaking hospital doon. Ikalawa sa anak ng isang negosyante. May isa siyang kapatid na naiwan at kasama ng kanyang mga magulang. Kahit maraming nanliligaw sa kanya ay binalewala niya ang mga ito. Marami sa ka-trabaho niya ang nagpapahaging sa kanya, ngunit dinadaan na lang niya sa biro ang mga ito. 

Ngayon, muli siyang nagbalik matapos na makatanggap ng tawag mula sa isang nagpakilalang nurse ng kanyang mga magulang. Ayon dito, may malubhang sakit ang kanyang ina at kasalukuyan din na hindi maganda ang kondisyon ng ama. Mahalaga sa kanya ang kanyang mga magulang, kaya nag-resign siya sa kanyang pinapasukang hospital, para umuwi at personal na alagaan ang mga ito. 

Alam niya na hindi siya masusundo ng mga ito sa airport, kaya nag-taxi na lamang s'ya pauwi sa kanila.

Walang ilaw na nakasindi sa kanilang bahay nang datnan niya. Marahil ay tulog na ang kanyang mga magulang.

"Hello, I'm back!" sigaw ni Kiara. "Ma? Pa? Ate?" Hinanap niya sa buong kabahayan ang mga ito ngunit wala ni isa man sa mga ito. 

'Nasaan sila?' tanong niya sa sarili. 

Pumunta siya sa kusina para uminom. Ngunit walang tubig at wala rin laman ang ref. Bumalik siya sa sala at kinuha ang baong tubig. Hapon na at tila ilang araw na rin na walang tao sa bahay nila. 

Napapitlag siya nang may mag-doorbell. 

"Kayo po ba si Ms. Kiara?" tanong ng isang ginang.

"Ako nga po, ano pong kailangan nila?" 

"Ah, ipaaalam ko lang sa 'yo na iba na ang may-ari sa bahay na iyan. Hindi na riyan nakatira sina Mrs. Sebastian. Ako nga pala si Minda, ako ang madalas tumitingin sa bahay na 'yan. Ang alam ko, naipagbili na iyang bahay. Napansin ko kasi na may ilaw kaya lumapit ako."

"Pero paanong kilala n'yo po ako?"

"Ipinagbilin ka sa akin ni Mrs. Sebastian nitong nakaraang araw lang. Baka raw kasi biglang umuwi ka rito. Pinasasabi niya na puntahan mo na lang sila sa address na ito." Sabay abot sa isang kapirasong papel sa kanya, kung saan nakasulat ang bagong address ng mga ito.

"Nasaan po ang bagong may-ari ng bahay?" 

"Naku, hindi ko pa rin kilala, ms. Bakit mo naitanong?"

"Madilim na rin po kasi, gusto ko lang sana magpaalam, baka pwedeng manatili po muna ako rito kahit ngayong gabi lang? Medyo naninibago po kasi ako sa tagal ko ng wala rito," pakiusap ni Kiara.

"Aba, oo naman! Ikaw ang bahala. O pa'no, maiwan na rin kita, ha?" paalam ng ginang.

"Salamat po!" 

"Walang anuman, mag-iingat ka!"

Nakangiting tumango at kumaway si Kiara sa ginang na papalayo. Puno ng kahungkagan ang kanyang puso, matapos malaman na hindi na pala nila pag-aari ang bahay. Pakiramdam niya naghihina siya. Kung maysakit ang mga magulang, hindi niya alam kung gaano kalala ang kanilang kondisyon.

Halos hindi siya makatulog sa pag-iisip. Kay laki na pala nang nabago mula nang umalis siya. Hindi niya alam kung ano na ang kalagayan ng kanyang mga magulang ngayon.

Idinayal niya ang numero ng ama, ngunit nag-ring lang ito at walang sumagot, 'Hindi kaya nagpapahinga na sila?' bulong niya sa sarili. Hindi niya namalayan na nakatulog siya, marahil, dala nang sobrang pagod sa byahe. Nagising na lamang siya matapos maramdaman na tila may nagmamasid sa kanya.

"Sino ka?" Nabiglang tanong niya at napabalikwas mula sa pagkakahiga sa mahabang sopa.

"Tsk… tsk…" Iiling-iling ang lalaking nakaupo sa harapan niya. "Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, oh! Sinong mag-aakala na makikita pala ulit kita rito?" 

Nanlaki ang mga mata ni Kiara nang makilala ito, "Ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito? Paano kang nakapasok dito? Trespassing ka! Sinusundan mo ba ako? Sinasabi ko na nga ba, eh! Hindi ka katiwa-tiwalang tao!" 

Tumawa ito na tila naaliw pa sa itsura ni Kiara, "Really? Hindi ba dapat ikaw ang trespassing kasi hindi naman sa iyo itong bahay?" 

Naningkit ang mga mata ni Kiara sa panggigigil at halos manlaki ang mga butas ng kanyang ilong.

"Wala ako'ng panahon makipaglokohan sa 'yo, kaya pwede ba, lumabas ka na?" Aniya at iminostra ang pinto palabas.

"Yeah, actually, palabas na rin naman ako. Hinintay lang kitang magising para naman hindi ka na nila kailangan pang buhatin pasunod. And starting today, 'you are mine' bear it on your mind!" Nakangising sabi ni Tristan. Matapos sinenyasan ang dalawang tauhan at lumabas.

"Tse! Kahit ikaw pa ang matirang tao sa mundo, hinding-hindi ako papatol sa 'yo!"

Sandaling huminto ito sa paglalakad na hindi lumilingon. "Let's see! Sana hindi mo kainin ang sinabi mo!" Napansin ni Kiara ang pagkuyom nito sa kamao bago tuluyan lumabas.

Lumapit ang dalawang tauhan sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang braso.

"Wait, ano'ng gagawin n'yo? Bakit n'yo ako hinihila? Pwede ba bitiwan n'yo ako?" bulyaw ni Kiara sa mga ito. May dalawa rin na bumuhat sa dala niyang bag. "Ano bang kailangan n'yo sa 'kin?"

"Sumunod ka na lang, miss. kung ayaw mong masaktan."

Dinala at sapilitan na isinakay si Kiara sa sasakyan ng mga ito. 

"Damn you all, bitiwan n'yo nga ako! Magsama-sama kayo ng amo mong siraulo!" galit na sabi ni Kiara.

"Kung ako sa 'yo, I just save my energy, kasi baka kailanganin mo 'yan mamaya," tinig ni Tristan na nasa harapan ng sasakyan.

"Damn you! Isusumbong kita sa pulis, once na makaalis ako rito!" 

"Umm, nakakatakot ka naman pala, Ms. Kiara Sebastian. Hindi kasi nabanggit sa akin ni Sebastian na may sa tigre pala ang anak nila? Hindi na sana ako nasorpresa. But anyway, okay lang naman, atleast mukhang magkakasundo naman tayo,"

"Kilala mo ang ama ko?"

"Of course, sino ba naman ang hindi makaka-recognize sa kanya? Magaling at mahusay ang ama mo, kaya nakilala ko s'ya."

Pinaandar ng driver ang sasakyan.

"Saan n'yo ako dadalhin? Palabasin n'yo ako rito!"

"Don't worry. Mabilis lang naman ito, miss. Ide-deliver ka lang naman namin sa bagong mansyon mo," nagbibirong sabi ng isang tauhan na nasa tabi ni Kiara.

"I hate you! Pakawalan mo ako rito!"

"Tsk… tsk… tsk… Paano ba 'yan, hindi naman kita pwedeng pagbigyan sa request mo?" madilim ang anyo at malamig na tugon ni Tristan. 

Natigilan si Kiara. Naisip niya na kung magmamatigas pa s'ya, baka lalo lang siyang hindi nito paalisin.

Sumadal si Tristan at pumikit, "Wake me up when we arrive," anito sa driver.

"Sandali! Ibaba n'yo na ako. Kailangan ako ng mga magulang ko! Kailangan ko silang makita," biglang hinahon na sabi ni Kiara.

"Don't worry, you can see them later," ani Tristan at pumikit muli.

"Do you know where they are?" 

"Of course, sila rin ang nagpasundo sa 'yo rito."

Nanatiling tahimik si Kiara kahit na naaalangan. Ano'ng malay nga niya kung nagsasabi naman ito ng totoo, since, nagawa nga nito makapasok sa dating bahay nila na hindi niya alam. 

Pumasok ang kotse sa isang malaking gate. At nagulat pa siya nang mapansin na hindi lang basta bahay iyon, kundi mansyon. Nakapalibot ang bantay sa paligid mula sa labas hanggang sa loob at lahat may mga armas. 

Bumungad kay Kiara ang malawak na sala at ang dalawang pamilyar na tao na prenteng nakaupo sa sala.

"Ma? Pa?" Napasugod si Kiara ng lapit at yumakap sa mga ito. "Paanong narito kayo? Akala ko ba maysakit kayo? Huwag n'yong sabihin na dito kayo nakatira?" sunod-sunod na tanong ni Kiara.

"Kumusta ka na anak?" tanong ng kanyang ama.

"Mabuti naman po. Ma, akala ko ba malubha ang sakit n'yo? Nasaan si Ate?" Takang tanong niya sa ina na pinagmasdan ito. Hindi naman ito mukhang may sakit.

"Wala rito ang ate mo," sabi ng ina.

"Patawarin mo sana kami, anak. Sana mapatawad mo pa kami,"

Naguluhang napabaling si Kiara sa ama. Siniko naman ito ng kanyang ina.

"Sabihin mo na kasi," sabi ng kanyang ama sa mama niya.

"Ano'ng ibig n'yong sabihin?"

"Wala na kaming choice, kundi ikaw na lang, anak. Hindi totoo na may sakit kami," 

"What?" 

"Ikaw na lang ang pwedeng tumulong sa amin, anak. Patawad!" biglang umiyak na sabi ng ama.

Naguluhang nagtaas ng tingin si Kiara sa ina, "Ano'ng ibig sabihin ni Papa, Ma?"

"Patawad kung hindi namin sinabi ito sa 'yo. Pero may malaking pagkakautang kami at ikaw lang ang pwedeng tumulong sa amin kaya ka namin pinauwi,"

"Ma, pwede ba, diretsuhin n'yo na ako? Ano'ng utang? Akala ko ba okay lang ang lahat dito? Palagi n'yong sinasabi na ayos lang. Hindi ko nga alam na wala na pala sa atin ang bahay, eh! Sinabi n'yo sa 'kin na maysakit kayo. Sana sinabi n'yo na lang 'yung totoo! Saka kung utang, kaya naman bayaran 'yon, eh. May ipon naman ako kahit paano sa ilang taon kung nagtrabaho. Siguro sapat na 'yon para mabayaran ang sinasabi n'yong utang," Ani Kiara at tumayo.

"I'm sorry, anak. Pero imposible nang mangyari 'yon. Hindi gan'on kadaling mabayaran ang twenty milyon," nakayukong sabi ng ama. 

Biglang lumuhod ang kanyang ina at yumakap sa binti ni Kiara, "Please, anak, alam ko na mahal mo kami kaya tulungan mo kami."

Nanlaki ang mga mata ni Kiara sa pagkagulat, "Twenty million?" Kahit yata pagsampuing beses, hindi pa aabot ang kanyang naipon para tapatan ang nasabing halaga. "Ma, Pa, nagbibiro ba kayo? Hindi nakakatuwa!"

"Totoong sinabi ng papa mo, anak. Malaki ang pagkakautang namin. Wala na kaming magawa at maisip kung paano mababayaran iyon. Lubog na lubog na kami ng papa mo. Hindi na namin alam ang gagawin. Ikaw na lang ang pag-asa namin,"

"Oh, God! How is it happen? Wala na ang lahat sa atin pero nagkautang pa rin kayo ng gan'on kalaki?" Nanghihina na napaupo si Kiara at naihilamos ang palad sa mukha. "How?"

"I'm sorry, anak,"

"Gustuhin ko man kayong tulungan, pero hindi ko alam kung paano," halos bulong na sabi ni Kiara.

"Please, anak. Kailangan tulungan mo kami, kundi papatayin kami ng pinagkakautangan namin,"

"What?"

"Kaya ka namin pinauwi, kasi…"

"Sa ganyan kalaking halaga, hindi ko kayo matutulungan agad-agad, kahit gustuhin ko man. Oh, God, saang mabuting kamay ko naman kukunin ang ganyan kalaking halaga?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Kiara.

"Anak," Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang palad. "Ayaw man namin, pero ito lang ang paraan para matulungan mo kami. Kailangan ka namin ibigay sa taong pinagkakautangan namin,"

"What?" Napatayo si Kiara sa pagkagulat sa sinabi ng ina.

"Tama ang narinig mo, anak. Papayag siyang kalimutan ang naging pagkaka-utang namin sa kanya kung ibibigay ka namin sa kanya,"

"Are you kidding, Ma? No, hindi ako papayag! At hindi ako sasama sa taong sinasabi n'yo! Ma, Pa, ano ba naman kayo? Anak n'yo ako, bakit kailangan pumayag kayo? 'Ni hindi ko nga kilala ang taong sinasabi n'yo!" napataas ang tinig ni Kiara.

"Please, anak, papatayin n'ya kami kapag hindi kami nakabayad sa kanya. Pakiusap, pumayag ka na!" samo ng ina.

"Ma, may paraan pa. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Ako'ng makikiusap sa taong 'yon. Alam ko may mabuting puso s'ya at pagbibigyan pa niya tayo. Pangako, tutulungan ko kayong makaipon ng pangbayad. Huwag n'yo lang ako'ng ibigay sa kanya, please?"

"Pero hindi siya kagaya ng taong inaakala mo. Alam namin na hindi s'ya papayag sa pakiusap mo," Nakayukong  sagot ng ama.

"Ako'ng bahala, Pa. Makikiusap po ako. Sabihin n'yo sa akin kung sino s'ya," 

Nagkatinginan ang mag-asawa. 

"Si Tristan Mondragon, siya ang taong pinagkakautangan namin,"

"Saan ko s'ya pwedeng makita?" 

Lumingon sa kanyang likuran ang ama, "B-Boss,"

"Tapos na ang oras, kailangan n'yo nang lumabas," sabi ni Tristan na nasa likuran.

"Anak, sorry! Patawarin mo sana kami, pero kailangan na namin umalis,"

"No, magkasama tayong aalis dito,"

"Pero hindi pwede anak,"

"Siya ang tinutukoy namin, anak," Sabay tingin ulit ng kanyang ama kay Tristan. "Siya si Tristan Mondragon,"

Napalingon si Kiara sa gawi ni Tristan, habang tila bomba iyon sa kanyang pandinig. 

"Patawad, anak!" At mabilis na iniwan s'ya ng mga ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status