Share

CHAPTER 4

Author: Ms.aries@17
last update Last Updated: 2023-02-11 04:19:08

Hindi makapaniwalang napatitig siya sa mukha nito. Bakas sa mukha ni Kiara ang labis na pagkagulat. Sino ang mag-aakala na sa dinami-rami ng tao sa mundo, sa taong ito pa nagkaroon ng atraso ang mga magulang niya. Sa taong unang kilala pa lamang niya ay puno na ng kayabangan sa katawan. At heto ito ngayon sa harapan niya na nakatayo, habang nakapamulsa at nakangisi na tila ba sinasabing 'ano ka ngayon?'

Napalunok si Kiara at taas noong pumihit paharap rito. Balewala sa kanya ang sinabi ng mga magulang na ibibigay s'ya sa taong ito.

"Sa tingin mo ba maniniwala ako sa mga kalokohan n'yo? Kung ginagawa mo ito, dahil lamang sa mga sinabi ko sa 'yo kahapon, nagkakamali ka. Hindi n'yo ako basta maloloko. Ano'ng ginawa mo sa mga magulang ko para matakot sila sa 'yo? Ginamitan mo rin ba sila ng dahas para gan'on-gan'on na lang na sundin ka nila? Tinakot mo rin sila kagaya ng ginagawa mo sa iba? Pwes, ibahin mo ako sa kanila. Hindi mo ako basta mapapasunod sa kung ano'ng gusto mo. At lalong-lalo na, hindi ako papayag na manatili sa poder mo!" Taasnoong sabi ni Kiara.

Nagkibitbalikat si Tristan, "Okay! It's up to you. Hindi naman kita pinipilit, since ang mga magulang mo lang naman ang kusang nagbigay sa 'yo sa 'kin para pambayad nila. At saka, ano bang espesyal sa 'yo?" Sabay hagod nito ng tingin sa kabuuan niya. "Mukhang wala naman ako'ng mapapala sa 'yo," seryosong sabi nito. 

"Kung gan'on bakit pumayag ka pa sa gusto nila? Pwede mo ako'ng paalisin dito. Pangako na hahanap ako ng ibang paraan para mabayaran ka namin sa naging pagkakautang nila sa 'yo."

"Matagal ko na silang pinagbigyan nang pagkakataon, Ms. Sebastian. Businessman ako at pinangangalagaan ko lang ang capital ko, not to mention my interes. Sa tagal ng panahon na iyon, 'ni kahit sentimo walang maibigay ang mga magulang mo. At hindi ko rin kasalanan kung ikaw man ang gawin nilang pambayad. Actually, hindi ko naman gusto ang idea nila, kaya lang mapilit sila. Ano naman ang mahihita ko sa 'yo? Kaya lang mas mabuti na may pinaghahawakan ako kaysa pagtaguan na naman nila ako. Hindi ba mas maganda naman 'yon?" nakangising sabi nito.

"Alam ko nabigla lang sila, sooner or later, malalaman nila na nagkamali sila. Kukunin din nila ako rito."

"At naniniwala ka pa talaga na gagawin nila 'yon sa 'yo? Tsk .. tsk… poor lady. Hindi mo pala talaga kilala ang mga magulang mo kung gan'on. Ano ba ang alam mo sa kanila, gayung mas pinili mo naman na malayo sa kanila? Alam mo ba kung ano ang buhay nila rito? Ang mga ginagawa nila? Hindi mo ba naisip na kung matino silang magulang, hahayaan ka pa ba nilang ipamigay? Obviously, walang halaga sa kanila ang existence mo," tila nag-aasar na sabi ni Tristan.

"No, I hate you! Hindi ganyan ang mga magulang ko! Malamang na kaya ganyan ang sinasabi mo, siguro ginawa sa 'yo ng mga magulang mo 'yan. Pwes magkaiba tayo, dahil alam ko na  mahal ako ng mga magulang ko!" ngitngit na sagot ni Kiara. 

"Are you sure?"

Naningkit ang mga mata ni Kiara. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin, malamang na kanina pa ito bumulagta sa harapan niya. 

"Anyway, sila na ang bahalang mag-asikaso sa 'yo." Sabay turo sa dalawang ginang na nasa hindi kalayuan at tila naghihintay ng utos. "I'm sure na pagod ka pa at kailangan mo na ng pahinga. Welcome to my house and enjoy staying here," At tumalikod na si Tristan dito.

"No, palabasin mo ako rito! Kailangan ako ng mga magulang ko," matigas na tanggi ni Kiara.

Sandali itong huminto at hindi lumilingon na nagsalita, "Kung gusto mo na makalabas dito, matuto kang sumunod at makinig sa mga sinasabi ko sa 'yo. But one thing, na sinisigurado ko sa 'yo? Masaya na ang mga magulang mo sa oras na ito, kasi alam nila na naisalba mo na sila sa pagkakautang nila. Mas mabuti kung magiging masunurin ka na lamang para hindi ka na masaktan at mapahirapan ang sarili mo."

"Hindi mo ako tauhan o robot na kailangan sumunod sa kahit ano'ng gusto mo! Palabasin mo ako rito!" sigaw ni Kiara rito.

Kuyom ang kamao na muling humarap kay Kiara si Tristan, "Talagang makikipagmatigasan ka pa ba? Well, okay lang naman sa akin 'yon. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mong itagal. Remember, narito ka sa pamamahay ko. At ako ang batas ng lahat ng narito. Ako ang masusunod, whether you like it or not!" At tuluyan na siyang iniwan nito.

"I hate you! Kahit ano'ng gawin mo, hindi mo ako  magiging tau-tauhan kagaya nang iba na kaya mong pasunurin ano mang oras mo gustuhin. Isinusumpa ko, hinding-hindi mo makukuha sa 'kin ang kahit ano'ng gusto mo! I hate you!" Bulyaw ni Kiara na napatayo mula sa kanyang pagkakaupo.

Tila walang narinig na nagpatuloy sa pag-akyat sa kwarto nito si Tristan. 

"Ma'am, mabuti pa po sumunod na lang po kayo sa amin para makapagpahinga na rin po kayo," sabi ng isang maid na lumapit kay Kiara.

"Ihahatid po namin kayo sa magiging silid n'yo," sabi naman ng isa pa. 

"Ayoko, hindi ako aalis dito hangga't hindi pumapayag ang amo mo na palabasin ako sa bahay na 'to!" 

"Pero iyon po ang utos ni sir," pangungumbinsi ng isa.

"Mga wala ba kayong sariling utak para mag-isip? Hindi ako robot at tauhan niya para sumunod! Palabasin n'yo ako rito!" 

"I'm sorry, ma'am. Pero sumusunod lang naman po kami sa utos ng amo namin. Mas mabuting sumunod na lang po kayo, kaysa masaktan pa kayo," 

"Ha, so ayun, eh, 'di parang sinabi n'yo rin na demonyo nga talaga ang amo n'yo!" 

"Naku hindi po, ma'am! Mabait naman po talaga si sir. Baka may hindi lang po kayo napagkaintindihan" sagot kaagad ng isa.

"Kahit ano pang sabihin n'yo, masama talaga ang ugali ng lalaking 'yan! Makikita n'ya oras na makalabas ako rito!" gigil na gigil na sabi muli ni Kiara. 

"Mabuti pa po, ma'am, pumasok na lang po kayo sa magiging silid n'yo,"

"No, I won't, kailangan kong makaalis dito. Gusto ko pang makausap ang mga magulang ko. Please, tulungan n'yo po ako'ng makalabas dito. Masama talaga ang ugali ng amo n'yong 'yan."

"I'm sorry, ma'am. Pero hindi po namin mapagbibigyan ang hiling n'yo. Kami naman po ang mananagot kay sir kapag nagkataon."

"Please po, pakiusap! Sisiguraduhin ko na hindi na niya ako makikita 'pag labas ko rito."

"Sorry po talaga, ma'am. Trabaho po ang kailangan namin. May mga pamilya rin po kaming nangangailangan. Kapag sinuway namin si sir, higit pa sa trabaho ang pwedeng mawala sa amin. Mas mabuting sumunod ka na lang sa mga sinasabi n'ya, kung gusto mong maging maayos ka rito. Mabait naman si sir sa amin. Iyon nga lang, hindi mo talaga gugustuhing magalit s'ya."

"Malaki ang saltik sa ulo ng amo n'yong iyan. Kaya kailangan kong makalabas dito,"

"I'm sorry po, sumunod na lang po kayo sa amin para makapagpahinga na rin po kayo. Gabi na rin po at masyadong malamig dito kung mananatili kayo rito," 

Walang nagawa ang pangungumbinsi ni Kiara sa mga ito. Sa huli, laglag balikat na sumunod siya sa dalawang kasambahay.

'Makikita mo bukas lalaki ka. Hinding-hindi mo ako maikukulong dito, ano'ng akala mo sa 'kin, robot?' piping bulong ni Kiara sa sarili. 

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Alipin ng bilyonaryo    CHAPTER 46

    ANB-46Magaan at maayos ang pakiramdam ni Kiara nang magising kinabukasan. Kahit pa-paano ay nagkaroon siya ng kaunting kapanatagan matapos niyang makumbinsi si Gabby nang nagdaang araw. Hindi siya sigurado kung sinsero nga ito sa mga sinabi ngunit kahit sa kaliit- liitang hibla ay aasa pa rin siya. Alam niya na iyon lang ang magiging susi niya para makalaya sa kung ano mang kinasadlakan niya ngayon. Mas naging malakas ang loob niya para harapin ang mga susunod pang mga araw niya sa liblib na lugar na iyon. Pumasok siya sa banyo at naglinis ng sarili. Pumili siya ng isang t-shirt at panjama sa mga damit na ibinigay sa kanya ni Gabby. Hindi naman siya maarte kaya ayos lang kung gamit na ba o hindi ang mga ito. Pero mukha namang bago lahat dahil may mga etiketa pa lahat. Ipinusod niya ang may kahabaan na niyang buhok bago nagpasyang lumabas sa silid. Maghahanda siya ng sarili niyang pagkain. Hindi rin siya sigurado kung nasa labas ba si Gabby o wala. Pinakiramdaman muna niya ang pal

  • Alipin ng bilyonaryo    CHAPTER 45

    "Huh? What is that?" Naibulalas niya habang inililinga ang tingin sa paligid. Natuon ang pansin niya sa bintanang nasasarahan ng makapal na kurtinang kulay brown. Bahagya siyang lumapit doon upang sumilip. Hinawi niya ang takip nito at nasilayan niya ang bahagyang liwanag na dala ng papalabas na buwan. Pinilit niyang aninagin ang nasa labas at wala naman siyang napansin na kung ano roon. Tanging ang mga sumasayaw na dahon ng puno ang nakikita niya dala ng banayad na ihip ng hangin sa paligid. Sinubukan niyang buksan ang bintana ngunit wala siyang nakitang bukasan nito. Tatalikod na lamang sana siya nang biglang may kung anong lumagapak sa salaming bintana sa harapan niya. "Oh my God!" Nabiglang bulalas niya sabay sapo sa kanyang dibdib at halos napatalon paatras sa sobra niyang gulat. Ilang sandali muna niyang kinalma ang kanyang sarili sa malakas na kabog ng kanyang dibdib, bago marahan siyang lumapit muli sa bintana upang tingnan ang kung anong bagay na iyon. At halos manlak

  • Alipin ng bilyonaryo    CHAPTER 44

    Lihim na napalunok ng kanyang laway si Gabby, bago nakangising hinarap muli ang amo."Mukhang hindi yata maganda ang araw mo ngayon, sir para magsalita ka nang ganyan. Anyway, it's none of my business, kung ano man ang iniisip mo. Ang akin lang, hindi man maganda pero tinatanggap ko naman ang puna mo. Siguro nga mayroon lang akong mga pang personal na problema na hindi ko naman na siguro dapat pang ipaabot sa iyo." Pormal na tugon nito habang isinusuksok ang mga palad sa bulsa ng pantalon nito at bahagyang umiling. "Masakit man mapagdudahan, pero wala naman akong magagawa. It's your opinion," anito sabay buntong hininga."I didn't said anything," pormal na saad ni Tristan. "Yep, you didn't said anything but in your point, there's something in your mind. Kung iniisip mo man na may kinalaman ako about Ms. Sebastian, kinaklaro ko lang na wala akong ibang alam sa kung anong nangyayari. Ginagawa ko lang naman ang trabahong inutos mo sa akin. At iyon ay ang protektahan si Ms. Sebastian. Ng

  • Alipin ng bilyonaryo    CHAPTER 43

    CHP-43 "S'ya ba ang hinahanap mo, iho?" tanong ng matandang babae kay Tristan ng ituro niya ang babaeng pumasok na naka blazer. Hindi man masyadong kita ang mukha ngunit alam niya na sa pigura pa lang nito ay si Kiara nga iyon. "Oho. S'ya nga po," aniya habang hindi nilulubay ang mata sa screen ng monitor. "Pero nakaalis na s'ya may ilang araw na," Napalingon si Tristan sa matanda na may pagtataka. "Totoo. Umalis na s'ya at hindi rin naman niya nasabi kung saan siya pupunta. Mukhang mahina pa nga s'ya kaso nag pumilit pa rin na umalis." saad ng matanda. "Pero dito po nakuha ni manong ang papel na ito?" sabay abot dito ng kapirasong papel na kung saan nakasulat ang address ng kanyang kumpanya. "Ah, ito ba?" Tiningnan ng matandang babae ang papel. "Ang sabi niya kasi, iabot daw namin ito sa iyo kung sakaling kailangan namin ng tulong. Hindi ko naman alam na nagpunta pala sa iyo ang mister ko. Pasensya na kayo. Okay naman na kami rito." nakangiting tugon ng babae, saka bumalin

  • Alipin ng bilyonaryo    CHAPTER 42

    ANB-42TRISTAN"Get all these things in here!" Inis at halos pabulyaw na utos ni Tristan pagpasok pa lamang niya sa loob ng kanyang opisina.Halos ilang araw na rin siyang hindi pinapatulog sa sobrang pag iisip at pag aalala. Hindi pa ito nangyari sa kanya kaya talagang aburido siya. At ang isa sa ikina- iinis niya ay ang dahilan nito, si Kiara. Magmula nang tumakas ito sa hospital ay hindi na rin siya natahimik sa pag iisip kung nasaan na ito. Kung maayos at ligtas ba ito sa ngayon. Ewan ba kung bakit masyado naman yata siya ngayong concern sa babae, gayong para rito isa siyang kasuklam suklam na tao. Pabagsak na naupo siya sa harapan ng kanyang working table at napayukong sapo ng mga palad ang mukha. Habang nakatukod ang magkabilang siko sa mesa. Natatarantang napapasok tuloy sa loob ang kanyang assistant. "S-Sir!" Lumapit ito sa mesa at mabilis na sininop ang mga folder na kalalapag lang nito kaninang umaga. "May iba pa po ba kayong kailangan-"Isinenyas ni Tristan ang palad pa

  • Alipin ng bilyonaryo    CHAPTER 41

    ANB-41Nang maramdaman ni Kiara na umalis na ang kotse, mabilis siyang nagtungo sa bintana upang silipin ito. Nang masigurong malayo na ito ay mabilis na tinakbo niya ang harapang pintuan para buksan. Ngunit gan'on na lang ang pagka- dismaya niya nang hindi niya ito mabuksan. "Shit! He locked it outside." Nasapo niya ang kanyang ulo sa sobrang inis at desperasyon na makaalis sa lugar na iyon. Kaagad na tiningnan pa niya ang palibot ng bahay sa pag-ba-baka sakali na may makita siyang maaring daanan palabas. Ngunit sa malas ay close lahat ng bintana at pinto ng bahay. Nakaramdam na ng pagod si Kiara sa kaka-ikot lahat sa paligid ng bahay kaya napasalampak siya ng upo sa sopa. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at ini- relax ang isip para makapag isip ng maayos. Tinungo niya ang kusina at naghanap nang kahit na anong bagay na maaring makatulong sa kanya para makalabas doon. May nakita naman siyang lubid sa ilalim ng lababo. Mabilis na umakyat siya sa ikalawang palapag at sinubukang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status