Share

CHP-45

Author: Ms.aries@17
last update Huling Na-update: 2025-05-29 21:16:10

"Huh? What is that?" Naibulalas niya habang inililinga ang tingin sa paligid. Natuon ang pansin niya sa bintanang nasasarahan ng makapal na kurtinang kulay brown.

Bahagya siyang lumapit doon upang sumilip. Hinawi niya ang takip nito at nasilayan niya ang bahagyang liwanag na dala ng papalabas na buwan. Pinilit niyang aninagin ang nasa labas at wala naman siyang napansin na kung ano roon. Tanging ang mga sumasayaw na dahon ng puno ang nakikita niya dala ng banayad na ihip ng hangin sa paligid.

Sinubukan niyang buksan ang bintana ngunit wala siyang nakitang bukasan nito. Tatalikod na lamang sana siya nang biglang may kung anong lumagapak sa salaming bintana sa harapan niya.

"Oh my God!" Nabiglang bulalas niya sabay sapo sa kanyang dibdib at halos napatalon paatras sa sobra niyang gulat. Ilang sandali muna niyang kinalma ang kanyang sarili sa malakas na kabog ng kanyang dibdib, bago marahan siyang lumapit muli sa bintana upang tingnan ang kung anong bagay na iyon. At halos manlaki ang
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Alipin ng bilyonaryo    CHAPTER 46

    ANB-46Magaan at maayos ang pakiramdam ni Kiara nang magising kinabukasan. Kahit pa-paano ay nagkaroon siya ng kaunting kapanatagan matapos niyang makumbinsi si Gabby nang nagdaang araw. Hindi siya sigurado kung sinsero nga ito sa mga sinabi ngunit kahit sa kaliit- liitang hibla ay aasa pa rin siya. Alam niya na iyon lang ang magiging susi niya para makalaya sa kung ano mang kinasadlakan niya ngayon. Mas naging malakas ang loob niya para harapin ang mga susunod pang mga araw niya sa liblib na lugar na iyon. Pumasok siya sa banyo at naglinis ng sarili. Pumili siya ng isang t-shirt at panjama sa mga damit na ibinigay sa kanya ni Gabby. Hindi naman siya maarte kaya ayos lang kung gamit na ba o hindi ang mga ito. Pero mukha namang bago lahat dahil may mga etiketa pa lahat. Ipinusod niya ang may kahabaan na niyang buhok bago nagpasyang lumabas sa silid. Maghahanda siya ng sarili niyang pagkain. Hindi rin siya sigurado kung nasa labas ba si Gabby o wala. Pinakiramdaman muna niya ang pal

  • Alipin ng bilyonaryo    CHP-45

    "Huh? What is that?" Naibulalas niya habang inililinga ang tingin sa paligid. Natuon ang pansin niya sa bintanang nasasarahan ng makapal na kurtinang kulay brown. Bahagya siyang lumapit doon upang sumilip. Hinawi niya ang takip nito at nasilayan niya ang bahagyang liwanag na dala ng papalabas na buwan. Pinilit niyang aninagin ang nasa labas at wala naman siyang napansin na kung ano roon. Tanging ang mga sumasayaw na dahon ng puno ang nakikita niya dala ng banayad na ihip ng hangin sa paligid. Sinubukan niyang buksan ang bintana ngunit wala siyang nakitang bukasan nito. Tatalikod na lamang sana siya nang biglang may kung anong lumagapak sa salaming bintana sa harapan niya. "Oh my God!" Nabiglang bulalas niya sabay sapo sa kanyang dibdib at halos napatalon paatras sa sobra niyang gulat. Ilang sandali muna niyang kinalma ang kanyang sarili sa malakas na kabog ng kanyang dibdib, bago marahan siyang lumapit muli sa bintana upang tingnan ang kung anong bagay na iyon. At halos manlaki ang

  • Alipin ng bilyonaryo    CHAPTER 44

    Lihim na napalunok ng kanyang laway si Gabby, bago nakangising hinarap muli ang amo."Mukhang hindi yata maganda ang araw mo ngayon, sir para magsalita ka nang ganyan. Anyway, it's none of my business, kung ano man ang iniisip mo. Ang akin lang, hindi man maganda pero tinatanggap ko naman ang puna mo. Siguro nga mayroon lang akong mga pang personal na problema na hindi ko naman na siguro dapat pang ipaabot sa iyo." Pormal na tugon nito habang isinusuksok ang mga palad sa bulsa ng pantalon nito at bahagyang umiling. "Masakit man mapagdudahan, pero wala naman akong magagawa. It's your opinion," anito sabay buntong hininga."I didn't said anything," pormal na saad ni Tristan. "Yep, you didn't said anything but in your point, there's something in your mind. Kung iniisip mo man na may kinalaman ako about Ms. Sebastian, kinaklaro ko lang na wala akong ibang alam sa kung anong nangyayari. Ginagawa ko lang naman ang trabahong inutos mo sa akin. At iyon ay ang protektahan si Ms. Sebastian. Ng

  • Alipin ng bilyonaryo    CHAPTER 43

    CHP-43 "S'ya ba ang hinahanap mo, iho?" tanong ng matandang babae kay Tristan ng ituro niya ang babaeng pumasok na naka blazer. Hindi man masyadong kita ang mukha ngunit alam niya na sa pigura pa lang nito ay si Kiara nga iyon. "Oho. S'ya nga po," aniya habang hindi nilulubay ang mata sa screen ng monitor. "Pero nakaalis na s'ya may ilang araw na," Napalingon si Tristan sa matanda na may pagtataka. "Totoo. Umalis na s'ya at hindi rin naman niya nasabi kung saan siya pupunta. Mukhang mahina pa nga s'ya kaso nag pumilit pa rin na umalis." saad ng matanda. "Pero dito po nakuha ni manong ang papel na ito?" sabay abot dito ng kapirasong papel na kung saan nakasulat ang address ng kanyang kumpanya. "Ah, ito ba?" Tiningnan ng matandang babae ang papel. "Ang sabi niya kasi, iabot daw namin ito sa iyo kung sakaling kailangan namin ng tulong. Hindi ko naman alam na nagpunta pala sa iyo ang mister ko. Pasensya na kayo. Okay naman na kami rito." nakangiting tugon ng babae, saka bumalin

  • Alipin ng bilyonaryo    CHAPTER 42

    ANB-42TRISTAN"Get all these things in here!" Inis at halos pabulyaw na utos ni Tristan pagpasok pa lamang niya sa loob ng kanyang opisina.Halos ilang araw na rin siyang hindi pinapatulog sa sobrang pag iisip at pag aalala. Hindi pa ito nangyari sa kanya kaya talagang aburido siya. At ang isa sa ikina- iinis niya ay ang dahilan nito, si Kiara. Magmula nang tumakas ito sa hospital ay hindi na rin siya natahimik sa pag iisip kung nasaan na ito. Kung maayos at ligtas ba ito sa ngayon. Ewan ba kung bakit masyado naman yata siya ngayong concern sa babae, gayong para rito isa siyang kasuklam suklam na tao. Pabagsak na naupo siya sa harapan ng kanyang working table at napayukong sapo ng mga palad ang mukha. Habang nakatukod ang magkabilang siko sa mesa. Natatarantang napapasok tuloy sa loob ang kanyang assistant. "S-Sir!" Lumapit ito sa mesa at mabilis na sininop ang mga folder na kalalapag lang nito kaninang umaga. "May iba pa po ba kayong kailangan-"Isinenyas ni Tristan ang palad pa

  • Alipin ng bilyonaryo    CHAPTER 41

    ANB-41Nang maramdaman ni Kiara na umalis na ang kotse, mabilis siyang nagtungo sa bintana upang silipin ito. Nang masigurong malayo na ito ay mabilis na tinakbo niya ang harapang pintuan para buksan. Ngunit gan'on na lang ang pagka- dismaya niya nang hindi niya ito mabuksan. "Shit! He locked it outside." Nasapo niya ang kanyang ulo sa sobrang inis at desperasyon na makaalis sa lugar na iyon. Kaagad na tiningnan pa niya ang palibot ng bahay sa pag-ba-baka sakali na may makita siyang maaring daanan palabas. Ngunit sa malas ay close lahat ng bintana at pinto ng bahay. Nakaramdam na ng pagod si Kiara sa kaka-ikot lahat sa paligid ng bahay kaya napasalampak siya ng upo sa sopa. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at ini- relax ang isip para makapag isip ng maayos. Tinungo niya ang kusina at naghanap nang kahit na anong bagay na maaring makatulong sa kanya para makalabas doon. May nakita naman siyang lubid sa ilalim ng lababo. Mabilis na umakyat siya sa ikalawang palapag at sinubukang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status