Share

Kabanata 2

Presko. Literally and figuratively. 

Amoy na amoy ang luxury perfume ni Marion nang magkatabi sila ni Selene sa backseat ng Audi nito. White Lily, Mandarin na may halong Sandalwood ang amoy nito—malakas makahatak ng mga babae ang mga ganitong pabango, pang-romantiko. 

Hindi na kumibo ang dalaga nang pagbuksan s’ya ng pintuan ng kotse ng lalaki. Kung tutuusin, bare minimum lang naman ang effort na ‘yon at hindi na dapat gawing big deal. Siguro naman e may pagka-gentleman din itong si Marion, ‘di ba?

Palihim na nilingon ni Selene ang binata. Tahimik pa rin ito habang inaayos ang seatbelt niya. 

Mula nang maglakad sila nito palabas ng opisina ay hindi man lang ata n’ya narinig ang lalaki na magsalita, ni hindi rin n’ya nakitang ngumiti ito. Napaka-stoic ng facial expression niya, dinaig pa si Arnold Schwarzenegger nang gumanap ito bilang The Terminator.

“The usual,” usal ni Marion nang makaupo na ito ng maayos sa backseat. Sinenyasan niya ang driver at maya-maya pa’y nagsimula nang umandar ang sasakyan. “Actually, do you mind?”

Tinaasan ng kilay ni Selene ang tanong na iyon. Anong malay niya sa “the usual” na tinutukoy ng binata? Sa’n ba sila pupunta at bakit wala man lang s’yang kaalam-alam? The audacity na bigla s’yang i-involve sa plano nito nang ‘di man siya sabihan beforehand!

“Ganito ba trip mo?” 

“Excuse me?” tila gulat na tanong ng lalaki sa kanya kasabay ng pagkunot ng noo nito. 

“Ni hindi nga ata kita narinig na nagsalita do’n sa loob, tapos magtatanong ka sa’kin if I do mind kung saan ka pupunta?” ganti naman niya habang pinandidilatan ng mata ang kausap. “Ibang klase ka rin pala ‘no?”

Bakas sa mukha ni Marion ang pagkagulat at inis sa narinig. One moment, walang antipatikang Selene Garcia ang nakaupo sa backseat ng sasakyan niya. The next thing he knew, narito na s’ya sa ganitong sitwasyon at nakikipagdebate sa babaeng unang beses pa lang niyang makakatrabaho. 

“Iniisip mong kikidnapin kita, ‘no?” sarkastikong tanong ng binata sa kanya. “Excuse me lang ano, wala akong balak gawin ‘yon dahil imbes na sayangin oras ‘ko, mas gusto ko pang matulog na lang—”

Ramdam ni Selene ang pagtitig ni Marion sa kanya mula ulo hanggang paa na tila sinusuri ang bawat galaw n’ya. 

“—pero kung iniisip mo ring gugustuhin ‘kong katabi ka, d’yan ka nagkakamali.”

“Salamat na lang siguro,” isang pilit at tila nang-aasar na sagot naman ng dalaga. “Pero wala rin naman akong interes at baka bangungutin pa ‘ko.”

Sinamaan s’ya ng tingin ni Marion, ngunit hindi na ito nagsalita pa. Marahil ay napagtanto nito na wala ring mangyayari kung makikipagsagutan pa ang lalaki. Ang pangit din naman siguro kung uubusin nila ang oras na magkasamang nagbabangayan. She knows better, at marahil ay ganon din naman ang nasa isip ni Marion.

“That is something we should work on, don’t you think?” seryosong tanong ng binata. 

Hindi pwedeng magkamali si Selene, alam n’ya ang tinutukoy ng binata. Sa kabilang banda, naisip n’yang may punto si Marion at dapat nga nilang magkasundo somehow para magampanan ng maayos ang napagkasunduang kontrata. Parehas silang pumayag dito, kaya naman ay kapwa rin silang responsable sa kung ano ang kahahantungan ng arranged marriage na ito. 

Lihim s’yang napangiwi nang sumagi sa isipan n’ya ang salitang arranged marriage. Hindi n’ya lubos maisip na isang iglap ay magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Pero gagawin n’ya ito para sa sarili, gagawin n’ya ito para isalba ang kanyang career. ‘Yon ang mahalaga sa kanya. 

“So why me?” tanong ng dalaga. 

“Wala ka na bang isang maisip kung hindi ang magtanong nang magtanong?” ismid na sagot naman ni Marion. Napaka-antipatiko!

“Well, I’m sorry kasi unang beses ‘kong pumasok sa ganitong sitwasyon. Siguro naman e karapatan ‘ko ring malaman kung anong tumatakbo sa isip mo, ‘di ba?” 

Sumandal si Marion sa kinauupuan nila at napansin ni Selene ang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha nito. Sandali ring natahimik ang loob ng sasakyan at walang ibang maririnig kundi ang mahinang tugtog na nagmumula sa driver’s seat at ang pagsipol ng driver nito. 

Pinagmasdan n’ya ang lalaki. 

“I actually don’t know,” kibit-balikat na tugon nito. “Ang sabi, magandang opportunity na piliin ka dahil magkakatrabaho tayo sa isang palabas, para ‘di na raw ako mahirapang mag-adjust sa chemistry natin. And maybe to save your dying career—”

Tila isang sampal ‘yon para kay Selene. Is her career really dying? Gano’n ba talaga kabilis palitan ang kagaya n’ya? Isa’t kalahating taon lang naman s’yang nawala, after all, deserve rin naman niya ang magpahinga matapos ang ilang taong pagtatrabaho. 

Ganito rin ang ibig ipakahulugan ni Chris no’ng mag-usap sila sa opisina. Dapat n’yang pakasalan si Marion para maisalba ang career dahil nalalaos na ito. Unti-unti nang nawawala ang ningning ng kanyang pangalan at anumang oras ay makakalimutan na rin s’ya ng publiko. 

 “—which is, by the way, quite true. Marami akong narinig tungkol sa’yo, Selene. Most of them are good, but the one and a half-year hiatus over a petty reason ain’t it.”

“Petty reason? You call my personal problem a petty reason?” nanlilisik ang mga mata ni Selene nang muli niyang tingnan sa mata ang lalaki. “I don’t know, siguro bago ka kumuda sa problema ng iba, bakit ‘di mo na lang protektahan ang private videos mo para ‘di ka pagpiyestahan ng media?” 

Natigilan si Marion. His piercing brown eyes met hers, tila nagpapaalala kung sino ang may kontrol sa kanilang dalawa. Malas lang n’ya, dahil wala sa mukha ng dalaga ang magpadala sa paninindak niyang iyon. Mas nagiging mabigat pa ang tensyon sa loob ng sasakyan. 

“Feisty, aren’t you?” bakas sa tinig ni Marion ang inis. “Tingnan mo nga naman, I like my woman feisty, Selene, pero hindi ‘ko gusto ang tabas ng dila mo.”

Sarkastiko ang tawang iginanti ni Selene. “Good for you. Mula ngayon, sasadyain 'ko na ‘to kapag ikaw ang kausap ‘ko. Lalo na ngayon, nalaman ‘ko na kung gaano ka ka-insensitive, Marion.”

“I’m not insensitive. ‘Di ka lang talaga sanay makarinig ng katotohanan.”

Itinikom ni Selene ang magkabilang kamay sa narinig, pilit na nagtitimpi at pinipigilan ang sariling ‘wag makagawa ng mga bagay na ikasisira ng imahe n’ya. No’ng pirmahan niya ang kontratang iyon, inaasahan na niyang hindi magiging maganda ang impresyon niya sa lalaki—ngunit hindi niya inasahang ganito pala ang sukdulan ang pagiging arogante nito. 

“Iba ang katotohanan sa pagiging bastos, Marion. Kung ‘di mo pa naranasan pumasok sa isang seryosong relasyon, marahil e ‘di mo pa nga naiintindihan ang nararamdaman ‘ko.” 

Hindi na nakaimik ang binata. Blessing in disguise na rin siguro kung maituturing ang biglang paghinto ng sasakyan sa isang sikat sa restaurant sa siyudad, kasabay ang pagpapaalala ng driver na narating na nila ang lugar. 

Tahimik na inalis ni Marion ang seatbelt bago ito lumabas ng sasakyan. Inaasahan na ni Selene na iiwan s’ya nito matapos ang naging sagutan nila ng lalaki, ngunit taliwas ito sa nangyari. Nagawa pa rin niyang pagbuksan ng pinto at akayin ang dalaga papasok ng nasabing restaurant. 

Alam ni Selene na may iilang customer sa loob ang nakapansin sa kanila ni Marion. Pa’no ba naman, naramdaman n’ya ang biglang paghigpit ng hawak nito sa kanyang kamay, senyales na kailangan niyang sakyan ang sitwasyon. Lalo naman siyang dumikit sa binata. 

Let the people talk, ito ang palaging sinasabi ng kanyang publicist sa tuwing haharap s’ya sa publiko. Sabagay, malinis ang record ni Selene sa media—no dating and cheating rumors, walang kung anong rivalry between her past colleagues—kaya kung makita man siyang ka-holding hands ang isang aktor habang papasok sa isang pampublikong lugar, isa lang ang ibig sabihin no’n.

“So dito mo pala dinedate ‘yung girlfriend mo?” tanong ng dalaga nang makaupo na sila sa secluded area ng restaurant. 

Maganda naman ang interior nito. Minimalist ang theme at mas pinaganda pa ng mga halaman ang buong lugar. Naging classy naman ang vibe ng restaurant dahil sa jazz/blues music na pinatutugtog sa loob. Mukhang may taste ang binata sa mga lugar na pinupuntahan nito. 

“Girlfriend? Wala akong gano’n. You mean Naya?” napatawa si Marion. “‘Di ‘ko s’ya girlfriend. Let’s just say that we have a special connection. And no, ‘di ‘ko s’ya dinadala rito.”

“So sinong dinadala mo rito?”

“Titigil ka ba sa katatanong kung sasabihin ‘kong ikaw ang unang sinama ‘ko sa lugar na ‘to?”

Hindi umimik si Selene. 

“Good, natahimik ka rin. Pero kung tapos ka nang magulat, pwede bang isara mo na ‘yang bibig mo at baka pasukan pa ‘yan ng langaw?”

Malalim na napabuntong-hininga ang dalaga at lumingon pa sa paligid upang tingnan kung may nakakita sa ginawa n’yang iyon. 

“Nagulat ka siguro ‘no? Don’t worry, masasanay ka rin sa’kin. After all, you’re meant to be the future Mrs. Marion Altamirano.

Kung hindi pa kumakabog kanina ang puso n’ya sa kaba, marahil ngayon ay gusto na nitong tumalon. On top of it, hindi rin nakakatulong ang matamis na ngiting ibinibigay ni Marion sa kanya no’ng mga oras na ‘yon.  

Mrs. Marion Altamirano. Wala nang ibang aangkin no’n kundi siya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status