Share

Chapter 2

Author: Code01417
last update Huling Na-update: 2021-03-31 05:14:49

"Baa baa black sheep, have you any wool? Yes sir, yes sir, three bags full." Tuwang-tuwa ang mga bata na sumasabay sa nursery rhyme na halos apat na beses kung ituro ni Ruth sa kanila sa loob ng isang linggo.

"Ma'am Ruth, nagugutom na po ako, tama na po 'yan." Hila ni Hannah sa skirt na suot niya. Napangiti siya sa bulol na tono ng bata, namumula ang pisngi at nakatulis na mga labi.

"Hannah, kakatapos lang ng break time," sabi niya. "Balik na sa upuan." Binuhat niya ito pabalik sa puwesto niya.

"O isa pa ulit," sambit niya sa mga bata kaya nagumpisa na naman ulit silang kumanta, kahit umay na umay na siya ay hindi siya nakakaramdam ng pagod. Ang liliit nila, ang kukulit at napakabibo. Hindi lubos maisip ni Ruth na pipiliin niya ang ganitong propesyon.

Pagdating niya sa faculty matapos ma-dismissed ang klase ay napabagsak siya sa swivel chair, napasandal sa pagod.

"Ang mga bwisit na grade four na iyan, nagsisipag-akyatan na naman sa bakod para magsitakas!" galit na galit na sabi ni Mrs. Rodriguez. Fifty-eight years old na rin si Mrs. Rodriguez, nakasalamin at puti na ang kulot nitong buhok.

"Kalma lang po kayo, ganiyan talaga ang mga bata," payo ni Ruth dito na bahagyang natatawa.

"Hay naku Ruth hija, araw-araw ba namang hawakan ang ganiyan katitigas na ulong mga bata tiyak na mamumuti pa ang buhok mo kaysa sa'kin," iiling-iling na sagot nito saka humarap sa lamesa niya at nag-check ng mga test papers.

Napangiti na lamang ang dalaga saka humarap na rin sa table niya. The same Garfield after seven years, nakabusangot pa rin ang staff toy na ito sa lamesa niya.

"Ruth, magandang balita!" Napalingon siya sa malakas na boses na bumungad mula sa pinto ng faculty.

"Congrats Tina hija, narinig ko na rin ang balita!" Napalingon si Mrs. Rodriguez sa kanya.

"Thank you ma'am!" sagot niya na malawak na malawak ang ngiti, habang hindi magkandaugaga na makarating kay Ruth. Naupo siya sa table niya katabi ng dalaga.

"Finally!" hiyaw nito na napapasalikop ang dalawa nitong palad. Napangiti si Ruth, mukang good news nga dahil sa kilos nito. "Nalipat na ako sa isang sikat na university sa Maynila, doon na ako magtuturo!"

Nanlaki ang mga mata ni Ruth. "Talaga?!" Tumango ito kaya pareho silang tuwang-tuwa na napayakap sa isa't isa. "Makakaalis na rin ako sa lugar na ito," bulong niya na tila nakahinga ng maluwag.

Pinagmasdan siya ni Ruth, naalala niya ang sarili mula rito. Kung gaano niya kagustong umalis at lumayo sa lugar na ito noon, napangiti na lamang ang dalaga. Sandaling napawi ang tuwa ni Tina ng mapaisip. "Kaya lang, magkakalayo na tayo. Ikaw naman kasi ilang beses ka na inalok na magtrabaho sa Maynila hindi mo naman tinatanggap," aniya.

Inilapag niya ang libro sa table niya, maski iyon ay nakalimutan niyang nasa kandungan niya pa dahil sa tuwang naramdaman kanina. Kumuha si Tina ng mug at nagtimpla ng instant coffee. Hindi siya sinagot ni Ruth, muli niyang binalingan ang stuff toy sa table niya. Dapat siguro ay labhan niya na rin ito, isang linggo niya na itong yakap-yakap sa higaan at dala-dala dito sa school ng walang laba-laba.

"Dahil pa rin ba sa kanya?"

Napatigil si Ruth. "Ilang taon na rin, Ruth." Napayuko siya dahil sa pagpapaalala ni Tina. Tama siya, ilang taon na nga rin.

"Kung hindi pa rin siya nagpapakita edi ikaw na ang magpakita sa kanya." Tina sips her coffee. Napaaray pa ito ng mahinang mapaso dahil sa init ng kape.

"Tina," tawag ni Ruth dito. Napabaling si Tina sa kanya, hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Ilang segundo pa ang lumipas bago nakuhang muling magsalita ni Ruth.

"May klase ka pa, hindi ba?" pagpapaalala niya rito kaya naman nataranta si Tina. "Why the hell I even take a coffee break?" bulong nito habang isa-isang pinupulot ang mga gamit sa susunod niyang klase.

Mas kabisado pa ni Ruth ang schedule ni Tina dahil sobrang makakalimutin ito. "I'll see you later sa bahay," paalam nito saka nagmamadaling lumabas ng faculty.

Napapailing na lang si Ruth ng bumalik pa si Tina ng mamalayang magkaibang pares ng sapatos pala ang naisuot nito. Nagpaalam na rin kalaunan si Mrs. Rodriguez. Naiwan siyang muli na magisa. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Ilang taon na nga at na saan na ba ito?

Alas-otso ng gabi, animo'y binibilang niya ang mga sasakyan na dumaraan sa tulay. Napayakap siya sa sarili nang humampas ang malamig na hangin.

Isinara na ng mga pulis ang isang bahagi ng tulay at ang isang linya na lamang ang nadaraanan ng mga tao, maraming nakikiusyoso para kuhanan ng litrato ang nangyaring aksidente.

"Kawawa naman yung lalaki sa kotse."

"Mabubuhay pa kaya 'yong babae?"

"Grabe, nawalan daw ng preno yung truck."

Naisakay na si Ruth sa ambulansya, napakaraming sugat at galos ang natamo nito. Samantalang sa loob ng ilang oras ay tagumpay ring nailabas ang lalaking sakay ng tumilapong sasakyan. Hinihingian ng pahayag ang driver at pahinante ng truck na nakabangga, nakaposas ang mga kamay nila at paulit-ulit na humihingi ng tawad.

Pinagmasdan ni Ruth ang tahimik na kalangitan, nilamon na ng dilim ang buong paligid. Nakabukas na ang mga ilaw ng tulay, maging ang mga ilaw ng mga kabahayan na tanaw mula sa kinatatayuan niya.

'Kung hindi pa rin siya nagpapakita edi ikaw na ang magpakita sa kanya'

Hindi pa rin nalilimutan ni Ruth ang itsura niya at ang mga pangako niya. Alam niyang darating din siya sa lugar na ito ulit upang tuparin ang pangako nitong babalikan siya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • All The Things We Lost   Chapter 34

    Pagdating nila sa convenience store ay sumalubong kaagad ang kapalitan ni Ruth."Mauuna na ko Ruth, tapusin mo nalang ang pagsasalansan ng mga cigarettes, kaunti na lang naman," paalam nito sa kanya. Tumango naman ang dalaga bilang tugon, pumasok na siya sa counter saka inumpisahang tapusin ang mga naiwang gawain sa kanya.Nagdilim ang paligid, kalauna'y bumuhos ang ulan. Dahil doon ay nagpuputik ang sahig sa tuwing may papasok na customers. Matrabaho ang pag-mop ng sahig subalit wala naman siyang magagawa.Matapos niyang masuklian ang isang customer ay agad na nakuha ng atensyon niya ang mga pumasok ng store. Ni hindi nila nakuhang magpunas ng sapatos bagamat may basahan sa tapat ng pinto.Sina Levie at Harriet, ihinagis ang mga bag na dala sa upuan. Ang mga payong na dala nila ay hindi rin nila nakuhang ilagay ng maayos sa lagayan, basang-basa iy

  • All The Things We Lost   Chapter 33

    Walang kahit na sino sa mga guro ang umawat sa mga estudyante kung hindi ang mga malalapit lamang sa punong-guro. Ilang beses na sermon at pakiusapan ang nangyari bago napabalik sa classroom ang mga ito.Tinapos parin ni Mrs. Perez ang oras ng klase hanggang sa mag-uwian, inayos ni Ruth ang mga gamit niya sa lamesa, ito na nga ba talaga ang huling araw niya na papasok ng eskwelahan?Bago tuluyang lumabas sina Levie at Harriet ay iniwan siya ng nakakaasar na ngiti ng mga ito, sinasabi ng mga ngiting iyon na sila ang nanalo. Pinasya niyang hindi na sila pansinin pa, isinukbit niya ang bag sa likuran saka pinagmasdan ang mga libro na hawak.Tahimik siyang pinagmamasdan ni Reese, maging nina Jake at Tina. Ramdam niya naman iyon subalit hindi na lamang niya pinansin.Ang lahat ng nasa classroom ay sinundan siya ng tingin hanggang

  • All The Things We Lost   Chapter 32

    Napabuntong-hininga si Ruth habang pinagmamasdan sina Tina at Jake na mag-abot ng papel sa mga napapadaang estudyante sa quadrangle. Hawak niya lamang ang mga papel at hindi niya alam kung dapat pa bang ipamigay ang mga iyon.Lumapit sa kanya si Tina, "paubos na iyong akin, lahat nang abutan ko tinatanggap iyong papel," masayang balita nito sa kanya. Ngumiti na lamang siya bilang tugon."May problema ba?" tanong ni Tina sa kanya.Nag-iisip siya kung dapat niya bang sabihin ang nasa isip niya ngayon, ayaw niya namang putulin ang pag-asa na natitira sa kapatid."Huwag na nating subukan," sabi niya rito saka umiling. "Magsasayang lang kayo ng pagod, tama ka, kahit na anong gawin natin hindi nila tayo pakikinggan."Alam din naman ni Tina na may punto ang ang sinabi niy

  • All The Things We Lost   Chapter 31

    Tinatahak ni Ruth ang daan pauwi noon, malakas ang ulan subalit hindi niya iyon alintana. Ang mga tao ay kanya-kanyang silong sa mga saradong tindahan at naghihintay ng pagtila ng ulan. Ang ilan sa mga batang nakasilip sa bintana ng mga bahay nila ay sinusundan siya ng tingin, naiinggit sa kanya na isiping naliligo siya sa ulan.Nagpapasalamat si Ruth sapagkat walang nakakakita ng mga luha niya ngayon, naghahalong galit at awa sa sarili ang narararamdam niya. Palaging ipinamumuka sa kanya na wala siyang lugar para mangarap sapagkat mahirap lang siya.Napakabigat noon sa dibdib, napakasakit sa puso at literal sapagkat napahawak siya sa dibdib nang manikip iyon. Bago pa man siya magpatuloy sa paglalakad ay huminto ang isang pulang sasakyan malapit sa kanya, napahinto siya at napabaling doon.Bumaba ang salamin ng sasakyan, sumilip mula sa loob noon si Mrs. Perez.

  • All The Things We Lost   Chapter 30

    Sa loob ng opisina ng principal, naroon sina Ruth at Tina at ang ilan sa mga head teachers."Seventy eight," bilang ni Ruth, napapikit siya ng tumama ang stick sa palad niya sa ika pitumpu't walong beses. Kanina pa hindi matigil sa pag-iyak si Tina habang pinagmamasdan ang namumula at nagsusugat na palad ni Ruth."Ano bang mahirap sa paghingi ng tawad?" tanong ng guro saka inihataw sa palad niya ang patpat.Napakagat siya sa labi sabay bumilang, "seventy nine."Matapos siyang kausapin sa couceling, kung counseling nga bang maituturing kung walang ibang ipinayo ang guidance counselor kundi ang hikayatin si Ruth na humingi na lamang ng tawad kay Deserie. Tumanggi siya, hindi siya hihingi ng tawad para sa nagawa niya.Kaya naman ngayon ay ito ang sinapit niya, kapalit ng pagmamatigas. Hindi

  • All The Things We Lost   Chapter 29

    "I will turn you into a good person."Nagkakagulo ang lahat, subalit naroon siya, walang lakas na pinagmamasdan ang mga ito. Namanhid na ang mga sugat at mga kalmot niya sa katawa. Mapait siyang natawa, dahil doon ay mas lalong lumayo ang mga estudyanteng nakakakita sa kanya habang sinasabihan siyang nababaliw.Walang kahit isa sa kanila ang nagtanong at umusisa kung ayos lang ba siya, ang lahat ng simpatya ay sa taong naargabyado lamang ng oras na iyon at hindi ng kung sino ang totoong biktima.Hindi siya nagsisisi, kaya niyang gawin ang mas higit pa roon para kay Tina.Alam niyang malulungkot si Austin na makita siyang ganito, subalit nais din niyang makita ni Austin na ito ang dahilan kung bakit iniisip niyang hindi dapat mahalin ang mga katulad nila. Iniwan si Deserie ng mga kaibigan niya dahil sa takot na madamay, iniwan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status