"Hi babe," bati ni Erica sa kasintahan at akmang hahalik dito. Inilayo ng binata ang mukha niya, busy siya sa pagtitipa sa laptop. Ngumiti na lamang si Erica na tila hindi ito nangyari, wala naman ng bago sa ugali ng binata. Naupo siya sa couch.
"Why are you here? I'm busy," he said with his cold tone. Simula nang gumising ito sa coma, hindi na tulad ng dati kung pakitunguhan siya ng binata, at sa loob ng seven years ay nasanay na rin siya.
"Mag dinner tayo mamaya," sabi nito.
"I told you I'm busy."
"How about tomorrow?" Hindi siya sumuko mapapayag lang ang binata. Subalit tulad ng inaasahan ay hindi siya nagtagumpay. "I have a meeting with Mr. Will tomorrow."
"Then the day after tomorrow," kibit balikat niya. Napasintido ang binata at saglit na tinapunan ng tingin ang kasintahan. "I'm busy Erica, I'm always busy. I have my priorities, so please give me some peace, umalis ka na." Matapos ay muling itinuon ang pansin sa tinitipa.
Kahit pa tila malaking maso ang mga salitang iyon na dumurog sa pride ng dalaga ay hindi pa rin nito pinakita kay Liam. Hindi niya gustong makita nito na tagumpay itong saktan ang damdamin niya. Nilabas niya ang maliit na kahon mula sa dalang bag. Nilapag niya ito sa center table kaharap ng inuupuan niya. Lumikha iyon ng ingay kaya naman wala sa loob na napalingon ang binata.
"Isuot mo ang engagement ring natin nang malaman ng tao na akin ka." Tumayo siya at naglakad patungo sa harap ng desk ng binata.
"Can't you see? I love you pero huwag mo naman sana 'kong saktan ng ganito, I'll see you tomorrow." Umalis na ito at hindi na naghintay pa ng sagot.
Napasandal sa swivel chair niya ang binata matapos ang ilang minuto. Matagal na nakatuon ang mga mata niya sa chandelier ng opisina.
Bumuhos ang ulan kung kaya't naagaw ang atensyon niya ng tanawin sa labas ng opisina. Hindi pa rin niya alam kung bakit nananakit ang puso niya sa tuwing uulan, lahat ng aspeto ng buhay niya ay nagbago mula nang magising siya sa pagkaka-comatose. Alam niyang hindi perpekto ang buhay niya bago ang aksidente pero nang magising siya para bang laging may kulang sa kanya simula noon.
Napasintido siya, tila binibiyak ang ulo niya sa sakit, napamura ng tila may puputok na ugat mula sa loob ng ulo niya.
"Sino ba... ang babaeng 'yon?"
Unti-unting nagmulat ng mata ang binata nang makarinig ng pamilyar na boses.
"Liam," tawag nito.
Sinikap niyang ipilig ang leeg upang hanapin ang pinanggagalingan ng boses ng babae. Malabo ang paningin nya, kahit anong pilit niya.
"Gising ka na," anito. Para bang musika sa pandinig ang mga boses na iyon dahilan para muli ay dalawin siya ng matinding antok, sinubukan niya iyong pigilan pero lalo siyang tinakasan ng kamalayan.
Sino siya?
--------"Mamamasyal tayo bago ka umuwi ulit, enjoyin mo muna yung leave mo sa trabaho." Nag-iimpake na si Tina ng mga gamit niya, kalalabas lamang ni Ruth ng banyo at may nakapulupot pang tuwalya sa ulo niya.Naupo siya sa kama, wala ng tigil kakakwento si Tina sa buhay na pinapangarap niya sa Maynila magmula ng matanggap ang offer na trabaho sa isa sa pinakasikat na unibersidad doon.
"Libre ko," ani ni Tina habang inilalagay sa maleta ang mga naitupi na niyang mga damit.
"Libre mo, lahat!" napanguso siya sa sinabi ni Ruth kaya iiling-iling lamang na natawa ang dalaga.Makalipas lang ang isang linggo ay nakalipat na rin si Tina sa condominium na binili para sa kanya ng boyfriend niyang si Jake. Mabilis lang din ang pag-aayos nila ng mga gamit, kaya naman mahaba ang oras nila upang mamasyal.
Malalaki ang mga malls sa Maynila. Kabi-kabila ang matataas na building at mga billboard. Puro mga mamahaling mga restaurant ang makikita sa paligid at mga five star hotels. Sa isang swipe lamang ng mga cards nila ay maiuuwi na nila ang mga gustong bilhin, mga pabango, sapatos at kung anu-ano pa.
Napakarami ng nabago sa buhay nilang dalawa ni Tina mula nang makilala nila si Mr. Salvador o kung tawagin nila ay PAPA.
Ilang oras lang ng paglilibot ay nakaramdaman na ng pananakit ng mga paa si Ruth kaya naman napagpasyahan nilang magpahinga muna sa isang Coffee shop.
"Ruth, sorry. Mukhang kailangan mong umuwi mag-isa, magkikita muna kami ni Jake," sabi niya habang hawak ang phone. Ilang taon na rin sila nito. Mabuting tao si Jake kaya panatag na ang loob ni Ruth na magiging mabuti siya para kay Tina.
Sumakay siya ng tren sa pag-uwi, mas mura kasi dito kaysa mag-book siya ng taxi, isa pa dalawang station lang naman ang layo ng condo ni Tina.
------------Nakatayo sa gilid ng kalsada si Liam habang may kausap sa linya ang driver niyang kung tawagin niya ay kuya Rick, nasiraan sila ng sasakyan kung kailang nagmamadali pa siya. Wala pang bakanteng taxi ang napapadaan kaya naman nagsisimula ng umanit ang kaniyang ulo. "Kuya Rick, sasakay na lang muna 'ko ng tren. Mahuhuli na ako sa meeting, sunduin niyo na lang ho ako mamaya." Nag-aalangan naman ang driver na pakawalan si Liam. Hindi naman kasi nito nakasanayang mag-commute.
"Huwag ho kayong mag-alala, tatawag ako kapag nasa opisina na 'ko." Tinapik ni Liam ang balikat ng matanda. Wala na rin itong nagawa kundi hayaan si Liam nang makaalis na ito.
----------
Wala ng bakanteng upuan para makaupo pa si Ruth. Kaya kumapit na lang siya sa handle. Pinagmamasdan niya ang tanawin sa labas, sa probinsya pulos mga kabahayan ang nakikita doon at mangilan-ngilang building. Ibang-iba dito sa syudad na nagpapataasang mga estruktura at nagpapaligsahan sa gandang mga sasakyan.
Bumukas ang pinto ng tren nang makarating sa kasunod na estasyon. Dumami ang mga sumakay kaya kahit may mga bumaba ay hindi pa rin siya nakaupo. Hindi sinasadyang mapasadahan niya ng tingin ang lalaking bumaba ng tren, suot ng isang pormal na suit.
Tila sasabog ang puso ni Ruth sa biglaang mabibilis na kabog noon sa dibdib niya. Pinilit niyang gumalaw, kahit hirap na hirap dahil sa nangangatog na tuhod, lalo pa dahil sa siksikan ng tao. Sinikap niyang maabot ang pinto para habulin ito pero hindi na nagawa nang sumara na muli ang pinto ng tren, nanuyo ang lalamunan niya.
"L-Liam."
Pagdating nila sa convenience store ay sumalubong kaagad ang kapalitan ni Ruth."Mauuna na ko Ruth, tapusin mo nalang ang pagsasalansan ng mga cigarettes, kaunti na lang naman," paalam nito sa kanya. Tumango naman ang dalaga bilang tugon, pumasok na siya sa counter saka inumpisahang tapusin ang mga naiwang gawain sa kanya.Nagdilim ang paligid, kalauna'y bumuhos ang ulan. Dahil doon ay nagpuputik ang sahig sa tuwing may papasok na customers. Matrabaho ang pag-mop ng sahig subalit wala naman siyang magagawa.Matapos niyang masuklian ang isang customer ay agad na nakuha ng atensyon niya ang mga pumasok ng store. Ni hindi nila nakuhang magpunas ng sapatos bagamat may basahan sa tapat ng pinto.Sina Levie at Harriet, ihinagis ang mga bag na dala sa upuan. Ang mga payong na dala nila ay hindi rin nila nakuhang ilagay ng maayos sa lagayan, basang-basa iy
Walang kahit na sino sa mga guro ang umawat sa mga estudyante kung hindi ang mga malalapit lamang sa punong-guro. Ilang beses na sermon at pakiusapan ang nangyari bago napabalik sa classroom ang mga ito.Tinapos parin ni Mrs. Perez ang oras ng klase hanggang sa mag-uwian, inayos ni Ruth ang mga gamit niya sa lamesa, ito na nga ba talaga ang huling araw niya na papasok ng eskwelahan?Bago tuluyang lumabas sina Levie at Harriet ay iniwan siya ng nakakaasar na ngiti ng mga ito, sinasabi ng mga ngiting iyon na sila ang nanalo. Pinasya niyang hindi na sila pansinin pa, isinukbit niya ang bag sa likuran saka pinagmasdan ang mga libro na hawak.Tahimik siyang pinagmamasdan ni Reese, maging nina Jake at Tina. Ramdam niya naman iyon subalit hindi na lamang niya pinansin.Ang lahat ng nasa classroom ay sinundan siya ng tingin hanggang
Napabuntong-hininga si Ruth habang pinagmamasdan sina Tina at Jake na mag-abot ng papel sa mga napapadaang estudyante sa quadrangle. Hawak niya lamang ang mga papel at hindi niya alam kung dapat pa bang ipamigay ang mga iyon.Lumapit sa kanya si Tina, "paubos na iyong akin, lahat nang abutan ko tinatanggap iyong papel," masayang balita nito sa kanya. Ngumiti na lamang siya bilang tugon."May problema ba?" tanong ni Tina sa kanya.Nag-iisip siya kung dapat niya bang sabihin ang nasa isip niya ngayon, ayaw niya namang putulin ang pag-asa na natitira sa kapatid."Huwag na nating subukan," sabi niya rito saka umiling. "Magsasayang lang kayo ng pagod, tama ka, kahit na anong gawin natin hindi nila tayo pakikinggan."Alam din naman ni Tina na may punto ang ang sinabi niy
Tinatahak ni Ruth ang daan pauwi noon, malakas ang ulan subalit hindi niya iyon alintana. Ang mga tao ay kanya-kanyang silong sa mga saradong tindahan at naghihintay ng pagtila ng ulan. Ang ilan sa mga batang nakasilip sa bintana ng mga bahay nila ay sinusundan siya ng tingin, naiinggit sa kanya na isiping naliligo siya sa ulan.Nagpapasalamat si Ruth sapagkat walang nakakakita ng mga luha niya ngayon, naghahalong galit at awa sa sarili ang narararamdam niya. Palaging ipinamumuka sa kanya na wala siyang lugar para mangarap sapagkat mahirap lang siya.Napakabigat noon sa dibdib, napakasakit sa puso at literal sapagkat napahawak siya sa dibdib nang manikip iyon. Bago pa man siya magpatuloy sa paglalakad ay huminto ang isang pulang sasakyan malapit sa kanya, napahinto siya at napabaling doon.Bumaba ang salamin ng sasakyan, sumilip mula sa loob noon si Mrs. Perez.
Sa loob ng opisina ng principal, naroon sina Ruth at Tina at ang ilan sa mga head teachers."Seventy eight," bilang ni Ruth, napapikit siya ng tumama ang stick sa palad niya sa ika pitumpu't walong beses. Kanina pa hindi matigil sa pag-iyak si Tina habang pinagmamasdan ang namumula at nagsusugat na palad ni Ruth."Ano bang mahirap sa paghingi ng tawad?" tanong ng guro saka inihataw sa palad niya ang patpat.Napakagat siya sa labi sabay bumilang, "seventy nine."Matapos siyang kausapin sa couceling, kung counseling nga bang maituturing kung walang ibang ipinayo ang guidance counselor kundi ang hikayatin si Ruth na humingi na lamang ng tawad kay Deserie. Tumanggi siya, hindi siya hihingi ng tawad para sa nagawa niya.Kaya naman ngayon ay ito ang sinapit niya, kapalit ng pagmamatigas. Hindi
"I will turn you into a good person."Nagkakagulo ang lahat, subalit naroon siya, walang lakas na pinagmamasdan ang mga ito. Namanhid na ang mga sugat at mga kalmot niya sa katawa. Mapait siyang natawa, dahil doon ay mas lalong lumayo ang mga estudyanteng nakakakita sa kanya habang sinasabihan siyang nababaliw.Walang kahit isa sa kanila ang nagtanong at umusisa kung ayos lang ba siya, ang lahat ng simpatya ay sa taong naargabyado lamang ng oras na iyon at hindi ng kung sino ang totoong biktima.Hindi siya nagsisisi, kaya niyang gawin ang mas higit pa roon para kay Tina.Alam niyang malulungkot si Austin na makita siyang ganito, subalit nais din niyang makita ni Austin na ito ang dahilan kung bakit iniisip niyang hindi dapat mahalin ang mga katulad nila. Iniwan si Deserie ng mga kaibigan niya dahil sa takot na madamay, iniwan