Share

Chapter 31

Tinatahak ni Ruth ang daan pauwi noon, malakas ang ulan subalit hindi niya iyon alintana. Ang mga tao ay kanya-kanyang silong sa mga saradong tindahan at naghihintay ng pagtila ng ulan. Ang ilan sa mga batang nakasilip sa bintana ng mga bahay nila ay sinusundan siya ng tingin, naiinggit sa kanya na isiping naliligo siya sa ulan.

Nagpapasalamat si Ruth sapagkat walang nakakakita ng mga luha niya ngayon, naghahalong galit at awa sa sarili ang narararamdam niya. Palaging ipinamumuka sa kanya na wala siyang lugar para mangarap sapagkat mahirap lang siya.

Napakabigat noon sa dibdib, napakasakit sa puso at literal sapagkat napahawak siya sa dibdib nang manikip iyon. Bago pa man siya magpatuloy sa paglalakad ay huminto ang isang pulang sasakyan malapit sa kanya, napahinto siya at napabaling doon.

Bumaba ang salamin ng sasakyan, sumilip mula sa loob noon si Mrs. Perez.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status