All The Things We Lost

All The Things We Lost

By:  Code01417  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
34Chapters
3.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ruth Abellana is egocentric, self-centered and ambitious. She never values anyone except for herself and her sister, Tina. Loves money and materialistic. On the night of May 25th, Ruth involved in an unfortunate event. In the halfway of a calm and tranquil night, an accident occurs in the bridge. Due to it, she was lying in a coma for a couple of months. After 6 months long, Ruth was finally awake, but something odd happened, she sees the soul of an unknown man, asking for help. He can't remember anything except the tragedy of his death, which was the accident on the bridge on the night of May 25.

View More
All The Things We Lost Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
34 Chapters

Chapter 1

Masayang sinamyo ni Ruth ang makapal na pera sa mga kamay niya, amoy ito ng kaginhawaan sa loob ng ilang buwan. "Ano kaya ang una kong bibilhin?" Hindi niya mapigilan ang malawak na ngiti sa mga labi habang napapapilantik pa ang mga daliri. Napasandal siya sa upuan, malaki-laki rin ang kinita niya sa matandang babae na 'yon, nagbigay siya ng tatlong libo para lang makusap ang namayapa niyang asawa.Kilala si Ruth sa malaking bahagi ng probinsya ng Nueva Ecija bilang isang babaeng may kakayahang makausap ang mga namatay na. Ilang tao na rin ang sumangguni sa kanya upang humingi ng tawad, magpasalamat, umiyak at magpagabay sa mga kaanak nilang sumakabilang buhay.Malutong siyang natawa. "Mga uto-uto," usal niya. Ipinatong niya ang mga paa sa lamesa. Nilibot ang tingin sa maliit at magulong kwarto. Ang lugar na ito, ang lugar kung saan siya tumatanggap ng mga kliyente. Tuwing hapon ang session niya.Madalang sa hapon na ito ang mga na
Read more

Chapter 2

"Baa baa black sheep, have you any wool? Yes sir, yes sir, three bags full." Tuwang-tuwa ang mga bata na sumasabay sa nursery rhyme na halos apat na beses kung ituro ni Ruth sa kanila sa loob ng isang linggo."Ma'am Ruth, nagugutom na po ako, tama na po 'yan." Hila ni Hannah sa skirt na suot niya. Napangiti siya sa bulol na tono ng bata, namumula ang pisngi at nakatulis na mga labi."Hannah, kakatapos lang ng break time," sabi niya. "Balik na sa upuan." Binuhat niya ito pabalik sa puwesto niya."O isa pa ulit," sambit niya sa mga bata kaya nagumpisa na naman ulit silang kumanta, kahit umay na umay na siya ay hindi siya nakakaramdam ng pagod. Ang liliit nila, ang kukulit at napakabibo. Hindi lubos maisip ni Ruth na pipiliin niya ang ganitong propesyon.Pagdating niya sa faculty matapos ma-dismissed ang klase ay napabagsak siya sa swivel chair, napasandal sa pagod."Ang mga bwisit na grade four na iyan, nagsisipag-akyatan na naman sa bakod para
Read more

Chapter 3

"Hi babe," bati ni Erica sa kasintahan at akmang hahalik dito. Inilayo ng binata ang mukha niya, busy siya sa pagtitipa sa laptop. Ngumiti na lamang si Erica na tila hindi ito nangyari, wala naman ng bago sa ugali ng binata. Naupo siya sa couch."Why are you here? I'm busy," he said with his cold tone. Simula nang gumising ito sa coma, hindi na tulad ng dati kung pakitunguhan siya ng binata, at sa loob ng seven years ay nasanay na rin siya."Mag dinner tayo mamaya," sabi nito."I told you I'm busy.""How about tomorrow?" Hindi siya sumuko mapapayag lang ang binata. Subalit tulad ng inaasahan ay hindi siya nagtagumpay. "I have a meeting with Mr. Will tomorrow.""Then the day after tomorrow," kibit balikat niya. Napasintido ang binata at saglit na tinapunan ng tingin ang kasintahan. "I'm busy Erica, I'm always busy. I have my priorities, so please give me some peace, umalis ka na." Matapos ay muling itinuon ang pansin sa tinitipa.Kahit pa til
Read more

Chapter 4

"L-Liam."Napahinto ang binata sa hindi malamang dahilan. Napalingon siya at agad na nagtama ang mga mata nila. Habang nanlaki ang mga mata ni Ruth, gusto man niyang tawagin ang binata ay hindi niya mahanap ang boses niya.Noong una ay nagdududa si Liam kung siya rin ba ang tinitignan ng babae mula sa loob. Hanggang sa mabilis na nakalayo ang tren. Napahakbang siya palapit at balak sana niya itong habulin subalit napahinto siya. Pinagmasdan ang sarili. Bakit naman niya ito hahabulin at sino naman ang babaeng iyon?Hindi niya namamalayan ang pagkakagulo ng mga babae dahil sa kanya. Ang iba ay kinukuhanan pa siya ng litrato at ang iba ay kilala siya dahil nafe-feature siya sa mga magazines bilang isang young successful entrepreneur. "Hey Liam." Napabalik sa wisyo ang binata ng marinig ang pagpitik ng mga daliri ng kaibigang si Warren malapit sa mukha niya. Napabaling siya sa kaibigan na ngayon ay nakatayo sa harap ng desk niya."Ano nga
Read more

Chapter 5

Napadilat si Ruth nang marinig ang malulutong na mura ni Ester sa ibaba, kakamot-kamot siya sa ulo dahil naabala ang mahimbing na pagtulog niya. Binalingan niya si Tina mula sa tabi niya, wala na ito. Mukang siya na naman ang pinag-iinitan ni Ester sa ibaba. Napasilip siya sa orasan, alas-singko pa lang ng umaga.Napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang nangyari kagabi. "Nandito pa rin kaya siya?" tanong niya sa sarili saka sinipat ang paligid ng kuwarto, tahimik naman at walang nagalaw na gamit."Ang multo, laging nagtatago sa ..." Iniisip niya nasa cabinet madalas nakikita ang mga multo sa horror film, pero wala naman silang cabinet. Namilog ang mata niya nang may maalala sa napanood niyang nakakatakot na movie. Dahan-dahan na gumapang si Ruth at sinilip ang ilalim ng kama. Napangiti siya, mga lumang gamit lamang nila ang naroon, walang multo."Baka panaginip lang 'yong nangyari kagabi." Nakahinga siya ng maluwag, salamat nam
Read more

Chapter 6

Nagmadaling bumaba sa sumunod na estasyon si Ruth. "Nakita na kita, nakita na kita." Paulit-ulit niyang binabanggit ang mga katagang iyon habang pababa ng estasyon.Hindi alintana ng dalaga ang panghihina ng mga tuhod niya, ang lakas ng tibok ng puso niya ay tulad nang panahong una silang magkita. Bumalik siya sa estayon kung saan niya nakita ang binata, umaasang masisilayan niya itong muli sa isa pang pagkakataon.Lumalim ang gabi, naubos ang palitan ng mga tao sa tren. Walang pagod siyang nagpaikot-ikot doon upang hindi makalampas sa panigin niya ang bawat taong ibababa at isasakay ng mga bagon.Ngunit walang Liam ang nagpakita, naabutan na siya nang pagsasara ng subway station, pinayuhan na siyang umuwi ng ilan sa mga guards na naroon na kanina pa siya pinagmamasdan.Mapait siyang napangiti habang pinagmamasdan ang tanawin mula sa loob ng taxi, hindi na rin niya namalayan ang ilang miss calls ni Tina sa kanya. Paulit-ulit na sinisisi niya ang sar
Read more

Chapter 7

"Tina," mahinang tawag ni Ruth kay Tina mula sa bintana, nasa likod-bahay kase ito at nagbibilad ng mga panggatong na kahoy."Halika dito bilisan mo." Sumenyas siya na umakyat muna sandali si Tina, umalis siya pagkakadungaw sa bintana, sinikap niyang pagkasyahin ang sarili sa awang ng kama at inalis ang maliit na flywood na tumatakip sa maliit na butas.Maya maya ay rinig na niya ang mga yabag ni Tina papasok ng kuwarto, naupo ito kaharap ni Ruth."Tignan mo 'to." Inilabas niya ang babasaging alkansia sa harap ni Tina, mabigat-bigat narin pala iyon, halos nawala na sa isip ni Ruth na meron pala siyang naipong pera dahil sa anim na buwan siyang walang malay.Kumuha ang dalaga ng matigas na bagay saka ginamit iyon para basagin ang piggy bank, napangiti siya sa dami ng laman noon, kalimitan ay barya subalit marami ring di-papel na halaga."Hindi ko alam na may naiipon ka palang pera," usal ni Tina haban
Read more

Chapter 8

Nakarating rin sa wakas si Ruth sa palengke at inuna nang bilhin ang mga nakasulat sa listahan, marami-rami rin iyon kaya ilang supot ng plastic ang hawak niya, lalong nakadagdag nang bigat ang mga bote ng suka at toyo sa isang plastic bag.May mangilan-ngilan na nakakakilala sa kanya, subalit imbis na pagbati ay pangungutya ang natanggap niya sa mga ito, ang ilan ay narinig niya subalit ang ilan ay nababasa sa mga mata pa lamang nila. Marahil ang iba sa kanila ay ang mga taong naloko niya.Hindi nya alam kung nasaan si Austin, pasulpot-sulpot lamang ito at nawawala rin kaagad. Napadaan sya noon sa tindahan ng mga damit, saglit na huminto upang ibaba ang mabibigat na dalahin.Isa yung kulay blue na dress ang suot ng isang realistic mannequin. Napakaganda ng pagkakadisenyo noon, sa unang tingin ay alam niyang hindi basta-basta lang ang ginamit na tela rito.Ilang minuto nya yung pinagmasdan, ine-imagine ang sarili habang suot iyon. Napangiti siya, para siy
Read more

Chapter 9

Nagising si Ruth ng marinig ang matinis na tili ni Tina, kinusot niya ang mga mata at bumangon."Ang ingay mo," reklamo niya rito, tumalon si Tina papunta sa kama kaya nayanig iyon."Guess what?" sabi nito sabay ipinakita ang kamay niya, napatili siyang muli ng makita ang reaksyon ni Ruth sa singsing na nasa daliri niya."Nag-propose na sa'kin si Jake kahapon," masayang kuwento niya, hindi mapigilan ni Ruth ang mapangiti. Parang kailan lang noong makilala niya ang iyaking si Tina sa bahay-ampunan, ngayon ay ikakasal na ito, napakabilis ng panahon.Inayos na ni Ruth ang pagkain sa lamesa, habang hinihintay matapos mag-shower si Tina, naghanda narin sya ng kape para sa kanilang dalawa."Anong oras kita ihahatid sa terminal mamaya?" rinig niyang tanong ni Tina mula sa kuwarto. Hindi sya sumagot, maya-maya ay lumabas narin si Tina galing sa kuwarto na nakasuot ng bath robe at balot ng towel ang buhok, mamula-mula ang balat ni Tina dahil bagong shower i
Read more

Chapter 10

Nagising si Ruth sa dakong alas-singko ng umaga, Pagbaba niya ng hagdan ay nakita niyang pinagsisilid na ni Ester ang mga uniform nila ni Tina sa malaking supot kasama ng mga basura."Ikaw, ilabas mo na ang mga 'to ng mahakot na ng truck mamaya," utos niya ng makita si Ruth sa ibaba ng hagdanan.Agad na nilapitan iyon ni Ruth at isa-isang inalis sa supot. "Anong ginagawa mo?!" galit na tanong ng matanda subalit hindi sya pinakinggan ni Ruth, patuloy na hinahanap nito ang ilang uniform nila ni Tina na naroon."Siraulong bata, ano bang ginagawa mo?!" Naramdaman niya nalang na hinigit na ni Ester ang buhok niya, malakas na napasigaw sa sakit si Ruth."Bakit?! ang akala niyo ba pag-aaralin ko pa kayo sa laki ng nagastos ko sayo sa ospital!" Napapikit si Ruth at pinipigil na hindi tumulo ang luha niya sa sakit, inipon niya ang buong lakas para itulak si Ester. Sa wakas ay nabitiwan nito ang buhok nya.
Read more
DMCA.com Protection Status