Mag-log inChapter 7
Tumaas ang kilay ni George nang makita ang naging reaksiyon ni Wave. Sandali niya itong pinagmasdan bago bahagyang sumandal sa upuan. “Bakit nagulat ka na naman? Wala ka ba talagang cash na tinatago diyan?” Napalingon si Wave sa kanya bago muling tumingin sa labas ng kotse. “Mayroon akong cash, pero nasa bangko. Hindi ako nagdadala ng ₱500,000 na cash sa loob ng kotse ko.” Bahagyang tumango si George bago sumandal sa upuan. Napatingin siya sa labas ng kotse, kung saan naroon ang mga tauhan ni Menandro. Hindi niya alam kung paano sila makalalabas doon nang ligtas kung wala silang maibabayad. “May point ka. Nakakatakot naman talagang magdala ng ganoon kalaking pera. Baka ma-holdap ka pa.” Humarap siya kay Wave at bahagyang kumunot ang noo. “Kaya lang, paano natin babayaran si Menandro nang buhay tayong makakalabas dito?” Sumilip si Wave sa labas. Nakatingin ang mga goons sa kotse niya, mukhang nagbabantay at may hinihintay. Maya-maya pa, kumatok sa bintana si Celso, isa sa mga kanang kamay ni Menandro. Binuksan ni Wave ang bintanang nasa tabi ni George. Dumungaw roon ang lalaki at kinausap si George. “Ang sabi ni Menandro, mayroon ka lang isang oras para palitan ang tsekeng pambayad mo sa kanya. Kung hindi...” Sumenyas ito na parang hinihiwa ang sariling leeg gamit ang kamay bago itinuro ang dalawa. Napatingin si George kay Wave. Ang akala niya, madali niyang mababayaran si Menandro nang walang problemang kakaharapin. Kung naisip lang sana niya kanina na hindi sapat ang hawak niyang tseke, hindi sana siya basta sumugod sa lungga nito at ipinahamak ang lalaking ang gusto lang naman ay tulungan siya. Muli niyang binalingan si Celso saka tumango, pilit na pinananatili ang kumpiyansa sa kanyang mukha. “Huwag kang mag-alala. Kahit thirty minutes pa iyan, makakagawa kami ng paraan,” aniya bago muling lingunin si Wave at senyasan itong isara ang bintana. Napakunot ang noo ni Wave habang sinusundan siya ng tingin. “Bakit mo sinabing thirty minutes? Pinaiksi mo ang sentensiya natin,” tanong niya, nagtataka. “May tiwala ako sa'yo. Ikaw, may pera. Ako, may diskarte.” Kinindatan pa niya ito saka ngumiti, na lalo lamang ikinapagtaka ni Wave. “Papaiwan ako rito. Ikaw ang kukuha ng pera sa bangko. Tumawag ka na rin ng pulis dahil illegal detention ang magiging kaso nila nito.” Aaktong lalabas na si George para harapin sina Celso, pero mabilis na pinigilan ni Wave ang kanyang braso. “Wait! I can't leave you here alone.” Napatingin si George sa kamay nitong nakahawak sa kanya bago muling itinaas ang tingin sa mukha nito. “Kaya ko ang sarili ko. Huwag kang mag-alala. Mabubuhay ako at matutuloy ang kasal basta bumalik ka sa tamang oras.” Inalis niya ang kamay ni Wave na nakahawak sa kanya. “At isa pa, baka ikaw ang hindi makaalis nang buhay kapag inulit mo ang paghawak sa akin. Tandaan mo, kasama sa kontrata ang no-physical-touch clause.” Napailing si Wave sa halip na agad sumagot. “Naisip mo pa talagang ipaalala sa akin iyan, ha?” “Huwag ka nang magreklamo. Nauubos ang oras. Nabawasan na agad ng five minutes.” Hindi na hinintay ni George ang sagot nito. Lumabas siya sa kotse at iniwan si Wave na sandaling natulala bago napailing. “Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng iyon,” bulong niya bago pinaharurot ang kotse paalis sa lugar na iyon. Agad na nilapitan ni Celso at ng mga kasamahan nito si George. Hahawakan sana ni Celso ang kanyang braso, pero mabilis siyang umiwas at tiningnan ito nang masama. “Walang hawakan. Kusa akong nagpaiwan, 'di ba? Hindi ako tatakas.” Wala na siyang nagawa kundi sumunod sa mga ito pabalik sa itaas. Muli siyang umupo sa silyang nasa harap ng mesa ni Menandro, saka inayos ang pagkakaupo na para bang hindi siya napapaligiran ng mga lalaking maaaring gumawa ng gulo anumang oras. “Nasaan ang pera ko?” tanong agad ni Menandro. “May twenty-five minutes pa. Huwag kang atat,” sagot niya. Bahagyang sumandal si Menandro sa mesa at pinagmasdan siya, tila sinusubukang alamin kung may dahilan ba siyang magtiwala sa pangako nito. “Paano ako nakakasiguro na mababayaran mo ako sa takdang oras?” “Kapag hindi dumating ang lalaking iyon, mawawalan siya ng mapapangasawa at masasayang ang ganda ko sa pangit mong mga kamay.” Nagbago ang mukha ni Menandro. Tiningnan siya nito nang masama bago lumapit, ngunit hindi nagpatinag si George. “Alam mo, kung hindi ka lang magandang babae, baka isang daang libo pa lang ang utang mo sa akin, nasa estero ka na at lumulutang.” Hindi umiwas ng tingin si George. Sa halip, bahagya siyang ngumiti na para bang hindi siya tinatakot ng lalaki. “Alam ko namang matagal ka nang may gusto sa akin kaya hindi mo ako madispatsa. Kaya lang, kahit anong gawin mo, kahit maging milyon ang utang ko sa'yo, hindi mo ako magagalaw. Manghihinayang ka rin kasi kapag nawala ako sa paningin mo.” Nagpanting ang mga tainga ni Menandro. Sa isang iglap, gigil na sinunggaban nito ang leeg ni George at inilapit ang mukha sa kanya. Hindi naiwasang kilabutan ni George. Sandaling nanigas ang kanyang katawan, pero pilit niyang pinanatiling mahinahon ang mukha kahit kinakabahan siya. “Alam mo bang kaya kitang angkinin ngayon din? Ikaw ang kusang lumapit, at kayang-kaya kong samantalahin ang sitwasyong ito.” Sinubukan ni George na huminga nang normal kahit mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang leeg. Hindi niya maaaring hayaang manaig ang takot. Kailangan niyang ipaalala kay Menandro kung ano ang mawawala rito kapag nagpadala ito sa galit. “Anong mas mahalaga sa'yo? Ako o ang ₱500,000 na utang ko sa'yo? Kapag pinagsamantalahan mo ako ngayon, hindi mo lang makukuha ang pera mo, makukulong ka pa.” Ngumisi si Menandro, ngunit bahagyang niluwagan ang pagkakahawak sa kanyang leeg. Agad na nakahinga nang mas maayos si George at napahinto sandali para makabawi. “Ang lakas ng loob mo dahil alam mong mas mahalaga sa akin ang negosyo ko kaysa sa'yo.” Ngumiti si George nang tipid. Sa ilang taon niyang pagkakautang kay Menandro, kilalang-kilala na niya ito. Ilegal ang negosyo nito, pero hindi naman talaga ito masamang tao na nang-aabuso ng mga babaeng magugustuhan nito. “Basta kapag nakabayad ako sa'yo mamaya, quits na tayo, ha!” “Basta huwag kang tatawag ng pulis. Ayoko ng gulo sa teritoryo ko.” Biglang nawala ang ngiti ni George. Nakagat niya ang sariling labi nang maalala ang bilin niya kay Wave. Ang tanga ko! Bakit ko nga ba naisip na patawagin siya ng pulis? Sabay silang napalingon nang may kumatok sa labas ng p***o. “Sir, andito na ang kasama ni George,” sabi ng isang lalaking pumasok sa loob. Agad na napatingin si George sa orasan. Alas-kuwatro pa lang ng hapon. Ilang minuto pa lang ang lumilipas mula nang umalis si Wave kaya hindi niya maiwasang magtaka kung paano ito nakabalik agad. Pumasok si Wave na may bitbit na maliit na bag. Lumapit ito kay George at iniabot iyon. “Here is your cash. Pay him.” Lumingon pa ito kay Menandro. Nagtataka man, kinuha ni George ang bag at binuksan iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang dami ng laman niyon. “₱500,000 ba ito? Ganito karami?” “That was one million pesos.” Napatingin si George sa hawak niyang bundle na may nakasulat na ₱100,000. Muli siyang sumilip sa laman ng bag, para bang umaasang baka nagkamali siya ng dinig. “Sobra-sobra ito,” aniya habang hawak pa rin ang bundle. Sa halip na sagutin siya ni Wave, humarap ito kay Menandro. “That is the payment for all of her debt, including interest. Siguro naman sapat na iyan para hindi mo na kami guluhin.” “Hoy, teka lang!” Mabilis na lumapit si George sa dalawang lalaking nakatayo sa harap niya at gumitna sa mga ito. Mahigpit niyang hinawakan ang bag habang salit-salitang tinitingnan ang dalawa. “Bilangin natin ito. Hindi puwedeng sobra ang ibabayad ko sa'yo. Sayang ang sukli nito.” Binalingan niya si Wave at hinila ito nang kaunti palayo kay Menandro. “Hanep ka! Bakit ang bilis mong nakakuha ng isang milyon? Niloloko mo ba ako noong sinabi mong wala sa kotse mo ang pera?” “I have VIP access to all banks here.” Napanganga si George bago napailing. “Sus! Bakit pinahirapan mo pa ako sa pagpirma ng tseke?” “Nahirapan ka ba? You enjoyed signing it, didn't you?” Napangiwi si George. Ayaw man niyang aminin, may punto na naman ang lalaki. Pero hindi iyon nangangahulugang palalampasin na lang niya ang ginawa nito. “Okay, andoon na tayo. Inaamin ko, nag-enjoy nga ako, pero hindi nakakatuwa itong ginawa mo. Sana, una pa lang, nag-withdraw na tayo bago pumunta rito. Muntik na akong ma-rape dito.” “But you said you have your ways. Madiskarte ka, 'di ba?” Sumimangot si George at binigyan ito ng masamang tingin. “Pero mabuti na lang at hindi ka tumawag ng pulis. Kung hindi, lagot tayo.” “Anong hindi? They are outside.” Nanlaki ang mga mata ni George. Agad siyang napatingin sa paligid bago bahagyang inilapit ang sarili kay Wave at ibinaba ang boses. “Ano?” gulat ngunit mahina pa rin niyang sambit. “Gago ka ba? Hindi tayo makakalabas nang buhay dito kapag nalaman nilang may pulis sa labas.” “They are in disguise. They are waiting for my signal.” Napahawak si George sa noo at napapikit sandali. “Putcha! Pinakaba mo ako.” “Huwag ka nang kabahan. Bayad ka na sa mga utang mo. Maliban kung mayroon ka pang ibang babayaran.” Agad na napadilat si George at napatingin kay Wave. “Paano mo nalaman? Kinausap ka ba ng landlady ko?” tanong niya nang maalalang hindi pa siya bayad sa renta ng dalawang buwan. Bago pa makasagot si Wave, sumingit si Menandro. Nakalahad na ang kamay nito habang nakatingin sa bag na hawak ni George. “Matagal pa ba kayo diyan? Ang pera ko, akin na.” “Ay, oo nga pala! Nakalimutan ko na ang utang ko sa'yo.” Bumaling si George kay Menandro, ngunit hindi pa rin niya ibinigay ang bag. “Pero teka, ang ₱500,000 ay ₱500,000. Bawal mag-interes nang walang pasabi.” “Pero ibinabayad na iyan lahat ng syota mo sa akin.” Lalong humigpit ang hawak ni George sa bag. Hindi niya hahayaang basta na lang kunin ni Menandro ang perang dala niya nang hindi muna nasusuri ang halaga. “Ako ang may hawak ng pera kaya ako ang magbibilang ng tamang halaga. Alam kong manggagantso ka, pero huwag kang abusado sa mga pinapautang mo. Kusa akong magbabayad ng interes.” Napailing na lang si Menandro saka kinuha ang listahan ng utang ni George. “Heto, tingnan mo kung magkano ang balanse.” Kinuha naman ni George ang notebook at maingat na tiningnan ang nakasulat. Sinundan ng kanyang daliri ang mga numero bago siya huminto sa kabuuang halaga. “₱505,200. Oh! Kaunti lang pala ang kulang ko sa ₱500,000. Pero sige, dahil generous ako... heto na ang ₱600,000. Keep the change.” Kinuha ni George ang anim na bundle na tig-₱100,000 mula sa bag at inilapag ang mga iyon sa kamay ni Menandro. Sa totoo lang, nanghihinayang siya sa sobrang ₱94,800. Pero kung kukunin niya ang eksaktong ₱505,200, kailangan pa niyang magbilang at magkalas ng mga nakabundle na tig-₱100,000. Mas gugustuhin na lang niyang magbayad ng anim na bundle at matapos na ang lahat. Praktikal lang siya. Hindi niya kailangang pahirapan ang sarili sa pagbibilang kung may mas madaling paraan naman. May kaunting dagdag pa para sa interes, at hindi na niya kailangang maghanap ng eksaktong sukli. Tutal, may ₱400,000 pa siyang matitira mula sa isang milyong dala ni Wave. Hindi man niya gustong maglabas ng sobrang pera, mas gusto niyang siya ang magdesisyon kung magkano ang kusang ibabayad niya. Pagkatapos maiabot ang pera, tinalikuran niya si Menandro at niyaya si Wave palabas ng building. Bago tuluyang sumakay sa kotse ng binata, huminto si George at tiningnan ang kabuuan ng building. Napangiti siya nang malawak. “Sa wakas, natapos din.”Tiningnan ni Wave si George, na nakapamewang at balot pa rin ng tuwalya ang katawang basang-basa dahil sa maling paggamit ng bidet. “Aba! Baka tumanda na ako, hindi pa ako nakakabayad sa’yo?” reklamo ni George. “There’s no problem if you grow old with me,” bulong ni Wave, sabay ngiti. “Ano kamo? Hindi ko narinig.” Agad na nagbago ang ekspresyon ni Wave. Mabilis niyang itinago ang ngiti bago muling humarap kay George. “Sabi ko, ayoko ring tumanda kasama ka. Masakit sa ulo. Ang dami mong reklamo.” Naglakad na siya palabas ng kuwarto. “Aba! Gusto mong manahimik lang ako at tumambak ang utang ko sa’yo?” pahabol na tanong ni George. Muli siyang lumingon dito. “Just change your clothes. I’ll wait for you outside.” Isinara na niya ang pinto, iniwan si George na nakasimangot habang nakatingin sa hawak na damit. Hindi nagtagal ang paghihintay ni Wave dahil agad ding lumabas si George matapos magbihis. Mula ulo hanggang paa, pinagmasdan niya ito at napangiti nang mapansing
Pagkatapos ayusin ni George ang naging aberya sa mga tsekeng ibinayad niya sa palengke, dumiretso na sila ni Wave sa bahay nito. Napanganga si George nang tumapat ang kotse sa isang malaking gate na kusang bumukas para papasukin sila. Idiniretso ni Wave ang kotse papunta sa garahe. “Hanep! Bakit ganoon ’yung gate mo? Wala namang nagbubukas pero kusang bumukas?” “May sensor ang gate. Nade-detect nito kapag papasok o lalabas na ang kotse ko.” “Ha? Kilala niya ang kotse mo?” Lalo siyang namangha. “Ang galing naman! May nametag ba ang kotse mo?” Napatingin si Wave kay George bago bahagyang umiling. “George, walang nametag. Naka-program lang talaga ang mga gamit ko dito. Makikita mo mamaya.” “Ibig sabihin, hindi lang iyong gate ang nakamamangha?” tanong niya. Hindi sumagot si Wave. Sa halip, pinagbuksan niya si George ng pinto ng kotse. Pagkalabas ni George, hindi pa man siya nakakahakbang ay napatingin na siya sa paligid. Tumambad sa kanya ang malawak na hardin na puno
Nagpunta pa sina George at Wave sa ilang boutique para mamili ng mga kailangan niya. Kahit napakarami niyang reklamo bago nila matapos ang pamimili, hindi naman nagpapatinag si Wave. Nakarating na sila sa kotse, ngunit panay pa rin ang reklamo ni George habang nakatingin sa backseat. Sinubukan niyang ayusin ang mga pinamili nila, pero tila lalo lamang sumikip ang espasyo dahil sa dami ng mga paper bag. “Tingnan mo ang ginawa mo, sobrang sikip na tapos may hawak pa ako dito?” reklamo niya habang nakakandong sa kaniya ang isang paper bag na may lamang mga makeup kit. “Hindi ko naman kailangang magpintura ng mukha tapos binilhan mo pa ako ng ganito.” “You have to be presentable, George. Hindi puwedeng haharap ka sa mga tao na ganyan ang itsura mo.” Napalingon siya kay Wave at tinaasan ito ng kilay. “Anong problema sa itsura ko e maganda naman ako?” Inilapit pa niya ang mukha sa binata, na ikinagulat nito. Muntik nang magtama ang mga mukha nila sa sobrang lapit. Si George rin
Matapos kumain ay naglakad-lakad pa sila sa mall. Habang nakamasid sa nangingintab na sahig, napansin ni George ang suot niyang tsinelas. Hindi naman marumi, pero luma na. Napatingin siya sa salamin na nasa gilid ng mall. Ngayon lang niya napansing hindi bagay ang magandang damit sa suot niyang tsinelas. Sa pagmamadali kasing makakain ay damit lang ang ibinili sa kanya ni Wave. "Let me buy you some nice shoes," ani Wave, na nakita niyang nakatingin sa kanya mula sa repleksiyon ng salamin. "Anong some? Isang pares lang ang kailangan ko. Yung bagay lang dito sa suot ko. Teka, sa tingin mo, bagay ang rubber shoes na iyon dito?" Itinuro niya ang puting rubber shoes na nakita niya sa estante ng isang boutique. "Dress ang suot mo, tapos papartner-an mo ng rubber shoes?" "Bakit, hindi ba puwede? May napanood ako noon sa cellphone ni Natoy. Naka-wedding dress, tapos naka-rubber shoes. Kumakanta pa nga, parang rakista ang itsura." "Excited ka na bang magsuot ng wedding dress
"Where do we go now?" tanong ni Wave nang makaupo na siya sa driver's seat, katabi si George sa passenger's seat. Hindi nawawala ang malapad na ngiti sa labi nito."Dahil may pera na ako, kailangan ko munang mag-grocery.""But you don't have to. I have everything you need in my house.""Sinong may sabing uuwi agad ako sa inyo? Hindi pa tayo kasal, eh.""But you can't stay in your apartment while we make the preparations.""Bakit naman hindi? Eh, may pambayad na ako ng renta? Ikaw pa nga ang nagbigay, o." Ipinakita pa niya kay Wave ang perang hawak niya."You can pay the remaining balance you owe your landlady, and then we can proceed to my house.""Diretso na sa inyo? Hindi na ako maggo-grocery?" Napalingon siya kay Wave. "Alam mo bang ang sardinas na dapat kakainin ko kaninang tanghalian ay naibigay ko pa sa batang nagtitinda ng sampaguita sa labas ng tindahan? Gutom na gutom na ako. Mula nang dumating ka kanina sa bahay, nakalimutan ko nang kumain."Saka lang naalala ni Wave na pagk
Chapter 7 Tumaas ang kilay ni George nang makita ang naging reaksiyon ni Wave. Sandali niya itong pinagmasdan bago bahagyang sumandal sa upuan. “Bakit nagulat ka na naman? Wala ka ba talagang cash na tinatago diyan?” Napalingon si Wave sa kanya bago muling tumingin sa labas ng kotse. “Mayroon akong cash, pero nasa bangko. Hindi ako nagdadala ng ₱500,000 na cash sa loob ng kotse ko.” Bahagyang tumango si George bago sumandal sa upuan. Napatingin siya sa labas ng kotse, kung saan naroon ang mga tauhan ni Menandro. Hindi niya alam kung paano sila makalalabas doon nang ligtas kung wala silang maibabayad. “May point ka. Nakakatakot naman talagang magdala ng ganoon kalaking pera. Baka ma-holdap ka pa.” Humarap siya kay Wave at bahagyang kumunot ang noo. “Kaya lang, paano natin babayaran si Menandro nang buhay tayong makakalabas dito?” Sumilip si Wave sa labas. Nakatingin ang mga goons sa kotse niya, mukhang nagbabantay at may hinihintay. Maya-maya pa, kumatok sa bintana si Celso, isa







