Share

Chapter 6

Author: Diyosa Mamita
last update publish date: 2026-10-13 21:25:48

Matapos bayaran ni George ang utang niya kay Aling Tasing, niyaya niya si Wave na pumasok sa palengke.

 “Anong gagawin natin dito?” tanong ni Wave habang sinusundan ng tingin ang mga tindahang nadaraanan nila.

 “Magbabayad ng utang,” sagot ni George na para bang iyon ang pinakanormal na bagay na gagawin nila sa araw na iyon.

 “Gaano ba karami ang pinagkakautangan mo?” usisa ni Wave.

 “Hindi naman ganoon karami. Huwag kang mag-alala, hindi mauubos ang tseke mo,” paniniguro niya, sabay lingon dito.

 Hindi na sumagot si Wave. Sumunod na lang siya kay George habang naglalakad sila papasok sa palengke. Isa-isang nilapitan ni George ang mga tinderang pinagkakautangan niya at inabutan ang mga ito ng tseke.

 “Bakit naman tseke ang binabayad mo sa amin? Baka naman tumalbog ito,” tanong ni Aling Nida habang nagdududang tinitingnan ang tsekeng iniabot sa kanya.

 “Hindi po bola iyan, hindi po tatalbog iyan,” mabilis na sagot ni George, na para bang iyon na ang pinakamatibay niyang depensa.

 “Sigurado ka ba?” usisa pa ng matanda.

 “Wala po ba kayong tiwala sa akin, Aling Nida? Kailan ko ba kayo tinakbuhan?” tanong ni George, kunwa'y nasaktan sa kawalan nito ng tiwala.

 “Araw-araw kang tumatakbo rito, George, at laging may humahabol sa'yo,” natatawang sagot ni Aling Nida.

 Napailing si George bago nagkibit-balikat.

 “Ibang usapan naman po iyon. Literal na takbo po iyon, eh. Pero huwag po kayong mag-alala. Simula sa araw na ito, hindi ninyo na ako makikitang tumatakbo rito.”

 “Bakit? Nanalo ka ba sa lotto kaya lahat ng utang mo rito ay binayaran mo na at may interes pa?” tanong ni Aling Nida, halatang nais malaman kung saan nanggaling ang biglaang pagbabago sa buhay ni George.

 Napatingin si George kay Wave bago ngumiti nang makahulugan. Hindi niya kailangang sabihin nang diretso ang lahat; sapat nang may kaunting palaisipan para mas masaya.

 “Parang ganoon po siguro. Baka ito na po ang katuparan ng apelyido ko. Manalo.”

 Napailing na lamang si Wave sa sagot niya habang nagpapatuloy si George sa pagbabayad sa iba pang tindera.

 Matapos magbayad sa palengke, niyaya na ni George si Wave na bumalik sa kotse.

 “Are we done?” tanong ni Wave nang makabalik sila sa sasakyan. Isinara niya ang p***o at saka humarap kay George, naghihintay ng sagot.

 “Siyempre hindi pa. Medyo malaki-laki ang isa sa mga babayaran ko,” sagot ni George habang inaayos ang pagkakaupo.

 “How much?” tanong niya.

 “Hindi mo nga pala problema kung gaano kalaki. Basta kasya sa tseke ang halaga. Five hundred thousand ang utang ko sa mga mokong na humahabol sa akin,” sagot ni George na para bang limang daang piso lang ang binanggit niya.

 “What?” Napalingon si Wave sa kanya, hindi maitago ang pagkagulat.

 “Oh, bakit nagulat ka? Hindi na ba kasya ang laman nito?” tanong ni George habang ipinapakita ang tseke. Itinaas pa niya iyon nang bahagya, na para bang gusto niyang tiyaking nakikita ni Wave ang pambayad nilang dalawa.

 “No. That's not the problem. Nagulat lang ako na nagkaroon ka ng ganoon kalaking utang sa mga iyon. Pusher ka ba? Itinakbo mo ba ang pinagbentahan ng bawal na gamot? Hindi ko akalaing aabot ka sa puntong ganoon,” sunod-sunod na tanong ni Wave. Halatang hindi niya maiugnay ang babaeng katabi niya sa ganitong kalaking utang.

 “Gagi! Hindi ako adik!” mariing tutol ni George. Napalingon siya rito na para bang isang malaking insulto ang ibinato sa kanya. “Wala akong planong pumasok sa ilegal na gawain kahit marami akong utang.”

 “Kung hindi ka sangkot sa ilegal, paano ka nagkautang ng ganoon kalaki?” tanong ni Wave. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang halagang narinig.

 “Gusto mo ng backstory bago mo bayaran ang utang ko?” alok ni George, sabay taas ng kilay.

 Tumingin sa kanya si Wave bago sumagot.

 “It's not that I want to know more about you. I'm just curious about your huge debt.”

 “Ah, ganoon ba?” Bahagyang tumango si George at nagkibit-balikat. “Iyon lang pala concern mo, eh, di sige.”

 Sandali siyang natahimik bago nagsimulang magkuwento. Nawala ang bahagyang ngiti sa kanyang labi habang inaalala ang mga pangyayaring nagtulak sa kanya sa pagkakautang.

 “Naloko ako ng scammer. Dahil sa kagustuhan kong makaahon sa hirap, ginusto kong umalis sa lugar namin sa tabing-dagat. Noong may nag-alok na dadalhin kami sa abroad, sinunggaban ko. Hiningan kami ng placement f*e na one hundred fifty thousand. Eh, di ako namang ulaga at walang alam sa proseso, naghanap ng paraan para makakuha ng ganoon kalaking halaga. Tinulungan ako ng mga magulang ko para maisanla ang bahay namin, kaya lang ayun! Pagkakuha ng pera ng scammer, naging parang bula siyang naglaho.”

 Tahimik na nakinig si Wave. Hindi niya inasahang ang isang malaking utang ay nagsimula sa pangarap lamang na magkaroon ng mas magandang buhay.

 “And then?” tanong niya, hinihintay ang pagpapatuloy ni George.

 “Siyempre, hindi ako nakaalis. Natangay ang pera, tumubo ang inutang namin nang halos triple.” Napabuntong-hininga si George bago nagpatuloy. “Namatay pa ang kapatid kong may sakit, tapos dahil sa stress, sumunod si Nanay. Si Tatay naman, hindi rin kinaya ang pagkawala ni Nanay. Naaksidente sa sobrang kalasingan. Saan naman ako kukuha ng panglibing sa kanila? Siyempre, uutangin ko rin iyon, at ang utang may interes na nanganganak ng isa pang interes.”

 Natahimik si Wave. Sa pagkakataong iyon, wala siyang agad na naisagot. Ang dating usapan tungkol sa malaking utang ay naging kuwento na pala ng sunod-sunod na pagkawala at problemang kinailangang harapin ni George.

 “At doon sa mga humahabol sa'yo ka nagkautang ng ganoon kalaki?” tanong niya pagkaraan ng ilang sandali.

 “Oo. Lending company sila, pero mas matatawag mong loan sharks. Talagang ngangatngatin ka nila nang buhay kapag hindi ka nakabayad,” sagot ni George. Sinubukan niyang gawing magaan ang tono, pero malinaw na hindi biro ang naging karanasan niya sa mga ito.

 Habang nagmamaneho si Wave, luminga-linga si George sa paligid upang hanapin ang lugar na kanilang pupuntahan. Nang makita niya ang hinahanap, agad siyang nag-utos.

 “Andito na tayo. Ipara mo!”

 Agad namang itinigil ni Wave ang kotse. Pinagmasdan niya si George habang mabilis itong bumababa at pumapasok sa isang building na may mga lalaking nakatambay sa labas. Malalaki ang mga katawan ng mga ito, parang mga bouncer sa club.

 Sinalubong si George ng mga lalaki. Wala namang takot sa mukha niya. Taas-noo pa niyang ipinakita ang tseke matapos sabihing, “Nandito ako para magbayad.”

 Pinapasok siya ng mga ito. Sinamahan siya ng isa sa mga lalaki patungo sa itaas na bahagi ng building, kung saan naroon ang may-ari ng lending company na si Menandro.

 Diretsong nakatingin si Menandro kay George. Hindi man lang siya ngumiti o nagpakita ng kahit kaunting pagkagiliw sa bisita. Ngunit hindi natakot ang babae. Sinalubong ni George ang tingin nito bago ngumiti, na para bang napunta lamang siya roon upang makipagkuwentuhan.

 “Boss, magbabayad na ako,” sabi niya habang muling ipinapakita ang tseke.

 Tumaas ang kilay ni Menandro nang makita ang hawak niya.

 “Sa tingin mo, tumatanggap ako niyan?” tanong nito, malamig ang tinig.

 “Bakit? Hindi ka ba pamilyar sa tseke?” tanong ni George. Lumapit siya at umupo sa silyang nasa harap ng mesa nito na para bang nasa sarili lamang siyang bahay. “Ginagamit ito ng mga mayayaman. Mayaman ka, kaya siguradong alam mo iyon.”

 “Sa tingin mo, mag-aabala akong magpakita ng ID sa bangko, Georgina Manalo?” matigas na tanong ni Menandro. Halatang hindi nito nagustuhan ang tono ng babae.

 Sa halip na umurong, ngumiti lamang si George.

 “Oo nga pala, marami kang illegal na gawain, kaya hindi puwedeng makilala ka ng basta-basta at baka makulong ka pa dahil sa tseke ko.”

 “Iniinsulto mo ba ako o magbabayad ka ng utang mo?” tanong ni Menandro, na lalong tumigas ang mukha.

 Tumingin si Menandro sa mga lalaking nakatayo sa likuran ni George. Agad na kumilos ang mga ito at naglakad papalapit sa babae. Nang mapansing malapit na silang humarang sa kanya, itinaas ni George ang dalawang kamay na tila sumusuko.

 “Wait! Kalma lang!” mabilis niyang sambit. “Magbabayad na nga ako, nagagalit ka pa. Ano bang gusto mong bayad kung ayaw mo nito?”

 Kinuha ni Menandro ang isang malaking bag sa tabi niya at inilapag iyon sa harap ni George. Binuksan niya ang bag upang ipakita ang laman nitong punong-puno ng pera.

 Nanlaki ang mga mata ni George. Saglit siyang natigilan bago muling tumingin sa bag, na para bang tinitiyak kung totoo ba ang nakikita niya.

 “Ganyan lang ang tinatanggap ko. Hindi kapirasong papel na kung saan mo lang napulot,” mariing sabi ni Menandro.

 “Ah!” Patango-tango si George habang nakatingin pa rin sa bag na puno ng pera. “Kaya pala hindi mo na kailangang pumunta ng bangko. Parang bangko na rin itong teritoryo mo.”

 “Buti alam mo, kaya umalis ka na at dalhin mo iyang tseke mo,” utos ni Menandro, sabay kumpas ng kamay na para bang wala nang dapat pang pag-usapan.

 “Pero paano ako magbabayad kung ayaw mong tanggapin ang tseke ko?” tanong ni George. Bahagya siyang yumuko, kunwa'y nag-iisip ng solusyon sa problemang siya rin naman ang gustong lutasin.

 “Hindi ko na problema iyon. Ang kailangan ko ay full payment mo!”

 “Sige!” Tumayo si George at inayos ang damit niya. “Aalis ako, pero tandaan mo, pagbalik ko... wala na akong utang sa'yo!”

 Hindi na hinintay ni George ang sagot ni Menandro. Tinalikuran niya ito at dire-diretsong lumabas ng building patungo sa kotse kung nasaan si Wave.

 Pagkapasok niya sa loob, hinagis niya ang tseke kay Wave. Nakakunot ang noo niya at nakahalukipkip, na para bang ang tseke pa ang may kasalanan sa nangyari.

 “Wala palang silbi ang tseke mo sa mga gagong iyon! Palibhasa, hindi alam kung paano magbayad ng utang ang mga sosyal,” reklamo niya, halatang dismayadong-dismayado dahil hindi siya nakapagbayad ng utang.

 “Why? What happened?” tanong ni Wave habang sinusulyapan siya.

 “Tinatanong mo pa? Kapirasong papel lang daw iyan. Ang gusto nila ay nasa loob ng bag ang maraming pera. Yung totoong pera!” sagot ni George, sabay kumpas ng kamay na para bang gusto niyang ipakita ang laki ng bag na nakita niya.

 “Ah, they want you to pay them with cold cash,” sabi ni Wave, na tila ngayon lamang niya lubusang naunawaan ang problema.

 “Oo. Kahit gaano pa kalamig iyon, basta bayaran ko raw sila.” Lumingon si George sa kanya at itinuro ang tseke. “Kaya kung balak mong bayaran ang utang ko para matuloy ang kasal natin, kailangang maglabas ka ng cash... ngayon na!”

 Napanganga si Wave habang nakatingin kay George. Hindi dahil wala siyang mailalabas na perang hinihingi nito, kundi dahil ngayon pa lang niya unti-unting napagtatanto na ngayon lang niya talaga nakikilala ang babaeng pinili niyang pakasalan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • All of My Debt   Chapter 12

    Tiningnan ni Wave si George, na nakapamewang at balot pa rin ng tuwalya ang katawang basang-basa dahil sa maling paggamit ng bidet.  “Aba! Baka tumanda na ako, hindi pa ako nakakabayad sa’yo?” reklamo ni George.  “There’s no problem if you grow old with me,” bulong ni Wave, sabay ngiti.  “Ano kamo? Hindi ko narinig.”  Agad na nagbago ang ekspresyon ni Wave. Mabilis niyang itinago ang ngiti bago muling humarap kay George.  “Sabi ko, ayoko ring tumanda kasama ka. Masakit sa ulo. Ang dami mong reklamo.”  Naglakad na siya palabas ng kuwarto.  “Aba! Gusto mong manahimik lang ako at tumambak ang utang ko sa’yo?” pahabol na tanong ni George.  Muli siyang lumingon dito.  “Just change your clothes. I’ll wait for you outside.”  Isinara na niya ang pinto, iniwan si George na nakasimangot habang nakatingin sa hawak na damit.  Hindi nagtagal ang paghihintay ni Wave dahil agad ding lumabas si George matapos magbihis. Mula ulo hanggang paa, pinagmasdan niya ito at napangiti nang mapansing

  • All of My Debt   Chapter 11

      Pagkatapos ayusin ni George ang naging aberya sa mga tsekeng ibinayad niya sa palengke, dumiretso na sila ni Wave sa bahay nito.  Napanganga si George nang tumapat ang kotse sa isang malaking gate na kusang bumukas para papasukin sila. Idiniretso ni Wave ang kotse papunta sa garahe.  “Hanep! Bakit ganoon ’yung gate mo? Wala namang nagbubukas pero kusang bumukas?”  “May sensor ang gate. Nade-detect nito kapag papasok o lalabas na ang kotse ko.”  “Ha? Kilala niya ang kotse mo?” Lalo siyang namangha. “Ang galing naman! May nametag ba ang kotse mo?”  Napatingin si Wave kay George bago bahagyang umiling.  “George, walang nametag. Naka-program lang talaga ang mga gamit ko dito. Makikita mo mamaya.”  “Ibig sabihin, hindi lang iyong gate ang nakamamangha?” tanong niya.  Hindi sumagot si Wave. Sa halip, pinagbuksan niya si George ng pinto ng kotse.  Pagkalabas ni George, hindi pa man siya nakakahakbang ay napatingin na siya sa paligid. Tumambad sa kanya ang malawak na hardin na puno

  • All of My Debt   Chapter 10

      Nagpunta pa sina George at Wave sa ilang boutique para mamili ng mga kailangan niya. Kahit napakarami niyang reklamo bago nila matapos ang pamimili, hindi naman nagpapatinag si Wave.  Nakarating na sila sa kotse, ngunit panay pa rin ang reklamo ni George habang nakatingin sa backseat. Sinubukan niyang ayusin ang mga pinamili nila, pero tila lalo lamang sumikip ang espasyo dahil sa dami ng mga paper bag.  “Tingnan mo ang ginawa mo, sobrang sikip na tapos may hawak pa ako dito?” reklamo niya habang nakakandong sa kaniya ang isang paper bag na may lamang mga makeup kit. “Hindi ko naman kailangang magpintura ng mukha tapos binilhan mo pa ako ng ganito.”  “You have to be presentable, George. Hindi puwedeng haharap ka sa mga tao na ganyan ang itsura mo.”  Napalingon siya kay Wave at tinaasan ito ng kilay.  “Anong problema sa itsura ko e maganda naman ako?” Inilapit pa niya ang mukha sa binata, na ikinagulat nito. Muntik nang magtama ang mga mukha nila sa sobrang lapit. Si George rin

  • All of My Debt   Chapter 9

    Matapos kumain ay naglakad-lakad pa sila sa mall. Habang nakamasid sa nangingintab na sahig, napansin ni George ang suot niyang tsinelas. Hindi naman marumi, pero luma na.  Napatingin siya sa salamin na nasa gilid ng mall. Ngayon lang niya napansing hindi bagay ang magandang damit sa suot niyang tsinelas. Sa pagmamadali kasing makakain ay damit lang ang ibinili sa kanya ni Wave.  "Let me buy you some nice shoes," ani Wave, na nakita niyang nakatingin sa kanya mula sa repleksiyon ng salamin.  "Anong some? Isang pares lang ang kailangan ko. Yung bagay lang dito sa suot ko. Teka, sa tingin mo, bagay ang rubber shoes na iyon dito?" Itinuro niya ang puting rubber shoes na nakita niya sa estante ng isang boutique.  "Dress ang suot mo, tapos papartner-an mo ng rubber shoes?"  "Bakit, hindi ba puwede? May napanood ako noon sa cellphone ni Natoy. Naka-wedding dress, tapos naka-rubber shoes. Kumakanta pa nga, parang rakista ang itsura."  "Excited ka na bang magsuot ng wedding dress

  • All of My Debt   Chapter 8

    "Where do we go now?" tanong ni Wave nang makaupo na siya sa driver's seat, katabi si George sa passenger's seat. Hindi nawawala ang malapad na ngiti sa labi nito."Dahil may pera na ako, kailangan ko munang mag-grocery.""But you don't have to. I have everything you need in my house.""Sinong may sabing uuwi agad ako sa inyo? Hindi pa tayo kasal, eh.""But you can't stay in your apartment while we make the preparations.""Bakit naman hindi? Eh, may pambayad na ako ng renta? Ikaw pa nga ang nagbigay, o." Ipinakita pa niya kay Wave ang perang hawak niya."You can pay the remaining balance you owe your landlady, and then we can proceed to my house.""Diretso na sa inyo? Hindi na ako maggo-grocery?" Napalingon siya kay Wave. "Alam mo bang ang sardinas na dapat kakainin ko kaninang tanghalian ay naibigay ko pa sa batang nagtitinda ng sampaguita sa labas ng tindahan? Gutom na gutom na ako. Mula nang dumating ka kanina sa bahay, nakalimutan ko nang kumain."Saka lang naalala ni Wave na pagk

  • All of My Debt   Chapter 7

    Chapter 7 Tumaas ang kilay ni George nang makita ang naging reaksiyon ni Wave. Sandali niya itong pinagmasdan bago bahagyang sumandal sa upuan. “Bakit nagulat ka na naman? Wala ka ba talagang cash na tinatago diyan?” Napalingon si Wave sa kanya bago muling tumingin sa labas ng kotse. “Mayroon akong cash, pero nasa bangko. Hindi ako nagdadala ng ₱500,000 na cash sa loob ng kotse ko.” Bahagyang tumango si George bago sumandal sa upuan. Napatingin siya sa labas ng kotse, kung saan naroon ang mga tauhan ni Menandro. Hindi niya alam kung paano sila makalalabas doon nang ligtas kung wala silang maibabayad. “May point ka. Nakakatakot naman talagang magdala ng ganoon kalaking pera. Baka ma-holdap ka pa.” Humarap siya kay Wave at bahagyang kumunot ang noo. “Kaya lang, paano natin babayaran si Menandro nang buhay tayong makakalabas dito?” Sumilip si Wave sa labas. Nakatingin ang mga goons sa kotse niya, mukhang nagbabantay at may hinihintay. Maya-maya pa, kumatok sa bintana si Celso, isa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status