Nakangiting sinalubong ang mag – anak na Arqueza nina Tito Louie at Tita Jean. Bakas sa mukha ng mag – asawa ang tuwa nang makita sila. Kahit naman magkakanayon ay hindi sila madalas magkita sapagkat mga abala sa kani – kanilang hanapbuhay.
“Happy Anniversary mare, pare!”
“Salamat at nakarating kayo. Kung hindi ay talagang magtatampo naman ako. “ sabay tapik ni Tito Louie sa balikat ni Mang Dhaniel.
“Maari ba namang hindi? Baka naman kayo ay magalit pag hindi kami dumalo” biro naman ni Aling Minerva.
“Athena, hija, maaari mo nang samahan ang mga kaibigan mo. Nasa veranda sila.” Sabay turo ni Tita Jean sa magkakaibigan. Mukhang siya na nga lamang ang kulang.
Maingay ang buong kapaligiran sanhi ng musikang nagmumula sa naglalakihang sound system na sa halip na parentahan ay libre na rin bilang regalo sa mag – asawa ng mga magulang ni Jerson na siyang may – ari ng Qs Lights and Sounds.
Agad siyang nagtungo sa veranda kung saan naroroon ang mga kaibigan nya.
“Athena, good to see you here.” ani Siony Mae ang nakatatandang kapatid ni Mhelrose. Isa itong receptionist sa Plaza Hotel sa bayan. Kagaya ni Mhelrose, magiliw din ito at masayahin. Bagay na gustong gusto niya sa kaibigan.
“Of course ate Siony. I wouldn’t miss Tita and Titos Anniversary. Baka po di na nila ako pansinin pag inindyan ko sila.” Nakangiting sagot ni Athena.
Napangiti naman ang dalaga sa kaniyang sinabi. “O siya paano, maiwan na kita. Aasikasuhin ko lang muna ang mga katrabaho ko.”
"Sige po ate."
“Hey”
Napalingon ang lahat nang batiin ni Enzo si Athena. Kasalukuyan silang nakapaikot sa isang mesa. Mukhang nakatapos nang kumain ang mga kaibigan base sa mga nakikitang left overs sa pinggan ng mga ito. Hinihimas himas pa ni Jim ang kanyang tiyan sa kabusugan.
“Katatapos lang naming kumain. Sorry ha nauna na kami sa gutom namin eh.” Paliwanag ni Karren na waring nahulaan ang nasa isip niya.
“Gusto mo bang samahan kita sa pagkuha sa buffet table Best?” tanong ni Miles sa kanya.
"Sige Best, thanks.”
Agad na tumayo si Miles sa kinauupuan niya upang samahan siya. May ilan din na nauna sa kanya sa pila kung kaya't natagalan siya sa pagkuha ng pagkain. Pagbalik nila ay inihahanda na ni Jerson ang mga materials na gagamitin sa laro nilang Truth or Dare.
Nang makatapos kumain ni Athena ay sinimulan nang linisin ang mesa nila ng grupo. Excited na silang maglaro ng Truth or Dare. Hinintay lang talaga nila si Athena upang kumpleto sila. Minsan lang sila makumpleto kaya talagang susulitin na nila ang kasiyahan.
"Dating gawi." nakangiting sabi ni Jerson. Ang parusa sa hindi makagagawa ng consequence at hindi makasasagot sa tanong ay papahiran ng lipstick sa mukha.
"Pass." hindi interesadong wika ni Karren.
"Ako din." sabi naman ni Melai.
Sina Karren lang at Mhelai ang hindi sumali sa laro sapagkat busy si Karren sa paglalaro ng ML as usual at wala naman sa mood si Mhelai.
Isa isa silang pinakuha ni Mhelrose ng stick mula sa bote matapos nitong alisin ang dalawang piraso na para sana kina Karren at Mhelai. Nang matapos ang bunutan ay nakahinga siya ng maluwag sapagkat mahaba ang kanyang stick. Nahulaan niyang si Jigs ang nakakuha ng pinakamaikling stick base sa pagsimangot nito.
“Truth or Dare?” tanong ni Jerson.
“Dare na lang..” binabanas na sagot ni Jigs.
Ngumisi si Jerson. Sabay tingin nang makahulugan kay Eden.
“Isayaw mo si Eden ngayon sa loob ng 5 minutes.”
Jigs looked tense. Alanganing tumingin ito sa direksiyon ni Eden. Saka masamang tinignan si Jerson.
“Jerson naman!” namumulang wika ni Eden.
Kumibit balikat si Jerson. “Common Eden. Be a good sport.” Lahat ay sumang – ayon sa sinabi ni Jerson kaya wala nang nagawa si Eden nang lumapit sa kanya si Jigs at ilahad ang kamay sa kanya.
"Okay fine!" naiinis na sabi nito.
Pagkalipas ng 5 minuto ay wariy pigil ang hiningang bumalik ang dalawa sa puwesto.
Nagkatinginan ang lahat. Maya maya pa ay muling sinukat ng magkakaibigan ang stick. Si Enzo ang sunod na pinakamaliit ang stick.
Makahulugang sumulyap si Jerson kay Athena.
“Truth or Dare?”
“Truth..” mabilis na sagot ni Enzo. Ipinangako niyang hindi siya pipili ng Dare kapag si Jerson ang mag – uutos. Puro kalokohan lang sigurado ang ipagagawa.
“Kung sakali ba, may plano ka bang ligawan si Athena?”
Nanlaki ang mata ni Athena sa narinig. Ano bang pumasok sa tuktok ng luko – lukong si Jerson? Sabagay kababanggit lang niya di ba.. luko – luko.
Sumulyap muna si Enzo sa direksiyon ni Athena bago seryosong sumagot sa tanong. “Why not? She’s adorable, don’t you think? Who knows doon pala talaga ang punta namin.”
Halos matunaw sa puwesto si Athena nang sabay-sabay na lumingon ang mga nakangiting kaibigan sa kanya. Natapos ang laro na halos di na niya namamalayan.
OMG!!!!!!
*****************
Napa inhale – exhale si Athena nang marinig mula sa kanilang adviser na siya ang kandidata bilang Ms. CAS (College of Arts and Sciences) na ilalaban sa iba pang kandidata mula sa ibang Department.
“Is there a problem, Ms. Arqueza?” tanong ni Mrs. De Joya nang mapansin ang kanyang reaksiyon habang nakatuon sa kanya ang mga mata nito maging ng mga kaklase.
“Eh Maam, hindi ko po yata magagampanan iyan. Sigurado po na marami din kaming gagawin ng mga SSG Officers. Hindi po ba puwedeng iba na lang” alanganing sagot ni Athena. Hindi naman sa umaaywa siya. Ngunit batid niyang marami namang maaring kandidata sa departamento nila. Kagaya na lang ni Miles. Sanay na rin itong rumampa sapagkat mula pa elementarya ay nagiging muse na din ito. Ayaw lamang niyang magbigay ng pangalan na maaring pagpilian ng guro at baka magalit ang mga ito sa kanya. Hindi rin naman niya ugaling magpin point ng iba upang mailiwas lang sa kanya ang gawain.
“We’ll do something about that. We’ll make some arrangements. Si Martin De Villa III from AB PolSci naman ang Mr. CAS Huwag ka nang mag – alala. May mga gaganap na sa mga dapat ninyong gawin sa Foundation Week.” Nakangiting sagot ng guro. “Anything else?”
Natitigilang napailing na lang siya.
“Anyway, we’re all here to help you.” Sabay tapik sa kanyang balikat ng guro. Tumalikod na ito upang magsimula ng klase sa Literature.
“Go Athena, you can do it” nakangiting sabi ng katabi niyang si Miles.
Tumango siya sa kaibigan at napalingon sa labas nang maiingay na dumaan ang mga AB Polsci students. Marahil ay nakatapos na ang mga ito sa isang subject at lilipat sa sunod nilang Professor. Siyang pagdaan naman ni Martin. Tumigil ito saglit at wari’y may hinahanap ang mata. Napangiti ito at lumabas ang dalawang malalalim na biloy sa pisngi nang makita siya. Kumaway ito gamit ang kamay na may hawak na notebook bago mabilis na hinila ng kasama nitong si Carlito.
Alam na kaya nito? Hays! Bahala na si Batman lagot naman si Robin.
****************************************
Hangos na lumapit sina Athena at Miles sa grupo ng mga kandidato at kandidata ng Mr. & Ms. Foundation. Napahaba kasi ang lecture ni Mr. Malveda kung kaya’t kinailangan nilang magmadali sa pagpunta sa Gymnasium. May kalayuan din naman ang Gymnasium mula sa CAS Building.
May isang linggo ding nawala si Mr. Malveda sapagkat nagkasakit ito at kinailangang magsick leave. Hinahabol nito ang ilang mga lessons hindi nito naituro gawa ng pagkakasakit upang macover ang nasa syllabus nito.
Mula sa left side ng stage ay nakita niya ang magkakaibigang Martin, Gibson, Ezequiel at Carlito. Itinaas ni Martin ang kanyang kamay upang marahil ay mapansin niya. Awtomatikong napangiti naman siya sa kaibigan.
Binunggo nang bahagya ni Miles ang balikat ni Athena. Kunot noong napalingon siya sa kaibigan.
“Iniintay ka na ng prince charming. Ayieeee.. sana all!” nanunudyong tingin ni Miles sa kanya.
“Anong sinasabi mo dyan? Gumana na naman yang imahinasyon mo.”
“Is it just my imagination o talagang manhid ka lang friend?” tanong nito sa kanya. Naiiling na lang siya sa kaibigan.
Maya maya pa ay nagpaalam na ito sa kanya na maghihintay na lang sa ibabang bahagi ng bleachers sa kanilang mga kaibigan mula CTE Building.
“Nagsimula na ba?” tanong niya kay Martin nang halos sabay silang nakarating sa puwesto ng mga kandidata sa harap ng stage. Napansin niya si Ms. Sheena Gomez na may kausap na marahil ang siyang magiging choreographer nila.
Si Ms. Gomez ang professor nila sa Humanities at siyang Teacher – in – Charge para sa Mr. and Ms. Foundation na isa lamang bahagi ng nasabing event. Palibhasa ay bata pa at dalaga pa kung kaya’t nasasakyan nito ang mga millennials.
“Hindi pa. Hinihintay pa rin ni Ms. Gomez ang mga kandidata mula sa ibang Department.” Sabay abot sa kanya ni Martin ng isang bottled mineral water.
“Thanks.” Aniya nang kuhanin mula rito ang mineral water. Pasalampak silang umupo sa tabing bahagi ng stage. Binuksan naman nito ang hawak na bottle mineral water saka uminom hanggang sa mangalahati ang tubig.
Napansin niya ang panaka – nakang sulyap ng ilang mga kababaihan sa katabi niyang si Martin. She can’t blame them though. He’s definitely a good catch. Wari’y hindi naman iyon pansin ni Martin sapagkat busy na ito sa pagtipa sa screen ng cellphone nito. O marahil ay sanay na ito sa atensiyong nakukuha nito mula sa mga kabaro niya. Campus crush naman kasi talaga ito. Pinagkakaguluhan ng mga babae hindi lang sa CAS Department kundi sa buong campus.
“Okay guys..” maya maya pa ay pagtawag sa kanila ni Ms. Gomez sabay palakpak ng mga kamay. Isa isang silang mabilis na nagsilapitan sa kanilang guro at choreographer.
“Since kumpleto na tayo ay magsisimula na tayo sa pag eensayo.” wika nito. “And I would like you to meet Sweet Kim, ang aking gay friend at magiging choreographer ninyo for the entire rehearsal.”
“Hello po!” halos sabay – sabay na pagbati ng mga kalahok.
“Hello!” matinis na boses naman nitong sagot. Napakagandang gay naman nito. Mapapagkamalan mong tunay na babae sa hitsura at bihis nito. Ibinigay nito ang mga rules na dapat nilang sundin. Mga do’s and don’ts nila habang tinuturuan sila nito. Pagkatapos ng mga 10 minutes orientation ay nagsimula na sila ng rehearsal. Halos di na rin nila namalayan ang paglipas ng oras. Natapos ang rehearsal sa ganap na 5:30 ng hapon.
“O paano, see you tomorrow guys! Thanks sa inyo.” Pagdidismiss sa kanila ni Ms. Gomez.
“Bye for now. See you all tom. Walang liliban sa inyo.” Bilin naman ni Sweet Kim.
“Opo.”
"Okay po."
“Sige po”
“Thanks po”
Sabay – sabay nilang tugon bago muling daluhan ang kanilang mga gamit na nakasalampak sa sahig ng stage.
“Hapon na, mahirap sumakay ngayon at rush hour. Hatid na kita sa inyo Jewel.” Pagpiprisinta ni Martin.
“Thanks sa offer mo Martin pero ma a out of the way ka pa. Maybe some other time na lang.” aniyang natanaw na ang mga kaibigan sa bleachers. “Naghihintay na rin naman mga kaibigan ko eh. Tsaka may dalang sasakyan si Bing. Sa kanila na lang ako sasabay. Thanks ulit.”
“Sige, ingat na lang. Bye!”
“Bye Martin. See you tomorrow.”
“We better go. Manonood pa ako ng paborito kong teleserye. Baka di ko na maabutan.” ani Bing sa kanila. Sa kanilang magkakaibigan ito talaga ang palagi nang pandalas sa lahat ng bagay. Akala mo ay palaging may hinahabol. Ito din ang pinakamaingay at pinakamalakas ang boses. Boyish kumbaga.
Dahil sa matinding traffic ay medyo natagalan bago sila nakauwi. Palibhasa ay wala siyang data, hindi agad siya nakapagcheck ng messages sa kanyang email at chatbox.
Ganap na ika 7 na ng gabi nang makarating siya sa kanilang tahanan. As usual nadatnan niya ang kanyang ina sa harap ng laptop. Busy na naman sa kung anu-ano. Habang ang kanyang ama naman ay nanonood ng panghapong balita.
“Good evening po Ma, Pa.” nag – angat ng ulo ang kanyang ina mula sa pagkakatunghay sa laptop at lumingon naman sa kanya ang ama. Maagap siyang nagmano sa kanyang ina at ama.
“Magpalit ka na agad anak ng damit nang hindi ka matuyuan ng pawis.” Bilin ng ina na ibinalik ang pansin sa ginagawa. "Bumaba ka na lang mamaya at kakain na tayo."
“Sige po. Aakyat na po ako.”
Pagkarating sa kanyang silid ay agad na binuksan ni Athena ang kanyang laptop. Chineck nya kung may mga unread messages sa kanyang email ganun din sa chatbox ng kanyang F* Account. Dismayadong naupo siya sa kanyang kama nang wala ni isa man lang na message kay Enzo.
‘Missing you Enzo’
***********
Tahimik ang silid. Tanging mahina at tuluy-tuloy na ugong ng electric fan ang maririnig. Nasa kama si Athena, nakahiga habang nakatitig sa kisame. Madilim ang paligid, tanging ilaw mula sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa sulok ng kanyang silid.
Hindi pa rin niya maalis sa isipan ang rehearsal kanina. Ramdam pa rin niya ang init ng kamay ni Martin nang igabay siya nito sa bawat hakbang ng sayaw. Wala mang salitang lumabas sa bibig nito habang nasa entablado sila, sapat na ang mga mata nitong puno ng kumpiyansa, at ang bahagyang ngiti nito tuwing nagkakamali siya, na tila sinasabi: "Okay lang, nandito ako."
Bakit parang iba ang tingin niya sa’kin ngayon?
Pinilit niyang iwasan ang tanong, ngunit mas lumalim lang ang bunton ng damdamin sa dibdib niya. Ipinikit niya ang mga mata at agad pumasok sa isip si Enzo—ang taong ilang linggo na niyang hinihintay magparamdam. Si Enzo na laging puno ng dahilan, ng “busy ako,” ng “pasensya na.”
At ngayon… si Martin na ang mas madalas niyang nakakasama. Si Martin na hindi niya kailanman hinanap, pero palaging nariyan.
Tumunog ang cellphone niya.
📩 Martin: “Thanks for today. You did well. Proud of you.”
Napangiti siya. Hindi niya inaasahan na ang simpleng mensaheng iyon ay magpapagaan ng loob niya. Hindi ito sweet, pero totoo. Hindi ito drama, pero damang-dama.
Bagaman simple ang reply niya, bawat letra ay may bigat.
📩 Athena: “Thanks. You too. See you tomorrow.”
Saglit siyang tumigil. Tiningnan ang huling mensahe. Pinikit ang mga mata at muling huminga nang malalim.
Sa labas, umuulan na. Mahinang patak sa bubong, tila kasabay ng ingay sa isipan niya. Isang tanong ang patuloy na umiikot:
“Anong mas mabigat — ang pagmamahal na palaging lumalayo, o ang pagkakaibigang palaging nariyan?”
Ibinaba na niya ang telepono, ngunit bago pa man niya ito maitulak palayo, nag-ring ito—tumatawag si Martin.
Nagulat siya. Alas-otso na ng gabi. Bakit kaya?
Nag-atubili siya sagutin, pero kalaunan ay pinindot ang green button.
📞 Athena: “Hello?”
📞 Martin: “Hey... sorry, late na ‘no? Nabasa ko lang ‘yung reply mo. I... just wanted to hear your voice. Kung okay ka lang. You seemed a bit off before we ended rehearsal.”
Napalunok si Athena. Hindi niya inasahan iyon—ang tanong, ang pag-aalala, ang pagiging sensitive ni Martin sa simpleng pagbabago ng kilos niya.
📞 Athena: “Okay lang naman ako. Siguro pagod lang talaga.”
📞 Martin: “Yeah. Pero alam mo ‘yon... ‘yung mga mata mo, hindi napapagod. Pero kanina, parang may dala. May iniisip.”
Sandaling katahimikan. Tumitig si Athena sa kisame, pero ngayon, parang nabigyan ng larawan ang mga iniisip niya—larawan ng isang lalaking biglang naging mas malapit kaysa sa inaasahan.
📞 Athena: “Martin…”
📞 Martin: “Hindi ko kailangan malaman lahat, Athena. Gusto ko lang na kung mabigat man ‘yung gabi mo, kahit sandali, gumaan dahil alam mong may isang taong iniisip ka.”
Natahimik si Athena. Ramdam niya ang pag-init ng kanyang mga mata. Hindi siya umiiyak, pero tila may gustong pumatak.
📞 Athena: “Salamat. Hindi mo alam kung gaano kahalaga ‘yang sinabi mo ngayon.”
📞 Martin: “I meant every word.”
Bumuntong-hininga si Athena, isang malalim na hininga na parang may bitbit na damdaming hindi pa niya kayang tukuyin.
📞 Athena: “Good night, Martin.”
📞 Martin: “Kung may kailangan ka, magsabi ka lang ha. Good night, Athena. Sweet dreams.”
Binaba niya ang tawag. Nanatiling tahimik ang paligid, pero hindi na iyon ang parehong katahimikan tulad kanina.
Dati, ang katahimikan ay tanong. Ngayon, tila sagot.
******
Mainit ang araw, pero masarap ang simoy ng hangin. Nasa ilalim ng malaking punong acacia sina Athena at Enzo, pareho silang nakaupo sa damuhan, nakasandal sa puno. Nasa harapan nila ang bukas na notebook ni Athena, pero halatang hindi iyon ang pokus ng usapan.
Tahimik. Pero hindi nakakailang. Isang tahimik na puno ng damdamin—doon sanay si Athena kapag kasama si Enzo.
“Alam mo ba kung anong una kong napansin sa’yo noon?” anang mahinang tinig ni Enzo.“Maliban sa buhok kong palaging magulo? Hindi ko alam, baka boses ko?” nakangiting pasimpleng tumingin si Athena kay Enzo.
Bahagyang natawa si Enzo. “Hindi. Mga mata mo. Lagi kang parang may laman na kwento. Laging may iniisip. Laging malalim. Kaya gusto ko ‘yung mga katahimikan natin—kasi kahit hindi ka nagsasalita, parang naiintindihan kita.”
Tumigil si Athena. Tiningnan niya ang paligid. May malamig na simoy ng hangin na humaplos sa kanyang pisngi. Sa dami ng narinig niyang papuri noon, ito ang tumama. Sapul. Dahil iyon ang totoo—hindi siya madaling basahin. Pero sa harap ni Enzo, pakiramdam niya, wala siyang dapat itago.
“Naalala mo noong tinanong mo ko kung saan ko gustong mapunta after college?” tanong ni Athena.
Tumango si Enzo. “Ang sagot mo: ‘Kahit saan… basta hindi ako nag-iisa.’”Mahinang tumawa si Athena. “Tapos ang sabi mo, ‘Ako ang bahala diyan.’”
Matiim na tumingin si Enzo at seryosong sumagot sa kanya. “At hindi ko ‘yon bawiin. Kahit kailan.”
Tumahimik si Athena. Naramdaman niya ang init ng kamay ni Enzo habang dumampi ito sa kanya. Hindi ito romantic na hawak, kundi isang tahimik na pangako. Isa iyong pagkumpirma na kahit saan man sila mapunta, hindi siya iiwan.
“Pag ako naging architect, gagawa ako ng bahay na may secret rooftop para lang sa'yo. Para dun tayo tatambay after work.” ani Enzo.
Napangiti si Athena sa tinuran ni Enzo. “Wow ah, may career plan na, may love life pa.”
“Siyempre. Kasama ka sa plano ko. Lagi.”
Napatingin si Athena sa kanya. Hindi biro ang tingin ni Enzo—puno ng pangako. Ng mga salitang hindi basta-basta binibitawan. “Paano kung hindi tayo pareho ng path balang araw?”
Lumapit nang bahagya si Enzo. “Then I’ll find ways to meet you halfway. Kahit saan ka pa mapunta.”
Umihip ang hangin, at para kay Athena, ang bawat salita ni Enzo noon ay parang sinumpaang pangako. Sa mga oras na ‘yon, siya ang mundo niya. At si Enzo, ang dahilan ng mga pangarap niyang may kulay.
******
Napabalikwas siya sa kama. Hawak pa rin ang cellphone, hindi na rin niya alam kung ilang beses niyang binalikan ang huling text ni Enzo — na mula pa apat na araw ang nakalipas.
Sa ibaba ng kanyang phone screen, naroon pa rin ang kanyang mensahe“Last seen 3 days ago” sa chat box ni Enzo. Wala ni isang reply. Ni isang emoji. Ni isang tuldok.
Napakunot ang noo ni Martin habang nakaupo sa gilid ng sofa. Marahang ibinaba niya ang kanyang eyeglass at hindi makapaniwalang tiningnan ang suot ng anak nilang si Martheena. Darna costume. At hindi lang basta Darna—Darna na may two-piece at kapa!There goes his overprotective side again.“Why is she wearing those things?” madiing tanong nito sabay lingon sa kanyang asawa.Napailing si Athena at muntik nang mapatawa. “Why? Isn’t she lovely in that costume?” sagot nito habang pinipigil ang sariling humalakhak sa reaksyon ng asawa.“Nandoon na ako, pero hindi ba parang... kitang-kita naman katawan niya diyan? Kulang sa tela. Wala na bang iba?” balik-tanong niya, halos pabulong ngunit punong-puno ng pag-aalala.“Ha? What do you want her to wear, Bananas in Pajamas?” kantiyaw ni Athena habang tinutulungan si Martheena mag-ayos ng headband.“Athena…” napahilot sa sentido si Martin. Hindi na bago ang ganitong usapan sa kanila, lalo na’t pagdating sa mga anak, lalo na sa kanilang unica hija.
🎵 So as long as I live I’ll love you...Will have and hold you...You look so beautiful in white... 🎵You look so beautiful in white tonight.Sa mismong pagbugso ng musika, bumukas ang pintuan ng simbahan. Mula sa altar ay hindi mapigilan ni Martin ang mapalunok, habang nanatili siyang nakatayo sa gitna ng dambana. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Parang huminto ang mundo sa kanyang paligid. Ang bawat nota ng awitin ay tila ba inukit para sa sandaling ito—para sa kanila ni Athena.Humugot siya ng malalim na hininga, ngunit para bang nabawasan pa ang hangin sa kanyang dibdib nang sa wakas ay lumitaw ang kanyang bride. Nakaputi. Mala-anghel. Ang kanyang pinakamamahal. His dream walking toward him.Athena looked ethereal—serene and luminous. Her veil cascaded like silk water behind her, while her white gown hugged her form in graceful elegance. Pero higit pa sa kagandahan ng suot nito ang kinang ng mga mata ng dalaga—mata na punong-puno ng pag-ibig, pang-unawa, at tiwala. Para bang si
"Love, okay ka na ba? Let's go. Tayo na lang ang naririto. Besides, Martheena is waiting for us," mahinang wika ni Martin habang hinahaplos ang likod ni Athena. Sa likod ng kanyang tinig ay ang pagkabahala at labis na pag-unawa sa bigat na nararamdaman ng kanyang asawa.Hindi agad nakasagot si Athena. Nakatitig lamang siya sa marmol na lapida sa harapan nila, tila binabasa ang bawat letra ng pangalan ni Enzo na nakaukit doon. Kumirot ang puso niya sa alaala ng mga ngiti, tawa, at mga matang minsang naging mundo niya. Bago pa siya tuluyang lamunin ng damdamin, marahan siyang tumango.“Martheena... oo nga pala. Naghihintay ang anak natin,” mahinang bulong niya.Pero bago pa sila tuluyang tumalikod, hinawakan ni Martin ang mga palad ni Athena, saka lumapit sa mismong puntod ni Enzo. Tumigil ito sa harapan ng lapida at huminga nang malalim."Enzo," panimula ni Martin, bahagyang nanginginig ang tinig, "words are not enough para masabi ko ang pasasalamat ko. You saved my wife. You saved the
I guess I'm down, I guess I'm down, I guess I'm down… To my last cry…Tahimik ang paligid ngunit dagundong ang bawat pintig ng puso ng mga nagdadalamhati. Wala mang salita, ramdam sa hangin ang bigat ng pagkawala. Ang mga pag-iyak, mga buntong-hininga, at ang mga matang punô ng luha ay tila musika ng kapighatian sa sementeryong iyon.Hindi mo kayang patahimikin ang puso ng mga nagmamahal. Hindi mo basta-basta malilimutan ang isang taong gaya ni Enzo.You cannot put a good man down—even after his death.His memory lived on in the corners of every heart he had touched. Sa bawat ngiti ng kaibigan, sa bawat abot ng tulong, sa bawat salitang puno ng pag-unawa—Enzo had always been there.Sa loob ng buhay niya, hindi siya naging makasarili. Lagi niyang inuuna ang iba, ang kapakanan ng mga mahal niya. Kahit pa kapalit nito ay sariling ligaya. He loved selflessly. He lived sincerely.But fate, cruel and unrelenting, had its own plans. At sa gitna ng gulo, siya ang naging biktima. Hindi ng
“Aj!”Napapitlag si Athena sa narinig na tinig. Dahan-dahang umikot ang kanyang katawan at nanlaki ang mga mata sa pagkagulat—naroon si Natalie, nakatayo ilang hakbang lamang mula sa kanya, nanginginig ang mga kamay, at may baril na nakaumang sa kanya.Ang lamig ng hangin ng dapit-hapon ay biglaang napalitan ng malamig na pawis sa kanyang batok. Ang paghihintay niya sana sa jeep papuntang San Diego ay nauwi sa isang bangungot na hindi niya kailanman inasahan."N-Natalie... a-anong ibig sabihin nito?" pautal niyang tanong, nanginginig ang boses, habol ang hininga. Hindi niya maigalaw ang katawan sa takot. Parang may humigpit na gapos sa kanyang mga binti.Kaibigan niya si Natalie. Matagal na silang magkaibigan. Siya nga ang ninang ni Sabina. Noon, magka-kamay pa silang umaalalay kay Enzo sa kanyang darkest days. Pero ngayon, ang parehong mga mata ng kaibigan ay puno ng luha—at galit."Inagaw mo siya!" sigaw ni Natalie, basang-basa ng luha ang mga pisngi. "Inagaw mo siya! Homewrecker! An
All her life, she was craving for love and attention.Bata pa lang siya, ramdam na niya na hindi siya katulad ng iba. Habang ang ibang bata ay sabik sa yakap ng ina o hirit ng halik ng ama, siya—wala. Walang Mommy. Walang Daddy. Wala ring yakap. Walang halik. Ang mayroon lang ay malamig na hapunan, tahimik na gabi, at ang paulit-ulit na tanong sa sarili: "Bakit ako iniwan?"Nang mapansin ng kanyang lola ang kakaibang ikinikilos niya—biglaang lungkot, panaka-nakang pagkabaliw sa saya, matinding iyak pagkatapos ng halakhak—dinala siya sa doktor. Diagnosis: Bipolar disorder. May mood swings. May depressive episodes. May hallucinations. May impulse control issues. Pinayuhan sila ng gamot, pero sa huli, iniwan din siya ng mga magulang niya. May sarili na silang pamilya. May sarili na silang mga anak—at hindi siya kasali roon.Naulila siya nang tuluyan nang bawian ng buhay ang kanyang lola. Naiwan siya sa piling ng isang kasambahay na binabayaran lamang para "alagaan" siya. Wala siyang tot