Nag i scroll ng kanyang cellphone si Athena habang hinihintay ang kanilang professor sa PE na si Sir Aniano sa pinakaibaba ng bleachers ng Gymnasium.
Hindi niya kasama ngayon ang bestfriend na si Miles sapagkat sinumpong ito ng dysmenorrhea. Nagtext lamang ito upang ipaalam sa kanya ang pagliban at ipaubaya sa kanya ang pagsasabi sa kanilang mga professors.
Mas lalo tuloy niyang naramdaman ang pagka miss kay Enzo sa pagliban ng kanyang kaibigan. Nagbabaka sakali siya na may bagong mensahe sa kanya si Enzo. Magtatatlong linggo na rin nang huli silang nagkausap ng binata.
"Ouch!" Athena said as she got hit by a ball. Marahan niyang hinaplos haplos ang ulo niyang tinamaan ng bola.
Sa peripheral vision niya ay napansin niya ang paglapit ng ilang kalalakihan.
"Hey, are you okay?" ang nag - aalalang mukha ni Martin ang kanyang natunghayan. Naalala niya na isa rin nga pala ito sa mga basketball players ng BISU. Hinaplos nito ang parte ng ulo niya at tinignan itong mabuti."Samahan na kita sa clinic para macheck iyan ni Nurse Khai."
Pinamulahan siya ng pisngi nang mapansin ang nanunudyong tingin ng mga kasamahang players ni Martin. Grabe naman kasing maka react nitong si Martin.
"Okay lang naman ito. Wala ito." pagtanggi na lamang niya sa binata. "Hindi naman kalakasan iyon."
Nag - aalangan namang tingin sa kanya ni Martin. "Are you sure?"
"Uyyyyy.." narinig niyang sabi ng mga kasamahang players ni Martin.
"Opo, sigurado po." natanawan niya ang paparating na PE Prof niya na si Sir Aniano. "Nandiyan na rin si Sir oh.. mag start na rin kami."
"Magsabi ka lang agad ha kung anu't anuman ang maramdaman mo ha. Nandoon lang ako sa court." matiim pa itong tumingin bago atubiling iwan siya sapagkat hinila na rin ito ng mga kasamahang players.Mabilis siyang pumunta sa puwesto ng mga AB English class bago pa mauna sa kanya si Sir Aniano. Nang makaupo na sa bakanteng bleachers ay muli siyang napasulyap sa direksiyon nina Martin. Bahagyang nagulat si Athena nang magsalubong ang kanilang tingin ni Martin. Parang may kung anong pumitik sa kanyang dibdib ngunit ipinagwalang bahala na lamang niya ito. Bumalik ang kanyang kamalayan nang magsalita ang kanilang prof. Tinanguan na lamang ni Athena si Martin bago sumabay sa mga kaklase sa pagbati sa professor. Nagsimula na rin namang magpractice ang mga basketball players sa gitna ng court.
*******
Nang sumunod na araw, maagang dumating si Athena sa gym. Wala pa ang iba niyang kaklase, pero naroon na ang ilang basketball players na nagwa-warm up. Nakaupo siya sa gilid, suot ang simpleng training shirt at jogging pants. Hawak-hawak niya ang kanyang phone, muling nagbabakasakaling may mensahe mula kay Enzo.
Wala pa rin.
"Seen 3 weeks ago." Napabuntong-hininga siya.
Napatingin siya sa paligid—sa ingay ng sapatos sa sahig, sa pantay-pantay na bouncing ng bola, at sa mga sigawan ng players habang nagsasanay ng shooting drills. Doon niya natanaw si Martin. Tila abala sa pakikipag-usap sa coach, pero saglit itong lumingon. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Bahagyang ngumiti si Martin, at bago pa man siya makaiwas, lumapit na ito.
"Uy, kumusta na ulo mo kahapon?" ani Martin. May hawak pa itong bote ng tubig. Iniabot iyon sa kanya.
"Ah, okay na. Wala naman na akong nararamdaman. Salamat, ha." aniyang tinanggap ang ibinigay nitong bottled Umupo si Martin sa gilid niya. Saglit silang nanahimik habang pinapanood ang ilang kasamahan ni Martin na nagja-jumping jacks.
Napatawa si Athena. Hindi niya alam kung dahil sa biro o sa paraan ng pagkakasabi nito. “Sanay na rin siguro. Kailangan eh.”
“Hindi lahat ng bagay kailangan tiisin.” marahang tugon ni Martin na matiim na nakatingin sa kanya.
Napalingon siya. May lalim sa tinig ni Martin, pero agad din itong ngumiti na para bang binawi ang seryoso nitong tono.
“Anyway, good luck mamaya sa rehearsal niyo. Nandito lang ako kung sakaling kailangan mo ulit ng… ice pack o cheerleader.” dagdag pa nito.
Naglakad na palayo si Martin pabalik sa court, pero bago tuluyang makalayo, muling lumingon at nagtaas ng kamay. Napangiti si Athena—isang ngiting hindi niya inaasahan.
Unti-unti nang nagsidatingan ang mga kaklase ni Athena. Sumalubong siya kina Yla at Sam, ang mga kagrupo niya sa PE dance number. Wala pa rin si Miles. Nagsimula na silang mag-rehearse sa gilid habang patuloy pa rin ang ensayo ng varsity team sa kabilang bahagi ng gym. Habang nagpa-practice ng steps, hindi maiwasang mapatingin si Athena paminsan-minsan sa court. At sa bawat sulyap niya, tila naaaninag niya ang mga mata ni Martin—nakatingin rin. Tahimik. Hindi mapilit. Pero nandoon.
Napakunot ang noo ni Martin habang nakaupo sa gilid ng sofa. Marahang ibinaba niya ang kanyang eyeglass at hindi makapaniwalang tiningnan ang suot ng anak nilang si Martheena. Darna costume. At hindi lang basta Darna—Darna na may two-piece at kapa!There goes his overprotective side again.“Why is she wearing those things?” madiing tanong nito sabay lingon sa kanyang asawa.Napailing si Athena at muntik nang mapatawa. “Why? Isn’t she lovely in that costume?” sagot nito habang pinipigil ang sariling humalakhak sa reaksyon ng asawa.“Nandoon na ako, pero hindi ba parang... kitang-kita naman katawan niya diyan? Kulang sa tela. Wala na bang iba?” balik-tanong niya, halos pabulong ngunit punong-puno ng pag-aalala.“Ha? What do you want her to wear, Bananas in Pajamas?” kantiyaw ni Athena habang tinutulungan si Martheena mag-ayos ng headband.“Athena…” napahilot sa sentido si Martin. Hindi na bago ang ganitong usapan sa kanila, lalo na’t pagdating sa mga anak, lalo na sa kanilang unica hija.
🎵 So as long as I live I’ll love you...Will have and hold you...You look so beautiful in white... 🎵You look so beautiful in white tonight.Sa mismong pagbugso ng musika, bumukas ang pintuan ng simbahan. Mula sa altar ay hindi mapigilan ni Martin ang mapalunok, habang nanatili siyang nakatayo sa gitna ng dambana. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Parang huminto ang mundo sa kanyang paligid. Ang bawat nota ng awitin ay tila ba inukit para sa sandaling ito—para sa kanila ni Athena.Humugot siya ng malalim na hininga, ngunit para bang nabawasan pa ang hangin sa kanyang dibdib nang sa wakas ay lumitaw ang kanyang bride. Nakaputi. Mala-anghel. Ang kanyang pinakamamahal. His dream walking toward him.Athena looked ethereal—serene and luminous. Her veil cascaded like silk water behind her, while her white gown hugged her form in graceful elegance. Pero higit pa sa kagandahan ng suot nito ang kinang ng mga mata ng dalaga—mata na punong-puno ng pag-ibig, pang-unawa, at tiwala. Para bang si
"Love, okay ka na ba? Let's go. Tayo na lang ang naririto. Besides, Martheena is waiting for us," mahinang wika ni Martin habang hinahaplos ang likod ni Athena. Sa likod ng kanyang tinig ay ang pagkabahala at labis na pag-unawa sa bigat na nararamdaman ng kanyang asawa.Hindi agad nakasagot si Athena. Nakatitig lamang siya sa marmol na lapida sa harapan nila, tila binabasa ang bawat letra ng pangalan ni Enzo na nakaukit doon. Kumirot ang puso niya sa alaala ng mga ngiti, tawa, at mga matang minsang naging mundo niya. Bago pa siya tuluyang lamunin ng damdamin, marahan siyang tumango.“Martheena... oo nga pala. Naghihintay ang anak natin,” mahinang bulong niya.Pero bago pa sila tuluyang tumalikod, hinawakan ni Martin ang mga palad ni Athena, saka lumapit sa mismong puntod ni Enzo. Tumigil ito sa harapan ng lapida at huminga nang malalim."Enzo," panimula ni Martin, bahagyang nanginginig ang tinig, "words are not enough para masabi ko ang pasasalamat ko. You saved my wife. You saved the
I guess I'm down, I guess I'm down, I guess I'm down… To my last cry…Tahimik ang paligid ngunit dagundong ang bawat pintig ng puso ng mga nagdadalamhati. Wala mang salita, ramdam sa hangin ang bigat ng pagkawala. Ang mga pag-iyak, mga buntong-hininga, at ang mga matang punô ng luha ay tila musika ng kapighatian sa sementeryong iyon.Hindi mo kayang patahimikin ang puso ng mga nagmamahal. Hindi mo basta-basta malilimutan ang isang taong gaya ni Enzo.You cannot put a good man down—even after his death.His memory lived on in the corners of every heart he had touched. Sa bawat ngiti ng kaibigan, sa bawat abot ng tulong, sa bawat salitang puno ng pag-unawa—Enzo had always been there.Sa loob ng buhay niya, hindi siya naging makasarili. Lagi niyang inuuna ang iba, ang kapakanan ng mga mahal niya. Kahit pa kapalit nito ay sariling ligaya. He loved selflessly. He lived sincerely.But fate, cruel and unrelenting, had its own plans. At sa gitna ng gulo, siya ang naging biktima. Hindi ng
“Aj!”Napapitlag si Athena sa narinig na tinig. Dahan-dahang umikot ang kanyang katawan at nanlaki ang mga mata sa pagkagulat—naroon si Natalie, nakatayo ilang hakbang lamang mula sa kanya, nanginginig ang mga kamay, at may baril na nakaumang sa kanya.Ang lamig ng hangin ng dapit-hapon ay biglaang napalitan ng malamig na pawis sa kanyang batok. Ang paghihintay niya sana sa jeep papuntang San Diego ay nauwi sa isang bangungot na hindi niya kailanman inasahan."N-Natalie... a-anong ibig sabihin nito?" pautal niyang tanong, nanginginig ang boses, habol ang hininga. Hindi niya maigalaw ang katawan sa takot. Parang may humigpit na gapos sa kanyang mga binti.Kaibigan niya si Natalie. Matagal na silang magkaibigan. Siya nga ang ninang ni Sabina. Noon, magka-kamay pa silang umaalalay kay Enzo sa kanyang darkest days. Pero ngayon, ang parehong mga mata ng kaibigan ay puno ng luha—at galit."Inagaw mo siya!" sigaw ni Natalie, basang-basa ng luha ang mga pisngi. "Inagaw mo siya! Homewrecker! An
All her life, she was craving for love and attention.Bata pa lang siya, ramdam na niya na hindi siya katulad ng iba. Habang ang ibang bata ay sabik sa yakap ng ina o hirit ng halik ng ama, siya—wala. Walang Mommy. Walang Daddy. Wala ring yakap. Walang halik. Ang mayroon lang ay malamig na hapunan, tahimik na gabi, at ang paulit-ulit na tanong sa sarili: "Bakit ako iniwan?"Nang mapansin ng kanyang lola ang kakaibang ikinikilos niya—biglaang lungkot, panaka-nakang pagkabaliw sa saya, matinding iyak pagkatapos ng halakhak—dinala siya sa doktor. Diagnosis: Bipolar disorder. May mood swings. May depressive episodes. May hallucinations. May impulse control issues. Pinayuhan sila ng gamot, pero sa huli, iniwan din siya ng mga magulang niya. May sarili na silang pamilya. May sarili na silang mga anak—at hindi siya kasali roon.Naulila siya nang tuluyan nang bawian ng buhay ang kanyang lola. Naiwan siya sa piling ng isang kasambahay na binabayaran lamang para "alagaan" siya. Wala siyang tot