แชร์

Chapter 5

ผู้เขียน: Maui Azucena
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2021-05-05 15:53:54

       "Hi! You looked stunning!" Martin said then kissed her on her cheeks.

       Napangiti naman siya sa binata. "You looked great as well. Pang Mr. Campus talaga."

        "Oops.. wag ganyan Jewel. Marupok ako."

        Natatawang umiling na lamang siya sa sinabi ng kaibigan. 

        Isang musical intro ng "Shape of You' ni Ed Sheeran ang naririnig bilang panimula ng pagrampa ng mga candidates para sa Mr. and Ms. Foundation. Matapos ang unang stanza ng awit ay lumabas ang unang pares upang rumampa suot ang kanilang naggagandahang casual wear. Sandaling naghiwalay ang magkapareha patungo sa magkabilang gilid at muling nagtagpo sa gitnang unahan upang magpakilala.

        Habang nakatayo sa may backstage ay kinakabahang nilinga ni Athena ang paligid. Prente lang namang nakaupo sa kanyang tabi ang kanyang kapareha na si Martin. 

        "Relax. Don't you worry. For me you're still the most beautiful girl." nakangiting pukaw nito sa kanyang atensiyon. 

        Bahagya siyang ngumiti nang alanganin sa kaibigan. 

        "Thank you." 

        Napatingin siya sa hawak na cellphone nang umilaw ito tanda na may pumasok na mensahe.

        Goodluck AJ! I may not be physically present to support you but trust me.. you have it so flaunt it. Bring home the crown dear!I’ll be home tomorrow to treat you. Love Lots - Enzo

        Kagyat na napangiti si Athena. 

        Thanks Enzo. You’ve just made me smile.

        Itinago niya ang cellphone sa pouch na hawak at muling tumingin sa gawi ng entablado. Naramdaman niyang tumayo na ang kanyang katabi.

        "Let's go." Inilahad nito ang palad sa kanya.

       Tumayo na rin siya sapagkat sumenyas na si Ms. Gomez.

        Pumuwesto sila sa may entrada papunta sa entablado. 

        "Inhale, exhale.. This is it." ani Athena sa kanyang sarili. Naramdaman nya ang pagpisil sa kanyang palad ni Martin. Ang ngiti nito ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob.

        Huminga pa siya ng malalim bago muling ihakbang ang mga paa. Naghiwalay sila ni Martin papunta sa magkabilang gilid ang magkapareha bago muling nagtagpo sa gitnang unahan.

        "I believe in being strong when everything seems to be going wrong. Tomorrow is another day for I believe in miracles." aniya habang malaanghel na nakangiti sa madla."Good evening. This is Athena Jewel Arqueza representing the Girl Power of College of Arts and Sciences!"

        "Go Athena!"

        "Best ko yan!"

        "Wiwit!"

        Sabay sabay na wika ng mga kaibigan.

        Parang nabunutan ng tinik ang pakiramdam ni Athena. Inabot naman nya ang mikropono kay Martin.

        "Once a philosopher said, I don't care if you're black, white, straight, bisexual, gay, lesbian, short, tall, fat, skinny, rich or poor. If you're nice to me, I'll be nice to you. Simple as that." ani Martin "I'm Martin De Villa III.. Leading not just to succeed but to make everyone be the best version of themselves! CAS Department on the lead!

        Mas lumakas ang palakpakan maging ang tilian ng mga kababaihan sa paligid. Hindi makakaila ang karisma ng isang Martin De Villa III. 

        Sandali silang nakapahinga ng magbigay ng intermission ang The Voices. Muli niyang tinignan ang kanyang cellphone kung nagreply si Enzo ngunit tanging mga mensahe ng pagbati mula sa iba pa nilang mga kaibigan ang nabasa niya.

        Makatapos ang song number ng The Voices ay sumunod naman ang dance number ng Beatguyz, ang dance troupe ng Campus. 

        Halos katatapos lang niyang magpalit ng sportswear nang mag play ang "Pump It Louder!" ng Black Eye Peas. Hudyat para sa kanilang pagrampa suot ang Sportswear. Mas pinili niyang maging simple sa pamamagitan ng pagsuot ng puting sneakers, puting short at dilaw na spaghetti strap blouse. Naglagay din siya ng cloth yellow wristband.

        Si Martin naman ay nagsuot ng Retro Sportswear. Adidas white shirt na may ribeteng pula sa may gawing kamay at Adidas red short na may side zipper pockets. Tinernuhan naman ito ng Dr. Eagle black and white rubber shoes.

        Agaw pansin ang magkapareha sa nasabing bahagi ng programa. Base sa mga palakpak at hiyawan ay mukhang sila ng paborito ng crowd. Nang dumako naman sa question and answer ay malakas din ang hiyawan at pagtsi cheer sa kanila ng buong CAS Department.

        "Ladies and gentlemen, for their final walk and message before they pass the crown, let us all welcome, the former King and Queen of Batangas Institute and State University, Mr. Dennis Mark Capistrano and Ms. Andrea Christine Falqueza!"        

       Si Dennis Mark Capistrano ay Graduating Engineering Student habang si Andrea Christine Falqueza naman ay 3rd Year BS Nursing student.

       Habang naglalakad nang marahan ang dating Mr. & Ms. BISU ay tumutugtog naman sa background ang Instrumental Song na I Believe I Can Fly. Maririnig din ang mensahe ng dalawa na kasalukuyang magkasamang nakaharap at kumakaway sa madla. Mababakas ang pinaghalong saya at lungkot sa mukha ng dalawa sa pamamaalam sa kanilang mga titulo. Nang nasa kalagitnaan na ng musika ay iginiya na ni Dennis ang kapareha sa kanilang mga upuan.

        "Thanks sa inyo, Dennis and Andrea." wika ng emcee na si Carlito."Both of you made us proud sa mga naging proyekto nyo sa paaralan bilang Mr. and Ms. BISU."

        "Right partner! Kaya naman very confident din kami na ang tatanghaling Mr. and Ms. BISU ngayon ay hihigitan pa ang mga nagawa ng ating former title holders." ani Caroline ang part time DJ at working student mula CTE Department.

        "And now, to announce the winners, let us call on the chairman of the board, Mr. Aniano Magpantay." 

        Umakyat ng entablado ang nasabing chairman at isa isang pinangalanan ang 3rd runner up, 2nd runner up at first runner up. Sabay sabay silang binigyan ng tokens, plaque of appreciation, flowers and sash.

        Pigil ang hiningang hinintay nila ang much - awaited announcement. Sino ang magiging Mr. & Miss BISU?

        'And now, let us call on once again Mr. Dennis Mark Capistrano ang Ms. Andrea Christine Falqueza to put on the crown to whoever will be announced as the winner."

        Malakas na sigawan at dagundong likha ng mga supporters ng bawat candidates ang maririnig sa buong gymnasium. Halos hindi na marinig at maintindihan ni Athena ang sinasabi ng mga emcee. Napagtanto na lamang niya na silang dalawa ni Martin ang nagwagi nang kapwa sila lapitan ng former Mr. & Ms. BISU.

        "Yes! We did it," she said to her partner Martin.

        "No doubt you will have the crown." 

    

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Epilogue

    Napakunot ang noo ni Martin at madahang ibinaba ang kanyang eyeglass nang makita ang suot ng anak na si Martheena. Isa itong Darna costume. There goes his overprotective side again. “Why is she wearing those things?” madiing sabi nito at lumingon sa asawa. Natatawa naman na sumagot ito sa kanya. “Why? Isn’t she lovely in that costume?” “Nandoon na ako pero hindi ba parang kitang kita naman katawan niya diyan? Kulang sa tela. Wala na bang iba?” Balik tanong niya kay Athena. “What do you want her to wear, Bananas in pajamas?” kantiyaw nito sa kanya. &nb

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 43

    So as long as I live I'll love youWill have and hold youYou look so beautiful in whiteAnd from now to my very last breathThis day I'll cherishYou look so beautiful in whiteTonight You look so beautiful in white tonight. Kaagad niyang nahigit ang hininga ng bumungad sa pinto ng simbahan ang kanyang pinakahihintay na bride. She looks stunning and breathtakingly beautiful in her white gown. Her innocence, her smile, her eyes reflecting love and admiration for him. Well, the feeling is mutual. As she walks in the aisle, he remembers the day when he first saw her. She was just seventeen then claiming the wallet she lost. He barely had sleep then. He find ways para mapalapit dito and lucky him, nagkasama pa sila bilang SSG Officers. Masakit knowing she’s eyeing someone. Matagal din siyang na friend zone pero okay lang naman sa kanya since masaya na rin siya just to be with

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 42

    "Love, okay ka na ba. Let's go. Tayo na lang ang naririto. Besides, Martheena is waiting for us." ani Martin sa kanya na kanina pa tahimik na nakaalalay sa kanya. Marahan siyang tumango nang maalala ang anak na naghihintay sa kanilang pag - uwi. Bago sila tuluyang umalis ay mahinang nagsalita si Martin. Ginagap nito ang kanyang mga palad habang nakatingin sa puntod ng kaibigan. "Enzo, words are not enough para masabi ko ang pasasalamat ko. You saved my wife. You saved the love of my life, mother of my child. For that, isa kang bayani para sa akin. We never had this chance to meet each other. Pero I know you're a good person. Thanks for loving our dear Jewel so much. Hinihingi ko sa iyo ang iyong basbas at paggabay sa aming pagsasama. Rest assured na mamahalin ko nang buong - buo hindi ko man ma

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 41

    I guess I'm down,I guess I'm down,I guess I'm down...To my last cry... You cannot put a good man down even after his death. Memories of him stay in the minds and hearts of people who have known him even only for quite a while. All his journey in life, he showed nothing but goodness towards other people. Kahit ang naging kapalit ay sariling kaligayahan. He's been a victim of fate. A victim of selfish love. "Mac, ang anak mo! Bakit?" ang atungal ng ina ni Enzo. Hilam din sa luhang hinahaplos ni Tito Mac ang likod ni Tita Lyn. Enzo's parents Lyn and Mac cried a river for they lost their only child at his very young age while hugging Sabina. A promising businessman at napakabuting anak. Anuman ang sabihin nila ay sinusunod nito maging ang pagpapaka

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 40

    "Aj!" Sindak ang unang rumehistro sa isip ni Athena nang makita si Natalie sa kanyang harapan habang nakaumang ang hawak nitong baril sa kanya. Naghihintay na sana siya ng masasakyan papunta ng San Diego nang bigla itong sumulpot mula sa kung saan. "N-natalie.. a-anong ibig sabihin nito?" matindi ang takot na tanong niya sa kaibigan. Naging malapit sila sa isa't isa matapos itong ikasal at hawakan pa niya sa binyag ang anak ng mga itong si Sabina. Anong nangyari? Bakit nakaumang ang baril nito sa kanya? May nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan? Nakainom ba ito? Nakadrugs ba ito? Ano? "Inagaw mo siya! Inagaw mo siya! Homewrecker! Ano bang meron ka at hindi ka mawala sa puso't isip niya? Kung hindi dahil sa'yo.. masaya na sana kami." hilam sa luhang sigaw ni Natalie. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kany

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 39

    All her life, she's craving for love and attention.Sa murang edad ay napansin ng mga magulang ang kakaibang ikinikilos niya. They went on consultations and medications. Ayon sa diagnoses ng mga doctors na tumingin sa kanya, she had this bipolar/mental disorder. She came from a broken family.Mula nang maghiwalay ang mga magulang ay nagkanya - kanya na ang mga ito ng buhay at kanya - kanyang pamilya. Mula pa pagkabata niya, hindi niya naranasang magkaroon ng masayang pamilya at experiences. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola. Nang sumakabilang - buhay ang kanyang lola, tanging ang taga - pag alaga lang ang naging kasa - kasama niya. She then started to fabricate lies just to get the attention of her parents, either of her dad or her mom. Maging ng ibang mga tao sa paligid niya. From simple lies na hanggang maglaon ay lumala na nang lumalala. Fishing for

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status