"Hi!" kaliwa't kanang pagbati ng mga kaklase at kakilala niya sa CAS Department.
"Hi, hello!" ganting pagbati niya sa mga ito.
Dahil unang araw ng weeklong celebration ng Foundation ng university, halos lahat ng mga estudyante mula sa iba’t ibang departamento ay busy at aktibo sa iba’t ibang exhibit na kanilang inihanda. Mayroon ding iba’t ibang booth na iniorganisa ng mga SSG Officers. Hindi naman masyadong abala sina Athena at Martin sapagkat sila ang napiling representative ng kanilang departamento para sa Mr. & Ms CAS. Magkagayunman ay mabusisi pa ring binibisita ni Martin ang mga kasamahang opisyal. Sinisigurado nitong magiging maayos ang takbo ng lahat. That's one thing kung bakit marami ang tumitingala sa kanyang kaibigan. Napaka maasikaso at responsable nito sa mga bagay - bagay.
“Athena, kanina ka pa raw hinahanap ni Mam Sheena!” tawag ni Miles sa kanya sa dedication booth na kasalukuyan nilang inaayos. Dahil mamaya pa ang alam niyang call time para sa last orientation sa kanila para sa gaganaping Mr. & Ms. Foundation sa huling araw ng selebrasyon ay minabuti niyang tumulong muna.
Kumunot ang noong nagtanong siya sa kaibigan. “Bakit kaya, mamaya pang 10 am ang alam kong call time namin eh.”
“May fitting daw kayo ng gowns sa CAS 101. Nandoon na rin ang handler mo, si Ms. Jomarie." Naging kaibigan niya ito nang minsan siyang makapagpaayos dito. At dahil Prof. naman ng CAS si Ms. Sheena Gomez kung kaya’t sa CAS na rin ito nagtalaga ng fitting room.
Tumango siya sa kaibigan. “Sige, pupunta na lang ako. Maiwan ko muna kayo diyan ha. Ipagpatuloy ninyo na lang ang ating ginagawa.”
Nagpaalam na si Athena sa kanila upang pumunta sa CAS 101. Nadatnan niya doon sina Ms. Gomez, si Ms. Jom, ang designer na si Ms. Ellainevi at ang mga kandidata ng Foundation na kasalukuyang abala sa pag –iinspect sa kani – kanilang gown na obra ng nasabing designer.
“Oh Hi Athena!” Why don’t you inspect and fit you gown para in case kailangan ng adjustment ay magawan ng paraan until Wednesday?” habang itinuturo sa akin ang nag – iisang gown sa table nito. Kinuha ni Ms. Jomarie ang nasabing gown at sinamahan siya nito. Pumasok sa improvised cloth divider doon upang magfit ng kanyang gown. Kulay red iyon na lalong nagpalitaw sa kanyang maputing kutis. Maganda naman ang pagkakalapat sa kanya ng nasabing gown.
"Ok ba ang fit sa'yo ng gown?" anang boses ni Ms. Jomarie. Bahagya niyang hinawi ang kurtina upang ipakita rito ang suot na gown.
"What can you say, Ms. Jom?" tanong pa niya habang umikot ikot.
"Wow.. you look great!" humahangang sambit ng kanyang handler. "Talbog sila sa iyo Athena."
"Sinabi mo eh.." nangingiting tugon niya. Kaibigan niya nga ito. Ika nga, patronize your own.
Muli niyang hinubad ang nasabing gown at nagpalit na muli ng jeans and shirt. Maingat niyang ibinalik ang gown sa paper bag nito.
"Thanks po Mam, Ms, Jom and Ms. Ellainevi. I'll go ahead na po."
"Sige na Athena. You may go."
Nang makapagpaalam Kay Ms. Gomez. Ms. Jomarie at Ms. Ellainevi ay nauna na siya sa mga kasamahang kandidata na lumabas. Babalik na sana siya sa ginagawang dedication booth kung saan si Jerson at Jim ang magsisilbing DJs ay nagulat na lamang siya nang hawakan ng isang lalaki at isang babae na nakasuot ng signature shirt ng kanilang department.
"Sorry Ms. pero kailangan nyo pong sumama sa amin." hinging - paumanhin sa kanya ng lalaki.
“Wait, ano ito?” manghang tanong niya sa mga ito.
Pinosasan siya ng mga ito habang iginigiya sa direksiyon ng marriage booth.
“Ikakasal lang naman po kayo sa marriage booth. Nag iintay na po doon ang inyong groom.” Kinikilig na sabi ng babaeng nakahawak sa kanya.
“Ano! Hindi ba puwedeng iba na lang? Marami akong ginagawa eh.” Pangungumbinsi pa niya.
“Wala na pong urungan. Malapit na po tayo eh” anang lalaking nagposas sa kanya.
Nagulat si Athena nang makita ang lalaking nakaposas din sa kanyang harapan.
“What a coincidence! I like this.” Nakangiting wika ni Martin.
"Whatever Martin. Marami - rami pa tayong kailangang ayusin sa booth."
"This won't take long. Just go with the flow."
May ibinigay na plastic ring mistulang laruan lang ng mga bata ang pari sa kanilang dalawa. Gaya ng sabi ni Martin, nakisama na lang siya sa agos nang matapos na agad at makabalik na sa pupuntahan. Wari’y kinikilig naman ang photographer maging ang ibang manonood nang mahagip ng tingin niya si Miles na nasa tabi ng Marriage Booth Organizer. Pinandilatan niya ito ng tingin. Umiwas naman ito ng tingin. Nang matapos ang kasal kasalan ay tinanggal na rin sa wakas ang kani – kanilang posas.
Nagpaalam na rin siya sa organizer at staffs maging kay Martin.
“Sigurado ka bang wala kang kinakalaman doon?” pinaningkitan niya ng mata si Miles at sinusuri kung magsasabi ito ng totoo.
“Wala, I swear, pinky swear!” matigas na tanggi ni Miles.
“Hope to die?”nananantiyang sabi ni Athena.
“Ah eh mauna na ako..” halos karipas na nitong tinungo ang dedication booth.
“Miles!”
Sinabi na eh. Tamang hula lang!
Napakunot ang noo ni Martin at madahang ibinaba ang kanyang eyeglass nang makita ang suot ng anak na si Martheena. Isa itong Darna costume. There goes his overprotective side again. “Why is she wearing those things?” madiing sabi nito at lumingon sa asawa. Natatawa naman na sumagot ito sa kanya. “Why? Isn’t she lovely in that costume?” “Nandoon na ako pero hindi ba parang kitang kita naman katawan niya diyan? Kulang sa tela. Wala na bang iba?” Balik tanong niya kay Athena. “What do you want her to wear, Bananas in pajamas?” kantiyaw nito sa kanya. &nb
So as long as I live I'll love youWill have and hold youYou look so beautiful in whiteAnd from now to my very last breathThis day I'll cherishYou look so beautiful in whiteTonight You look so beautiful in white tonight. Kaagad niyang nahigit ang hininga ng bumungad sa pinto ng simbahan ang kanyang pinakahihintay na bride. She looks stunning and breathtakingly beautiful in her white gown. Her innocence, her smile, her eyes reflecting love and admiration for him. Well, the feeling is mutual. As she walks in the aisle, he remembers the day when he first saw her. She was just seventeen then claiming the wallet she lost. He barely had sleep then. He find ways para mapalapit dito and lucky him, nagkasama pa sila bilang SSG Officers. Masakit knowing she’s eyeing someone. Matagal din siyang na friend zone pero okay lang naman sa kanya since masaya na rin siya just to be with
"Love, okay ka na ba. Let's go. Tayo na lang ang naririto. Besides, Martheena is waiting for us." ani Martin sa kanya na kanina pa tahimik na nakaalalay sa kanya. Marahan siyang tumango nang maalala ang anak na naghihintay sa kanilang pag - uwi. Bago sila tuluyang umalis ay mahinang nagsalita si Martin. Ginagap nito ang kanyang mga palad habang nakatingin sa puntod ng kaibigan. "Enzo, words are not enough para masabi ko ang pasasalamat ko. You saved my wife. You saved the love of my life, mother of my child. For that, isa kang bayani para sa akin. We never had this chance to meet each other. Pero I know you're a good person. Thanks for loving our dear Jewel so much. Hinihingi ko sa iyo ang iyong basbas at paggabay sa aming pagsasama. Rest assured na mamahalin ko nang buong - buo hindi ko man ma
I guess I'm down,I guess I'm down,I guess I'm down...To my last cry... You cannot put a good man down even after his death. Memories of him stay in the minds and hearts of people who have known him even only for quite a while. All his journey in life, he showed nothing but goodness towards other people. Kahit ang naging kapalit ay sariling kaligayahan. He's been a victim of fate. A victim of selfish love. "Mac, ang anak mo! Bakit?" ang atungal ng ina ni Enzo. Hilam din sa luhang hinahaplos ni Tito Mac ang likod ni Tita Lyn. Enzo's parents Lyn and Mac cried a river for they lost their only child at his very young age while hugging Sabina. A promising businessman at napakabuting anak. Anuman ang sabihin nila ay sinusunod nito maging ang pagpapaka
"Aj!" Sindak ang unang rumehistro sa isip ni Athena nang makita si Natalie sa kanyang harapan habang nakaumang ang hawak nitong baril sa kanya. Naghihintay na sana siya ng masasakyan papunta ng San Diego nang bigla itong sumulpot mula sa kung saan. "N-natalie.. a-anong ibig sabihin nito?" matindi ang takot na tanong niya sa kaibigan. Naging malapit sila sa isa't isa matapos itong ikasal at hawakan pa niya sa binyag ang anak ng mga itong si Sabina. Anong nangyari? Bakit nakaumang ang baril nito sa kanya? May nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan? Nakainom ba ito? Nakadrugs ba ito? Ano? "Inagaw mo siya! Inagaw mo siya! Homewrecker! Ano bang meron ka at hindi ka mawala sa puso't isip niya? Kung hindi dahil sa'yo.. masaya na sana kami." hilam sa luhang sigaw ni Natalie. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kany
All her life, she's craving for love and attention.Sa murang edad ay napansin ng mga magulang ang kakaibang ikinikilos niya. They went on consultations and medications. Ayon sa diagnoses ng mga doctors na tumingin sa kanya, she had this bipolar/mental disorder. She came from a broken family.Mula nang maghiwalay ang mga magulang ay nagkanya - kanya na ang mga ito ng buhay at kanya - kanyang pamilya. Mula pa pagkabata niya, hindi niya naranasang magkaroon ng masayang pamilya at experiences. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola. Nang sumakabilang - buhay ang kanyang lola, tanging ang taga - pag alaga lang ang naging kasa - kasama niya. She then started to fabricate lies just to get the attention of her parents, either of her dad or her mom. Maging ng ibang mga tao sa paligid niya. From simple lies na hanggang maglaon ay lumala na nang lumalala. Fishing for